Chapter 22
MARGARITA
"GARNET, uuwi na tayo."
Pagkatapos nang mangyaring halikan sa amin ni Aqua ay bigla akong natauhan at naguluhan. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin, sobra na akong naguguluhan sa lahat ng bagay at naguguluhan ako kung ano ba ang mayroon sa'min ni Aqua.
Sinasabi ng isip ko na hindi ko siya kilala at stranger lang siya, pero ang sinasabi naman ng puso ko ay kilala ko siya at mahalagang parte siya ng nakaraan ko.
"Po? Hindi pa nga umiinit yung puwitan ko dito ih! Hindi ko pa rin nahahawakan yung computer!" reklamo nito. "Mommy, mamaya na po."
"Uuwi na tayo!" madiing sabi ko dito. "Tara na,"
Umiling ito. "Ayaw po."
"Oo nga po, mamaya na po. Ngayon na nga lang po kami nagkasundo eh," sabad ni Margareth. "May problema po ba? Inaway kaba ni Daddy?"
"Hindi kami nag away." Mabilis akong napaurong nang sumulpot si Aqua sa gilid ko. "Sige na maglaro na kayo, kakausapin ko lang siya."
Bago pa ako makapagsalita ay hinila na ako ni Aqua paalis doon.
"Sorry for what I did," sincere na sabi nito. "Kung galit ka, tatanggapin ko yun. Sorry for disrespecting you." Hindi ako kumibo. "I shouldn't kissed you because you don't know me, I'm sorry."
"Sino kaba?" Tinitigan ko ito ng seryoso. "Sino ka sa buhay ko? Kilala ba kita? Anong ugnayan natin dati?"
"I know you will find it soon." Tipid itong ngumiti. "Ayokong ma-pressure ka at ayokong isipin mo ang bagay na yun kapag sinabi ko."
"Gulong gulo na ako," mahinang sabi ko. "Ang hirap na wala akong maalala, daig ko pa ang isang taong naligaw ng landas at isang sanggol na walang kamuwang muwang."
Hinila nito ang kamay ko at ikinulong ako sa kaniyang bisig. Napapikit na lang ako at dinama ang kaniyang yakap.
"AQUA!" Napahiwalay kami sa isa't isa nang may marinig kaming sigaw. Sigaw ng isang babae. "Aqua!?"
Mula sa pinto ay may pumasok na isang babaeng matangkad. Maputi ito at maikli ang buhok.
"Rita!" Sinalubong ito ni Aqua. "Akala ko ba bukas pa ang punta mo?"
"Idadaan ko lang itong mango pie kay Margareth." May itinaas itong plastic. "Nasaan ba si Margareth?"
"Nasa playroom," sagot dito ni Aqua. "Nakikipaglaro."
Tumango tango ito. Bumaling ang tingin nito sa'kin. "Who is she?"
Eh ikaw? Sino kaba?
"She's Margarita," sagot ni Aqua.
Napa 'ohh' naman itong Rita bago tumango tango. Anong reaksiyon yun? Kilala niya ako?
"Sige na, nagmamadali din ako." Inabot nito ang plastic kay Aqua. "Pakibigay na lang yan kay Margareth." Binalingan ako nito ng tingin. "Bye, Margarita."
Tuluyan na itong umalis.
"Sino yun?" pang uusisa ko kay Aqua. "Yun ba yung Mama ni Margareth?"
Tumango ito. "Siya ang kinikilalang Mama ni Margareth. By the way she's my cousin, don't be jealous."
"Sino naman may sabing nagseselos ako?" kunot noong tanong ko dito. "Lakas mong mangarap ah?"
Natawa lang ito bago ako lapitan. Umakbay ito sa'kin. "Tara, puntahan na natin ang mga bata."
Nagtungo kami sa playroom. Nadatnan namin yung dalawang bata na nakatutok sa computer habang tahimik at seryosong naglalaro ng kung ano.
"Margareth," tawag ni Aqua sa Anak. "Dumaan si Mama mo, may mango pie siyang pinadala sa'yo."
Otomatikong binitawan nito ang computer at agad tumakbo palapit kay Aqua.
"Daddy, bakit hindi mo ako tinawag po?" Kinuha nito ang plastic sa Ama niya. "Kailan daw siya balik po?"
"Bukas," tugon ni Aqua.
Tumango lang ito bago bumalik sa tabi ni Garnet. Binuksan nito yung mango pie at kinagatan bago alukin si Garnet na agad namang kumagat din.
"Magkakasundo din pala sila 'no?" mahinang tanong ko kay Aqua. "Ang sarap nilang tingnan 'no? Para silang magkapatid, para silang kambal." Nilingon ko si Aqua. "Paano kung ikaw yung Daddy ni Garnet?"
Nagkibit balikat lang ito.
Mga alas nuwebe ay tumayo na si Garnet at lumapit sa'kin. Nagkukusot na ito ng mata, halatang inaantok na.
"Uwi na tayo?" tanong ko dito. "Antok na antok kana oh."
Tumango lang ito at yumakap sa'kin.
"Dito na lang kaya kayo matulog," sabi ni Aqua dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Kung gusto mo lang."
Umiling ako. "Uuwi kami. May hika rin kasi si Garnet, baka sumpungin siya kaya kailangan niya rin yung nebulizer niya."
Tumango naman ito. "Hatid na namin kayo."
"Magpapasundo na lang ako." Nginuso ko si Margareth na pipikit pikit na rin. "Inaantok na din si Margareth eh."
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon at tinawagan yung driver namin para magpasundo dito kila Aqua.
"Papunta na daw," sabi ko kay Aqua, na tumango lang.
"Tita." Lumapit sa'kin si Margareth. "Antok na ako po."
"Halika dito." Ibinuka ko yung isang kamay ko.
Kumandong din ito paharap sa'kin at yumakap. Ngayon ay dalawa na sila sa bisig ko. Si Garnet at Margareth.
"Hindi kaba nahihirapan?" tanong ni Aqua.
Umiling ako. "I enjoy it."
Parang may kung anong humahaplos na malambot na bagay sa aking dibdib habang dinadama ang katawan nang dalawang batang tulog sa aking bisig.
Pakiramdam ko mas lalong sumaya ang nararamdaman ko bilang Ina.
"Why are you crying?" Nagtaka ako sa sinabi ni Aqua. "You're crying, babe."
Umupo ito sa harap ko at sinapo ang pisngi ko. Doon ko lang naramdaman na basa ang pisngi ko at umiiyak na ako.
"Hindi ko alam." Natatawang umiling ako. "Ewan ko. Basta pakiramdam ko buo ang pagkatao ko ngayon, parang wala ng kulang sa'kin."
Natatawang lumapit ito sa'kin. Napapikit na lamang ako nang halikan niya ako sa aking noo.
"I'm happy because you're happy," pabulong nitong sambit sa'kin. "I love you so much, Margarita. Mahal na mahal ko kayo."
"A-anong sinasabi mo?" utal kong tanong dito.
"I-It's for Margareth," utal nitong sagot. "I said, I love you Margareth."
Tumango na lang ako. Torpe.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro