Chapter 21
MARGARITA
"TITA, look mo po yung mag ama na yun. Ang pogi po nila." Napatingin ako sa nginunguso ni Margareth. "Ang pogi nung Anak nung lalaki hihihi."
Oo nga, pogi nga. Yung Tatay naman nito ay guwapo din, halatang may lahi.
"Hi." Pareho kaming napaayos nang lumapit ito sa'min. "Ano bang masarap na alak para sa celebration?"
"For celebration po, usually puro mga wine po. Pero if may mga inuman, I recommend scotch po." Napatango tango ito. "Pero depende pa rin po yan sa panlasa ng bibili."
"Zyrus." Binalingan nito nang tingin ang Anak niya. "What do you think?"
Kibit balikat lang ang isinagot nito.
"Ang pogi din ng name niya!" mahinang tili ni Margareth. "Sa tingin ko bagay kami."
Napahagikhik na lang ako at nakipag-apir sa kaniya. Pero sabay kaming natigilan nang may tumikhim.
Napatingin kami kay Aqua na katabi si Garnet. Parehas naka-cross arm ang dalawa habang parehong nakataas ang isang kilay nila.
Magkamukha talaga eh.
"Uhm, isang rice wine na lang." Nabaling ulit ang atensiyon ko doon sa mag amang pogi. "Isang Grapes wine din and isang rum."
Akmang lalabas na ako ng counter para kuhanin yung mga alak. Pero natigilan ako nang may maglapag ng mga biniling alak nitong si Pogi sa counter.
Si Aqua.
Kinuha ko naman iyon at sinimulan ng ibalot.
"Fifteen thousand po," sabi ko dito sa customer.
Agad naman itong nagbayad. "Thank you."
"Thank you din po."
Ngumiti ito bago umalis kasama yung Anak niya.
Muling bumaling ang tingin ko kay Garnet at Aqua. Naka-cross arm ang mga ito habang masama ang tingin sa'kin-sa'min ni Margareth.
"Anong problema niyo?" takang tanong ko.
"Nababaliw na po ata sila," sabi ni Margareth.
Umirap lang yung dalawa at padabog kaming tinalikuran. Nagkatinginan naman kami ni Margareth at parehas nagkibit balikat na lang.
Lumipas ang oras hanggang sa gabi na. Kila Aqua kami didiretso for dinner. Tumawag na din ako kila Mommy kanina at pumayag naman sila.
"Get in," malamig na sabi ni Aqua.
Sumakay naman kami ni Margareth sa backseat. Si Garnet ay nasa front seat at hindi pa rin ako pinapansin.
Problema ng dalawang 'to?
"Ano bang problema niya?" takang tanong ko. "Kanina pa kayo."
Hindi kumibo yung dalawa kaya napasimangot ako.
"Ede wag! Bahala kayo!" inis kong sabi at binalingan si Margareth. "Gawa rin tayong sariling mundo natin."
Buong biyahe ay tahimik lang kaming lahat, hanggang sa huminto ang sasakyan sa isang pulang gate.
Bumaba si Aqua buhat si Garnet kaya bumaba na lang din kami ni Margareth.
"Ito po ang house namin ni Daddy," sabi sa'kin ni Margareth. "Tara po."
Hinila ako papasok ni Margareth sa loob. Bumungad sa'kin ang isang garden na may playground sa gilid. Mayroon ding medyo malaking pool.
Hindi ko maiwasang mapamanga nang makapasok ako sa loob. Walang second floor yun bahay pero maganda at maluwag.
"Kami lang ni Daddy ang nakatira dito," sabi sa'kin ni Margareth. "Pero minsan dito natutulog si Mama."
"Mama?" takang tanong ko.
"Opo." Tumango ito. "May mga on call maids din kami po. Ngayon ay nasa kusina sila at nagluluto ng dinner natin."
May asawa pala siya tapos kinukulit pa ako. Baka kung anong isipin ng Asawa ni Aqua.
"Sir, handa na po yung pagkain." May biglang lumitaw na isang may katandaang babae. "Nakahanda na rin ho lahat."
"Sige," tugon lang dito ni Aqua.
Tumango lang ito bago muling pumasok sa isang silid, na sa tingin ko ay kusina.
"Tita, magpapalit lang po ako ng damit." Tinanguan ko lang ito.
Pumasok ito sa isang pinto. Ako naman ay umupo sa tabi ni Garnet na kanina pa tahimik.
"Anong problema mo?" tanong ko dito pero hindi ito kumibo. "Garnet."
"Mommy, naiinis po ako." Nakangusong tumingin ito sa'kin. "Pa'no, nagpapa-cute ka kanina doon sa lalaki na may kasamang Anak!"
"Kaya ka ba nagmumukmok?" Tumango ito. "Anak, hindi naman ako nagpapa-cute. Napopogian lang ako doon."
"Saan kaya banda yung guwapo nun?" dinig kong bulong ni Aqua na nasa gilid kona. "Bulag ata 'to."
Napairap na lang ako at hindi siya pinansin. "Wag ka nang magtampo, okay? Hindi kita ipagpapalit."
"Psh!" dinig kong singhal ni Aqua.
"Ano bang problema mo!?" inis kong tanong dito. "Kanina kapa!"
"Doon sa lalaki kanina ang hinhin mo! Tapos kapag ako lagi kang galit! Tinataboy mo pa ako!" inis na sabi nito. "Akala mo naman hindi siya patay na patay sa'kin dati."
"Kasi customer siya!" Napairap ako. "Anong gusto mo? Murahin ko siya?"
"Customer din naman ako ah!?" Lalong sumimangot ang mukha nito.
"Anong pinaglalaban mo?" takang tanong ko dito. "Wag mo akong artehan diyan."
"Tsk!" Padabog itong umayos nang tayo. "Tara na, kakain na tayo!"
Padabog itong naglakad paalis. Ang arte.
"Tita, kain na po tayo." Si Margareth. "Tara na po."
Hinawakan ko naman ito sa kamay. Hinawakan ko din sa kamay si Garnet bago kami magtungo sa dining nila. Nadatnan namin doon si Aqua na apura bulong.
Kinukulam na ata ako nito.
Naupo na kami at nagsimulang kumain.
"Kain nang kain," malambing kong sabi sa dalawang bata. "Damihan niyo ang gulay para meron kayong energy."
"Kain ka din ng gulay." Naglagay ng gulay sa plato ko si Aqua. "You need energy."
"Para saan?" takang tanong ko.
Ngumisi lang ito. Sure akong may masamang binabalak ang gagong 'to.
"Tita Margareth, may game room po ako dito. Puwede po tayong maglaro?" tanong ni Margareth.
"Oo naman," sagot ko dito. "Pwede mo rin kalaro si Garnet, mahilig din sa mga laruan yan."
"May mga computer ka din?" tanong dito ni Garnet.
"Yes, regalo sa'kin nila Lola ko. Maraming games din doon," tugon dito ni Margareth.
Ito, sure na ako. Feeling ko magkakasundo na sila.
Nang matapos kaming kumain ay agad nagtungo yung dalawa sa game room. Akmang susunod ako pero natigilan ako nang bigla akong hilahin ni Aqua.
"Ano ba!?" inis kong tanong dito.
Dinala ako nito sa isang kuwarto na may pulang ilaw. May iba't ibang kagamitan doon na napapanood ko sa TV. Mga kagamitan na ginagamit ng mga magkasintahang gumagawa ng milagro.
"You make me feel jealous earlier," malalim ang boses na sabi nito. "Margarita, selos na selos ako sa pangit na lalaking yun!"
Parang may kung anong init na nabuhay sa kalooban ko nang hapitin nito ang beywang ko.
"Aqua." Napahawak ako sa matigas nitong dibdib. "Ialis mo ako dito."
"Yes, babe." Naramdaman ko ang labi nito sa akin leeg. "Wala akong gagawin sa'yo." Naramdaman ko ang kamay nito na humahaplos sa beywang ko. "Sa oras na maalala mo ang lahat, asahan mong hindi kita tatantanan. You will taste the real heaven, Margarita."
Umakyat ang kamay nito sa mukha ko. Hinawakan nito ang baba ko at pinaharap ako sa kaniya.
"Magkakilala ba tayo?" halos pabulong kong tanong dito.
Hindi ito sumagot. Sa halip ay inangkin niya lang ang aking labi. Akmang tutugon ako pero humiwalay na ito.
"You will know soon, babe."
"Bitin." Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Isa pa."
"Anong isa pa?" mapanuksong tanong nito. "You want my kiss?"
Nahihiyang tumango ako.
"Next time." Natatawang lumayo ito sa'kin. "Tara na sa labas, baka hinahanap na tayo ng mga bata."
Inis ko siyang tinulak at naunang lumabas. Halik lang napakadamot!
"Hey, why are you mad?" dinig kong tanong nito. "Margarita."
Hinila ako nito at sa isang iglap ay magkatagpo na ang labi namin.
Kusang kumabog ang dibdib ko kasabay nang pagpasok ng iba't ibang imahe sa isipan ko.
Mga imahe kung saan kasama ko si Aqua, mga imahe kung saan masaya kaming dalawa.
Sino kaba talaga sa buhay ko, Aqua?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro