Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9

AYA

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha galing sa bintana. Mag uunat na sana ako ng maramdaman kong may mabigat na nakadagan sa sa bewang ko.

Agad akong napamulat at otomatikong bumilog ang aking mga mata kasabay ng pag awang ng labi ko nang makita si Yves sa tabi na natutulog habang yakap ako.

"Oh, my God. I really did it?" Sinilip ko ang ilalim ng kumot at napakagat labi n alang dahil totoo ang nangyari kagabi at hindi panaginip ko lang.

Biglang gumalaw si Yves kaya natigilan ako. Napatingin ako sa kaniya akala ko ay gising na ngunit nakapikit parin ito at mahimbing na natutulog.

Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha. Nahuli ko na lang ang sarili kong nakangiti habang tinititigan siya.

I raised my finger and I traced his Eybrows, his nose but I stopped as I landed my gaze on his lips. Napalunok ako ng maalala ang nangyari ka gabi. That was my first time but I'm glad na kay Yves ko binigay ang sarili ko bago man ako ibigay ng tita ko sa taong gusto niyang ipakasal sa akin kapalit
ng pag laya ni Ate Julie at ang kalayaan ng ng mga kapatid ko sa kamay niya.

Yves is a nice guy. I can stop myself from
smiling nang maalala ko ang unang pagkikita namin doon sa Sydney. Bigla ko na lang siya hinila at hinalikan. Gusto ko pa sana siyang makilala pa pero mukhang malabo na. Sa oras na umalis ako
rito ngayon ay mag hihiwalay na rin ang landas naming dalawa.

Huminga ako ng malalim bago ko dahan-dahan na inalis ang braso niyang nakayakap sa akin at dahan-dahang tumayo sa kama.

Napangiwi ako ng maramdaman ang hapdi ng ilalim ko. "Ganito pala kasakit pag napunit na," bulong ko sa sarili habang pinupulot ang mga damit ko sa sahig.

Pagtapos kong mag bihis ay muli kong tinapunan ng tingin si Yves na mahimbing pa rin na natutulog sa kama na ngayon ay unan na ang kayakap.

"Bye, Yves. Thank you for the wonderful night," bulong ko at nginitian siya ng mapait bago ako lumabas ng k'warto.

Agad akong dumeretso sa bahay ng makatanggap ako ng tawag mula kay Jaxon na nakauwi na si Ate Julie.
Pag dating ko ay agad kong sinalubong ng yakap si Ate Julie ng makita ko itong nakaupo sa sala. "Salamat naman at nakalabas ka na," natutuwang sambit ko.

"May ginawa ka 'no?" Kumalas ito sa
pagkakayakap ko at hinarap ako. Hindi ko nakikita sa mukha niya ang kasiyahan ng tignan niya ako.

"Ate..."

"My lawyer said na inatras ng tita mo ang kaso laban sa akin, at hindi ako naniniwala na gano'n niya lang kadaling i-atras 'yon kung wala kang ginawa."

Biglang pinatay ni Jaxon ang TV kaya napalingon kami sa kaniya.

Sa taas lang ako para makapag usap kayo," anito at malungkot akong nginitian bago umalis.

"Aya, sagutin mo ang tanong ko. Nakipag-sundo ka ba sa tita mo?"

Napayuko akonat dahan-dahan kong itinango ang ulo ko. Ayokong mag sinungaling kay Ate Julie dahil malalaman niya rin naman 'yon.

"Anong kapalit?" malamig na tanong niya.
Nanatili lang akong nakayuko at hindi nag salita dahil alam kong magagalit siya.

"Aya, I'm asking you. Ano ang kapalit?" matigas niyang tanong kaya napakagat labi ako. "Alam kong hindi simple ang kapalit ng paglaya kong 'to Aya, kaya sagutin mo ako. "

"Ako, ako po ang kapalit." Napakuyom ang mga kamao ko kasabay ng pag bagsak ng mga luha ko.

"I'm sorry, Ate. Ito lang ang m-magagawa ko para makalabas ka roon at maging malaya na rin ang mga k-kapatid ko," saad ko habang humihikbi.

"Ipapakasal ako ni tita k-kapalit ng pag laya mo at at paglaya rin ng mga kapatid ko sa k-kamay niya." Patuloy lang ako iyak. Kahit saang anggulo ay wala na akong makitang paraan para tumigil na si tita. Ito lang ang naiisip kong paraan.
"Look at me," malamig nitong utos.
Alam kong galit siya pero disidido ako sa naging desisyon ko.

"I said, look at me." Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at nagulat ako ng makita ang mga luha niyang bumabagsak.

"Aya..." Bigla niya akong niyakap.
Hindi ko napigilan ang sarili kong mapahagulgol. Binaon ko ang mukha ko sa balikat niya habang hinahagod-hagod niya ang aking likod.

"Napakaswerte ng mga kapatid mo sa 'yo. You choose to be miserable for them to be free," anito habang umiiyak.

"Ako na lang ang p-pamilya nila ate...
kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila," humihikbing turan ko.

"I'm sure that your mom and dad are so proud of you."
She faced me and cupped my face. "You're so brave and I'm so proud of you too," anito habang patuloy parin ang pag bagsak ng mga luha niya.

'Ate, p'wede ba ako akong humingi ng pabor? Kakapalan ko na po ang mukha ko kahit marami na akong utang na loob sa 'yo."

Pinahid niya ang mga luha niya sinimangutan ako. "Ano ka ba Aya. Kalimutan mo na 'yang mga utang na loob na iyan dahil wala ka namang utang na loob sa akin. Pamilya tayo hindi ba?"

Napakagat labi ako at mas lalong umiiyak dahil sa sinabi niya. Pamilya kami.

"Pamilya niyo na ako kaya wala kayong utang na loob sa akin. Tinango ko ang ulo ko ngunit patuloy paring kumakawala ang mga luha ko.

"K-Kung gano'n po. H'wag niyo pong
pababayaan ang mga k-kapatid ko pag umalis na po ako r-rito." Nag cracked ang boses ko dahil sa pag hikbi.

"Sisikapin ko parin pong m-mag trabaho para matustusan p-parin ang mga pangangailangan nila at mag patuloy sa pag aaral."

Malamlam niya akong nginitian at pinahid ang mga luha sa aking pisngi.
"Katuwang mo na ako. Simula ngayon, ako na ang tatayo bilang nakakatanda niyong kapatid. Maasahan mo ako," anito at muli akong niyakap.

"Thank you, ate. Maraming salamat," umiiyak na aking sambit.

Napabitaw ako sa pagkakayakap kay ate nangtumunog ang ang cellphone ko. Tinignan ko si ate nang makita ang pangalan ni tita na lumabas sa screen ng phone ko.

Tinanguan niya ako kaya tinuyo ko ang mga luha ko at humugot ng malalim na hininga bago sagotin ang tawag.

"Aya, are you ready? At 1p.m., your wedding will start," agad na bungad nito sa akin.Napapikit ako at napakuyom ang kamao. "Alright, I'm ready."

Ramdam ko ang kaniyang tuwa sa kabilang linya. "Sige, I'll pick you up later. By the way, dapat maganda ka later. See you!" she said before she end the conversation.

"Ano ang sabi niya?" nag aalalang tanong ni Ate.
"Mamaya na ang kasal-"

"Ano!? You mean, ngayong araw na mismo?" I nodded my head as an answer to her question.

"Pirmahan lang ang magaganap ngayon. Saka na daw ang formal wedding." Huminga ako ng malalim. "What did you expect, ate? Ibebenta lang naman
niya ako kaya hindi na kailangan ang formal wedding." Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sofa.

"Kakausapin ko lang po muna ang mga kapatid ko ate."

Malamlam niya akong nginitian. "Go
ahead, dear."

Umakyat ako sa itaas para kausapin sina Jaxon at Andrea. Ipinaintindi ko sa kanila lalong-lalo na kay Andrea dahil hindi pa hinog ang isip niya sa mga ganitong bagay.

"Bibisita ka naman po rito, diba?" tanong ni Andrea habang nakayakap sa akin.

"Oo naman, palagi ako rito. Isipin niyo na lang na nag t-trabaho lang ako, okay?" Tinango-tango lang nito ang ulo niya at hinigpitan ang yakap sa akin.

Ate, mag iingat ka ro'n ha. Lalo na sa lalaking makakasama mo. Pag sinaktan ka man niya, umuwi ka ka agad dito at ako ang bubogbog sa kaniya."

Napalabi ako at ibinuka ko ang braso ko, senyas para yakapin siya. Lumapit naman ito sa akin at niyakap ako.

"H'wag niyong bigyan ng sakit sa ulo si Ate Julie ha," mahinang saad ko sa kanila habang yakap silang dalawa.

Napadiin ang pagkakagat ko sa aking labi kasabay ng pag bagsak ng mga luha ko.
Mabigat man sa loob ko ang desisyon ko,
makakabuti naman sa ito sa mga kapatid ko. Hindi ko inaasahan makakapag-asawa ako sa ganitong paraan.

YVES

"Are you okay?" llang beses na itong tinanong sa akin ni Yvan at ilang beses ko na rin sinagot.

"I'm trying." I sighed and focused my gaze
outside the car window. Papunta kami ngayon sa uncle kong judge dahil
siya ang mag kakasal sa amin ng kung sino mang babae ang pakakasalan ko. Naka sakay ako sa passenger seat habang si Yvan ang nag mamaneho.

Akalain mo 'yon, ikakasal ako sa babaeng wala akong idea kung sino. Ni hindi ko pa nga nakikita ang mukha niya at hindi ko pa alam ang pangalan niya.

I took a deep breath ng pumasok si Aya sa isip ko. Pag gising ko kaninang umaga wala na siya. That was the most memorable night for me. I used to like her at gugustohin pa sana siya pero hangang doon na lang 'yon. Iyon na siguro ang huling pagsasama naming dalawa.

Nang makarating kami sa office ni Uncle ay pinaupo niya muna kami ni Yvan dahil wala pa si mommy pati na rin ang babaeng pakakasalan ko.

Si Daddy ay hindi makakapunta dahil masiyado itong mahina. Kailangan niya lang manatili sa hospital.

"How's your dad?" tanong nito habang may hinahanap sa attache case niya.

"Still the same. May peacemaker lang na kinabit sa katawan niya to feel him better," sagot ko.

"Kaya ba mag papakasal ka ay dahil sa kaniya?"

Mapait akong ngumisi. "I want to grant his wish before his surgery. We don't know what will happen after the surgery."

"You're such a good son."
Nginitian ko na lang ito at hindi na nag salita. Ilang sandali lang ay dumating na si mommy na may kasamang babae.

Wait...kilala ko 'to ah.

Napatingin ito sa akin at kita ang gulat sa kaniyang mga mata.

"He is your son?" tanong nito kay Mommy.

"Yes, he's Yves and his twin brother, Yvan,"
pakilala sa amin ni mommy sa kaniya. Ngumiti ito na halata namang peke. Tila walang pakialam si Yvan na nakaupo at kinakalikot ang phone niya.

"Napakagwapo naman ng mga anak mo." Nag kibit balikat na lang ako. Halata namang nakikipag plastikan lang siya kay Mommy.

"Sons she is Mrs. Vasquez the biggest investor of our company and the aunt of your bride, Yves."

Bigla akong napatayo dahil sa sinabi ni Mommy.

"What? Siya ang sinasabi niyong investor at Tiyahin ng magiging asawa ko!?"

"Yes. Bakit ba ganiyan ang reaction mo?"
tanong ni Mommy. Napailing ako habang nakatingin sa babae. Ang babaeng nanampal kay Aya sa restaurant. Ang
babaeng tiyahin ni Aya.

Biglang napaawang ang nga labi ko. Wait... don't tell me...

"Oh, hell no." Napailing ako. Hindi kaya si Aya ang tinutukoy nilang pamangkin niyang ikakasal sa akin.

Sandali akong natigilan nang maalala ang mga sinabi ni Aya kagabi.

"I'm here to drink. Gusto ko magpakalasing at ibuhos ang sakit at sama ng loob ko rito," aniya na hindi parin inaangat ang tingin sa akin.

"Simula ng namatay ang parents ko hindi na ako nabuhay sa paraan na gusto ko. Kontrolado na ako ng isang tao, ng tita ko.
Nag simula na itong mag k'wento habang sunod-sunod ang pag bagsak ng mga luha niya. Hinagod ko ang kaniyang likod habang nakikinig lang sa kaniya.

"She's controlling me like her puppet. Since my parents died, wala na akong kalayaan. Kinuha niya ang kalayaan ko." Humagulgol ito habang tuloy-tuloy ang pag k'wento.
Nakatingin lang ako kaniya. Her life is miserable and I feel her pain.

"Yves, I don't have a choice. Wala akong choice kundi pumayag sa gusto niya para rin sa kalayaan ng mga mahal ko."

Nag tagis ang bagang ko at masamang tinitigan ang babaeng demonyong 'to.

"Paano mo naaatim na ibenta ang pamangkin mo kapalit ng pera?"

Napatingin ito sa akin na parang
gulat na gulat sa sinabi ko.
"What are you talking about young man?"
maang-maangan nito.

"Mukha kang pera," mariing saad ko na
ikinakunot ng noo niya.

"Yves!" saway ni Mommy pero hindi ko ito
pinansin. "You are disrespecting mrs. Vasquez!"

"Nirerespeto ko lang ang mga taong
karapatdapat na irespeto." Kumuyom ang mga kamao at tumalim ang titig sa kaniya. Pinahihirapan niya si Aya dahil sa kasakiman niya.

Biglang bumukas ang pinto at napatingin kaming lahat doon.

"Oh! My niece is here!"

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino ang babaeng pumasok.

"What the! Bro, tadhana nga naman," ani Yvan na nasa likod ko at tinapik ako.

"Aya?"

Holly shit! Ang babaeng papakasalan ko ay si Aya nga.

Her lips parted nang tumama ang tingin nito sa akin.

"Yves?" gulat na sambit nito.

"Wait, magkakilala kayo?" mom asked.

I nodded my head. "Yea"

"Oh! That's great! Hindi na kayo mahihirapan mag adjust pag magkasama na kayo.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya ay nanatili lang na nakatayo at nakatingin din sa akin. Bakas na bakas sa kaniyang mukha ang pagkabigla at pagkagulat.

"Aya, maupo ka. Hinila ito ng tita niya at pinaupo sa sofang kaharap ko.

"So, let's start?"

Nilapag ni uncle ang mga papeles sa mesa. A marriage contract.

"You may now sign it," ani uncle.
Tinignan ko ang papel nang ilang sigundo bago nilipat muli ang tingin kay Aya.

"Aya, sign it." Siniko siya ng tita nito kaya
inabot niya ang ballpen sa mesa. Kitang-kita sa mukha niya ang pagka-disgusto nito, tanging napipilitan lang siya. Walang imik niyang pinirmahan ang marriage contract at nilapag ang ballpen pagkatapos.

Tinignan niya ako na parang may pinapahiwatig pero hindi ko naman iyon mabasa.

"Son, sign it. Remember your dad," ani mommy.

Napalunok at dinapot ang ballpen sa mesa. Muli kong tinapunan ng tingin si Aya na nangungusap ang mga mata sa akin.
Ayokong kunin sa kaniya ang kalayaan niya pero...wala akong choice.

I clenched my fist and mouthed a sorry to her before signing the marriage contract.
I am now married to Aya Bernards.

-----------

Chapter 10-16 will be posted tomorrow. Please bare with me po. OBLIVION SERIES 2 and 4 po ang ini-edit at nirerevise ko. You can read OS 1 and 3 muna habang nag hihintay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro