Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 59

AYA

“Sige, mag kita na lang tayo doon. Salamat, Cali,” ani ko at pinatay ang tawag. Nahanap na nila Calista ang pamilya ni Ricardo, ang sinasabing  killer ng casino massacre at magkikita kami sa San Isidro IV village kung saan nakatira ang pamilyan ni Ricardo.

Ngayong alam ko na ang totoong nangyari sa parents ko ay wala nang makakapigil sa akin na ungkatin ang lahat. Alam kong may mali sa kasong 'to. Ang daming tanong, ang daming loopholes. May mali talaga rito. Bubuhayin ko 'tong kasong 'to and i will re-open the case once makakuha ako ng sapat at solid na ebidensya.

Naligo na ako,  nag ayos 'tsaka bumaba.
“Babe, aalis muna ako. May pupuntahan lang kami ni Calista,” paalam ko kay Yves. Nakaupo ito sa sofa habang nanonood ng TV.
Nilapitan ko io at saka ginawaran ng halik.

“Sige mag iingat ka,” aniya at payak akong nginitian.

“Hmm...may problema ba?” tanong ko. Ilang araw na kasi na napapansin ko simula noong umuwi kami galing hospital ay palagi nang parang wala sa sarili at balisa si Yves. “May sakit ka ba?” Nilapat ko ang palad ko sa noo niya para tignan kung may lagnat siya.

“I'm fine, babe,” malumanay na saad niya. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako. “I love you.”

Ngumiti naman ako. “I love you too, Yves.”

“Sige na, umalis ka na. Mag iingat kayo, ha.”

I nodded my head. “Opo. Sunduin mo mamaya si Krypton sa school, ha. Bye!”

Araw-araw na ulit pumapasok si Krypton sa school kasama si Mich. Kampante na rin naman ako na hindi makakapasok si Aero sa school dahil bukod sa sinabihan ko ang security guard ay nag dagdag ng security si Calista galing kay Sebastian. Doon din kasi nag aaral ang anak nilang si Samuel. Hindi na rin naman siguro manggugulo si Aero. Ilang araw na rin na hindi siya nag paparamdam sa akin. Baka na unti-unti niya na rin namang natatanggap na wala na kami.

Umalis na ako sa bahay at nagkita kami ni Calista sa lugar na pagkikitaan namin. Liblib pala ito at masiyadong tago. Sabi kasi lumipat ang pamilya ni Ricardo rito sa village na 'to after niyang makulong.

Iniwan namin ang sasakyan namin sa baba dahil bundok kasi at kailangan pa naming umakyat. Masiyadong maliit lang ang daanan at hindi makakadaan ang kotse kaya nilakas na lang namin.

Pag dating namin sa nasabing mismong village ay nag tanong-tanong kami kung saan ang bahay mg pamilya ni Ricardo at salamat naman sa Diyos dahil may nakapagturo nito.

Pag dating namin sa bahay ay agad na kumatok si Calista. Malaki ang bahay. Sa lahat ng bahay na sa village na 'to ay itong bahay lang ang nakita naming malaki. Isa siyang concrete at modern house. Baka may mayaman ang pamilya ni Ricardo. Sabagay, hindi ka naman pupunta sa casino pag wala lang malaking pera.

Pinagbuksan naman kami ng isang babaeng mukhang kaedad lang ni Ricardo at pinatuloy nang mag pakilala si Calista bilang abogado.

“Ano po ang sadya niyo rito?” tanong nito. Pinaupo niya kami sa sofa at inalok ng juice.

“Ano niyo po si Ricardo Benitez?” tanong ko sa kaniya.

“Ah, kapatid po. Bakit po?” sagot nito.

“Ano pong pangalang niyo?” tanong ni Calista.

“Rena po.”

“Aleng, Rena, may itatanong lang po sana kami about sa kaso niya.”

Bigla itong natigilan at agad na nag iwas ng tingin sa amin.

“Wala po akong alam tungkol diyan, ma'am,” agad na sabi nito kahit wala pa kaming natatanong.

“Ale, wala pa po kaming natatanong,” ani Calista at tinignan ako.

Halatang may gusto siyang pagtakpan. Alam talaga naming may mali talaga sa kaso ni Ricardo.

“Excuse me lang po, may gagawin pa po pala ako.”

Aalis na sana ito nang magsalita ako. “ Hindi mo lang po ba aalamin at tatanongin kung ano ang kalagayan ng kapatid niyo sa kulungan?”

“Labas na po ako sa problema niya,” sagot niya at tumalikod sa amin.

“He's mentally unstable, at mahirap ang  kalagayan  niya kulungan,” dugtong ni Calista na nag patigil sa kaniya.

Nakita namin ang bahagyang pag punas niya ng kaniyang pisngi.

“Alam mo ba ang unang mga salitang sinabi niya sa amin? ‘Nasaan si mama? Nadala niyo na ba sa hospital?’ We don't know why he keep asking about your mom. He keep asking that—”

Biglang natigil si Calista sa pagsasalita nang bigla kaming lingonin ni Aleng Rena habang basa ang mga pisngi.  “Ang kawawa kong kapatid ko...”

Nagulat kami ni Cali nang bigla itong napaupo at napahagulhol. “Sinakripisyo niya ang sarili niya para sa amin,” umiiyak na aniya.

Nagkatinginan kami ni Calista na parang alam na ang nasa isip nang isa't isa.  Nilabas ni Calista ang phone niya at pinidot ang record button. Kung may malaman man kami ngayon, atleast kay ebidensya kami.

“What do you mean na sinakripisyo niya ang sarili niya?” taka kong tanong.

“Hindi naman po talaga siya ang pumatay sa mga taong 'yon. Pinaako lang po sa kaniya kapalit ng malaking pera at itong bahay pong tinitirahan namin,” umiiyak na saad niya.

Napapikit ako at napasinghap. Tama nga ang hinala namin kaya masiyadong palaisipan ang kaso ni Ricardo simula pa lang. From his condition na hindi man lang pinadaan sa Psychiatric Evaluation, at sa actions at sinasabi niya sa amin ni Cali noong pumunta kami sa kaniya sa prisinto. Something was off. Everything was off.

Nakita ko ang pag kuyom ng mga palad ng Calista. I don't know what her thinking right now. “At bakit niyo naman siyang hinayaan na akuin ang kasalanan ma hindi niya ginawa? 13 years, hindi niyo lang ba naisip kung ano ang magiging kalagayan niya room da kulongan?” Biglang nag iba ang tono ni Calista. She sounds upset right now.

“Dahil lang sa pera kaya hinayaan niyo siyang mag suffer ng ilang taon sa empyernong 'yon hababg kayo nagpapakasarap rito sa malaking bahau na 'to?!” Biglang tumaas ang boss ni Calista kaya hinawakan ko ang kamay nito.

Iyak lang nang iyak si Aleng Rena habang nakayuko.

“He insisted po. P-Pinigilan namin siya pero hindi po siya nag paawat. Gusto niya pong iligtas ang m-mama namin na malubha ang sakit noon kaya g-ginawa niya ang bagay na 'yon,” humihikbing saad niya na nagpatigil sa amin ni Calista.

Kaya ba 'yon agad ang lumabas sa bibig niya noong nandoon kami ni Calista, ang kumustahin ang mama niya.

Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko. He sacrificed himself for his mom, for his family.

Nalingon ako kay Cali at nagulat ako nang makitang basa ang pisngi nito habang nakakuyom ang kamao. She's crying. Naawa siguro siya kay Ricardo dahil kahit ganoon na ang sitwasiyon niya, mas inisip niya pa rin ang kapakanan ng pamilya niya lalo na nang mama niya. Kahit siguro ako, pag ako ang nasa posisypn niya ay gagawin ko rin ang bagay na 'yon just to save my parents lives.

Pinunasan ni Calista ang kaniyang mga luha at matiim na tinignan si Aleng Rena.

“Kung gano'n, kilala niyo ang tunay na killer? Sino ang nakipag-negotiate sa inyo at nag bigay ng pera at nang bahay na 'to?” seryosong tanong ni Cali. Nararamdaman ko sa boses nito na determinado siyang mapanagot ang mga taong pumatay sa mga magulang ko at sa sumira ng buhay ni Ricardo.

Nakatingin lang ako kay Calista at napakagat ng labi. Namalayan ko na lang na gumugulong na pala ang luha mula sa aking mga mata pababa sa aking pisngi. She have no idea how blessed I am to have her in my life. Kung hindi dahil sa kaniya hindi mo malalaman ang tunay na nangyari sa mga magulang ko. Namatay sila at ilang taon na ang nakakaraan pero hindi pa rin nila nakukuha ang tunay na hustisya.

Agad ko itong pinunasan at humugot ng malalim na hininga bago nilipat ang tingin kay Aleng Rena.

“Hindi ko po alam, ma'am. Ang alam ko iyong mga taong nakipag-negotiate sa amin at nag bigay mg pera ay ang mga tauhan rin ng Casino kung saan nangyari ang pag patay. ”

“May-ari ng casino? Sino ba ang may-ari ng casino na 'yon?” tanong ko ngunit umiling lang si Aleng Rena. “Hindi ko rin po alam, ma'am,” muling sagot nito.

“Noong pumunta kami sa lugar na 'yon wala ni isa sa mga tao doon ang nakapagsabi kung sino ang may-ari ng Casino.” Napahawak ako sa aking sintido. Sigurado akong malaking tao ang nasa likod ng casino massacre.

“Ang alam ko po binayaran ang lahat ng tao sa lugar na 'yon para hindi magsalita tungkol sa nangyari. May mga witnessed rin po but after no’n ay hindi na sila nakita sa lugar na 'yon. Baka inilipat na rin sila ng lugar kagaya ng ginawa sa amin.”

Napasinghap ako. Ang mga demonyong 'yon. Lahat ng tao at minanupula para lang pagtakpan ang kahayopan nila.

I heard calista gasped.

“Aleng Rena, we will re-open the case of your brother at inaasahan po namin na makikipag-cooperate kayo para po malinis ang pangalan ng kapatid niyo. P'wede  po ba iyon?”

Sandaling hindi nakapagsalita si Aleng Rena dahil sa sinabi ni Calista.

“Aleng Rena?” tawag ko sa atensyon niya kaya napatingin ito sa akin.

“Ire-re-open po namin ang case ng kapatid niyo para po malinis na po ang pangalan niya at managot ang tunay na nasa likod ng pagpatay sa casino. Pwede po ba makipag-cooperate kayo?”

“P-Pero ma'am, baka pag gawin ko 'yan ay balikan kami ng mga taong 'yon at gawan kami ng masama. Iyon po ang s-sinabi sa amin noong dinala kamo rito sa village na 'to para na rin po mag tago at hindi na m-makapagsalita pa,” nauutal na aniya.

Hinawakan ni Calista ang mga kamay niya.  Alam kong natatakot lang siya sa maaaring gawin ng mga taong 'yon sa kaniya at sa pamilya niya once na mag salita ito pero hindi rin pwedeng hayaan na lang na pagala-gala kung saang lupalop man mundo ang mga hayop na 'yon na may halang ang kaluluwa habang nag hihirap ang mga taong inaggrabyado nila.

“Naiinindihan po  namin na natatakot kayo. 'Wag po kayo mag alala dahil kami po ang bahala sa safety niyo at sa pamilya niyo. P-Protektahan po namin kayo,” paninigurado ni Calista sa kaniya.

“Kailangan niyo pong maging matapang. Lumulubha po ang kalagayan ng kapatid niyo sa kulongan. Isa po kayo sa makakatulong sa kaniya para makalaya at para makuha ang tunay na hustisya na pinagkaiy sa pamilya ng mga namatay at isa na po ako roon.”

Napatigil si Aleng Rena at napatingin sa akin. “Isa po ang mommy at daddy ko sa pinatay doon kaya ginawa namin ang  mga bagay na 'to. Nakikiusap po ako sa inyo, tulongan niyo po kami.” Sa pagkakataon na 'to, ako naman ang humawak sa kaniyang kamay. “Please po,” pagmamakaawa ko.

Humugot ito ng marahas na hininga bago tumango. “Sige po. Gagawin ko po.”

Parang nabunutan ako ng tinik dahil aa sinabi niya. “Salamat po, Aleng Rena,” ani ko.

“Sa ngayon po, importante ang safety niyo. Kailangan niyo pong umalis dito. Hahanapan ko po kayo ng ng bagong matitirhan iyong hindi kayo matutunton ng mga taong sinasabi mo. Tatawag na po ako sa inyo at magpapadala po ako ng mga tao ko para sunduin po kayp rito at ang pamilya niyo.

Tumango naman siya. “Sige po.”

Cali smiled. “Thank you po.”
.
.
.
.
“Okay, babe. Just call me if may balita na,” ani Calista. Kausap niya si Sebastian sa tawag. Pinapuntahan kasi ni Calista ang  lugar na pinuntahan namin noon kay Sebastian at sa tao nito para mag imbisitiga ulit. Sana lang talaga this time may makapagbigay na ng impormasyon kung sino man ang may-ari ng casino na 'yon at makapagsabi kung nasaan na 'yong mga witnessed na nawala.

“Let's go,” anito nang ibaba niya ang tawag.

Nag convoy na lang kami ni Calista. Pupuntahan namin ang mga pamilyang ng mga taong pinatay roon. According to the information gathered by Calista from the prosecution office, ten people died at the casino that night, and it was found out that five of them were members of the PDEA, which means my dad was one of them. Baka iyong apat ay mga kasamahan niyang tinawagan for backup. May dalawa na mag asawa, dalawang bigating tao, at isang lawyer which is my mom. Ayon sa records, eight bodies were found, including my mom and dad, in the underground of the casino  kung saan ginagawa nilang tulakan ng mga droga at illegal equipments. Iyong lugar na nakita ko panaginip ko. Habang ang dalawang mag-asawa naman ay nakitang patay sa sa banyo ng casino.

Inuna muna naming puntahan ang mga pamilya ng PDEA group para ipaalam sa kanila na irere-open ulit ang case. They was furious, of course, sino ang hindi magagalit pag nalaman mong malaya pa pala ang totoong may sala sa pag patay love ones mo. Iyong dalawang pamilya naman ng  bigating business man ay hindi na namin nahagilap pa. May nakapagsabi sa amin na nanirahan na ang mga 'yon sa ibang bansa. Ang huli naman naming pinuntahan ay ang anak ng mag-asawang  natagpuan sa loob ng C.R ng casino. Nag iisang anak na babae lang nila ito at kaedad ko rin. Her parents was rich and powerful back then. Ang dami nilang business pero nawala lahat ng mga 'yon after mamatay ng parents niya. Ngayon ay nag t-trabaho na lang ito bilang waitress sa isang restaurant.

“Salamat po. Tawagan niyo lang po ako at dadating po ako sa hearing,” anito, matapos namin siyang kausapin.

“Sige, maraming salamat.” Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. Nakikita ko ang sarili ko noon sa kaniya. Ganitong ganito ako after mamatay ng parents ko. Lahat ng klaseng trabaho ay pinasok ko para lang mabuhay ako at ang mga kapatid ko.

“Thank you rin po, kung hindi dahil sa inyo hindi ko malalaman na ang tunay na pumatay sa mommy at daddy ko ay malaya pa pala. Kaya salamat po talaga.”

I tapped her shoulder. “Justice will be serve. Mananagot ang lahat ng sangkot  sa kahayopan na 'yon,” saad ko.

Tinawag na ito ng kasama niya kaya nag paalam na ito sa amin na  babalik na sa trabaho niya.

“Kuntis tiis na lang, malapit na tayo,” ani Calista at tinapik ako sa likod.

“And that's because of your  help. Thank you, Cali.”

She just smiled. “Always, Aya. Basta ikaw.”

Napangiti ako at niyakap siya. Sobra lang akong nagpapasalamat sa babaeng 'to. Kung hindi dahil sa kaniya ay hangang ngayon nangangapa pa rin siguro ako.

Kumalas kami sa isa't-isa nang biglang tumunog ang phone niya.

“It's Sebastian,” she said and answer the call.

“Anong balita?” tanong niya agad. Seneyasan ko itong i-loud speaker ito para marinig ko ang sasabihin ni Sebastian.

“You're right, babe. Lahat ng tao rito sa lugar na 'to ay binayaran nila to keep their mouth shut. ”

“Oh, so anong ginawa niyo?”

“Well, tinapatan namin ng mas malaking pera ang perang binigay sa kanila para mapakanta sila.”

Nagkatinginan kami ni Calista at parehas na napangisi.

“Wow, kahit kailan ay mautak ang babe ko,” natatawang ani Calista.

Narinig namin ang mahinang pag tawa ni Sebastian. Infairness sa asawa nito, napakayaman. Ikaw ba naman magkaroon ng asawang mafia boss.

“So, ano? May nakuha kayong impormasyon?” tanong ni Cali.

“Kasama mo pa ba si Aya?” tanong naman ni Sebastian.

“Yea, I'm still here with Cali,” bigla namang sagot ko.

“It's good that you're still there so I can just disseminate the information all at once.”

“Ano bang nalaman mo?” curious kong tanong.

“Baka magulat ka, Aya,” anito na parang binibigyan ako ng heads up. Bigla tuloy akong  kinabahan sa tono niya.

“Spill it out, Seb.”

“The owner of Fortune Club Casino is the prominent Australian/Spanish businessman who is currently based in Australia...”

Tila pigil ang aking pag hinga habang nakatuon ang buong atensyon ko sa cellphone ni Cali at hinihintay ang karugtong na sasabihin ni Sebastian.

“The Fuego family.” Awtomatikong umawang ang mga labi ko dahil sa narinig. No, it can't be...

“I know what you're thinking now, Aya. Yes, the Fuego family at malapit sa 'yo ang anak nila. You're ex-boyfriend, Aero Fuego is their son.”

Parang nawalan ng lakas ang mga binti ko dahil sa narinig ko. Hindi... Hindi maaari.

“Aya...” Bigla akong inakay ni Calista dahil muntikan na akong bumagsak.

“N-No... Si A-Aero? It can't be...”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro