CHAPTER 58
AYA
“Aya!! ” sigaw ni mommy habang tumakbo.
“Mommy!”
“Run! Get out of here!” sigaw niya habang patuloy sa pag takbo papalapit sa akin.
“M-Mommy... ”
“I said run, damn it!! ” malakas na sigaw niya.
Ipinikit ko na lang ang ang aking mga mata at sinunod ang sigaw niya. Tumakbo ako pabalik ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay natigilan din ako nang muli akong makarinig ng isa pang pag putok ng baril.
Unti-unti akong lumingon at halos gumuho ang mundo kasabay ng muling pag patak ng mga luha ko at pag awang ng mga labi ko nang makita si Mommy na nakahandusay na sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo.
“Mommy!”
“Aya!” Bigla kong minulat ang aking mga mata at nakita ko si Yves sa aking harapan na habang hawak-hawak ang aking mga balikat at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
“Are you okay? You're shouting. Binabangungot ka.”
Habol-habol ko pa rin ang aking hininga habang nakatingin kay Yves.
“Aya, are you okay?” muli niyang tanong at bahagya akong inalog-alog.
Npapikit ako at napahawak sa aking dibdib kasabay ng pag tulo ng butil ng luha galing sa mga mata ko.
That scenario again. Iyon ang eksaktong panaginip ko noon. Naulit na naman. Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib ko. That was realistic scenario. Sigurado akong hindi basta panaginip lang 'yon. Bakit wala akong maalala? Bakit hindi ko matandaan kung anong nangyari kayla mommy... bakit?
“Shhh... it's fine. It's just a bad dream.” Naramdaman ko na lang ang mga bisig ni Yves na pumulupot sa katawan ko habang hinahagod ang likod ko. Saka ko lang napansin na humahagulhol na pala ako.
“It's fine...It's fine...” pag-aalalo niya.
Ilang minuto lang akong umiyak hangang sa kumalma ako. Huminga ako ng malalim at tinuyo ang pisngi ko.
“Okay kana? ” tanong ni Yves na nakaupo pa rin sa kama. Tinango ko naman ang ulo ko bilang sagot.
“Ano bang napanaginipan mo? You keep shouting,” anito at kinuha ang hibla ng buhok na nasa pisngi ko at nilagay iyon sa likod ng tenga ko.
“Si mommy... napanaginipan ko na naman siya.”
Nakita ko ang biglang pag bago ng kaniyang reaksyon sa mukha. “Your mom? Bakit ano ba ang panaginip mo?”
“Ang weird kasi. Alam mo 'yon? Ilang beses ko nang napapanaginipan si mommy at 'yong panaginip ko kanina ay 'yong unang panaginip ko. Eksaktong-eksakto talaga 'yong senaryo noong nanaginip din ako noon...”
Narinig ko ang malalim na pag buntong-hininga ni Yves habang nakatingiin ng matiim sa akin at bakikinig sa mga sinasabi ko.
“Yves, ilang ulit na akong nanaginip na pinatay sila mommy at mukhang totoong- totoo 'yon.”
Biglang umawang ang mga labi niya at nakita ko rin ang pag lunok niya.
“Y-You think?” he asked unsure.
“The scenario. Parang hindi siya panaginip lang. It looks like real scenario hindi lang gawa-gawa ng utak ko. I was there when someone shot my mom from the back, at nakita ko kung paano bumagsak si mommy habang naliligo sa sarili niyang d-dugo.”
Napakagat labi ako nang muling tumulo na naman ang mga luha ko. “It looks so real, Yves. At wala lang naman akong nagawa para m-mailigtas siya.” Napayuko ako dahil hindi ko na naman mapigilan ang aking pag hikbi.
Nanatili lang na walang imik si Yves.
“Paano kung 'yon talaga ang nangyari sa kanila? Paano kung hindi sila n-namatay sa car accident? P-Paano kung pinatay talaga sila? A-Anong gagawin k-ko?” Humihikbing inangat ko ang ulo ko at nagulat ako nang makitang sunod-sunod na nagbabagsakan ang mga luha ni Yves.
“Yvess...”
Bigla niya akong niyakap at humagulhol. “I'm sorry... I'm sorry, I'm sorry...” aniya habang mahigpit na nakayakap sa akin habang umiiyak.
“Yves, why are you crying?” nagugulohan kong tanong. Ako 'yong umiiyak, e. Bakit naman umiyak din siya.
“I'm sorry, Aya. I'm sorry, love,” sambit niya habang humahagulhol.
“Yves...”
Naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya kaya niyakap ko na lang din ito pabalik. “Ano ba 'yan, ako ang umiiyak, e. Nasira tuloy momentum ko,” pabirong ani ko habang sumisinghot-singhot pa.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang mga luha niya bago hinawakan ang pisngi ko.
“Diba sabi ko ko babawi ako sa 'yo? Babawi ako. Promise, babawi ako.” Hinalikan niya ako sa noo at pakiramdam ko parang may kung anong lumilipad sa tiyan ko.
Muli niya akong niyakap. “Mahal kita, Aya,” bulong niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Lord, bakit sobrang rupok ko sa taong 'to?
“I love you, and I'm sorry sa lahat ng nagawa ko sa 'yo. I'll make up for everything, I promise,” he uttered.
I hug him back. “ I love you too, Yves,” saad ko. Ngayon ko lang ulit nasabi ang mga salitang 'yon sa kaniya na walang panunumbat. I admit na ako na siguro ang pinakamarupok na babae sa balat ng universe.
Naramdaman ko ang muling pag dampi ng mga labi niya sa gilid ng noo ko. “You don't have any idea how happy I am hearing those words from you,” aniya at kumalas sa yakap para tignan ako.
“Thank you for coming back to me,” aniya at ginawaran ako ng halik sa labi. Kahit smack lang 'yon ay pakiramdam ko bumigay ang puso ko. Hindi naman masama kung bibigyan ko siya ng ikalawang pagkakataon para patunayan ang sarili niya sa amin ng anak niya.
“Matulong kana ulit,” bulong niya at pinahiga ako.
“Sa guess room na ako. Sinilip lang talaga kita kanina if you're already sleeping at nadatnan kitang binabangungot,” anas niya at inayos ang kumot ko at saka tumayo.
Sa guess room kasi siya natutulog simula noong nandito na kami ni Krypton. Syempre may gap pa rin sa amin before kaya dito niya ako pinapatulog sa kwarto namin at Krypton sa sariling kwarto niya naman.
Aalis na sana siya nang mag salita ako. “Dito kana matulog,” ani ko na ikinatigil niya.
“Huh?”
Nginitian ko siya at umusog saka binuksan ang kumot ko. I tapped the space beside me. “Dito ka na matulog,” pag uulit ko.
Biglang lumiwanag ang mukha nito. “Really? Papayagan mo ako?” hindi makapaniwalang tanong niya pa.
Tinango ko ang ulo ko. “Oo nga, hindi ko ba ako na miss?”
Lumapad ang ngito nito at agad na humiga sa tabi at saka niyakap ako.
“Ah, I miss you cuddling like this,” bulong niya habang sinisinghot-singhot pa ang buhok ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit at inamoy ang kaniyang dibdib. “ I miss your smell, babe.”
Bigla itong dumistanya ng kaunti at yumoko para tignan ako.
“What?” I asked.
“You call me babe?”
“Yeah, why? Hindi naman kita p'wedeng tawaging hubby, hindi na rin naman kita asawa. We annulled remember?” I rolled my eyes that makes him laugh.
“Alright, babe,” natatawang aniya at muli akong niyakap. “Matulog na tayo.”
Pinikit ko ang mga mata ko hangang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
.
.
.
Pagkaumagahan, nagising ako na wala na si Yves sa tabi ko. Bumangon ako at inayos muna ang kama saka ko binuksan ang malaking kurtina. Bahagya akong napatakip ng mata dahil sa sinag nang araw na nanggagaling sa labas. Binuksan ko ang slide glass wall at nag lakad patungo sa veranda.
“Magandang umaga, Pilipinas,” nakangiting bulong ko habang pinagmamasdan ang maaliwalas na paligid.
Napatingin ako sa ibaba at nahagip ng mata ko ang lalaking naka suot ng black hood, mask at eyeglass. Nakatingala ito sa direksyon ko at nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay dali-dali itong sumakay sa itim na kotse at umalis.
“Anong problema no’n?” bulong ko at bumalik sa loon para mag toothbrush at mag hilamos.
Pagkatapos kong gawin 'yon ay sinilip ko muna si Krypton sa kwarto niya. Mahimbing pa itong natutulog kaya hindi na ako pumasok. Maaga naman let him rest pa muna.
Bumaba ako sa kusina at nadatnan ko si Yves na nag luluto ng breakfast.
“Oh, look who's cooking.”
Napalingon ito sa akin at awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi nito nang makita ako. “Good morning, my love,” bati niya.
Lumapit ako sa kaniya. “Good morning, mister,” anas ko at sinilip ang niluluto niya. A typical American breakfast.
“Mahilig ka pa rin pala sa American breakfast?” tanong ko.
“Ngayon nga lang ulit 'to. I used to drink coffee na lang before going to work everyday.”
Nilagay niya ang pancakes sa plato at sinunod naman na lutuin ang bacon at sausage.
Umupo ako sa island counter at pinagmasadan ko lang siya hangang sa matapos itong mag luto.
“Mich, pagising naman kay Krypton sa itaas para sabay-sabay na tayong kakain!” tawag ni Yves kay Mich ang yaya namin. Dahil dito na rin naman kami nag s-stay, dito na rin titira si Mich.
“Yes, sir!” sagot naman ni Mich mula sa labas.
Masarap ba yan?” tanong ko.
Nilingon niya ako at biglang hinalikan. “Oo, masarap, pero mas masarap ako,” anito at kinindatan ako.
Siraulong 'to. Lakas na ng loob para mag nakaw ng halik.
“Yabang...” bulong ko na ikinatawa niya.
Oh, you seem hinahamon ako. Sandali lang, later ka sa 'kin,” aniya at muling binalik ang tingin niya sa niluluto niya.
Natawa ako dahil sa sinabi niya. “Kailan ka pa naging conyo? Di bagay sa 'yo, sira!”
Pinatay niya ang stove at nilagay sa mga plato ang mga niluto niya.
Pagkatapos niya gawin 'yon inikot niya ang island counter chair na inuupuan ko paharap sa kaniya.
“Bagay naman ako sa 'yo,” aniya at kinagat ang leeg ko. Medyo nagulat ako sa ginawa niya kaya muntikan na ako mahulog sa kinauupuan ko buti na lang ay naakay niya ako sa likod.
“Yves naman, e!” singhal ko. Tumawa lang ito bago pinatakan ng halik 'yong leeg kong kinagat niya. “Sorry, babe. Nakakagigil ka, e,” anas niya at ginulo ang buhok ko.
“Ma'am! Sir! Si Krypton po!”
Natigil ang paghaharutan namin nang biglang sumigaw si Mich kaya bigla kaming napatakbo ni Yves palabas ng kusina.
“Maam, si Krypton po sobrang taas ng lagnat! Kinukumbulsyon na naman po!” humahangos na aniya habang hawak-hawak pa ang dibdib dahil tinakbo ang hagdan pababa.
“What?!” Naunang tumakbo si Yves paakyat sa kwarto ni Krypton at sumunod naman ako. Ang bilis niya ang hahaba ba naman ng biyas.
Pag pasok namin sa kwarto ay nakita kong nanginginig si Krypton. Damn! Ngayon lang ulit siya nilagnat ng ganito. Minsanan lang magkasakit si Krypton pero grabe naman ang kumbulsyon. Bakit kasi hindi ko naisipan tignan siya kanina.
Agad na kinuha ni Yves ang kumot at binalot iyon kay Krypton tsaka ito kinarga.
“Babe, get my car keys! Nasa drawer sa guess room!” saad niya at mabilis na lumabas ng kwarto.
Agad naman akong tumakbo papunta sa guess room at kinuha ang susi ng sasakyan niya tapos tymakbo patungong kwarto ko para kunin ang phone ko.
“Babe, faster!” sigaw niya mula sa labas.
“Nandiyan na!” Mabilis akong bumaba ng hagdan. Nag papanic na rin tuloy ako dahil kay Yves. Natural lang naman na ganiyan si Krypton pag nilalagnat. Nag kukumbulsyon talaga kaya nasanay na ako. “Mich, ikaw na muna ang bahala rito. Tatawag na lang ako mamaya,” saad ko kay Mich bago lumabas ng bahay.
Inabot ko ang susi kay Yves bago ako pumasok sa backseat kung nasaan si Krypton.
“Fuck! I'm sorry, I didn't even check on him earlier before bago ako bumaba. Edi sana nadala agad siya sa hospital," aniya habang mabilis na pinapatakbo ang sasakyan.
Kitang-kita sa mukha ni Yves ang pag-aalala and at the same time, ang pag p-panic.
“Is he he okay?” he worriedly asked habang nakatingim sa amin sa rearview mirror ng sasakyan. “Damn! His obviously not, idiot!”
Natawa ako dahil siya lang din naman ang sumagot sa tanong.
Kumunot ang noo nito. “ Why are you laughing? Nanginginig na nga 'yang anak mo, nakuha mo pa ng tumawa,” inis na saad niya.
“Yves, calm down—”
“How would I calm down?!” putol niya agad sasabihin ko. Hindi ko alam kung dapat bang matuwa ako sa sitwasyon na 'to gayon na may sakit ang anak ko. Nakakatuwa lang kasi makitang ganito si Yves. Nag papanic ng ganito dahil kay Krypton. Senyales na sobrang mahal niya ang anak namin.
“Babe, kumalma ka muna kasi,” malambing na sabi ko.
“Palaging ganito si Krypton pag nilalagnat. Nawawala rin naman ito agad,” saad ko sa mahinahon na boses.
Biglang lumambot ang mukha niya at nakita ko ang malalim na pag pagbuntong-hininga niya.
“Really? He will be okay?”
I nodded my head and smile. “ Yes, he will be fine,” I reassured him.
“Thanks, God," mahinang sambit niya na ikinaguhit na naman ng ngiti sa labi ko. 5 years na wala si Yves baa tabi ni Krypton at marami pa siyang dapat malaman tungkol sa anak namin.
Pag dating namin sa hospital ay agad siyang chineck ng doctor pagkatapos no’n ay nilipat na rin siya sa isang kuwarto.
“Magiging okay na siya maya-maya,” ani ko kay Yves at tinapik ang balikat niya habang nakaupo siya sa gilid ng kama ni Krypton habang pinagmamasdan siya.
Hinalikan ang likod nga palad ko at malamlam na nginitian ako. “Marami pa akong dapat malaman sa anak ko," anas niya habang nanatili pa rin ang tingin kay Krypton. “ I promised you, babawi si daddy.” Ngayon namam ay kamay naman ni Krypton ang hinalikan niya.
Hindi ko mapigilan ang mapangito habang pinagmamasdan siyang pinagmamasdan din ang anak niya.
“Aalis muna ako, bibilhin ko lang ang gamot na pinapabili sa 'kin ni doc,” paalam ko kay Yves. Tumango naman ito at nginitian ako. “Ingat ka,” anas niya bago ako lumas ng kwarto ni Krypton.
Habang naglalakad sa hallway ay may nasalubong akong isang babaeng doctor.
Akala ko lalagpasan niya lang ako pero nagulat ako nang huminto siya sa tapat ko. “Aya?” tanong niya habang tinuturo ako na parang hindi pa sigurado.
“Po?” nag a-alangang sagot ko.
“Oh, Aya, ikaw nga!” anito na tumawa. “Oh, gosh! Long time no see. Kumusta kana?”
Napatanga ako habang nakatingin sa kaniya. “Po? Kilala niyo po ako?” tanong ko dahil hindi ako sigurado kung kilala ko rin ba siya dahil ngayon ko lang nakita ang mukha niya.
“Hindi mo ako naaalala? Ako 'to si Doctor, Shiela Dominggo. Naging doctor mo ako noon,”aniya.
Bahagya akong napailing dahil hindi ko talaga siya maaalala. “Hindi po, e. Hindi ko po maalala.” Baka isa siya sa mga anging doctor ko noong bata ako. Nawala rin kasi ang ibang ala-ala pagkatapos ng car accident noon.
She sighed. “Sabagay, it's been a long time na rin naman. 13 years na rin ang nakalipas after that incident.”
Natigilan ako sa sinabi niya. “Po? 13 years? Ano pong incident?” tanong ko sa kaniya.
Nag iba ang reaksyon ng mukha nito. “Hindi mo talaga naaalala?” muling tanong niya.
Iniling ko ang ulo ko. Hindi ko alam pero sa pagkakataon na 'to ay nag iba ang pakiramdam ko. Bigla rin akong kinabhan na hindi ko maintindihan.
“Kaya mo ako naging doctor dahil dinala ka rito noon after ng incident kung nasaan namatay ang parents mo.”
Napasinghap ako. Hindi ko alam pero iba talaga ang pakiramdam ko. Nag uunahan ang kabog sa dibdib ko. Ito na ba ang sagot katanongan na hinahanap ko? “After po namatay ng parents k-ko?” I gulped.
She nodded her head. “Baka mga hindi mo na maalala. Grabe rin kasi ang trauma sa 'yo sa nangyari 'yon.”
“C-Car accident po b-ba?” nauutal na tanong ko. Ang sikip ng dibdib ko. Hindi ko alam pero may side ako na natatakot sa pwedeng marinig kong sagot mula sa kaniya.
Biglang nangunot ang noo niya na parang nagtaka sa sinabi ko dahilan upang bumigat ang pag hinga ko.
“No, it's not car accident. Isa ang parents mo sa napaslang sa Cassino Massacre 1/3 years ago.”
Parang gumuho ang mundo nang marinig ang sinabi niya. Awtomatikong umawang ang mga labi ko kasabay ng pag bagsak ng mga luha ko.
“Aya, are you okay?” nag aalalang tanong niya.
Hindo ako makapagsalita. Parang hindi pa na process ng utak ko ang narinig ko.
“Aya—Aya!”
Bigla akong bumagsak sa sahig dahil sa panghihina. Pawang tinaksan ako ng lakas. My dream was real all along.
“B-Bakit?” Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kirot. “I was there pero hindi ko man lang sila naligtas.” Ang kaninang mahinang iyak ay naging hagulhol na umuugong sa hallway ng hospital.
“I'm sorry mom, dad! I'm sorry!” umiiyak na sambit ko. Ang sakit sobrang sakit.
“Aya, it's not your fault.” Hinawakan ako ni Doc sa balikat. “Hindi mo kasalanan 'yon.”
Iyak lang ako nang iyak. Walang mapag-sidlan ang sakit na nararamdaman ko. Bakit wala akong maalala? All along I thought they died at car accident. Ang tagal na pero bakit ngayon lang? Bakit ngayon ko lang nalaman?
Patuloy lang ako sa pag iyak habang tinampal ang dindib ko. “It's all my fault... it's all my f-fault!”
Pinagtitinginan na ako ng ibang tao at pasyente na dumadaan pero wala akong pakialam. Nasasaktan ako ngayon, sobrang nasasaktan ako ngayon.
“Aya, it's not your fault. Don't say that. Pinatay sila ng ibang tao, hindi mo kasalanan 'yon.” Niyakap ako ni doc pero tuloy pa rin ako sa pag iyak. Kung may nagawa lang sana ako noong gabing 'yon edi sana buhay pa ang mga magulang ko. Kung napigilan ko lang sila sa pag punta sa casino na 'yon edi sana kasama ko pa sila ngayon. Hindi sana kami nag hirap ng mga kapatid ko.
“Aya!” Nakita kong tumatakbo si Yves papunta sa direksyon ko.
“Y-Yves...”
“Babe, what happened—”
Bigla ko siyang niyakap habang tuloy pa rin sa pag iyak. “My parents died. I-I was there and it's my f-fault...” sambit ko hangang sa dumilim ang paligid ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro