Chapter 57
AYA
“Yves, I'm going somewhere with Calista—ohh?” naputol ang sasabihin ko nang mapansin ang mukha ni Yves. “What's with your face? You shaved?” I blinked, seeing his face resembling the Yves Drakon from 5 years ago, I mean, 'yong mukha ni Yves noong una ko siyang nakita sa Australia. Infairness, he doesn't look aged.
Binaba niya ang hawak niyang kape sa mesa at napahawak sa baba niya. “I won't allow you to compliment Yvan in front of me. Especially not to say that my twin is more handsome just because he's clean-shaven.”
I chuckled at his words. "Wow, so you shaved your beard just for me to compliment you too? Didn't you realize that you and your twin are identical and look the same? Makikipag-kompetensya ka, pa e,” I teased as I grabbed a sandwich and took a sip of the coffee he prepared for me.
“That's the point. We're identical twins, and I won't allow him to be considered more handsome than me. Panganay ako ako kaya hindi ako dapat magpatalo.”
I just rolled my eyes. This guy was always so full of himself. Ang hangin! I quickly finished my sandwich and coffee, placing my cup in the sink.
“It's Saturday, saan ba ang punta mo at bakit mukhang nagmamadali ka?” he asked.
“May pupuntahan lang kami ni Calista. Ikaw na muna ang bahala kay Krypton. He's still sleeping upstairs. Pakainin mo na lang pag gising. I already called his Yaya, she'll be here in an hour.”
“Alright. Mag iingat kayo kung saan man kayo pupunta,” he said and sipped his coffe.
Kinuha ko ang handbag ko sa table. I'm about to go when Yves called me, “Aya...” Napahinto ako at nilingon siya.
“Where's my kiss?” inosenteng tanong nito at ngumuso na akala mo naman ay nakalimutan ko na lahat ng atraso niya sa 'kin.
I winced before faking a smile. Nag lakad ako papalapit sa kaniya. Nakanguso pa rin ito at nakapikit pa. “Kiss mo mukha mo.” Tinampal ko ang noo niya kaya napadaing ito sabay mulat ng mga mata at hawak sa noo niya.
“Napaka-amazona mo talaga,” reklamo niya.
Tumawa lang ako. Ako pa ngayon ang amazona? “Sige na, aalis na ako. Bye!” ani ko at nag madali nang lumabas ng bahay. Pag labas ko ng gate ay tamang-tama rin namang dumating si Calista.
“Aya!” Sumilip ito sa car window at kinaway ang kaniyang kamay. Napangiti naman ako at agad na sumakay sa passenger seat. Kahit kailan never na late ang babaeng 'to sa usapan namin.
“So, you're living together again?” agad na tanong niya nang makapasok ako sa sasakyan.
“Sort of?”
Tumawa ito at kinabig ang manibela niya.
“Mukhang hindi ka pa sure sa sagot mo, ah. Anong nangyari? Nagbalikan na ba kayo?”
Napasinghap ako at sinandal ang ulunan ko sa upuan. “Ewan ko ba, Cali. Ako na siguro ang pinakatanga at pinaka-marupok na babaeng nakilala mo.”
Mahina itong tumawa. “Inaasahan ko na rin naman na mangyayari 'yan. Kahit anong mangyari ay anak niya si Krypton kaya alam kong magtatagpo ulit ang landas niyo. And deny it or not, i know that you still love him.”
“ Yea, guilty ako roon. I won't deny it”
“How about Aero, then? Ginugulo pa rin ba kayo?”
I gasped. Tinuon ko ang tingin ko sa labas ng bintana ng sasakyan. “ I don't know, Cali. Medyo na c-creepy-han ako sa kaniya.
“Creepy? Why?”
Nilingon ko si Calista. “He called me last night. He sounds weird. Kung ano-ano ang pinagsasabi niya. He want us to go abroad and insisting na mahal ko pa rin daw siya. ”
“Oh? Baka lasing?”
“Maybe? Pero kasi iba ang dating ng tono niya habang kausap ako. And you know what is weird?”
“What?” she curiously asked.
“Kagabi noong nandoon ako sa veranda ng kwarto, i saw a laser on the wall habang nag-uusap kami ni Aero sa phone.”
“Laser?”
“Yeah, sa sobrang takot dahil kinabahan ako ay bigla akong napatakbo sa loob sa kwarto. Malay ko ba kung pagbabariliin ako roon.”
Mahina itong tumawa. “Sino naman ang babaril sa 'yo, aber? Baka may bata lang na naglalaro ng laser sa kapit-bahay niyo,” anito.
“Sabagay. Praning lang siguro ako.” Napahinga ako ng malalim at muling itinuon ang tingin ko sa labas ng bintana nh sasakyan. Nag o-overthink lang siguro ako.
Pag dating namin sa new bilibid prison kung saan nakakulong ang murderer ng casino massacre ay giniya kami ng isang BJMP officer papunta sa visitation area. Bawat sigundong lumilipaas ay nakakaramdam ako ng bigat sa dibdib. Kinakabahan ako na di ko ma wari. Hindi ko pa alam ang mga sagot sa katanungan na bumabagabag sa utak ko. Hangang ngayon ay nangangapa pa rin ako. Parang nakatayo ako sa gitna ng dalawang daan at hindi ko alam kung saan magpapatuloy. Kung totoo ang panaginip ko na 'yon, paanong wala akong maalala? Kung nagsinungaling man si tita sa akin tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko, ano ang rason niya at bakit niya ginawa 'yon?
“He's here. His name is Ricardo Martinez,” bulong ni Calista. Napatingin ako sa direksyok kung saan siya nakatingin. Ramdam na ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko. Isang lalaking naka-posas, mahaba ang bigute at mukhang miserable ang akay-akay ng guwardiya na naglalakad papunta sa direksyon namin.
Nang nasa tapat na namin sila ay napahugot ako ng malalim na hininga habang matiim na nakatitig sa kaniya. Kung siya man ang pumatay sa mga magulang ko ay hindi ko siya mapapatawad.
“Maupo ka,” ani Calista, ngunit nanatili pa rin itong nakatayo sa harap namin habang iniikot-ikot niya ang kaniyang paningin sa palagid.
May binulong ang guwardiya sa kaniya na kaniya namang ikinatango at saka umupo sa upuan sa harap namin.
Napakunot ang noo habang tinititigan siya. Mukhang hindi ito mapakali, palinga-linga rin siya na parang may hinahanap.
“Hi, ako si Attorney, Calista Javier—”
“Nasaan si mama? Nadala niyo na b-ba sa hospital?”
Parehas kaming natigilan ni Calista nang magsalita ito.
“Ma'am, mental unstable po siya,” ani ng guwardiya na kasama niya.
“Si mama? M-Magaling na ba siya? Nagamot na b-ba siya?” nauutal na tanong niya habang palinga-linga sa paligid na parang may hinahanap.
“What do you mean mental unstable? Dahil ba sa krimen na ginawa niya?” tanong ko. May case kasi na nagiging mental unstable ang tao pag hindi nakayanan ang trauma at guilt.
“Hindi, ma'am. Dati na siyang ganiyan. Kaya niya rin nagawa ang krimen sa casino noon dahil mentally unstable siya—”
Hindi natapos ng guwardiya ang sasabihin niya nang tumunog ang phone nito. “Excuse me lang po,” anito na ikinatango namin.
“Hello, Ricardo Ramirez, may itatanong lang sana kami. May gusto lang kaming malaman. Sagutin mo lang kami, okay po?”
Tinignan niya si Calista. “Ako po ulit si Attorney Calista Javier, may kaunting katanungan lang po kami.”
Tumango naman ito bilang sagot kay Cali.
Nilabas ko ang litrato ni mommy at daddy 'tsaka inilahad sa harap niya.
“Kilala mo ba sila?” tanong ko
Natigilan ito nang tignan ang litrato.
Hindi ito nagsalita bagkus ay hinawakan nito ang ulo niya at nag umpisang mag salita ng pabulong ngunit hindi namin maintindihan.
“Manong, kilala mo ba sila? Naalala mo ba ang mukha nila?” tanong ni Calista.
“S-Sila...” Nakahawak pa rin ito sa ulo niya at nag uumpisa na siyang manginig.
Saglit kaming nagkatinginan ni Calista at muling binalik ang tingin sa lalaki. Muli akong nilukob ng kaba. “Sabihin niyo po. Kilala niyo ba sila?” muling tanong ko.
Mas lalong lumakas ang panginginig niya habang nakahawak pa rin sa ulo niya at may mya salitang sinasabi ngunit hindi namin maintindihan.
“Manong, ayos lang po ba kayo?”
Hahawakan sana siya ni Calista nang bigla itong tumayo. Napatayo na rin kami ni Calista.
“Kumalma po kayo— Ahhh!” Napasigaw na lang ako nang balibagik niya ang lamesa sa harap namin. Nagiging aggressive na siya.
Biglang nagsitakbukan ang mga guwardiya at pinigilan siya dahil nagwawala na ito.
Napahawak si Calista sa akin. “Okay ka lang?” tanong nito na ikinatango ko naman. Muntik na kasi ako tamaan ng lamesa.
“Sila... H-Hindi ako... Ahh!” anito habang nakatingin sa amin.
“Anong sila?” Lalapit sana ako ngunit pinigilan ako ng guwardiya.
Nagwawala ang lalaki at nag pupimiglas sa mga hawak ng mga guwardiya.
“Sabihin niyo po! Anong alam niyo? Kilala niyo ba ang mga magulang ko?!” Nanginginig na tanong ko.
“Ahhhh!!" Nagpumiglas ito at tinulak ang mga security na nakapalibot sa kaniya.
“Hindi a-ako! S-Sila!” sigaw nito.
“Manong sino ngang sila?!" Pagmamakaawa ko. Unti-unting bumibigat ang aking pag hinga hangang sa nagsilaglagan na ang luha sa aking mga mata..
“Please po, sabihin niyo sa 'kin!”
Gusto kong lumapit sa kaniya ngunit hinahawakan ako ni Calista.
“Aya... kumalma ka,” anas sa akin ni Calista.
“Manong, pakiusap naman, sagutun niyo ako. Kilala niyo ba ang mga ito?!” tinaas ko ang litrato nila mommy at muling pinakita sa kaniya.
Nagwawala ito at pilit na nagpupumiglas sa mga hawak ng security.
“Ma'am tama na po. Mas lalo lang siyang nagiging aggressive dahil sa ginagawa niyo!” sigaw ng isang security habang hawak-hawak ang lalaki at pinipigilan ito.
Masiyadong pwersahan na ang nangyayari. Malakas din ang lalaki at apat na ang pumipigil dito. Tumitirik ang mata at sinasabunutan nito ang buhok niya.
“Please...” umiiyak na turan ko.
Gusto kong malaman ang totoo. Gusto ko malaman ang totoong nangyari sa mga magulang ko. Desperado na ako.
“Ma'am! Please... Umalis na po kayo,” ani ng isang security.
“Aya, tara na. Babalik na lang tayo,” saad ni Calista at hinila ako paalis dahil mas lalo itong nagwawala.
Nakakailang hakbang pa lang kami nang muli itong mag salita kaya napalingon kami. “Pinilit lang a-ako—” Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng may tinurok ang guwardiya sa kaniya hangang sa bumagsak ito at nawalan ng malay.
“Anong ginawa niyo?” tanong ko habang sinusundan ng tingin ko ang tatlong guwardiya na akay-akay si manong paalis.
“Tinurukan lang namin ng pampakalma, ma'am,” ani ng isang security na siyang tumurok kay manong.
“Sir, ano ba ang nangyayari sa kaniya? Bakit siya nagkakaganun?” tanong ni Calista.
“Hindi po stable ang pag-iisip niya at iyon din ang dahilan kung bakit nakagawa siya ng krimen. Dati siyang adik siya sa sugal kaya palagi siyang nasa casino. Ang sabi raw natalo raw siya noon, ianatake siya ng sakit niya at pinagpapatay ang ibang tao roon sa casino na 'yon,” kwento ng security.
“Kung ganun pala, diba dapat nasa rehab siya? Bakit nakakulong siya? Diba dapat before mag proceed sa kaso kailangan muna dumaan ang akusado sa psychiatric evaluation and treatment? Paano siya hinatulan kaagad? Dahil pag ganito ang sitwasiyon ang lalaking 'yon ay hindi p'wede agad hatulan. Maari pang maging basehan ang situation niya para sa isang ‘not guilty by reason of sanity’ plea,” ani Calista.
Pakiramdam ko tuloy parang nasa trial court ako dahil sa haba ng sinabi niya. Tama naman siya pero pag gano’n unfair din naman sa pamilya ng pinatay niya at magiging unfair din sa akin kung totoong isa sila mommy at daddy sa pinatay niya.
“Hindi ko po alam, ma'am. Matagal na rin naman kasi nangyari 'yon at bago lang din ako nadistino rito kaya wala ako masiyadong alam. Excuse me po,” saad ng guwardiya umalis.
Napasinghap na lang ako. Akala ko malalaman ko na ang totoo.
.
.
.
“Aya?” tawag sa akin ni Calista habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi.
“Hmm?” Nilingon ko ito.
“Are you okay?” tanong nito. Bakas sa boses niya ang pag-aalala.
“Iyong sinabi mo kanina possible ba talagang mauwi sa not guilty by reason of sanily plea ang ang kaso ng tao na 'yon because of his illness?” nag-aalangang tanong ko.
Ginilid muna ni Calista ang sasakyan bago niya ako hinarap.
“Aya, lahat ng may ganoong case ay kailangan munang ipasok sa mental facilities. He needs psychiatric treatment. If he caused harm due to his mental illness and wasn't treated, he could potentially harm more people in prison,” she explained.
Hinawakan niya ang kamay ko. “I know you're kinda upset because of what I've said earlier. Magiging unfair naman talaga iyon sa mga taong kinuhaan niya ng buhay at sa mga pamilya ng mga ito. At kung totoo mang isa ang mga magulang mo sa naging biktima magiging unfair rin sa 'yo. But in such situations, he needs to undergo treatment before his case can proceed. Kagaya kanina, naging aggressive siya at kung wala ang mga security ay siguradong nasugod ka niya at nasaktan ka niya. The lives of people in prison cannot be put at risk, especially since he has taken a life and could repeat it if his illness strikes again.”
Tumango naman ako. Tama naman siya kailangan isaalang-alang din ang safety ng mga tao roon.
“If you're thinking that his illness may serve as an excuse for his actions, remember that there are protocols in place to ensure both justice and the well-being of all involved,” Calista added, reassuringly.
Napangiti naman ako. Ngayon ay nalinawan na ako. “Thank you, Cali,” ani ko.
She smiled. “Always.” Papandarin niya nasa ang sasakyan ngunit natigilan ito at muli akong nilingon.
“Napansin mo ba, okay naman siya kanina diba pero noong pinakita mo ang picture ay na triggerd ang sakit niya at nag wala siya?”
“Baka dahil naalala niya ang mukha nila mommy na pinatay niya?” hindi siguradong sagot ko. Siguro iyon ang nag trigger sa kaniya.
“Pero ilang beses niyang binabanggit ang salitang hindi ako at sila ano kaya ang ibig-sabihin nun?” Napakamot siya ng batok na parang nag-iisip.
Iyon din nga ang napansin ko. Parang may gusto siyang sabihin at ipaalam sa amin pero hindi niya magawa.
“Okay, ganito na lang. Magpapatulong ako kay Ally sa prosecution office para mag halungkat kung sino pa ang mga involved casino massacre case at magpapatulong na rin ako kay Sebastian na ipahanap ang pamilya ni Ricardo. Sabi kasi ilang taon nang hindi dumadalaw ang pamilya niya sa kaniya. Kung wala tayong makuhang sagot kay Ricardo baka sa pamilya niya meron.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro