Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 53

AYA

It's been three days since we left Aero's house. Isang araw lang kaming nag stay sa bahay ni ate Julie, agad din kaming lumipat sa condo niya dahil alam kong pupuntahan at hahanapin pa rin kami ni Aero roon. Oo, ilang taon naming siyang nakasama ni Kyrpton pero ayoko ko nang isala-alang-alang ang buhay ni Krypton. He almost kills me and I witnessed how he hurt Krypton at posibleng mangyari ulit 'yon.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya, ang alam ko lang may sigurado akong may tinatago siya sa akin noon pa man at 'yon ang aalamin ko.

Nasa sala akong mag-isa habang nagkakape. Si Krypton ay nasa school kasama ang si Michelle. Nag aalala man ako na p'wede siyang puntahan doon ni Aero pero hindi ko naman p'wedeng ikulong rito si Krypton sa condo. I instructed Michelle na rin naman na 'wag silang aalis sa waiting shed ng school kung wala pa ako para mag sundo. I also talked to the security there na kung may lalaking sumundo sa kanila at pangalan ay Aero ay 'wag silang papayagan na umalis. Ang pinaka-importante sa akin ngayon ay ang safety n Krypton.

I was drinking my coffee when my phone rang. "Hello?" I said when I answered the call. It's Calista.

"Aya, may information na akong nakuha about sa pinapahanap mo."

Napatigil ako sa pag simsim ng kape ko at nilapag ang tasa na hawak ko glass table. "Talaga? So, totoong may Fortune Club Casino?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes, gusto mong puntahan natin?" I nodded my head na akala mo naman ay kaharap ko lang si Calista habang kinakausap. "Sige, sure." That dream is not just a dream. Ang panaginip ko na iyon ay maaring mag bukas ng mystery sa buhay ko.

Sinundo ako ni Calista sa condo. Kinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari sa amin ni Aero and she was furious. And she told me na kasuhan siya for physical abused and child abused but I answered her not now dahil may aalamin pa ako sa kaniya. Isa pa hindi pa ulit kami nagkikita since we left his house.

Habang nasa byahe kami ay kinakabahan ako. I don't know why I am nervous. Kinakabahan ako sa matutuklasan tungkol sa lugar na iyon.

Pag dating namin sa lugar na iyon ay halos manghina ang tuhod ko. "What the fuck?" I uttered while gazing the building in front of us. The fortune club casino.

"Are you okay?" Calista asked.

Inilapat ko ang tingin ko kay Calista. "Ito nga..." hindi makapaniwalang anas ko. "The place where I saw my mom died."

Umawang ang labi ni Calista dahil sa sinabi ko. "I thought your mom died in car accident?"

"Akala ko rin. Sigurado ako na ang lugar na ito ang sasagot sa mga katanungan sa pagkatao ko. Ito ang susi na mag bubukas sa misteryo ng buhay ko."

Nakatingin lang si Calista sa akin na pawang walang maintindihan sa mga sinasabi ko. Hindi 'yon basta-basta panaginip lang.

Kinuwento ko sa kaniya ang tungkol sa panaginip ko at ang dahilan kung bakit pinapahanap ko sa kaniya ang lugar na ito. She was shocked. Alam kong magugulat siya dahil ganiyan din ang naging reaksyon ko.

"Maaari kayang hindi 'yon basta panaginip lang? maaaring parte 'yon ng memories mo and your tita lied to you."

Napalunok ako sa sinabi ni Calista. Maaaring tama siya. Tita lied at pinaniwala akong namatay sila sa isang car accident pero maaaring mali rin. Maaaring magkatao lang din.

"'Yan ang aalamin ko." I sighed. "Puwede mo ba akong tulongan?" She smiled at me. "Of course. Hindi mo na kailangan tanungin 'yan. Sabay nating aalamin."

Naglakad-lakad kami ni Cali para libutin ang lugar. Malapad ang kinatatayuan ng building at may ilang palapag din ito. Halatang matagal na itong nakasara ang lugar na ito ngunit may mga security pa rin na nagbabantay. Ano kaya ang tinatago ng lugar na ito?

"Excuse me, ladies, but you're not allowed to roam at this place," ani ng isang security na lumapit sa amin.

Nilabas ni Cali ang ID niya at pinakita sa security. "I'm a lawyer. May gusto lang sana kaming malaman."

Biglang nagbago ang reaction ng mukha ng security. "From what law firm?" tanong nito na parang kabado. He's acting strange.

Muling pinakita ni Cali ang ID niya.  “Isn't enough to show my ID for you to believe me?”

I saw him gulped. “ It's not that, ma'am. I'm sorry, but you're still not allowed to enter this place because this is a private property. Wala rin kaming natanggap na info na may lawyer na dadating dito. Mas mabuting umalis na lang kayo para sa ikakabuti niyo,” anito na nagpataas ng kilay ni Calista.

Magsasalita pa sana ito nang pisilin ko ang kamay niya at senenyasan siya na 'wag na lang tumuloy. Armado sila, mahirap na.

Sumakay kami sa sasakyan paalis sa casino pero huminto rin kami sa isang karenderya.

“Anong gagawin natin dito? Nagugutom ka ba? ”

Umiling si Calista. “Kung hindi tayo makakakiha ng information mula sa loob ng casino, dito tayo magtatanong.”

Naunang bumaba ng sasakyan si Calista at naunang pumasok sa karenderya. Sumunod naman ako sa kaniya sa loob.

Para makapagsimula kaming makapagtanong-tanong ay umorder na lang din si Calista para hindi naman kami mapaghinalaan na nag iimbistiga.

“Manang, matanong lang po. Bakit po nakasarado 'yong casino riyan sa malapit? Sayang mukhang malaki pa naman,” pasimpleng tanong ni Calista sa tindera habang kumakain.

“Ah, matagal na po 'yang nakasara. Dahil sa insidenteng nangyari mahigit sampong taon na ang nakakalipas.”

Napatigil kami ni Calista sa pagkain at seryosong napatingin kay Manang.

“Insidente po? Ano pong klaseng insidente?” tanong ko kay manang.

“Kung tama ang pagkakatanda ko, sampong taon na ang nakakalipas, may nangyaring massacre—

“Ma! Dito ka nga po! Kung ano-ano na naman ang kinukwento mo diyang walang katotohanan. Inaabala mo sila sa pagkain nila.”

Biglang napatigil si Manang sa pagsasalita nang tawagin siya ng anak niya.

“Ano pong nangyari? Ano pong massacre? ” sunod-sunod na tanong ni Calista.

Nakita kong pinandilatan ng mata mg babae ang nanay niya senyas na 'wag na mag salita. Something's off here.

“Ay naku mga ija! Nakalimutan ko na. Matagal na kasi 'yon. Hala sige, kumain lang kayo riyan at may gagawin pa ako, ” ani manang at umalis.

Nagkatinginan kami ni Calista na parang alam ang nasa isip ng isa't-isa. 10 years ago may insidenteng nangyari rito at 'yon ang dahilan kung bakit nag sara ang Casino. Hindi ako nagkakamali, hindi kaya nasali ang parents ko sa insideteng sinasabi ni manang kanina?  Sampung taon na rin noong namatay ang mga magulang ko. Posible kaya ang iniisip ko?

Pag tapos naming kumain ni Calista ay agad na rin kaming umalis sa karenderya na 'yon. Marami pa kaming hinintuan at pinagtanungan ngunit wala kaming nakuhang sagot mula sa kanila. Parang may pinagtatakpan silang lahat. May kakaiba talaga sa lugar na 'to. Parang lahat ng tao takot na mag salita.

“It's obvious na may pinagtatakpan at pinoprotektahan ang mga tao sa lugar na 'yon, ” ani Cali habang nagmamaneho ng sasakyan.

“'Yong sinabi ng matanda na massacre, possible kayang totoo 'yon?”

Napakibit balikat si Calista. “Magtatanong ako sa prosecution office. Baka may criminal record ang casino na 'yon years ago. Malalaman natin kung sino ang may-ari at kung ano nga ang nangyari bakit sinara 'yon.”

Tumago na lang ako.  Tama, sa pamamagitan no’n mas mapapadali ang pag-iimbistiga namin ni Calista.

Pasado alas-tres na ng hapon nang mahatid ako ni Cali sa condo. Tatawagan niya na lang daw ako kung may dagdag information siyang makukuha tungkol sa lugar na 'yon.

Pagkaalis ni Calista ay agad kong kinuha ang susi ng sasakyan. 10 mins na akong late para sunduin si Krypton sa school. Sigurado nakabusangot na ang mukha ng anak kong 'yon.

Pag dating ko sa waiting area sa tapat ng school ay agad kong nakita si Mich. Mukha itong balisa at hindi mapakali habang kausap ang mga security. Agad akong bumaba at lumapit sa kanila.

“Mich, nasaan si Krypton?” agad na tanong ko nang mapansin na hindi niya kasama si Krypton.

Mas lalong nataranta ang expression niya at nakita ko rin ang panginginig ng kamay niya.

Kumunot ang noo ko kasabay no’n ang pag lukob ng kaba sa dibdib ko.

“Mich, where's Krypton?” Pag-uulit ko.

“E-Eh kasi ma'am, nag C.R lang ako saglit p-pag balik ko w-wala na po siya, ” nanginginig ma sagot niya.

“Ano?!” Bahagya itong napatalon sa pag taas ng boses ko.

“'Di ba sabi ko sa 'yo 'wag mong pababayaan si Krypton? Paanong nawala?! ” singhal ko. Napahawak na lang ako sa sintido ko. “Mich naman, e! Alam mo naman ang sitwasyon natin ngyaon, diba? ”

“Sorry, ma'am. Mabilis lang naman ako pero pag balik ko wala na po siya. Sabi po nila manong guard sinundo po raw ng dad niya.

“Dad niya?” Napapikit ako at napasabunot ako ng sarili kong buhok. Fuck! Si Aero. Sabi ko na nga ba mangayayari 'to, e

“'Diba sabi ko sa 'yo 'wag mo siyang iiwan?! Ano ba naman 'yan Mich. Ilang beses kitang pinaalalahanan!” Hindi ko na napigilan ang galit ko. Paano pag saktan siya ni Aero?  Hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyaring masama sa anak ko.

“At kayo po! Hindi po ba binilin ko sa inyo ang anak ko na kung may lalaking magsusundo sa kaniya 'wag niyo payagan!”

“Ma'am, sabi naman kasi ng lalaki, siya po ang ama ng bata. Sumama naman po ng kusa ang bata sa kaniya—”

“Kuya naman, e! ” unti-unting gumulong ang mga luha ko sa aking pisngi. “Paano po pag may nangyari sa anak ko? Kuya hindi ko po kakayanin!” Naiiyak na saad ko.

“Pasensya na po kayo ma'am.”

Napasabunot na lang ako sa sariling buhok. Napa- irresponsible nila!

Kinuha ko ang phone ko at agad na hinanap ang numero ni Aero. Pipindutin ko na sana ang call button nang biglang lumitaw ang pangalan ni Yves sa screen ng phone ko. Potangina, ngayon pa talaga!

“P'wede ba 'wag ngayon? Hinahanap ko anak ko 'wag mo muna akong gulohin!” asik ko nang masagot ang tawag. Papatayin ko na sana agad nang magsalita ito.

“Well, if you want to see Krypton, much better not to drop this call. He's here with me.”

Natigilan ako sa sinabi niya. “W-What?”

“He's with me. Nandito kami sa dati nating bahay. Hindi ko akalain na kaya mo akong taguan ng anak ng ilang taon.”

My mouth parted at parang nanlamig ako sa narinig ko.

“Bilisan mo dahil mahaba-habang paliwanag ang gusto kong marinig mula sa 'yo.”

“Y-Yves how—” magsasalita pa sana ako ng patayin na niya ang tawag.

Oh God damn!  What is the meaning of this? Oh, God! Alam na niya?

“Mich, mauna ka nang umuwi sa condo. Alam ko na kung saan ko susunduin si Krypton, ” saad ko kay Mich at nag madaling sumakay sa sasakyan ko patungo sa dating bahay namin ni Yves.

Pag dating ko sa bahay ay agad akong bumaba at kumarpas ng takbo papasok.  Nag aagaw na ang emosyon at kaba ko.

“Krypton! Krypton! ” tawag ko nang makapasok ako sa loob ng bahay.

Nilibot ko ang paningin ko sa sala at rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib ko.

“Mommy, we're here!” Boses ni Krypton mula sa kusina.

Agad akong tumakbo sa kusina at napahinto ako nang makita siyang naka-upo sa island chair habang nakatingin kay Yves na nagluluto.

Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko.

Napakagat labi ako nang makitang masayang nakangiti ang anak ko habang nakatingin sa ama niya.

Bigla itong lumingon sa gawi ko. “Mommy!” sigaw ni Krypton kaya napalingon din sa akin si Yves.

Tumalom si Krypton mula sa kaniyang pagkakaupo at tumakbo papunta sa akin.

Niyakap ko ito. “Oh my God. You scared me, anak.” Napahikbi ako habang karga at yakap-yakap siya sa mga bising ko. “Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo, I mumbled .

Nakita kong nakatitig lang si Yves sa amin kaya pinahid ko ang mga luha ko bago binaba si Krypton.

“Tito Yves and I cooked your favorite dish, mommy. It's beef giniling with potatoes and carrots."

I glanced at Yves, who was also looking at me, so I quickly redirected my gaze to Krypton. “Really? I'll have that later then.”

"Krypton, why don't you go to the room I showed you earlier? Play there for a while, mommy and I need to talk, okay?”

Lumapit si Yves sa amin at ginulo ang buhok ni Krypton. “We just need to have a quick chat.”

Tumango-tango naman si Krypton. “Okay po!” masiglang  sagot nito  at niyakap ako bago masayang tumakbo palabas ng kusina.

Bumalik  si Yves sa harap ng niluluto niya at pinatay ang apoy. Ramdam ko ang pag-uunahan ng kabog ng dibdib ko.

“Sa sala, ” tipid na aniya at naunang lumabas ng kusina. Sinundan ko naman ito.

May kinuha siyang papel sa  bulsa ng coat niyang nasa sofa at inabot sa akin.

“Open it, ” utos niya.

Nanlalamig ako habang hawak ang papel na bibigay niya. Kahit hindi ko pa man buksan, alam na alam ko na ang laman nito.

“Buksan mo, ” muling saad nito.

Nanginginig ang kamay ko habang unti-unting binubuksan ang papel.

I knew it!  Napalunok na lang ako ng mabasa ang DNA test nga ang hawak ko.

I could feel my throat tighten as I read the results of the DNA test. 99.999999 percent, positive. Yves is the father of Krypton.

"How did this happen, Aya?" he asked, his voice filled with coldness.

I lifted my gaze to meet his, and with that, tears welled up in my eyes once again.

“P-Paano ka nagkaroon nito? ” nauutal na tanong ko.  Paano niya napa DNA test si Krypton? At kailan niya ginawa?

“Is that still important? What I want to know is how Krypton became my child. Nakunan ka 5 years ago at ilang beses mo ring tinanggi sa akin na anak ko siya.”

Humakbang ito papalapit sa akin.

"That paper you're holding is proof that I am Krypton's father, not Aero. What happened 5 years ago, Aya? Nakunan ka ba talaga bago tayo nag hiwalay? How did you get pregnant then?" he asked, his questions pouring out in confusion.

Sandali akong hindi naka-imik. Hindi ko alam ang isasagot ko at kung saan ko uumpisahan.

“How did this happened? ” Hinawakan niya ako sa balikat habang hinhintay akong sumagot. “Aya, answer my damn questions!” Napapikit na lang ako sa pag taas ng boses niya.

At this point. Na corner na ako at alam kung hindi ko na malulusutan 'to.

I saw tears rolling down his cheeks, tracing a path from his eyes to his cheeks. “Please answer my questions. I feel lost, Aya. I feel so stupid for not knowing that all these years, I had a child with you. That you were pregnant when I left you.”

I took a deep breath, trying to steady myself before responding.

Napakagat labi ako dahil sunod-sunod na ring kumawala ang mga luha ko.

“Yes, a-anak mo si Krypton...” Napalunok ako dahil may kung anong bumabara sa lalamunan ko.  “Buntis ako noong naghiwalay tayo at nalaman ko lang 'yon week after our annulment.”

Napabitaw si Yves sa akin. Kitang-kita sa mga mata niya ang pagkalito. “B-But i saw you bleed. At nandoon ako noong sinabi ng doctor na nakunan ka.”

I slowly nodded my head. “Oo, totoong nakunan ako. Hindi rin ako makapaniwala noong una. Paano nga ba ako mabubuntis ulit after ko makunan? After that time wala na rin namang nangyari sa atin dahil nagka-leche-leche na ang lahat.”

Nakatingin lang si Yves sa akin na parang ina-analyze lahat ng sinasabi ko.

Pinahid ko ang mga luha ko. Bago muling nangsalita. “ Nagkaroon ako ng superfetation pregnancy. It's rare case of pregnancy na habang buntis ako noon ay may panibagong nabubuo sa sinapupunan ko. Supposedly, they are twins pero huling na develop itong isang baby kaya noong nakunan ako hindi nakita na may isa pa akong dinadala.”

He's mouth parted pagkatapos marinig ang mga sinabi ko. Parang unti-unting sinisink ng utak niya ang lahat ng narinig niya mula sa akin.

“ I didn't tell you because we were already separated at that time. You told me that you never truly loved me and that you were only forced into the relationship by your parents.” My voice trembled as I struggled to hold back my sobs.

“Actually, until now, I still can't understand why you left me." Dahil ba  sa nakunan ako? Dahil ba sa nangyari sa atin nila Ysa? Dahil ba na g-guilty ka sa lahat?”

Unti-unting lumalakas ang aking pag-iyak na ang aking hikbi ay naging hagulhol. Nabuhay na naman ang sakit. The pain that I've been trying so hard to bury and hide deep within the depths of my being.

“I was ready to forgive you back then, Yves. I was ready to forgive and forget everything! I was ready to start anew with you! But you chose to leave me instead of fighting for us! Mas pinili mong itapon ang lahat at hiwalayan ako!”
 

Napahawak ako sa aking dibdib dahil parang kakapusin ako ng hangin dahil sa pag-iyak.

“K-kaya... kaya 'wag mo akong sisihin kung bakit tinago ko sa 'yo na may Krypton na nabuo... na may anak tayo— ”

Natigilan ako nang bigla niya akong yakapin. “I'm sorry... I'm really sorry...”

Mas lalong lumakas ang aking pag-iyak dahil sa sinabi niya.

“Hindi ko ginustong iwan ka. Hindi rin totoong hindi kita minahal. Aya, minahal kita at mahal pa rin kita.”

Naramdaman ko ang ang pag higpit ng mga yakap niya. “Oh, God! You don't have any idea how I miss this feeling. Hugging you tight like this again after a long time”

Though I wanted to open my mouth, no words seemed to come out.

“I know I can't go back and change the time I wasted... but please...hayaan mo akong itama ang pagkakamali ko. Aya, I'm asking you, please bigyan mo pagkakataon na magpakatatay sa anak natin.”

Napasinghap ako ng malalim bago kumalas sa mga yakap niya. Pinunasan ko muna ang basa kong pisngi bago siya hinarap.

“I still don't know the reason why you left me back then, pero magiging impokrita akong ina kung ipagkakait ko sa anak ko ang ama niya.”

Dahan-dahan kong tinango ang ulo ko. “Welcome to my son's life, Yves." I smiled at him as my tears streaming down again.

It felt like a thorn that had been buried deep in my chest had finally been pulled out.

Hindi ko na kailangan isekreto sa anak ko ang pagkatao niya.  He would finally be able to be with his real dad.

--------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro