CHAPTER 46
YVES
"Hoy! Lumilipad na naman ata ang isip mo. "
"Ah? What was that again? " Napabalik lang ako sa aking huwisyo nang sitahin ako ni Sebastian.
He tsked. "Kanina pa kami salita nang salita rito, malayo na naman ang nililipad ng sarili mong mundo."
I sighed. "I'm sorry, I'm just tired, " sagot ko at tinungga ang beer na hawak ko.
"Pagod naman saan? You were supposed to go on your business trip for a week in Hawaii, but you didn't go because of your ex-wife, tapos pagod ka?" sarkastikong sabat naman ni Primo.
Nandito kami ni Sebastian sa bahay niya, nagyaya ang loko. May mga trabaho kasi ang iba kaya dalawa lang kami ni Sebastian ang nakapunta. Wala kasi ang asawa at anak niya dahil umuwi sa England kahapon at hindi siya nakasama dahil sa trabaho niya rito. Sad boy na naman 'to nang ilang linggo.
"Ano ba kasing iniisip mo?" Sebastian asked.
"Noong birthday kasi ni Samuel, noong umuwi si Aya. Nakita kong may sumundo sa kaniya..." I paused.
"And then?" Primo, na parang curious sa susunod kong sasabihin.
"Hindi kaya in a relationship siya?"
Napatingin ako kay Sebastian nang bigla itong tumawa. "What?" kunot-noo kong tanong.
"Kaya ba masiyadong malalim ang iniisip mo dahil doon? Bakit lalaki ba ang sumundo? "
I nodded my head. "Yeah, that time kasi magkausap kami ni Aya at noong oras na dumating 'yon, bigla na lang lumayo si Aya sa akin at agad namang sumakay sa sasakyan no'ng taong 'yon."
"You saw the guy's face? " Primo asked.
I shook my head. "No, because I was in a position where Aya covered where the man was, and when Aya left in front of me, the glass of the car window was up, so I didn't see who was in that car," I said, and opened another bottle of beer.
"Do you want me to investigate?" Napatingin ako kay Sebastian. Investigate?
"One hundred thousand, presyong kaibigan."
Bigla kong naibuga ang beer na iniinom ko. Humalakhak naman si Primo dahil sa naging reaksyon ko.
"One hundred thousand?!"
He nodded his head. "Aha, aha! Friendly price," he said as if bragging.
I clicked my tongue and dropped the beer I was holding onto the table. "Friendly price my ass!" I'll just hire my own private investigator instead of you, you swindler."
"Sige na, parang hindi naman kaibigan, e, " saad nito na parang nangongonsensya pa.
"Wow! Ikaw 'yong parang 'di kaibigan. One hundred thousand? Baka presyong kaaway 'yan at hindi presyong kaibigan." Muli kong ininom ang beer ko. "I'll hire other private investigator na lang. "
"Sige, ikaw bahala. I'll tell Calista na paiimbistigahan mo si Aya. Alam mo naman they're bestfriend."
Mabilis akong napatingin sa kaniya. "Okay deal! One hundred thousand!"
Humalakhak ito at tinapik ako sa balikat. Tanginang mokong na 'to. "Tama, 'yan. What friends are for right?"
I glare at him. "Friends mo mukha mo."
Tumawa silang dalawa ni Primo at nag cheers pa. Mga siraulo.
"Send mo na lang sa bank account ko for advance payment-"
"Fuck you, Berk!" Nag middle finger ako sa kaniya na mas lalo nilang ikinatawang dalawa ni Primo. Peperahan pa ako ng gagong 'to.
"Do you really know nothing about your ex-wife after your separation?"
"No," I said, shaking my head in response to Primo's question. "After the last trial of our annulment, I lost contact with her. My communication with her brothers was also cut off."
"It can only mean one thing, bro. She is hell-bent on removing you from her life."
I sighed deeply because of Sebastian's words. What if I'm the only one hoping up to this point? What if the man who picked her up that night happened to be her boyfriend or something?
I shrugged. I look so stupid thinking about this.
"This, bro, this is serious question, do you still love her?" Primo asked solemnly.
"I never stop loving her. You all know that," I replied, leaning back on the sofa.
"Then I'll change the question. Do you want to take her back?" Primo's question stunned me for a second.
Gusto ko, gustong-gusto ko pero 'yong ginawa nila daddy sa parents niya...
I took a deep breath.
Gustohin ko man pero hindi, e. Hindi ko alam. Nagugulohan na ako.
"Yves..." tawag ni Primo habang naghihintay ng sagot ko.
"Kung gusto lang ang pag uusapan, gustong-gusto ko. I want her back in my life," I answered.
"Kung hindi ka ba naman kasi isang milyong tanga at nakipaghiwalay. Mahal mo naman pala bakit mo hiniwalayan. Gumastos ka pa ng malaki sa annulment. " Sebastian tsked at ininom ang beer niya.
If only they knew the reason why I did that. If they were in my situation, they would do the same.
Hindi na ako nag salita pa. Inubos ko na lang ang laman ng bote ng beer na hawak ko.
"Aya is the new president of Luxe Label Co., right?" Primo broke into a moment of silence.
"Yeah, sabi rin ni Calista," sabat naman ni Sebastian.
"You know a lot about her, huh?" I said weakly. Buti pa ang mga lokong 'to may alam sa mga nangyayari kay Aya.
"She is probably a friend of Delia and Calista. You know, girls, it's their nature to chika at each other and then chika at us afterwards," Primo said, chuckling.
"Edi kayo na may asawa, " mahinang saad ko at tumayo sa sofa 'tsaka sinuot ang coat ko.
"Ang aga pa, uuwi ka na?" tanong ni Sebastian habang pumapapak ng pulutan.
"Sadyang maaga lang tayong nagsimula mag inom. Ginawa ba namang tangahalian ang beer. " I tsked.
"Para maaga matapos, " natatawang sagot naman ni Primo. Palibhasa walang asawang g-gyera sa kaniya kaya malakas loob.
"Sige, I need to go now. May pupuntahan pa ako. " Paalam ko sa kanila bago umalis.
Dumeretso agad ako sa bahay. Pag dating ko ay agad akong sinalubong ng mga kasambahay.
"Good afternoon, sir. Nagpapahinga po ang daddy niyo." Salubong sa akin ng isang kasambahay.
"Hindi siya ang ipinunta ko, " malamig kong sagot bago ko ibinagsak ang aking katawan sa couch.
"Call mom, now, " ma-awtoridad kong utos sa isang maid.
"Oh, son! You're here!" si mommy habang pababa ng hagdan.
I sighed. "Hindi na pala kailangan." Sinenyasan ko na lang ang maid na umalis.
"Oh, my gosh! How are you doing? " Yayakapin niya sana ako ngunit agad naman akong nagsalita kaya napatigil ito.
"Hindi ako nag punta rito para kumustahin kayo."
"Yves... " Kitang-kita sa mukha nito ang pagkadismaya.
Simula noong nalaman ko ang tungkol sa ginawa nila sa sa mga magulang ni Aya ay lumayo na ang loob ko sa kanila. Once in a blue moon na lang rin ako pumupunta rito kung hindi pa dahil kay Yvan.
"Hindi rin ako magtatagal dito. I just want to talk to you about something."
Umupo si mommy sa single chair na nasa harap ko. "What's that son?" Pinipilit niyang pasiglahin ang boses niya kahit alam kong masama ang loob niya dahil sa malamig na trato ko sa kanila.
"'Diba gusto niyong ipa-handle sa isa sa amin ni Yvan ang Chic Coutour 'diba? Nag bago na ang isip ko... give it to me. Ako na ang mag h-handle. "
Biglang lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Really?! " hindi makapaniwalang tanong niya.
Tinango ko ang ulo ko. Matagal na kasing gustong ipasa ni mommy sa isa sa amin ang clothing company nila na 'yon ngunit wala ni isa sa amin ang may interesado dahil hindi naman kami mahilig ni Yvan sa fashion-fashion na 'yan.
"Goodness! Sa 'yong- sa 'yo na anak!" natutuwang saad nito.
"But in one condition."
"What condition? " Nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa akin.
" Hindi ka makikialam sa pamamalakad ko sa kompanya. Kayo ng magaling kong ama."
Saglit itong natigilan sa sinabi ko ngunit ilang sandali lang ay tumango rin ito at malamlam akong nginitian. "Okay, sige. "
"Alright, I'm leaving. I still have something to do. Just get the papers ready so that the company can be transferred to my name as soon as possible."
Tumayo na ako sa couch.
"Hindi mo lang ba sisilipin ang daddy mo sa taas?"
Marahas akong napabuntong-hininga. "May importante akong lakad."
Tinalikuran ko na siya at humakbang na ngunit nag salita ito kaya napatigil ako. "He's still your Dad, Yves. Malala na ang sakit niya. Hindi ba p'wedeng dalawin at kumustahin mo lang man siya? "
Mapakla akong tumawa at nilingon siya. "Hindi ba p'wedeng maging grateful na lang kayo dahil hangang ngayon hindi ko pa rin kayo pinapakulong dahil sa krimen na ginawa niyo?"
Nilapitan ako ni Mommy at hinawakan ang ang mga kamay ko. "Anak, please... You're daddy is sick. He's dying. Hindi mo ba siya mapapatawad? "
Bumali ang leeg ko at marahas kong binawi ang kamay ko sa kaniya. "Are you hearing yourself, mom?"
"Pero Yves..."
"Pumatay siya, Mom! At alam mo 'yon pero wala kang ginawa! Tapos hihingi kayo ng kapatawaran?" Kumuyom ang mga kamao ko at ramdam ko ang pag-init ng gilid ng mata ko. Nabuhay na naman ang galit ko sa kanila.
"Yves, it's been 5 years. Hindi mo pa rin ba magawang mapatawad ang daddy mo?" aniya habang nag u-umpisa nang umiyak.
"Yes, its been 5 years, mom! At 5 years na ring miserable ang buhay ko dahil sa ginawa niyo!" At this point, nahulog na ang mga luha ko.
Limang taon. Limang taon nang sirang-sira ang buhay ko dahil mas pinili ko sila kaysa sa babaeng mahal ko.
"Yves, pamilya mo kami. Kami ng daddy mo! Ginawa lang namin 'yon para sa pamilya natin-"
"Stop using that fucking family card here, mom! " sigaw ko.
Patuloy lang ito sa pag-iyak habang nakatingin sa akin. "Pamilya?" Tumawa ako ng mapait. "Anong pamilya? Ginawa niyo 'yon for the sake of our family? Mom! Hindi niyo ba inisip na kinuhanan niyo ng pamilya sina Aya dahil sa ginawa niyo?! Sa sobrang pag p-protekta niyo sa pamilyang 'to, kumuha kayo ng buhay! Sumira kayo ng dapat na masayang pamilya ng iba! "
Patuloy ang pag agos ng mga luha ko dahil sa galit. "Potangina, ano ba klaseng pamilya mayron ako?"
Tumawa ako na parang sira-ulo habang umiiyak.
"Yves... He's still your dad. Kahit anong mangyari ay tatay mo pa rin siya!" sigaw nito habang patuloy sa pag-iyak.
Umiling ako. "Hindi, wala akong tatay na kriminal. Magpasalamat na lang kayo dahil dala ko ang apilyedo niya kaya hahayaan ko siyang mamatay dito kaysa mamatay at mabulok sa prisinto kagaya nang pinakiusap at hiniling mo sa akin noon. "
Napapikit ako nang dumapo ang isang nalutong na sampal ni Mommy sa kanang pisngi ko.
"Yves, you're too much!"
"Mas sobra kayo! Pumatay kayo, e! Hindi niyo alam kung ano ang caused ng ginawa niyo kay Aya at sa akin na anak niyo! Sinira ko ang sariling pamilya ko para lang mapagtakpan 'yang kawalang-hiyaan na ginawa niyo! I gave up my marriage, I sacrificed my happiness and I made my life miserable just for the both of you! Hindi ko matanggap na Drakon ang pumatay sa mga magulang ng babaeng mahal ko! Ang masaklap kayo pang mga magulang ko." Napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam ko na naman ang sakit at galit na naramdaman ko noong araw na nalaman ko ito.
"Bakit kayo umabot sa gano'n? Hindi naman kayo masasamang tao 'di ba? Pero bakit niyo ginawa 'yon? Bakit kayo gumawa nang gano'n kabigat na krimen?" Nag iwas ng tingin si Mommy sa akin habang patuloy pa rin sa pag iyak.
"Hindi niyo pa rin ba sasabihin sa akin kung bakit? Kung ano 'yong rason? Kasi mom, hindi ko maintindihan at ang hirap namang isipin na pumatay lang kayo para ma protektahan ang pamilyang 'to. "
Napalunok ako dahil parang may kung anong nakabaon sa lalamunan at sa dibdib ko. "Ano klaseng protekta ba 'yong ginawa niyo? Pumatay kayo, Mommy. Alam niyo ba 'yon?"
"If you were in our shoes that time, gano'n din ang gagawin mo. "
"No, Mom! Kahit anong rason pa 'yan! Buhay 'yong kinuha niyo, buhay ng tao!" sigaw ko. Hindi ko na maintindihan kung anong pamilya mayroon ako. Nakakabaliw!
"Hindi ako katulad niyo at hinding-hindi ako magiging katulad niyo."
"I'm sorry." Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig niya.
Pinahid ko ang luha ko at mapait na nginitian siya. " 'Wag kayong umasa na mapapatawad ko kayong dalawa. Kung gusto niyo mangayari 'yon, aminin niyo ang lahat kay Aya at doon kayo humingi ng tawad sa kaniya, " malamig na saad ko bago siya tinalikuran at iniwan siyang humahagulhol .
Pag labas ko ng bahay ay hindi ko muna binuhay ang sasakyan. Pinahid ko muna ang basa kong pisngi at kinalma ang sarili ko. Nang maging okay na kahit papaano ang pakiramdam ko ay kinuha ko ang phone ko at hinanap ko ang numero ng isang kaibigan at tinawagan ito.
Ilang ring lang ay nasagot naman agad. "Hello?"
"Hello, Sam? I want to discuss something. Are you free?"
Pagkatapos naming mag usap ni Sam ay agad kong pinaandar ang sasakyan at mabilis na pinaharurot iyon palayo sa bahay.
----------
A short update for today!
By the way, thank you to those who appreciate my update, even though it was slow. I am very happy when I read feedback from you.
I'm just a little upset and also disappointed with others who complain because the update is always hanging and takes a long time to follow.
Guys, please do understand me. I have work. My world revolves not only here on Wattpad. I have a pile of paperwork that is thicker than a book. I'm just looking for free time to update so you have something to read.
Sorry if ito lang ang nakayanan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro