CHAPTER 42
AYA
Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin kay Yves at Krypton. My child and my ex-husband have already met.
I was about to step when Aero came. "Krypton!" Agad siyang lumapit sa dalawa at kinarga si Krypton.
"Aero?" ani Yves nang makita si Aero. Naging magkaibigan naman silang dalawa noon pero noong bumalik si Aero sa Australia ay nawalan na rin sila ng connection because of me.
"Daddy it hurts!" mangiyak-ngiyak na sumbong nito kay Aero.
Kita sa mukha ni Yves ang gulat ngunit pagkalaunan ay ngumiti rin ito. "Anak mo?" sandaling natigilan si Aero ngunit ilang sandali lang din ay tinango niya rin ang ulo niya.
"Yeah. Ikaw kumusta ka na? Tagal din nating nag kita, a." Nagkibit-balikat si Yves at tumawa. "Ito, gano'n pa rin."
Hindi nga siya nag bago. Siya pa rin ang lalaking minahal ko 5 years ago. His face, his smile... 'yong kinasanayan ko noon, gano'n pa rin.
"Daddy, let's go home. I'm hungry, " reklamo ni Krypton kaya muling nabaling any tingin ni Yves sa kaniya.
"Kung nabuhay ang anak ko siguro kasing laki mo na rin." Parang may kung anong pumitik sa puso nang sabihin iyon ni Yves.
"Paano ba 'yan, maauuna na kami, pare. Nag rereklamo na, " natatawang anas ni Aero kay Yves.
"What's your name, Kiddo?" Dinapi ni Yves ang palad nito sa pisngi ni Krypton.
"Kypton. My name is Krypton!" Yves smiled again. "Nice to meet you Krypton. My name is Yves. I'm your daddy's friend. Just call me Tito Yves, okay?" Ngumiti si Krypton at tinango ang ulo niya.
"Alright, tito, Yves!" masiglang sagot nito.
Yves pinched his cheek. "You're so adorable, you remind me of someone. By the way, I'll get going na rin. Take care next time, okay. Stop running so you won't get hurt." Tumago-tango naman si Krypton kay Yves.
Ginulo niya muna ang buhok ni Krypton bago nag paalam kay Aero. "Hangout na lang tayo next time, bro. It's nice to see you again." Yves tapped Aero shoulder, bidding a goodbye.
Agad akong tumalikod at nag tago sa isang stall para hindi ako makita ni Aero. Nang malapit na sila ay lunabas ako at nag kunwaring hinahanap si Krypton.
"Kyrpton, there you are! You make scared!" ani ko.
"Bakit ba nahiwalay sa 'yo si Krypton?" tanong ni Aero. Naka-kunot ang noo nito.
"Sorry na. Binaba ko lang siya saglit para kumuha ng cereals tapos pag lingon ko wala na, " ani ko. He sighed. "Next time 'wag mo siyang bibitawan. Sana hinintay mo na lang ako makabalik."
Kinuha ko sa kaniya si Krypton at binuhat. "Sorry na. Hindi na mauulit. "
"Okay." He gave me a weak smile at nauna nang mag lakad papunta sa cart namin.
Hangang sa makauwi kami ay tahimik pa rin si Aero at alam kong si Yves ang dahilan no'n.
Kumain kami nang tahimik nang hindi man lang ako iniimik ni Aero. Niligpit niya ang pinagkainan namin ngunit hindi pa rin ako kumikibo.
Sinundan ko siya sa kusina habang si Krypton naman ay nasa sala at nanonood ng TV.
Sumandal ako sa lababo habang tinitignan siyang nag huhugas. "Are you upset?"
Iniling niya ang ulo nang hindi man lang ako nililingon. "Eh bakit mo ako hindi iniimik kung hindi ka galit? " This time nilingon na niya ako. Tinanggal niya ang gwantes niya at inakay ako papalapit sa kaniya para yakapin ako.
"Natakot lang ako, " bulong nito. "Natakot ako sa p'wedeng mangyari kay Krypton kung hindi ko siya nakita kanina. " Alam ko ang ibig niyang sabihin.
"I'm sorry, " I uttered. Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko.
"It's fine. Mag d-double ingat na lang tayo sa susunod. Kasalanan ko naman kasi iniwan ko kayo kanina. Bumitaw ito sa akin. "Lalabas lang ako saglit may bibilhin lang. Nakalimutan ko kanina, e. Dito na muna kayo ni Krypton sa bahay. "
Ngumiti ako at tinango ang ulo ko. "Sige mag iingat ka."
Lumabas ito at naiwan kami ni Krypton sa bahay. Si Jaxon naman kasi ay umalis dahil may lakad kasama ang tropa niya habang si Andrea ay bumalik sa school dahil may activity raw sila.
Bumalik ako sa sala at tinabihan si Krypton na ngayon ay nakahiga sa sofa at natutulog na naman. Busog ang baby ko kaya siguro inantok na naman.
Pinagmasdan ko ito habang mahimbing na natutulog. Ang amo ng mukha ng anak ko. Manang-mana sa tatay.
Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. "Nag krus na ang landas niyo ng tunay mong daddy, anak. Mag kamukha talaga kayo." Pumatak ang isang butil ng luha mula sa mata ko nang hindi ko namamalayan.
FLASHBACK
"Kailan alis mo?" tanong ni Calista habang nilalaro ng daliri ang straw sa frappe niya. Nasa Starbucks kasi kaming dalawa.
"Baka next week. Mabuti na rin 'yon para hindi ko na makita si Yves." Mapait akong ngumisi. Tuloyan na ngang napawalang-bisa ang kasal namin. It means, putol na ugnayan ko sa mga Drakon.
"Sabagay, para madali kang makalimot, " saad niya.
I sighed deeply. Sana nga makalimutan ko siya. First love ko si Yves at siya lang ang minahal ko ng ganito sa tanang buhay ko.
"Oh, siya... may gagawin pa ako. Mauuna na ako sa 'yo, attorney Calista! "
She chuckled. "Sige, basta tawagan mo lang ako pag may need ka okay? Fighting! " Nag aja sign ito na ikinatawa ko. Mabuti na lang ay naging kaibigan ko ang babaeng 'to.
Tatayo na sana ako nang mapahawak ako sa ulo ko.
"Are you okay?" Hinawakan ako ni Cali sa braso.
Biglang bumigat ang pakiramdam ko. "Aya, ayos ka lang may masakit ba sa 'yo? " nag aalalang tanong nito.
Unti-unting dumilim ang paningin ko. Napahawak ako ng kay Calista. "Nahihilo ak-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tuloyan nang nanilim ang paningin ko at bumagasak ako.
.
.
.
.
Nagising ako na may dextrose nang naka tusok sa kamay ko.
"Mabuti naman at gising kana." Napalingon ako sa boses babae at nakita ko si Doctora Pamela, ang kapatid ng asawa ni Calista na siya ring doctor ko noong nagbubuntis ako.
"Doc ano po ang nangyari? Nasaan po si Calista?" tanong ko sa kaniya. Bumangon ako at umupo sa kama. Nahihilo pa rin ako.
"Lumabas saglit si Cali para bumili ng makakain. By the way, anong nararamdaman mo?" tanong niya.
"Wala naman po akong ibang nararamdaman bukod sa pagkahilo, " sagot ko sa kaniya.
Tumango-tango naman ito. "That's good."Kinuha niya ang sphygmomanometer at sinuot sa kanang braso ko para i-check ang blood pressure ko.
"Bakit po doc? May sakit po ba ako?" Bigla akong kinabahan. Baka may sakit ako tapos hindi ako aware.
Umiling ito at inalis ang sphygmomanometer matapos niyang icheck ang BP ko. "90 over 100. It's normal, Aya. "
Nilapag niya ang sphygmomanometer sa lamesa sa gilid at muli akong hinarap "You're healthy, Aya. Wala kang sakit.
"Eh bakit po nahimatay ako?" tanong ko.
Ngumiti ito sa akin. "Because you're pregnant. "
Natigilan ako sa sinabi niya. "Po Doc?" Parang nabingi ata ako. Ano raw, pregnant?
"Yes, you're pregnant."
My lips parted. So tama ang rinig ko... buntis ulit ako?
"P-Paano po? Nakunan po ako. " Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Dinugo ako at nakunan ako paano ako nabuntis ulit? Wala na rin namang nangyaring interaction sa amin Yves.
"Possible po ba 'yon, doc?" Nagugulohan ako. Paanong nangyari 'yon?
She smiled. "Yes, it's possible. That case called superfetation pregnancy. This a rare case of pregnancy na habang buntis kana ay may panibagong nabubuo pa sa sinapupunan mo. Supposedly kambal ang anak mo pero mas huling na develop ang isang baby."
Rinig na rinig ko ang malakas na pag kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko.
Halos hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Doc, hindi ako makapaniwala.
"Kaya hindi ito nakita agad noong nakunan ka dahil nagsisimula pa lang itong mag develop sa loob mo. Nagkaroon ka kasi ng multiple ovulation, kung saan nag labas ka ng multiple eggs sa menstrual cycle. Kapag nagkaiba kasi ang panahon ng pag-release ng mga eggs na 'to, maaaring magkaroon ng superfentation pregnancy. At gano'n nga ang nangyari sa case mo, Aya."
Napahawak ako sa tiyan. Nilalamig ako, samot-sari ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako but at the same time nasasaktan ako.
Kung siguro ay magaang nangyari 'to, siguro 'di kami nag hiwalay si Yves kung ang dahilan niya lang naman ay namatay ang baby namin at sinisisi niya ang sarili niya.
"Aya, are you okay?" Doctora Pamela asked.
Pumatak kasi ang luha ko nang hindi mo namamalayan.
Iniling ko ang ulo ko bago inangat muli ang tingin kay Doc.
"Hindi lang po ako makapaniwala, Doc." Napakagat-labi ako. The thought na lalaki ang magiging anak ko na walang tatay ay nasasaktan ako.
Lumapit sa akin si Doc Pam at pinunsan ang basa kong pisngi. "Don't cry, Aya. I know mahirap mag buntis ng mag-isa pero kayanin mo para sa baby mo."
Tumango ako at huminga ng malalim. "Opo, Doc."
She smiled at me. "Alam ko hindi naging madali ang paghihiwalay niyo Mr. Drakon. Na kwento ni Cali sa akin ang lahat ng process ang annulment niyo."
She tapped my shoulder. "Basta pakatatag ka. Mag r-rounds na muna ako. Maya-maya nandito na rin si Calista."
Aalis na sana si Doc nang muli akong mag salita. "Puwede pong favor? Let's keep this secret po Doc, kahit kay Calista pa."
Nginitian niya ako at tinango ang ulo niya. "No worries. Magpahinga kana muna," aniya at tuloyan nang lumabas ng kuwarto.
---
Noong araw na 'yon, sinekreto kita sa lahat, anak. Pinandigan kita kahit ako lang mag-isa.
Hindi ko inaasahan na wala pang isang araw nang umuwi kami rito sa Pinas nag krus na agad ang landas ng mag-ama ko.
I wiped my tears. "I'm happy na nagkita kayo ng Daddy mo sa unang pagkakataon," bulong ko habang hinahaplos ang buhok niya.
"You have no idea how happy my heart felt when I saw you with your Daddy. I feel like the void in my heart that I've been carrying for the past five years has finally been filled. That one missing piece in my heart is now totally complete, son."
"Dadating din ang araw na makikilala mo kung sino talaga siya sa buhay mo, anak. Ngayon kasi hindi pa kaya ni mommy ang muli siyang harapin. Hahayaan ko na muna na si Aero ang kikilalanin mong ama."
Inayos ko ang pagkakahiga nito at hinalikan siya sa noo.
Hindi ko masisisi kung naging gano'n ang kilos ni Aero kanina. Natakot lang siya at naiintindihan ko 'yon dahil nagkita na ang mag-ama. Ayaw kong saktan ang feelings niya. Inako niya si Krypton, pinandigan at minahal niya na parang kaniya. Si Aero ang kasama kong nag palaki kay Krypton. Pinunan niya ang responsibilidad na dapat kay Yves para lang hindi maramdaman ni Krypton na na may kulang sa kaniya. Para maramdaman ng anak ko na kompleto siya, na may Mommy at Daddy siya.
YVES
"Bro, tanda mo ba si Aero?" tanong ko kay Yvan na busy sa pag lalaro ng billiards. Nandito kasi kami sa bahay ni Leandro. Kailangan niya daw akong kausapin about sa paparating na biggest Drag race competition ng bansa. Laro kasi ni Mercedes ang gambling at iba pang pustahan.
Nilingon ako ni Yvan. "Aero Fuego? " I nodded my head. "Yea, I met him earlier. "
"Nag usap kayo? Matagal din siyang nawala, a. Huling kita ko sa kaniya noong na hospital ka. Ilang beses ka niyang dinalaw noon, " aniya at muling binalik ang atensyon sa nilalaro.
"Mukhang may asawa na ang loko." Napangisi ako. Ang bilis nga naman ng panahon.
"Paano mo naman nasabi?"
Sinandal ko ang likod ko sa couch. "He's with his son." Napangiti ako.
Hindi ko alam pero parang ang gaan ng loob ko batang 'yon.
"May lowkey lover ba ang mokong na 'yon? Parang hindi ko naman nakikitang may nakakasamang babae 'yon noon.
Nagkibit-balikat ako. "Who knows. Ano namang alam natin sa buhay niya. " Kinuha ko ang news paper na nasa glass table.
"Pero ang weird lang... "
Tumaas ang kilay ni Yvan at muli akong nilingon. "Anong weird na naman 'yan? "
"I don't know. Parang ang gaan lang ng loob ko sa anak niya kanina. Parang matagal ko na siyang kilala. "
"Kaya siguro ganiyan nararamdaman mo kasi minsan ka rin naging ama, 'yon nga lang panandalian lang 'yon. "
I deeply sighed. "Siguro... na iimagine ko lang siguro sa kaniya 'yong anak namin ni Aya noon kung hindi lang namatay. Siguro kung nabubuhay 'yong anak namin at hindi kami nag hiwalay ni Aya baka kasing-laki na rin ng batang 'yon ang anak namin."
"Tama na nga 'yan. Baka mamaya mag emote kana naman. Sad boy ka pa naman," pang-aasar nito at tumawa.
"Sad boy your face! " Binato ko sa kaniya ang tinupi-tuping news paper. Kahit kailan ang taong 'to. Palibhasa 'di nangyari sa kaniya ang nangyari sa 'kin.
"Maghanap ka na lang ng bago mong aasawahin at magkaroon ng anak para hindi kana maiinggit. "
I tsked. Kung gano'n lang sana 'yon kadali edi sana masaya na ako ngayon, pero hindi e. Limang taon nang miserable ang buhay ko. Limang taon ko na ring dala-dala ang guilt sa ginawang kasalanan ng mga magulang ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro