Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 40

AYA

5 YEARS LATER...

“Natalie, I need to go home now. For sure Krypton is now looking for me, ” anas ko sa  aking secretary.

"All right, ma'am. I'll take care of the rest. Have a safe drive ma'am, and good night.”  Nginitian ko ito at kinuha ang bag ko sa table 'tsaka lumabas ng office.

Pag labas ko ng building ay agad kong pinaadar ang sasakyan ko. It's been 5 years since bumalik ako rito sa Australia. Isa na akong ganap na CEO ng Clothing line nila Ate Julie, ang AngeliCJ Clothing. Kagaya nga ng sinabi sa akin ni ate noon, pinag-aral niya ako, at ito na ako ngayon. Nakapagtapos na ako ng Masters Business of Administration. I started this course in the Philippines but never finished it, and now I have a degree and I am now a CEO. I'm grateful to Ate Julie because, without her, I wouldn't be where I am today.

Habang nasa kalagitnaan ng pagmamaneho ko ay umilaw ang phone ko na nasa itaas ng dashboard, may tumatawag.  Agad ko namang sinagot iyon. “Hello, my love.  I'm driving home now,  see you and I love you. ” Pagkatapos mamatay ng tawag ay binalik ko na ang phone ko roon at binilisan ang pagpapatakbo pauwi ng bahay.

Pag dating ng bahay ay pinarke ko na muna ang sasakyan ko sa garahe bago pumasok sa loob.

“Good evening ma'am, ” bati sa akin ni Ate Eli, ang kasambahay at kasama namin dito sa bahay.

“Where's Kyrpton? ” I asked.

“Upstairs, ma'am ” Nginitian ko lang siya and I mouthed her thank you bago ako umakyat sa kuwarto.

Pag bukas ko ng pinto at nadatnan ko si Krypton na nakahiga sa kama at natutulog na. Awtomatiko na lang akong napangiti.  He's  so adorable. Nilapitan ko siya sa kama at umupo sa tabi niya.

Hinalikan ko siya sa noo dahilan ng kaniyang pag galaw. Unti-unti niyang minulat ang kaniyang mga mata. “I'm sorry, I wake you up, honey. ”

“Mommy?” Kinusot-kusot niya ang kaniyang  mata.

“Yes, Darling. I'm sorry if I didn't come home early. Mommy did a lot of work at the office today. I didn't even eat your favorite dish with you. ”

Bumangon ito sa pagkakahiga  at niyakap ako. “It's fine, mom. I understand you're busy with your job. There will be a lot next time, and we will eat more of my favorite food together.”

“Aww! My baby... ” Niyakap ko ito ng mahigpit at pinagpapatakan ng halik sa pisngi.

My baby is so smart. He is just 4 years old pero naiintindihan na niya ang mga pingagagagawa ko.
"Next time, we will eat delicious food outside. That's Mommy's promise, okay?”

Ngumiti naman ito at tinango ang ulo niya. “Okay, mommy! ” masiglang sagot niya.

Napangiti na lang ako at muli siyang niyakap ng mahigpit. “Go back to sleep. Ate Eli texted  me that you went for a walk in the park earlier. You must be tired.”

Kinumutan ko ito at muling pinatakan ng halik sa noo. “Good night, honey.”

“Good night, mommy, ” he said before he closed his eyes.

Hindi muna ako umalis sa tabi niya. Pinagmasdan ko muna siya. Nakakawala nga talaga ng pagod pag nakikita mo ang anak mo. Hindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan si Kyrpton. He looks like his Dad. Ang pogi ng anak ko.

Nang masiguradong mahimbing na ang kaniyang tulog ay umalis ako sa kama. Papasok sana ako ng banyo ng tumunog ang phone ko. Agad akong mag tungo sa veranda para sagutin ang tawag.

“Hey, ate. Tuloy na ba talaga pag-uwi niyo? ” Agad na bungad sa akin ni Jaxon nang masagot ko ang tawag.

“Hindi mo ba muna ako kukumustahin? Ganiyan agad bungad mo,” natatawang ani ko.

Narinig ko itong tumawa sa kabilang linya. “Alam ko namang okay ka. Strong ka remember? ” pabirong anas nito na ikinatawa ko ulit.

“Syempre ate mo ako, e.” I sighed. Kung hindi nga sa pagiging strong ko hindi sana ako umabot sa ganito nang estado.

“So ano nga? Tuloy kayong uuwi? Sinabi ni Ate Julie sa akin na uuwi raw kayo. Bakit 'di mo 'ko sinabihan?” aniya na parang nagtatampo.

“Eh, dapat kasi surprise 'yon, e. Ang daldal naman kasi ni ate Julie, e.”

“Ah, wala na. F.O na tayo,” saad niya na parang nagdadabog pa.

Mahina akong humalakhak. Mahirap na baka magising si Krypton.

“Sira! Anong F.O na pinagsasabi mo? Magkapatid tayo, hindi tayo magkaibigan!” Tumawa ito dahil sa sinabi ko. Baliw talaga.

“Joke lang. Pero 'yon nga, kailan kayo uuwi?” muling tanong nito.

“Baka next week. Marami pang aayosin sa ang kuya mo sa  company to make sure na pag umuwi kami ay hindi siya magkakaproblema sa work.”
Masiyadong busy ang lalaking 'yon sa work niya. Hindi ko nga alam kung  makakasama siya pabalik sa Pilipinas, e. Hindi pa sigurado.

“Hindi pa ba nakakauwi si Kuya?”

I shook my head na akala mo naman ay kaharap ko lang si Jaxon habang nag uusap. “Hindi pa, e. Aside kasi sa company niya rito, inaasikaso niya rin ang branch niya sa France. Ay! Ewan ko ba, kung busy ako mas busy naman siya.”

Narinig kong napabuntong-hininga si Jaxon sa kabilang linya. “Hindi ba siya hinahanap ni Kyrpton? I'm sure, Kyrpton missed him already.”

“Yea, he did.” Pag sang-ayon ko. “He always asking me about his dad kung kailan daw uuwi. Alam mo naman, he's a daddy's boy. 3 months  na rin kasi na wala ang daddy niya.”

He chuckled. “Alright, ate. I'll call you again. Excited ka na raw makita ni Andrea and ofcourse, we are so excited to see our baby Krypton.”

“Krypton is excited to meet you all too, Jax. Sige na, mag pahinga ka na.” We bid a goodbye to each other before hanging up the call.

Ininat ko ang aking mga braso at ipinikit ang aking mga mata para damhin ang hangin na dumadami sa aking balat. Ang sarap at ang ginhawa sa pakiramdam. Ang payapa ng kapaligiran na tangin huni lang ng insekto ang naririnig ko.

Matagal-tagal na rin noong umalis ako sa Pilipinas. And now I'm wondering kung ano na ang itsura ng lugar na iniwan ko roon 5 years ago.
.
.
.
.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa opisina. Si Krypton naman ay iniwan ko ulit kay Ate Eli dahil pumapasok ito sa nursery school tuwing umaga. Half day lang naman ang pasok nila at umuuwi rin sila pag lunch time na. Mapagkakatiwalaan ko naman si Ate Eli sa anak ko dahil Pinay din ito. Simula noong nanganak ako ay siya na ang naging katulong namin pag dating kay Krypton.

“Good moring, ma'am, Aya! ” bati ng mga empleyadong nakakasalubong ko sa hallway ng building.

“Good morning!” bati ko rin pabalik sa kanila.

Pag dating ko sa office ay agad akong nag tungo sa table ko at niligpit ang mga nakakalat na papel na pinagsulatan ng mga bagong sketch designs ng mga damit.

*Tok! Tok! Tok!*

“Come in!” ani ko nang may kumatok sa  pinto.

Narinig kong bumukas ang pinto at kahit hindi ako lumingon ay alam kong si Natalie 'yon dahil sa malutong na tunog ng kaniyang heels.

“Ma'am, Ms. Alyssadra, our new brand ambassador, has arrived for the shooting, ” ani 'to.

Nilingon ko si Natalie. “Okay in a minute, ” sagot ko. Nilagay ko muna ang mga mga papel at folder sa cabinet bago sumunod kay Natalie.

Alyssadra, she is our new brand ambassador. Actually, hindi ko pa siya nakikita pumayag lang akong magpapirma ng contract sa kaniya dahil isa itong famous brand ambassador din na pinagkakatiwalaan ng kaibigan ko. Palagi akong nag s-set ng meeting to meet her pero siya naman ang hindi available dahil marami raw itong ginagawa.

Pag pasok namin sa photoshoot room ay busy na ang lahat ng sa pag p-prepare.

“Good morning, ma'am! ” bati nila sa akin nang makita ako.

Nginitian ko lang sila. “Good morning. Doing a good Job, everyone, ” pag puri ko sa kanilang lahat.

Nahagip ng mata ko ang isang babaeng nakatalikod habang mini-make-up-an.

“Is she Alyssadra? ” tanong ko kay Natalie na nasa gilid ko.

“Yes ma'am, she is.” Tinango ko ang ulo ko at nag lakad papunta sa kinaroroonan niya.

I cleared my throat first  para makuha ang atensyon niya. “Welcome here, miss Alyssandra—”

Hindi mo natapos ang sasabihin ko nang lumingon ito at nasilayan ko ang mukha niya.   My lips parted because of shocked.

Nanlaki rin ang mga mata nito nang makita ako na akala mo naman ay nakakita ng multo.

“A-Aya?” na-uutal na sambit niya.

Hindi ako makapaniwala na ang babaeng kaharap ko ngayon ay walang iba kundi ang babaeng minsan na sumira sa buhay ko limang taon na ang nakakaraan. Walang iba kundi si Yssa.

“Yssa?” Muling nabuhay ang inis ko nang muling makita ang pagmumukha niya. Kahit kailan ay hindi ito humingi ng tawad sa ginawa niya sa akin at sa pamilya ko noon.

Bigla itong tumayo mula sa kaniyang upuan na tila ba ay hindi pa rin humuhupa ang gulat nito.

“I-Ikaw si May Ann Bernards? Ang CEO ng AngeliCJ Clothing?” hindi makapaniwala nitong tanong.

Tinignan ko siya ng matiim. Hindi pa rin siya nag babago. Siya pa rin si Alyssa na kinaiinisan ko. “Hindi ba sinabi ni Yves sa 'yo noon ang tunay na pangalan ko?” Mahina akong tumawa. “You messed up with me 5 years ago without knowing who I am. Ni hindi mo nga alam pangalan ko.”

Kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko. Her brows arched. “Wala naman akong pakialam kung sino ka. Hindi ka naman gold.” She rolled her eyes.

Palihim akong napangisi. Nakakamis din pala makipag-bardagulan sa babaeng 'to.

“Oh, you already know each other, Ma'am? ” tanong sa akin ni Natalie.

Tinango ko ang ulo ko at pekeng ngumiti. “Yeah, we know each other for a long time,” sagot ko na hindi man lang inaalis ang titig ko kay Alyssa.

Hindi ko inaasahan na ang tinutukoy pala ng kaibigan ko na si Alyssandra ay si Alyssa. Hindi ko man lang na-analyzed kaagad ang pangalang Alyssadra. Well, sino ba naman kasi ang mag e-expect e maraming Alyssadra na pangalan sa mundo.

“Miss, Alyssadra, let's start the first shoot,” tawag sa kaniya ng isa sa mga staff namin.

Mapanuya ko siyang ngibisihan at bakas naman sa mukha niya ang pagka-irita.

“Mag sisimula na raw ang first shoot mo, ” pang-aasar na sabi ko.  Tumalim ang tingin niya sa akin. “First shoot mo gamit ang brand ng ko, ” dagdag ko pa at muling nginisihan.

Halos hindi na maipinta ang pagmumukha niya dahil  sa inis. Ngayon, anong pakiramdam na nag t-trabaho ka sa brand ng taong minaliit mo noon at ina-apak-apakan?

“We'll talk later,” mahina ngunit mariin na banta nito sa akin.

Tinanguan ko ito habang may pekeng ngiting pinupukol sa kaniya. Hindi  pa rin nagbabago ang ugali niya. Pero ngayon hindi na niya ako makakanti.

Nag umpisa na ang photoshoot nila at halatang hindi siya komportable. Alam kong kinakain siya ng pride niya ngayon. Buti na nga lang talaga at hindi pa kami nagkikita bago niya pirmahan ang contract. Nahihirapan tuloy ang ego niya.

Matapos ang ilang photoshoot ay nag paalam na ang lahat hangang sa kami na lang  dalawa ang natira sa silid.

“Give me the contract. Ayokong makipagtrabahao sa 'yo,” diretsong aniya.

I smirked at her. “Bakit? Hindi ba kinakaya ng ego mo na ang babaeng inaapak-apakan mo lang noon ay p'wede ka na ring apakan anytime soon?” Nasira ang mukha nito dahil sa sinabihan ko. Humakbang siya papalapit sa akin habang naka krus ang mga braso nito sa kaniyang dibdib.

“Ang yabang mo. Akala mo naman kung sino ka!”

Humalakhak ako at pinag-krus ang mga braso ko sa aking dibdib. “Kahit kailan ay pikon ka pa rin. Ano ba ang  kinagagalit mo? Nagagalit ka ba dahil 'yong waitress dati na pinahiya mo ay mas superior na sa 'yo?” Nginisihan ko ito ng nakakaloko na mas lalong ikina-pula ng mukha niya dahil sa inis.

“Wala akong pakialam kung sinong matandang mayaman ang kinapitan mo para umabot ka sa estadong kinalalagyan mo. Ang gusto ko lang ay contract. Terminated my contract now! ” galit na demand nito. I switched my reaction into sad na para bang naaawa sa kaniya ngunit ang dating sa kaniya ay nakaka-insulto.

“Dear, Yssa, you're aware naman siguro na mawawalan lang ng bisa ang contract na pinirmahan mo after ng isang taon 'di ba? So it means, mag titiis kang brand ambassador ng AngeliCJ ng kompanya ko.” Nginitian ko at tinapik sa balikat.

“What if I don't want to? ” taas kilay niyang sagot.

“Weather you like it or not, we have a contract na pinirmahan mo. At wala ka nang magagawa roon.” Kinindatan ko siya at mapanuyang nginisihan bago siya tinalikuran palabas. Rinig ko pa ang kaniyang pag-sigaw dahil sa inis. Tumawa ako at natutuwang nag lakad pabalik sa office ko. Ego niya lang nasasaktan, walang-wala 'yon sa mga ginawa niya sa akin noon.

Tinapos ko ng maaga ang lahat ng mga paper works para maaga akong makauwi kay Krypton at masabayan siyang mag dinner. Marami na akong pinangako sa anak ko na hindi ko naman natutupad.

“Natalie, I'm going home now. If you have nothing to do, you can go home early,” I said to my secretary.

Kuminang ang mga mata nito dahil sa sinabi ko. Palagi kasi silang nag o-overtime rito sa opisina kaya deserve din nilang mag early out.

“Really, ma'am?! Omg, thank you so much! ” natutuwang saad niya.

I smiled. “Go, tell everyone that they can go home early. ”

Agad naman itong tumango at masayang lumabas ng office ko.

Habang nag liligpit ng mga gamit ko para maka-uwi ay biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa. Agad ko naman itong sinagot nang makita ang pangalan ni Ate Eli sa screen.

“Hello, Ate? How's —”

“Ma'am si Krypton po!” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang marinig ang ganoong bungad sa akin ni Ate Eli.

“What happened to him? ” agad na tanong ko sa kaniya. Unti-unting kinain ng kaba ang aking sistema.

“He's gone, ma'am! Nandito lang siya kanina sa living room, nag cr lang ako pag balik ko wala na, ” natatarantang saad niya.

Biglang bumilis ang kabog ng puso ko. “Paano pong nawala, e nasa bahay lang naman kayo.” Agad kong binitbit ang bag ko at nag madaling lumbas ng office.

“Hindi ko nga po alam, ma'am. Dito ko lang naman iniwan sa couch.”

“Ate naman e!” Napahawak sa ulo ko habang mabilis na nag lalakad sa hallway. “Hintayin niyo na lang po ako diyan, pauwi na ako, ” ani ko at pinatay ang tawag.

Kahit naka takong ako ay tinakbo ko papunta sa parking lot.

Sh*t paanong nawawala si Krypton e nasa bahay lang naman sila.

Agad kong pinatakbo ng mabilis ang sasakyan dahil bawat segundo ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko.

Pag dating ko sa bahay ay agad-agad akong lumabas sa sasakyan at tumakbo papasok.

“Krypton!” Agad akong tumakbo sa sa living room. “Krypton—” Napatigil din ako nang  makitang karga ng isang lalaki ang anak ko.

“Hi, Mommy! Daddy is already here!” natutuwang saad ng anak ko.

Parang nabunutan ng tinik ang dibdib ko nang makitang okay ang anak ko.

“Surprise! Tinakot ka ba namin?” Ginulo nito ang buhok ni Krypton. “ Our prank was successful, Krypton. Mommy got scared.”

I rolled my eyes. “Lakas ng trip niyo.”

Tumawa ito at ibinuka ang kaliwa niyang braso habang buhat niya si Krypton sa kanan. “Wala bang hug diyan? I'm home, Mommy Aya.”

Napangiti naman ako. “Welcome home, handsome, ” ani ko at nag lakad papalapit sa  kaniya para yakapin siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro