Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4

AYA

"Ate, ayos na ang mga gamit mo, " turan sa akin ng kapatid ko habang bitbit ang laguage ko.

"Thank you, Jax. " Nilapitan ko ito at ginawaran ng yakap. "Ikaw na muna ang bahala kay Andrea, ha. Uuwi naman ako every saturday evening kaya.ikaw na muna ang mag alaga sa kapatid mo.

"No worries, ate. You can count on me," sagot nito bago humiwalay sa pagkakayakap sa akin.

"H'wag niyong bibigyan ng sakit sa ulo si Ate, Julie." Tumango-tango ito.

"I'm not a kid anymore, so don't worry, big sis. Mag iingat ka ro’n. If you need something, just call me at dadalhin ko sa 'yo roon," aniya at ginawaran ako ng halik sa noo.

"I'll do that." Nginitian ko siya at tinapik sa balikat bago lumapit kay Andrea na kumakain sa mesa.

"Bunso, h'wag pasaway kay Kuya Jaxon at ate Julie ha. Uuwi naman si ate every Saturday night."

Tumango ito at nag thumbs up sa akin dahil puno ang bibig niya.

"Good girl! I'll call you if I'm free." Hinalikan ko ito sa gilid ng ulo before bidding a goodbye.

Hinatid ako ni Ate Julie sa resort ngunit hindi rin siya nag tagal doon dahil may trabaho pa ito. Iginiya naman ako ni Sofia papunta sa cabin na i-i-stay-han ko habang nandirito ako.

"If you need anything, just call me. Nasa office lang ako palagi," aniya at inabot sa akin ang susi ng cabin.

"Thank you, Sofia." Nginitian niya lang ako at tinapik sa balikat.

"No problem. You can start your work pag tapos mong mag ayos rito."

Tumango ako at ginantihan din siya ng matamis na ngiti.

Pag labas niya ay inayos ko muna ang nga gamit ko bago nag palit ng damit na uniform namin.
Sa restaurant ako naka assigned, kukuha at mag dadala ng order ng mga kumakain.
Tinignan ko muna ang sarili ko sa isang human size mirror bago lumabas ng cabin.

"Good morning! You must be, Aya?" tanong sa akin ng babae na mukhang siya ang nag m-manage ng restaurant.

"Yes po. Ako po ang bagong empleyado," sagot ki at nginitian ito.

"Right! So, are you ready?" Tinango-tango ko ang ulo ko at masiglang sumagot.
"More than ready, Ma'am!" she chuckles and tap my shoulder.

"Then, let's go!" Giniya niya ako sa loob ng kitchen at pinakilala sa iba pang staff. Nag pakilala ako sa kanilang lahat. They're so
nice, lahat sila ay mukhang mababait at mukhang madaling pakisamahan.
Nag umpisa na ang trabaho ko, dumadami na rin ang mga tao dahil mag tatanghalian na.

"Aya, dalhin mo sa table 17!" tawag sa akin ni Ammy na isa sa nga katrabaho ko. Dali-dali naman akong lumapit sa kaniya hila ang food cart na paglalagyan ng pag-kain. "Pag tapos mo ro’n, dalhin mo ito sa isang VIP table number 3," turo niya sa pagkain na ready na ring dalhin sa costumer.

"Copy!" Masiglang saad ko. Nginitian niya ako at nag fighting sign bago bumalik sa loob ng kitchen. Muli kong tulak-tulak ang cart nanmay dala ng pagkain papunta sa table 17.

"Here's your oder, sir. Enjoy your meal!" masiglang saad ko. Hindi man lang nila ako tinignan dahil busy sila sa
pakikipag-usap sa isat-isa. Nag mukha lang tuloy akong hangin.

"It's okay, Aya. It's your job to be nice and to smile in front of the costumer," bulong ko sa sarili habang tulak-tulak ang cart pabalik. Kinuha ko ang pagkain na dadalhin sa VIP at muling nag tulak ng Cart.

Malayo pa lang ako sa kanila ay tanaw ko na ang mga taong masayang nagtatawanan at nag uusap. Na miss ko tuloy ang dati kong buhay kung saan kasama ko ang pamilya at mga kaibigan ko.

Tumikhim ako ng makalapit sa kanila para makuha ang atensyon nila.
"Good day! Here's your order!" masiglang saad ko. Lumingon sa akin ang lalaking nasa harap ko na nakaupo patalikod sa kinatatayuan ko.

Halos lumuwa ang aking mga mata nang makita ko na naman ang makisig na mukha ng taong iniiwasan ko.

"Ikaw na naman?" mahina ngunit mariin kong sabi. Bakit ba palagi ko na lang nakikita ang lalaking 'to kahit saan?

"Yes, the one and only, Yves the handsome Drakon." Ngumisi ito kaya iniripan ko siya. Hindi lang mayabang, mahangin din.

"Enjoy your foods!" ani ko at hinila ang cart ko para bumalik ng hawakan niya ito.
"Kumunot ang noo at muling hinila ito ngunit hindi niya binitiwan.

"Excuse me, SIR?" Diniinan ko talaga ang pag tawag ng sir sa kaniya habang masama siyang tinitignan.

"You know her?" tanong sa kaniya ng ng babaeng katabi niya. Ang ganda nito at makinis, halatang pinanganak na may golden spoon sa bibig.

Ngumisi lang si Yves at kinindatan ako bago bitawan ang cart ko.Tumayo ito sa upuan niya at lumapit sa akin. Bigla
naman akong napaatras ng ilapit niya ang mukha sa akin.

"A-Anong g-ginagawa mo?" Napakapit ako ng mahigpit sa handle ng cart ng maramdaman ko ang hininga niya.
Bigla akong napapikit nang ilang pulgada na lang ang lapit ng mukha namin sa isat-isa.

"See you later, Aya," bulong nito gamit ang husky at baritono nitong boses.

Minulat ko ang aking mga mata, malayo na ang distansiya niya sa akin.

"Work well, Miss Bernards." Muli niya akong kinindatan bago bumalik sa upuan niya.

Halos hindi ako makagalaw dahil sa ginawa niya. Ano 'yon? Bakit ang lakas ng kabog ng dibdidb ko?

"Aya, table 7!" Nabalik ako sa aking huwisyo nang marinig ang boses ni Ammy mula sa likuran ko. Napalunok ako at iniling ang ulo ko.

"Nandiyan na!"

Muli kong tinapunan ng tingin si Yves na ngayon ay kumakain na at nakikipag kwentohan sa mga kasama niya. Bumuga ako ng marahas na hininga bago ko hinilang muli ang food Cart pabalik sa
counter.

Hindi ako makapag concentrate sa trabaho ko dahil nakikita ko ang mga matiim na titig sa akin ni Yves.

Bakit ba nandito ang taong 'to? Kahapon nandito rin 'to. Mukhang hindi siya busy na tao dahil palagi ko siya nakikita kung saan.

Hapon na ako ng matapos sa trabaho. Alas-sais na rin nang bumalik ako sa cabin.

"What a day," bulong ko at binagsak ang likod ko sa kama.

Napalabi ako ng maalala ang lalaking 'yon kanina. Hindi naman siya kabute pero palagi nalang siyang sumusulpot kahit saan.

Nag pagulong-gulong ako sa kama ng ilang minuto hangang sa mapag-desisyonan kong bumangon at mag palit ng damit para manood ng pag lubog ng araw.

Ngayon lang ulit ako nakakapanood ng sunset. Nag lakad-lakad ako sa gilid ng dalampasigan at huminto sa gitna at umupo sa buhangin. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kulay kahel na kalangitan. Parang nawala ang mga
pangamba ko nang makitang muli ang pag lubog ng araw.

I wish I'm with Jaxon and Andrea para makita rin nila ang nakikita ko.
Ipinikit ko ang aking mga mata para damhin ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat.

"Ah, so good," I muttered and hug myself.

"Enjoying the view?" Napamulat ako at napatingin sa gilid ko.

Nakatayo si Yves sa gilid ko habang nakatingin sa karagatan.

"What are you doing here?" direktang tanong ko sa kaniya.

Umupo ito sa buhangin katabi ko habang hindi inaalis ang kaniyang tingin sa dagat.

"Nag t-trabaho ka pala rito?" tanong nito.

"Ako ang unang nag tanong, tapos tatanongin mo rin ako?"

He chuckles. Tinignan niya ako at tinaas ang kamay niya para alisin ang buhok ko sa pisngi na nililipad ng hangin.

Natigilan ako. Nararamdaman ko naman ang pakiramdam na parang may nag wawala sa loob ng dibdib ko.
Agad akong nag iwas ng tingin ko sa kaniya sa kaniya at muli iting tinuon sa karagatan.

"Nandito ako dahil sa trabaho. "

"Ahh" Tinango-tango ko ang ulo ko at hindi na nag salita pa. Ang awkward ng pakiramdam ko.

"Ikaw? Anong ginagawa mo noon sa Sydney?"

Muli akong napatingin sa kaniya ngunit iniwas ko rin agad 'yon.

"Long story." Mahina akong tumawa nang maalala ang ginawa ko sa kaniya ro’n.

"Sorry pala ha." Muli ko siyang nilingon and to my surprise, nakatingin din pala siya sa akin.

"I had no choice that time, kundi ang halikan ka." Napalabi ako at napayuko dahil sa hiyang nararamdaman ko.

I heard him chuckled.

"Dahil sa ginawa mong 'yon, tatlong buwan rin akong hindi nakatulog."

"Huh?" Inangat ko ang tingin sa kaniya.
"Your kiss, ang laki ng impact sa akin no'n. ” Tumawa ito at iniling ang ulo niya.

"Love at first kiss."

Hinarap niya ako at matiim na tinitigan.
"Believe me or not, 'yon ang nararamdaman ko. Nakakatawa man pakinggan pero nagkagusto na agad ako sa 'yo."

Natigilan ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang na pepe ako sa mga sinabi niya.
"Y-You like me?" nauutal kong tanong.

He nodded his head at muling binalik ang tingin sa karagatan.

"Hindi ko rin alam kung bakit gano'n ang epekto ng halik mo na 'yon. Sinadya mo man o hindi pero 'yong pakiramdam sa akin no'n ay kakaiba."

Ngumiti ito at ipinikit ang kaniyang mga mata para damhin ang hangin na dala ng hampas na alon. Pakiramdam ko ay bumagal ang lahat habang tinitignan ko siya. Nilipad ng hangin ang maliliit na
hibla ng buhok niya.

"Aya..." Napalunok ako nang mag salita siya at minulat ang kaniyang mga mata para tignan ako.

"Hayaan mo akong kilalanin kita."

"Huh?" Napatanga ako.

Ngumiti ito at nilahad ang kamay niya sa harap ko.

"I wan't to introduce myself again. I'm Yves Drakon. Hayaan mong kilalanin kita."

*Dug...dug...dug...*
Nakatingin lang ako sa kamay niyang nakalahad sa harap ko at bumibilis na naman ang kabog ng dibdib ko.

"P'wede ba 'yon?"

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya, nakangiti ito habang hinihintay na abutin ko ang kamay niya

Gumuhit ang ngiti sa labi bago ko hawakan ang kamay niya para makipag shakehands. "Aya, Aya
Bernards. Nice to meet you, Yves."

Babawiin ko na sana ang kamay ko nang biglang humigpit ang hawak niya rito.

"Tara!" Tumayo ito habang hindi parin binibitawan ang kamay ko.

"May ipapakita ako sa 'yo." Itinayo niya ako patayo sa buhangin. Hinayaan ko na lang na hila-hilaan kung saan niya man ako dadalhin.

Nakarating kami sa gilid ng bahagi ng dagat kung saan may malalaking bato. Medyo malayo na kami sa resort dahil hindi na namin natatanaw ang hotel mula rito.

"Hindi ba bawal dito?" Iniling niya ang ulo niya.

"Private property 'to."

"Private property? Edi bawal nga? Nako! Baka mamaya makasuhan tayo ng trespassing. Bumalik na lang tayo”

Mahina itong tumawa at muling iniling ang ulo niya. "Chill, kilala ko may-ari nito kaya walang problema."

Umakyat ito sa itaas habang ako ay nakatayo lang at nakatingin sa kaniya.

"C'mon, Aya!" Inilahad niya ang kamay  niya sa akin kaya kinuha ko naman 'yon para makaakyat din sa itaas.

Nang makaakyat kami sa pinakaitaas ay
otomatikong napaawang ang mga labi ko.
"Woah!" lyon agad ang lumabas sa bibig ko ng makita mula rito buong karagatan.
May kataasan kasi ang inakyat namin kaya tanaw na tanaw namin ang buong karagatan at ang mga isla na nakapatong sa dagat.

"You like it?"

Nilingon ko ito at tinango-tango ang ang ulo ko.

"How did you know this place?" Umupo ito at tinapik ang tabi niya, senyas na naupo ako sa tabi niya.

Humugot ako ng malalim na hininga bago lumapit sa kaniya at umupo sa tabi nito.

"I used to be here with Yvan," anito.

"Oh, your twin brother?"

Napalingon ito sa akin. "You know him?" I shook my head.

"Nope, pero nakita ko rin siya sa stag party, remember?"

He chuckles ay napakamot sa kaniyang batok.
"I'm sorry for that night," saad niya habang nasa malayo ang tingin.  "Im sorry, dahil pinilit kitang gawin ang bagay na
'yon. I felt guilty."

Napayuko ako at napakagat sa pang ibabang labi ko ng maalala ang tinutukoy niya. Ang lap dance.

"Siguro tarantado ako ako sa paningin mo." Muli itong tumawa at nag nag pakawala ng marahas na hininga.

"It's also my choice." Naramdaman kong tumitig ito sa akin ngunit tinuon ko lang ang tingin ko sa dagat.

"Choice kong makipag lap dance sa 'yo noong gabi na 'yon. You didn't forced me, Yves." I gasped.

"May choice akong ayawan ang
trabahong 'yon noong gabing 'yon, pero mas pinili kong gawin ang bagay na 'yon, dahil marami akong binubuhay."

This time, tinapunan ko na siya ng tingin. Matiim niya rin akong tinitignan na parang sinusuri ako buong mukha ko.
Nginitian ko ito bago muling nag salita.

"It's my choice, kaya don't be guilty, Yves."

"Nag kakilala man tayo sa magulong pagkakataon, p'wede naman tayong magsimula sa umpisa."
Nilahad ko ang kamay ko sa harap niya.

"Hahayaan kitang kilalanin ako, Yves."
Gumuhit ang ngiti sa labi nito bago abutin ang kamay ko.

----------
Chapter 5 and 6 will upload later. May lakad pa ang lola niyo. 😆

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro