Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 38

AYA

Nakahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Feeling ko ay parang nalulunod ako. Naramdaman ko na lang ng may gumulong na luha pababa sa aking pisngi. "Bakit?" bulong ko sa sarili habang sunod-sunod na ang pagbabagsakan ng mga luha ko. I lost my parents, I lost my child and now... My husband wants an annulment. Ang mas masakit pa roon ay sinabi niya mismo sa akin na kailan man ay hindi niya ako minahal, na napilitan lang siyang pakisamahan ako dahil sa mga magulang niya.

Napangiti ako ng mapait at pinunsan ang basa kong pisngi. Sino ba naman ang tangang mag seseryoso sa isang arrange marriage. Ako lang... ako lang siguro.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang isang mensaheng kaninang pang i-tenext ni Attorney Sauvetrre sa akin. Sinabi niyang pupuntahan niya ako at ipapaliwanag ang proseso ng annulment. Siya ang kinuhang abogado ni Yves, kapatid ng kaibigan niyang si Noah.

Hindi ko nireplyan ang text niya, hindi ko rin sinasagot ang mga tawag niya kanina. Sinabi niya rin na pwede ako mag file ng petition para mailaban sa korte ang marriage namin. Pero paano ko pa mailalaban kung siya mismo ang kusa nang umayaw, kung siya na mismo ay ayaw na akong makasama sa buhay niya.

My tears fell again but I immediately wiped them away when someone was knocked on my door.

"Aya... " tawag sa akin ni Ate Julie pag bukas ng pinto. Tinuyo ko ang basa kong mata 'tsaka ako lumingon sa kaniya.

"Po ate?" Lumapit ito sa akin at walang salitang niyakap ako.

"A-Ate..."

"Hindi kita tatanongin kung okay ka lang dahil alam kong hindi. Basta palagi mo lang tatandaan na kung ano man ang magiging desisyon mo ay nandito lang ako at ng mga kapatid mo. Kasama mo kami sa laban mo."

Dahil sa sinabi niya ay muli na namang bumagsak ang mga luha ko. Ugh! Ang hina ko.

"Just cry, but don't give up. I know you've been through a lot in life, and you never gave up. All pain will pass. We're just here."

My sobbing became louder, and she hugged me tighter while rubbing my back till I was tired of crying.

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinahid ang ang mga luha ko. "You have me, you have Jaxon and Andrea, kaya lumaban ka."

I nodded my head and gave Ate another bear embrace. There are three people I know will be by my side even when the world leaves me. And those are ate Julie, Jaxon, and Andrea.

Biglang may kumatok sa pinto at pagkatapos no'n ay niluwa nito si Jaxon.

"Ate, may nag hahanap sa 'yo, si Attorney Sauvetrre. Nasa baba siya, pinapasok ko na, " ani Jaxon.

Bumitaw ako kay Ate Julie at humugot ng malalim na hininga bago tumango. "Sige, bababa na ako. "

Pagkatapos no'n ay inayos ko muna ang sarili ko at bumaba ng kuwarto.

"Hello, Mrs. Drakon, good morning."

Parang may kung anong pumitik sa puso ko noonb tinawag niya akong Mrs. Drakon. Noon everytime may tatawag sa akin na gano'n ay parang may mga paru-paru na lumilipad sa tiyan ko. Pero ngayon parang may kung ano nang tumusok sa puso ko.

Mapakla akong ngumiti at nakipag-handshake sa kaniya. "Aya na lang po, Attorney, " turan ko sa kaniya.

Ngumiti ito ng malamlam. "Sure, I'm sorry, Aya, " pag-hingi niya ng despensa ng ma-realized ang sinabi niya.

Parang ang sakit lang. 'Yon na siguro ang huli na maririnig kong may tumawag sa akin na gano'n.

"Let's start, I'll discuss the process of your annulment, Aya."

Umupo ako sa single sofa habang siya naman ay nasa mahabang sofa naka-upo. Inupishan niyang ipaliwanag ang process ng annulment namin ni Yves. Habang nag sasalita si Attorney ay muli na namang bumibigat ang aking dibdib. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako sa harap ni attorney para pag-usapan ang proseso ng paghihiwalay namin ni Yves.

Ang daming sinabi ni Attorney pero parang wala akong maintindihan. Siguro ay lumulutang pa ang isip ko. Oo na lang ako nang oo kahit parang hindi nag s-sink-in sa utak ko ang mga pinagsasabi niya.

"Bukas ay uumpisahan natin ang process ng annulment niyo, " anito.

Tumango na lang ako kahit parang wala sa sarili. As if naman may choice ako. As if naman may magagawa ako para pigilan ang gusto ni Yves.

Matapos ang pag-uusap namin ni Attorney ay nag paalam na rin ito.

Bumalik na ako sa kuwarto at muling nahiga sa kama ko. Wala pa rin ako sa tamang huwisyo parang ang bilis lang ng mga pangyayari sa buhay ko.

Para tuloyan na mapawalang bisa ang kasal namin, I need to get a psychological evaluation first. Need ko rin mag file ng petition for annulment with the proper court. Kung gaano kadali kaming kinasal ganito naman kahirap makipag-hiwalay.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Napapagod na ang utak at puso ko. Parang gusto ko na lang mamanhid para hindi na ako makaramdam ng sakit. Lintek na buhay 'to, hindi na natapos paghihirap ko.
.
.
.
Nag umpisa na ang process ng annulment namin. Hindi ko pa nakikita si Yves matapos 'yong huli naming pagkikita sa hospital. Tanging si Attorney Sauvetrre lang ang nag aasikaso para sa kaniya habang ako naman ay si Calista. Calista was a prosecutor before pero nag tayo ito ng sarili niyang law firm simula noong tinanggal daw siya sa prosecution. Good for her dahil hawak niya ang oras niya bilang isang abogado.

After namin mag file ng petition sa korte at mag provide ng mga papeles ay susunod naman nito ang hearing. Alam ko wala na rin naman magiging problema, dahil both parties ay pumayag naman. Kahit labag sa kalooban ko ay wala na akong magagawa. Ayoko rin itali ang sarili ko sa bagay na ako lang din ang mahihirapan.

"Final na ba talaga? Hindi mo na ba talaga ilalaban? " tanong sa akin ni Calista habang nilalaro ang straw ng orange juice niya sa baso. Nandito kami sa bahay, nag-uusap kung ano amg mga possibleng mangayari bukas sa hearing.

Napabuntong hininga ako at sinandal ang sarili ko sa sofa. "Ayoko mag mukhang tanga pag nilaban ko pa. May respeto pa rin naman ako sa sarili ko kahit paano, " sagot ko at tumingala sa kisame. Kagaya nga ng sinabi ko, kahit ilaban ko pa ang marriage namin kung si Yves na mismo ang umayaw, wala na rin naman akong magagawa.

"That jerk! Bigla-bigla na lang mag dedisyon!" Bakas sa boses ni Calista ang pagka-irita. "Kahit kaibigan pa siya ng asawa ko, tarantado pa rin siya! " nanggigigil na ani pa nito.

Mapait na lang akong napangisi. "Tarantado talaga siya... habang ako naman ay tanga." Tumulo ang luha ko pababa sa aking pisngi ngunit agad ko din namang pinunasan. "Mas mabuti na lang din siguro 'to. Para isahang iyak at sakit na lang kaysa sa manatili pa ako sa tabi niya tapos hindi niya naman pala ako mahal, torture 'yon." Napasinghap ako para pigilan ang muling paglaglag mg mga luha ko.

"Magiging okay ka kaya pagkatapos nito?" Nilingon ko si Calista. Magiging okay nga kaya ako? Mariin akong napapikit. "Kakayanin, Cal." Minulat ko ang mga mata ko at nginitian ssiya. "Para na rin sa sarili ko."

She smiled. "You're strong, Aya. Kaya mo, kakayanin. "

Mapakla na lang akong ngumiti at tumingin sa kawalan. Sana nga kaya ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para ihanda ang sarili ko. Ngayon kasi ang unang trial namin sa korte at siguradong makikita ko ngayon si Yves. Natatakot ako na baka mag breakdown na naman ako.

"Ready ka na ba? " tanong ni ate Julie habang hinahawakan ng mahigpit ang kamay ko. Nanlalamig ako na parang hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko ay may pumupokpok sa dibdib ko.

Nasa loob na kami ng trial court at hinihintay na lang na magsidatingan ang iba. Wala pa si Calista at ganun din naman ang nasa kabilang kampo.

Huminga ako ng nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. 'Palakasin mo ang loob mo, Aya. Palakasin mo,' pangungumbinsi ko sa aking isipan. Hindi ako p'wedeng magpakita ng kahinaan pag nasa harap ko na mamaya si Yves.

"They're here, " bulong ni ate. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko at parang may nakadagan dito. Seeing Yves again, on this situation is breaking me. Napalunok ako upang pigilan ang pangingilid ng mga luha ko. Nakasakay ito sa wheelchair habang tulak-tulak ni Yvan.

Nag tagpo ang mga mata namin. My heart is more aching seeing him na parang wala lang sa kaniya, na parang natural lang sa kaniya ang ganitong sitwasyon. Napabilog ang mga kamao ko habang nakikipag-titigan sa kaniya hangang siya ang unang lumihis ng tingin. Kahit nasa iba na ang kaniyang atensyon ay hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. He's a fuvking Jerk!

"Sorry, I'm late. " Naalis lang ang tingin ko kay Yves nang biglang dumating si Calista.

"Nandito ka na pala. Magkasunod lang kayong dumating, " tukoy ko kila Yves.

"Okay ka lang ba? " tanong ni Calista sa akin na bakas sa tono ng boses ang pag-aalala, t'saka niya nilingon sila Yves sa kabila.

"Ayos lang. Sanayan na lang ako sa sakit." Mapait akong tumawa at tinuon na lang ang aking paningin sa harap.

Tumayo kaming lahat ng lumabas ang judge. At makilapas ang ilang sandali ay inumpisahan na ang trial kung saan prinisinta ang bawat documents ng both parties. Diniscuss din dito ang mga properties namin kung saan mapupunta na obvious naman na kay Yves dahil wala naman akong ni pisong ambag sa properties namin.

Natapos ang trial ng matiwasay. Both parties naman ay nagkasundo kaya napapadali ang pag process ng annulment na 'to.

Sa susunod na araw ang final trial at doon kami pipirma ng annulment paper. It means, after that day, tuloyan ng mapapawalang bisa ang kasal namin. Tuloyan nang mapuputol ang connection namin.

Nauna na akong lumabas ng trial dahil pakiramdam ko at nasusufocate ako. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko kanina habang nasa loob ako at lalo lang sumasama ang loob ko pag nakikita ko si Yves.

Umupo ako sa isang bench sa labas ng court at tumingala sa madilim na langit. Mukhang uulan pa ata.

Tinaas ko ang kamay ko sa ere at tinignan ang singsing na nasa daliri ko. "Hindi ko inaasahan na sandali lang pala kitang masusuot, " bulong ko habang pinagmamasdan ito. Mapait akong napangiti. Pag tapos ng lahat ng ito ay magiging isang munting alaala ka na lang ng pagmamahal ko sa taong 'yon.

"Aya... "

Bigla akong naibaba ang kamay at sandali akong natigilan nang makita si Yves sa harap ko. "What are you doing here?" malamig na tanong ko.

"I know you're still upset... I want to say sorry-"

"Cut it off, Yves." Hindi ko na ito pinatapos. Mahina akong natawa at tinignan siya ng matiim. "Upset? Wow, dati ka bang gago?" Uminit ang mga mata ko at ramdam ko ang pangingilid ng mga luha ko. "Matapos mong gawin sa 'kin 'to, anong sasabihin mo, sorry?"
My chest become heavy again. Nakakabwesit ang pakiramdam na 'to.

"Ano 'to 'yong parang nag j-joke ka lang tapos na offend mo ako kaya ka mag so-sorry? Ganon'n lang ba 'yon, Yves?"

Mapait akong tumawa. "Hindi mo alam kung anong sakit ang binigay mo sa 'kin, hindi mo alam kung gaano ako nasaskatan! Tapos potangina, sorry? Sorry?! "

I can't help myself to raised my voice. Bumagsak na rin ang mga luha ko dahil sa inis na nararamdaman ko. "The audacity of you saying sorry to your wife-no, soon-to-be ex-wife after what you've done! After you fucking hurt me! "

sigaw ko habang tuloy -tuloy sa pagkawala ng mga luha ko sa aking mga mata.

Nakayuko lang ito habang walang imik. "Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa 'yo noong nalaman kung naaksidente ka! Hindi mo alam kung gaano ako nag mukhang masisiraan ng bait habang nakaratay ka at wala kang malay! Hindi mo alam kung gaano kita pinagdasal sa itaas na makaligtas para makasama pa kita, at para maayos ang relasyon natin dalawa!" I cried.

"Pero potangina... hindi ko na naman inaasahan na sa pag gising mo iiwan mo na nga ako ng t-tuloyan. " I sobbed.

"Minahal kita, Yves. Alam mo 'yan. Minahal kita kahit nahihirapan na ako sa sitwasyon ko. Minahal kita kahit ang hirap-hirap mong m-mahalin." Napahawak ako sa aking dibdib dahil pakiramdam ko ay sasabog ito sa sakit. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nanatiling tikom ang bibig niya.

"Tapos ngayon... habang tinitignan kita ngayon... hindi ko alam kung bakit mahal pa rin kitang gago ka!" Kahit anong pigil ko sa sarili ko ay mas lalong lumalakas ang aking pag-iyak. Ang sakit, ang sakit-sakit. Walang mapag-sidlan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Pero okay lang." Napalunok ako at tinanggal ang singsing ko sa daliri.

Inangat nito ang tingin sa akin at muling nag tama ang aming mga mata.
"Aya... "

Pinunasan ko ang aking pisngi at humugot ako ng marahas na hininga "Okay lang dahil pagkatapos ng lahat ng ito... kakalimutan na kita at buburahin na kita sa buhay ko," saad ko at tinapon sa kaniya ang singsing ko.

Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita. Agad ko siyang tinalikuran at umalis. Napatakip na lang ako sa aking bibig habang humakabang papalayo mula sa kaniya.

____________

This chapter is dedicated to REAL LIFE Aya 4iagrim. Pakatatag ka girl! 🧡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro