Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 35

AYA

Hindi ko ma paliwanag ang nararamdaman ko pagkatapos ko marinig ang mga sinabi ni Yvan sa akin. Wala na ba talagang katapusan pasakit 'to? Oo galit ako at masama ang loob ko kay Yves pero asawa ko pa rin ang mokong na 'yon. Asawa ko pa rin ang gagong 'yon kahit ilang beses na niya akong nasaktan. Asawa ko pa rin siya at minamahal ko pa rin ang sira-ulong lalaking 'yon!

Pag dating ko sa hospital ay agad akong sinalubong ni Yvan. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko habang papalapit ako nang papalapit si Yvan sa akin. This is not what I expected to happen.

"Na saan siya? Bakit ano ba ang nangyari? Ano bang ginawa niya?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya nang nasa harap ko na siya. Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib ko na tila ba'y may nag uunahan dito habang unti-unting bumibigat ang aking pag-hinga.

"Binagga niya ang sarili niyang sasakyan sa truck. He wanted to end his own l-life." His voice cracked. Frustration crossed on his eyes. Halatang pinipigilan niya ang sarili sa pag-iyak.

Napasinghap ako at mariin na napa-pikit. "Yves, sira talaga ang ulo mo," bulong ko kasunod no'n ay ang pag tulo ng luha ko. Kahit anong pag pigil ko ay bigla na lang iyong nahulog.

"Malala ba ang lagay n-niya?" I gulped. Pakiramdam ko may bumabaon sa lalamunan ko.

"Nasa- ICU siya. Sa ngayon, wala pa kaming balita. Hindi pa lumalabas ang doctor."

"ICU? G-Gano'n ba ka kritikal ang lagay n-niya?"

Hindi nag salita si Yvan, and that's mean, malala nga talaga. Parang nanghina ang mga binti ko ngunit sinundan ko pa rin si Yvan hangang sa makarating kami sa harap ng ICU.

Biglang nabuhay ang inis at galit ko nang makita ang pagmumukha ng babaeng dahilan nang pagkasira ng pamilya ko.

This bitch!

Bigla itong tumayo nang makita ako. Namamaga pa ang mga mata nito na parang kagagaling lang sa iyak. The audacity of her na magpakita rito. Noong umulan ng kakapalan ng mukha, sinalo niya ata lahat.

"What are you doing here? Ang kapal ng mukha mo para pumunta rito! Ikaw ang dahilan kung bakit siya naaksidente!" agad na sabi niya sa akin.

Napa-iling na lang ako habang matalim na nakatitig sa kaniya.

"So, ako pa ang makapal ang mukha ngayon?" Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"Alyssa! Mag-uumpisa kana naman ba? " agad naman na saway sa kaniya ni Yvan.

"Paalisin mo siya rito, Yvan," malamig na utos ko kay Yvan. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko mamaya at baka anong magawa ko sa babaeng 'to.

Her brows arched. "What did you say?" mataray na anas nito. "Pinapaalis mo ako? "

"Yvan, did you hear me? I said, paalisin mo ang babaeng 'yan." Hindi ko inalis ang malamig at matalim na titig ko sa kaniya. Hindi ko hahayaan na maka-lapit pa siya ulit ka Yves.

"Yssa, you should leave. " Biglang nilingon ni Alyssa si Yvan nang sabihin niya iyon. "Seriously? You want me to leave?! " Anger filled her tone.

"Hindi ka naman siguro bingi, Yssa 'di ba?" I gave her a sharp glare pero nakipag-laban ito ng masamang titig sa akin.

"Yssa, please leave-"

"No!" Hindi na natapos ni Yvan ang sasabihin niya dahil sa pag sigaw nito. "Do you want me to leave just because she said so?!" asik niya kay Yvan.

"Bakit hindi? Ano ka ba rito? Kaano-ano ka ba ng ASAWA ko? " I emphasized the word asawa baka nakalimutan niya kasi kung anong lugar sa buhay ni Yves.

"How dare you! Asawa ka lang! Mas matagal na niya akong kilala, mas matagal na ako sa buhay niya kaya 'wag kang umasta na pag-mamay-ari mo siya!"

Isang malutong at malakas na sampal sa pisngi ang pinakawalan ko sa pisngi niya.

Bahagya itong napatagilid dahil sa impact ng pagkakadapo ng palad ko sa pisngi niya.

"Para yan sa pag-sira mo sa pamilya ko! " Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kahit anong pilit kong pakalmahin ang sarili ko ay hindi ko na talaga magawa. Mismong katawan ko na ang umayaw.

"Aya... " Hindi ko pinansin si Yvan, bagkus ay nanatili lang ang matalim na titig ko kay Yssa.

"Walang hiya ka! " Sasampalin niya rin sana ako ngunit hinawakan ng kaliwang kamay ko ang braso niya at muling siyang sinampal gamit ang kanang kamay ko.

"Para 'yan sa pag-papaikot sa asawa ko!" Napahawak ito sa kaniyang pisngi dahil mas lumakas ang pag sampal ko. Pabigat nang pabigat ang aking pag hinga. Sukdulan na ang galit ko at ramdam ko na rin ang bahagyang paginginig ng katawan ko.

Her tears stream down to her cheeks while glaring at me to death.

"Kung may natitira ka pa riyan na kahit katiting na lang ng hiya sa katawan mo, nakiki-usap ako sa 'yo, na umalis ka na rito, " matigas at mariin na sabi ko. Ayokong mag wala rito sa hospital. Alam ko kung hangang saan ang kapasidad ng pasensya ko, kaya hanggat maaari ay pilit kong pinipigilan dahil alam kung magkakagulo rito sa harap ng ICU.

Ngumisi ito na parang ini-insulto ako. Pinahid niya ang kaniyang luha at inayos ang kaniyang buhok 'tsaka matapang na hinarap ako.

"Yssa..." Hinawakan ni Yvan ang braso ni Yssa dahil alam niyang hindi ito mag papa-awat. Masama lang itong tinignan ni Yssa at marahas na inalis ang kamay ni Yvan sa braso niya 'tsaka ako muling tinignan.

"Wala akong paki-alam kung sino ka at kung ano ka sa buhay ni Yves. Wala rin akong pakialam kung nagka-leche-leche na ang buhay niyo! At lalong-lalo na na wala akong pakialam kung namatayan kaman ng anak dahil deserved mo 'yon lahat!"

Parang nanilim ang paningin ko dahil sa narinig ko. Tila nawala na ako sa sarili nang banggitin niya ang mga huling salitang binitawan niya.

Napansin ko na lang na nasa-ibabaw na ako ni Alyssa na nasa sahig at pinagsasa-sampal-sampal at sinasabunotan siya.

"Aya, tama na 'yan! " Pilit akong inaalis ni Yvan sa ibabaw ni Yssa ngunit hindi ako nag papaawat. Sukdulan na ang galit at pagkamuhi ko.

"Wala kang karapatan para mag salita ng tungkol sa anak ko dahil potangina mo ikaw ang lahat ng may kasalanan kung bakit siya namatay!" Bumuhos ang luha ko dahil sa galit. Sumisigaw ito ng tulong dahil sunod-sunod ang pagpapakawala ko ng sampal at suntok sa mukha niya. Wala na akong pakialam sa paligid, tuloyan na akong nilukob ng sakit at galit.

"Aya tama na!" Hinawakan ako ni Yvan at pilit pa ring inaalis sa ibabaw ni Yssa ngunit malakas din akong nagpupumiglas.

"Ano ba Yvan, potangina bitawan mo ako!" Rinig ko na ang malakas na pag-iyak ni Alyssa ngunit hindi pa rin ako tumitigil hangang sa marami nang kamay ang humawak sa akin at pilit akong nilalayo.

"Ma'am tama na po 'yan, nabubulabog niya na po ang mga pasyente! " rinig kong sabi ng isang lalaking nakahawak sa akin.

"Kung sino man ang dapat mamatay dito, ikaw 'yon!!" sigaw ko kay Alyssa. Bago pa man tuloyan kaming mapag-hiwalay ay natamaan pa siya ng pag sipa ko.

Humahangos ako habang nakatingin pa rin sa kaniya na naka-salampak sa sahig.

Pilit pa rin akong nagpupumiglas sa mga humahawak sa akin. "Aya, enough!" Biglang may humila sa akin mula sa likod at mahigpit akong niyakap.

Pilit pa rin ako sa pagpupumiglas na pawang hindi ko na alam ang aking ginagawa.

"Aya, kumalma ka!" hinawakan niya ako sa balikat at inalog. Bigla akong natigilan. "Aero... " sambit ko.

"Kumalma ka...pakiusap." Unti-unti akong bumalik sa aking huwisyo. "A-Anong... " Nakatingin lang si Aero sa akin habang hawak ako sa mga balikay at bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

Nilibot ko ang aking paningin. Ang daming tao sa paligid. Mga nurse, doctors at mga pasyente. Napansin ko rin na may dalawang security guard sa tabi ni Aero na siyang umawat siguro sa akin kanina.

Napalingon ako at awtomatikong napa-awang ang bibig ko nang makita ang duguang mukha at magulong buhok ni Alyssa na ngayon ay naka-upo na at inaalalayan ni Yvan.

Bigla na lang akong bumagsak dahil sa panghihina at buti na lang ay agad akong naakay ni Aero sa mga bisig niya. "Aya!"

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas ang mga binti at tuhod ko. Napa-kagat labi ako hangang sa bumuhos nang muli ang nga luha ko. Ang galit ko kanina ay naging hagulhol na lang. Napahawak ako sa aking dibdib habang malakas na umiyak. Sandali akong nawala sa sarili ko dahil sa naipong sakit sa loob ko na hindi ko nailabas.

"Aya... " tawag ni Aero ngunit patuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi ko na alam ang nangyayari sa buhay ko. Una mga magulang ko, kasunod ang anak ko tapos ngayon nanganganib ang buhay ng asawa ko. Hindi ko na alam, mababaliw na akonsa ganito!

Pina-upo ako ni Aero sa bench sa harap ng ICU. Doon ko binuhos at iniyak ang lahat ng sama ng loob ko. Wala na akong pakialam sa lahat ng taong nakatingin at nakapaligid sa akin. Wala na akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang sakit at ang galit.

Pagkatapos ng ilang minutong pag-iyak ko at noong kumalma na ako, dinala ako ni Aero sa isang bakanteng k'wartong kinuha ni Yvan para pagpahingahan ko hanggat wala pang statement ang doctor.

Naka-upo ako sa kama nang pumasok si Yvan at may dalang tubig.

"Aya, uminom ka muna." Inabot niya sa akin ang bottle of water.

"Si Alyssa? " tanong ko sa kaniya. Maalaki rin ang natamo ng babaeng 'yon sa 'kin. " Ginamot na ba siya? " dagdag ko.

Tumango ito. "Oo, after niyang igamot ay pina-uwi ko na."

Napalunok ako. Alam kong grabe ang ginawa ko sa kaniya pero kulang pa 'yon sa ginawa niya sa akin sa pamilya ko kaya hinding-hindi ako mag so-sorry at magsisisi.

Tinanguan ko na lang si Yvan at hindi na nag salita pa. "Ikaw kumusta ka? " basag nito sa katahimikan. "Ayos ka lang ba? "

Mapakla akong ngumisi. "Hindi ko na alam Yvan kung maayos pa ba ako. Parang mababaliw na ako. " Uminom ako ng tubig sa boteng hawak ko dahil pakiramdam ko ay bibibay na nanaman ulit ang mga luha ko. Oh, God, pakusap... tama na po.

"Nawala ka sa sarili mo, Aya. Buti na lang at naawat ka pa." Napa-angat ang tingin ko kay Aero na nag salita. Naka-upo ito sa couch sa harap ko.

Nakalimutan ko na siya pala ang kasabay kong pumunta rito sa hospital. Sa sobrang pagmamadali ko ay nakalimutan kong kasama ko pala siya.

Hindi ako nag salita sa sinabi niya. Totoo naman, I almost lost myself earlier. Hindi ko alam ang pinaggagawa ko kanina kay Alyssa.

Biglang bumukas ang pinto at lahat kami ay napatingin doon.

"Doc... " anas ni Yvan nang pumasok ang isang babaeng doctor.

Bigla akong napatayo mula sa pagkaka-upo sa kama at lumapit sa doctor.

"Doc, kumusta po si Yves? " agad na tanong ko.

"You must be his wife? " tumango naman agad ako. "Opo, asawa niya ako. Kumusta po ang lagay niya?" muli kong tanong.

"Mrs. Drakon tatapatin na kita."

Napahugot ako ng malalim na hininga. This scene, nangyari na 'to noon sa mga magulang ko. Ganitong-ganito rin. Sana hindi... sana mali ako.

Napalunok ako dahil meron na namang parang bumara sa lalamunan at dibdib ko.

"Your husband is in a coma right now and we need to perform an operation as soon as possible to remove the blood cloth in his brain. "

Mariin akong napapikit dahil sa aking narinig. Naulit nga ulit. Oh, God, bakit naman ganito.

Napahawak ako kay Yvan dahil alam kong mutumumba ako pag hindi. Nanghihina ang mga tuhod ko na pawang tinakasan ako ng buong lakas ko.

"Please, doc. Save my twin brother. Magbabayad po kami ng kahit magkano iligtas niyo lang ang k-kapatid ko." His voice cracked again. Alam kong gusto niya nang umiyak pero pilit niyang pinipigilan dahil alam niya na mag b-breakdown ako pag sinimulan niya.

Bumitaw ako kay Yvan at hinakbang ang mga paa ko papalit sa doctor. Muli akong napalunok ng hawakan ko ang mga kamay niya. "Doc, please do that operation and save my husband." Nanginginig ang mga labi ko maski ang mga kamay kong nakahawak sa kamay ng doctor. "Dahil hindi ko na kakayanin ang mawalan ulit ng m-minamahal" After I say that words my tears fall again.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro