CHAPTER 34
YVES
"Bro, tama na 'yan." Napa-angat ako ng tingin nang may kumuha ng baso na nasa kamay ko.
"Anong ginagawa mo rito? " Walang gana kong tanong kay Yvan. "Akin na nga 'yan. " Kinuha ko sa kaniya ang baso ko at ininom ang alak na laman nito.
"Ilang araw ka nang umiinom. Natutulog at kumakain ka pa ba?"
Hindi ko ito pinansin, bagkus ay tinagayan ko ulit ng alak ang baso. Tutunggain ko na sana ito nang muli niyang agawin sa akin ang baso at siya ang uminom n'on.
"Ano bang problema mo?! " singhal ko sa kaniya at masama itong tinignan.
binagsak niya ang baso sa harap ko. "Ikaw, anong balak mo sa buhay mo?"
Napa-bali ako ng leeg dahil sa sinabi niya. "'Wag mo akong pakialaman, " malamig na Tugon ko sa kaniya at kinuha ang bote ng alak at nilaklak ang laman n'on. "
"Could you please back to your senses?"
Matalim ko itong tinignan. "Bakit mukha ba akong wala sa katinuan?"
"Ano sa tingin mo?" sarkastikong sagot nito na nag pa-init ng ulo.
"I don't want to fight you, Yvan. Kaya mas mabuti pang umalis ka na lang." Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil baka mag away lang kami.
"Yves, come on! Tignan mo nga 'tong bahay mo, bahay pa ba 'to? Nag kalat mga bote ng alak. Balak mo bang sirain ang buhay mo- "
"Sira na ang buhay ko!" sigaw ko kasabay ng pag tapon ko ng bote na hawak ko kaya nagka-basag-basag ito.
Napa-hilamos si Yvan sa kaniyang mukha.
"Sira na ang buhay ko, Yvan!" My fist clenched as my tears started to fall. "Ginago ako ng kaibigan ko kaya nasira ang pamilya ko. Namatayan ako ng anak at iniwan ako ng asawa ko! Sa tingin ano pang silbi ko?!" Napasabunot ako ng sariling buhok habang tuloy-tuloy sa pag bagsakan ang mga luha ko.
Wala ng saysay ang buhay ko. Sirang-sira na.
"Kung gusto mong bumalik sa 'yo ang asawa mo, ayosin mo muna 'yang sarili mo."
Bigla kong inangat ang tingin ko sa kaniya. "Anong sinabi mo?" Nilapitan ko ito at kinuwelyohan.
"Hindi ikaw ang nasa posisyon ko kaya wala kang karapatan na magsalita ng ganiyan dahil hindi mo alam ang nararamdaman ko!"
Bigla akong napabitaw sa kaniya nang itulak niya ako at sinuntok sa mukha. Natumba ako sa sahig at nalasan ko rin ang dugong nasa bibig ko dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya.
"Gago ka ba?! Kakambal mo ako kaya alam ko ang sakit na nararamdaman mo! Kaya nandito ako dahil nag-aalala ako sa 'yo!"
Naka kuyom ang mga kamao nito habang nakatitig ng matiim sa akin. "Alam kong nasasaktan ka, alam ko kung anong sakit ang pinagdadanan mo pero hindi 'yan dahilan para sirain ang buhay mo!"
Mapait akong tumawa habang patuloy sa pagbagsakan ang mga luha ko. "Hindi mo alam...hindi mo alam, Yvan, " pag-hikbi ko.
Nag lakad ito papalapit sa akin at inabot ang kamay niya sa harap ko ngunit nag salita ako. "Kung ikaw ang nasa katayuan ko, magagawa mo ba 'yang sinasabi mo?" Winaksi ko ang kamay niya na ikinagulat niya 'tsaka ako tumayo.
"Sa tingin mo ba kaya pa ako patawarin ni Aya dahil sa ginawa ko?"
"Normal lang sa isang ina ang mag luksa sa pagkamatay ng anak niya. Balang araw mapapatawad ka rin niya. "
Muli akong tumawa na parang baliw dahil sa sinabi niya. Hangang ang pag tawa ko ay muling naging hikbi. "Patawad?" Hinarap ko si Yvan at hinawakan sa mga balikat. "Siguradong kamumuhian niya ako dahil isa akong Drakon."
Agad na gumuhit ang pagkalitong expression ni Yvan sa kaniyang mukha. "Anong pinagsasabi mo?" Nakakunot-noo nitong tanong na pawang nagugulohan.
"Pamilya natin ang s-sumira sa b-buhay niya..." Nag cracked ang boses ko dahil sa mga pag-hikbi ko.
Mas lalong nagulohan ang mukha ni Yvan. "Ano? Hindi kita maintindihan. What are you saying Yves?"
Muli akong napasabunot sa aking buhok. I can't bare this pain. Hindi ko kaya mababaliw ako.
"We ruined her life, Yvan. " Palakas nang palakas ang aking pag-iyak.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Hinawakan niya ako sa mga balikat ngunit agad ko itong inalis.
"Hindi ko na kaya potangina!! " sigaw ko at pinag-babasag ang mga bote ng alak na nakapatong sa lamesa.
Yvan
Halos mapanganga ako dahil sa pagwawala ni Yves. Pinagbabasag niya lahat ng mga gamit niyang babasagin. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Sobra siyang nasaktan sa nangyari sa kanila ni Aya, lalo na sa pagkawala ng anak nila.
"Yves ano ba! Tama na 'yan! " Hinwakan ko siya ngunit malakas niya akong tinulak kaya muntikan na akong matumba. Potangina!
"Ano ba! Sabing tama na!" Hinawakan ko siya sa damit mula sa likod at sinuntok sa mukha. Napangiwi rin ako dahil sa sakit ng kamao ko. Taena, nakakadalawa na ako sa lalaking. 'to.
Bumagsak siya sa sahig dahil sa lakas ng suntok ko. "Sa tingin mo, masusulosyan ng pagwawala mo ang problema mo, ha?! "
Naka-upo lang ito sa sahig habang patuloy pa rin sa pag-iyak at duguan ang labi. Naramdaman kong may tumulong mainit mula sa mga mata ko. Nakakabwesit 'tong lalaking 'to. Kung hindi ko lang kapatid 'to.
Seeing him miserable like this hurts me as fuck!
"Tignan mo nga 'yang itsura mo! Sa tingin mo magugustohan pa ni Aya ang Yves na 'yan?"
Napalunok ako dahil mas lalong lumakas ang kaniyang paghagulhol. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito. He cries his heart out. He really loves his wife, dahil hindi siya iiyak ng ganito kung hindi.
"You don't u-understand m-me, " he sobs.
"I do understand you-"
"No, you're not! " he screamed.
"Potangina, edi ipaintindi mo sa 'kin! hindi 'yong mag wawala ka na sira-ulo-"
"Pamilya natin ang pumatay sa mga magulang niya!! " sigaw niya na ikinatigil ko.
Napatanga ako dahil sa narinig ko. Ano raw? Pamilya namin ang pumatay sa mga magulang niya? "Ano?" Nagugulohan kong tanong.
Inangat ni Yves ang tingin sa akin. Sakit, galit, at puot ang nakikita ko sa mga namumula niyang mata.
"Pamilya natin ang dahilan k-kung bakit nawalan ng mga magulang si A-Aya, " aniya kasabay ng muling pag tulo ng butil ng luha niya.
My lips automatically parted. Tama ba ang narinig ko? Parang hindi nag s-sink-in sa utak ko ang mga sinabi ni Yves.
"H-How? Paanong sila ang dahilan? Impossible naman 'yang sinasabi mo-"
"Sa kanila mismo nang galing!" Agad na naputol ang sasabihin ko. Parang nanghina ang mga binti ko dahil sa mga naririnig ko. "How did that h-happened?" tila wala sa sarili kong tanong.
"I heard them, and I confronted them. Inamin nila s-sakin."
Napapikit ako at napa-upo. Oh, God. Paano 'to nangyari? And why all people, pamilya ko pa?
Hindi na ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako kay Yves na masakit na umiiyak habang nakayuko. My poor brother.
Nilapitan ko siya at hinawakan ang ulo niya 'tsaka sinubsob sa balikat ko. Hindi ko alam kung ano pa ang klaseng comfort ang gagawin at sasabihin ko dahil alam kong hindi na ito tatablan.
I clenched my fist as i heard my brother crying out of his lungs. Wala ng mas sasakit pa na malaman na sarili mong na pamilya mo ang pumatay sa mga magulang ng asawa mo.
Bigla itong kumalas sa pagkakahawak ko at 'tsaka tumayo.
"Yves, saan ka pupunta? " tanong ko dahil bigla itong naglakad na parang wala sa sarili.
"Bro, where are you going?" Hindi ito sumagot, bagkus diretso lang ito sa paglalakad palabas ng bahay niya.
Sinundan ko ito sa labas. Sumakay ito sa kaniyang sasakyan at agad na binuhay ang makina.
"Yves, lasing ka!" Pinagpag ko ang pintuan ng sasakyan niya ngunit parang wala lang itong naririnig.
"Yves, bumaba ka diyan, naka-inom ka! "
Bigla niyang pinaandar ang sasakyan at mabilis na pinatakbo.
"Yves!!" sigaw ko ngunit masiyado na siyang nakalayo.
"Bwesit!" Agad akong sumakay sa sasakyan ko at sinundan siya. Delikado ang mokong, lasing pa naman.
Mabilis ko hinirit ang sasakyan ko at buti naman ay natatanaw ko na siya. Ang hirap nga talaga habulin pag drag racer ang hinahabol mo.
Lumagpas na kami sa speed limit at binabaril na rin kami ng mga lazer sa highway dahil nag o-overspeed kami.
Nang medyo malapit na ako sa kaniya ay ilang beses akong bumusina. "Yves Cosmo Drakon, igilid mo 'yang kotse mo!!" malakas na sigaw ko at muling bumusina. Nawawalan na ako ng pasensya sa mokong na 'to.
Patuloy pa rin siya sa pagpapatakbo at patuloy rin ako sa pag habol sa kaniya. Kailan man hindi ko natalo sa drag racing 'tong taong 'to kaya nga nag piloto na lang ako, e.
Bigla itong lumiko at ganun din ang ginawa ko ngunit laking gulat ko na lang nang may isang truck ma papasalubong.
Agad akong napatapak ng preno ngunit diretso pa rin si Yves. "Potangina, Yves!!" malakas sigaw ko. Ilang sigundo lang ay sinundan ito ng napakalakas ng kalabog dahil salakas ng pagsalpok ng sasakyan ni Yves sa truck.
AYA
"Ah!" Nagulat ng masagi ko sa mesa ang kapeng binili ko. Ang clumsy ko talaga. Iyan tuloy nag kalat sa sahig.
"Ma'am ayos lang po kayo? " tanong ng isang baristang lumapit sa akin.
"Ah, ayos lang, nasagi ko lang, " sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
"Saglit po, ma'am kukuha lang ako ng basahan, " ani ng baristang babae at saka umalis.
Napahawak ako sa aking dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso. Anong nagyayari sa 'kin.
Maya-maya lang ay bumalik na ang babae na may dalang basahan.
"Nako, pasensya na. Naabala pa tuloy kita." Nginitian niya lang ako at nag salita, "Ayos lang po, ma'am, kasali po 'to sa trabaho ko. "
Pagkatapos niyang linisin ang kinalat ko ay bumalik na rin ito umorder na lang ako ng panibagong kape at bumalik sa table ko.
Nasa isang coffee shop kasi ako. Lumabas ako ng bahay at pumarito. Pakiramdam ko kasi ay na s-suffocate ako sa loob ng bahay.
Kinuha ko ang cellphone ko at in-open ito. Tumambad agad sa akin ang litrato namin ni Yves na ginawa kong wallpaper. "Ang saya pa natin pa natin dito, Yves, " bulong ko habang pinagmamasdan ang screen ng phone ko. Kumusta na kaya siya? Oo masama pa rin ang loob ko sa kaniya pero 'di ko rin maiwasan ang hindi mag alala lalo na noong pumunta siya sa bahay kahapon at lasing. Palagi na lang ba siya umiinom? Malaki rin ang kinayayat niya. Hindi ko na rin naman natatawagan sila Mommy simula noong lumabas ako ng hospital. Hindi ko rin naman sinasagot ang tawag o text nila ni Yvan.
"Hi! Alone?"
Napa-angat ako ng tingin, I saw Aero Infront of me.
"Oh, hi, ikaw pala, " bati ko rin sa kaniya.
"P'wede ma- upo? " Tinuro niya ang upuan sa harap ko.
Agad naman akong tumango. "Sure, wala namang naka-upo. "
Ngumiti ito at umupo sa upuan na nasa harap ako. "So, kumusta ka? Nabalitaan ko ang nangyari after that night. Okay ka na?"
I gave him a weak smile. "Okay na rin naman. Hindi ko lang okay dito. " Tinuro ko ang dibdib ko. "I'm still mourning pa rin sa pagkamatay ng anak ko. "
"I'm sorry to hear that, Aya. I hope you feel better soon." Malalam niya akong nginitian. "Just call me if you want to talk. I'm always free, " he said.
I smiled. "Siya nga pala. Hindi man lang ako nakapag-pasalamat sa 'yo noong niligtas mo ako sa pagkakalunod. Thank you, Aero, for saving my life. "
"Wala 'yon. Lahat naman siguro ay gagawin din ang ginawa ko. "
"But not my husband, " mahinang anas ko na ikinatigil niya.
Tinignan niya ako ng matiim ngunit nginitian ko lang siya malungkot. "He still chose that Yssa over me. Mas pinili niyang iligtas ang bestfriend niya kaysa sa akin." Napayuko ako dahil mukhang mahuhulog na naman ang mga luha ko.
Silence filled our ears. Ilang sigundong katahimikan hangang sa nag salita siya. "I know, hindi 'yon ginusto ni Yves na hayaan ka."
Nag angat ako ng tingin sa kaniya. "Hindi ginusto? But he chose Alyssa over me. Choice niya 'yon. " Napa-hugot ako ng malalim na hininga dahil nanunubig na naman ang aking mga mata.
"Tinanong mo na ba siya? Hiningi mo na ba ang paliwanag niya"
Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Bakit parang kasalanan ko pang hindi ko siya pinag-paliwanag? Alam mo na rin naman ang sagot niya, e, dahil ang babaeng 'yon ay lumpo kaya mas pinili niyang iligtas. Ginawa lang siyang tanga ng babeng 'yon. "
Nakita ko ang pag-buntong hininga niya. "It's not like that, Aya. What I mean is-"
"Cut it off, Aero. Iyon na 'yon. " Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Alam ko naman na kahit papaano mag kaibigan sila ni Yves kaya siya ang kakampihan niya.
Biglang tumunog ang cellphone ko at lumitaw ang pangalan ni Yvan. Bakit naman kaya tumatawag 'to? Dahil na naman ba kay Yves? Baka magdamag na namang nag lasing.
Ilang sigundo ko itong tinignan bago pinag-desisyonan na sagutin.
"Hello?" ani ko ng masagot ang tawag.
"Aya si Yves! " Agad na bungad niya. Biglang nilukob ang ng kaba ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.
"Bakit, anong nangyari? " Pinanatili kong kalmado ang boses ko ngunit bigla rin akong nanghina na para tinakasan ng lakas at binuhosan ng malamig na tubig nang marinig ang kasunod na sinabi ni Yvan.
"S-Sige... papunta na a-ako. " Dahil sa panghihina, I dropped myself on the chair together with my phone after the call end.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro