Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 33

AYA

When I opened my eyes, I saw a bright and clear sky. Inikot ko ang aking paningin sa palagid at namangha ako nang makita na puro bulaklak ang nasa paligid ko.

"Nasaan ako?" I uttered as I saw myself standing in a huge field of flowers.
I went for a walk, and I noticed a kid. A boy

"Hi mommy!" he greeted me so I suddenly held my chest dahil sa gulat nang tawagin niya akong mommy niya.

Binaba ko ang sarili ko para maka-level siya. Hinawakan niya ang pisngi ko at hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako.

"Please don't be sad, mommy, " aniya habang hawak-hawak ang pisngi ko.

Gusto kong magsalita pero walang lumalabas ko. Tanging pag hikbi ko lang.

Hinawakan ko siya at biglang niyakap. Hindi ko alam pero sobrang bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang pag iyak. "P-Please... Don't leave m-me," anas ko habang mahigpit na niyayakap siya.

"M-Mommy... I'm sorry If I didn't make it. I'm sorry for leaving you."

Mas lalong lumakas ang aking pag-iyak dahil sa sinabi niya. "N-No... hindi ko k-kaya..."

Hinarap niya ako at gumuhit ang matamis na ngiti nito sa labi. "Kaya mo po. K-Kakayanin mo."

Iyon ang mga huling salitang narinig ko mula sa kaniya hangang sa unti-unti siyang nag laho sa mga bisig ko.

"NO!"

Bigla akong napabangon sa kama habang habol-habol ang aking hininga. Pawis na pawis ako at basang-basa ng luha ang pisngi ko.

"B-Baby... " I sobbed again.

"Ate!" Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Jaxon.

"Ayos lang po ba kayo?"

Agad kong pinunasan ang luha ko. Ayokong makita ako ng mga kapatid ko na umiiyak na naman.

"Nanaginip lang ako, " sagot ko. Rinig na rinig ko pa rin ang kabog ng dibdib ko. Napalunok ako dahil parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko.

Pumasok si Jaxon sa k'warto at binuksan ang mga kurtina. Tumama sa akin ang sinag ng araw kaya bahagya kong itinakip ang kamay ko sa mukha ko. Maliwanag na pala sa labas. Umaga na pala.

"Ate..."

Umupo ito sa tabi ko malalam na tinignan ako. "Kahit anong mangyari, nandito lang kami. Nandito kami ni Andrea, nandito kaming pamilya mo. "

Bigla niya akong niyakap. Ang mga luhang pilit kong pinipigilang mahulog muli ay muli na namang bumuhos. "I know you're hurting right now. Hindi ko man alam kung gagaano ka nasasaktan ngayon, but always remember ate, kasama mo kami sa laban mo."

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. Binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at iniyak ng malakas ang sakit na nasa loob ko. Naramdaman ko ang unti-unti niyang pag tap sa aking likod.

Umiyak lang ako nang umiyak hangang sa marinig ko siyang nagsimulang kumanta. (I'll be there by Gabriela Bee)

"You and I must make a pact, we must bring salvation back
Where there is love, I'll be there🎶"

Mas lalong lumakas ang aking hagulhol nang marinig ang kantang iyon. 'Yan ang kantang palagi kong kinakanta sa kanila ni Andrea everytime may mga problema kaming hinaharap.

"I'll reach out my hand to you
I'll have faith in all you do
Just call my name and I'll be there🎶🎶"

Sa sobrang pait ng buhay ko hindi ko na alam kung may kasiyahan pa bang dadating sa akin. Una sina Mama at Papa, iniwan nila kami pareho. Biglaan at wala man lang paalam, hindi kami nakapag-handa.

Sa murang edad sinubok na kami ng tadhana. Tiniis ko lahat ng pahirap sa kamay ng tita ko para lang manatiling ligtas ang mga kapatid ko.

"I'll be there to comfort you
Build my world of dreams around you
I'm so glad that I found you
I'll be there with a love that's strong
I'll be your strength, I'll keep holding on..."

Nakaalis nga kami sa kamay ni tita at nakawala ako sa pansamantalang hirap. Akala ko okay na, akala ko sasaya na ako, akala ko makakalaya na ako sa sakit, pero may mas sasakit pa pala.

"Let me fill your heart with joy and laughter
Togetherness, well that's all I'm after
Whenever you need me, I'll be there🎶"

Nakilala ko si Yves, makaramdam ako ng pagmamahal, akala ko 'yon na iyon. Akala ko permanente na 'yon pero hindi, mas lalo pa pa lang sumakit. We lost our baby, our first child. Alam ko nasisi ko si Yves dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko. Alam ko siya ang napag-buntonan ng galit ko pero kasi wala na akong masisi pa, wala na akong mapag-lagyan ng nararamdaman kong 'to. Namatay ang anak namin dahil mas pinili niya si Yssa, namatay ang anak namin dahil inichapwera na naman niya ako kagaya ng ilang beses niyang pag iwan sa aking mag-isa para sa baabeng 'yon, kagaya ng ilang beses niyang pag pili sa babaeng 'yon kisa sa akin na asawa niya.

"I'll be there... I'll be there. Just call my name and I'll be there."

Natapos ang kanta ni Jaxon ngunit iyak pa rin ako nang iyak.

Niyakap niya ako ng mahigpit at hindi na nag salita pa. Sila na lang talaga ang meron ako. Mga taong alam kong hindi ako iiwan kahit anong mangyari, mga taong hinding-hindi ako aabandonahin at ipagpapalit sa iba. Mga taong kailan man ay hindi ako hahayaang mag isa. Nandiyan pa sila, ang mga kapatid ko.

Humugot ako ng malalim na hininga at kumalas sa pagkakayakap niya. Pinunasan ko ang mga luha ko bago inangat ang tingin sa kaniya.

"Thank you, Jax. Thank you, " I mouthed to him, at bnigyan siya ng malamlam na ngiti.

Ginulo niya ang buhok ko at ginantihan rin ako ng isang ngiti. "Magkapatid tayo kaya asahan mong nasa likod mo lang kami parati, "aniya at muli akong niyakap bago tumayo.

"Baba ka na lang po, ate. Nakapag-luto na ako."

Tumango na lang ako. "Sige, susunod ako.

Pag labas ni Jaxon ng k'warto ay inayos ko ang kama at pumasok ng banyo para maligo. Ayokong mag-alala si Ate Julie at Andrea pag nakita na ganito pagmumukha ko.

Hinubad ko ang saplot ko at binuhay ang tubig sa shower. Napahawak ako sa akin tiyan habang nakatayo sa ilalim ng malamig na tubig. Mahigit isang linggo na rin noong nakunan ako. Pagkalabas ko sa hospital ay dumeretso na ako rito sa bahay ni ate Julie. Hindi na ako umuwi sa bahay dahil hindi pa ako handa makita si Yves. Ilang araw ring pabalik-balik dito si Yves para makausap ako pero ilang beses ko rin siyang tinataboy. Hindi ko pa siya kayang harapin. Kapag nakikita ko siya ay mas lalo lang akong masasaktan.

Tinignan ko ang tiyan. Wala na anghel na nasa loob nito, wala na ang baby ko. My tears began to flow again. If I could go back in time, I would never let my child die.

Hinayaan ko na lang sana si Yssa sa kapraningan niya. Hinayaan ko na lang sana sila ni Yves para sa ikakabuti ng anak ko pero huli na ang lahat. Hindi ko na maibabalik ang oras.

After kong maligo ay bumaba na rin ako para kumain.

"Oh, Aya kumain ka na, " ani ate Julie ng masalubong ko siya. Mukhang paalis na siya papuntang work.

"Aalis na po kayo? "

"Yes, dear." Nilapitan niya ako at niyakap.

"Tawagan mo lang ako kung gusto mong kausap, ha, " anas niya at binigyan ako ng malamlam na ngiti.

"Sige po ate, salamat."

Tinapik niya ako sa balikat at sinabing, "Kaya mo 'yan, nandito lang kami. "

Tumango na lang ako at nginitian siya. Kahit papaano ay gumagaan din ang loob ko dahil sa kanila.

Pag alis ni Ate Julie ay bumaba naman sina Jaxon at Andrea na naka-uniform na.

"Ate, papasok na po kami, " saad ni Andrea. Hinalikan niya ako sa pisngi at mahigpit na niyakap. "'Wag kana po umiyak, ate. Nalulungkot din ako pag sad ka, " bulong ni Andrea.

Napakagat labi ako dahil unti-unti na namang nanunubig ang mga mata ko. Sabi ngang 'wag na umiyak, e. Nakakainis namang luha 'to. Huminga akong malalim para pigilan ang luha ko 'tsaka ko hinarap si Andrea at nginitian.

"Ate is not sad na. Mag iingat ka sa school ha. " Hinawakan ko ang pisngi nito bago ko hinalikan ang kaniyang noo.

"Yes po ate! " masiglang sagot niya naunang nag lakad palabas ng bahay.

"Aalis na po kami , ate. Tawagan mo na lang po ako kung may kailangan ka. Kumain kana rin 'wag ka papagutom, " ani Jaxon. Parang kailan lang, binata na talaga ang kapatid.

"Opo sir, mag iingat kayo ni Andrea, " sagot ko sa kaniya at niyakap siya.

"Ikaw din, ate." Hinalikan niya muna ako sa noo bago siya sumunod kay Andrea.

Ang sweet ng kapatid ko. Hay, ang bilis nilang lumaki.

Nang ako na lang ang natira ay nag tungo na ako sa dining para kumain.

Umupo ako kumain na mag isa. Panay ang buntong-hininga ko habang iniikot ng paningin ko ang bahay. Ang lungkot palanng bahay na 'to pag ako lang mag-isa.

Kumain na lang ako kahit parang may kung anong bumabara sa lalamunan at dibdib. Pinilit kong kumain para kahit papaano ay bumalik ang lakas at sigla ko.

After kong kumain ay nag linis na lang muna ako ng bahay. Nang matapos ang lahat ay binagsak ko ang sarili ko sa sofa. Parang nasa loob ako ng kahon na walang laman at naka-kulong. Ganito ang nararamdaman ko ngayon.

Nakatingin lang ako sa kisame nang biglang tumunog ang doorbell sa labas. Tumayo ako at nag lakad papunta sa pintuan para pagbuksan iyon kung sino mang taon 'yon.

Pag bukas ko ng pintuan ay bumulaga sa akin ang amoy alak na si Yves.

"What are you doing here? " walang gana kong tanong.

"I j-just want to see my w-wife, " utal-utal na aniya.

"I don't want to see you. Umalis ka na, " agad na sabi ko. Isasara ko na sana ang pintuan ng pigilan niya iyon.

"Aya, please... kausapin mo naman ako," pagmamakaawa niya.

Tinignan ko ito ng matiim. Mukhang naumaga siya sa inuman.

"Hindi ka ba umuwi ng bahay? "

"Paano ako uuwi kung wala rin naman akong a-asawa ro'n na uuwian, " sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"ah, asawa mo pala ako?"

Biglang bumagsak ang mga luha niya. "Hindi mo na ba talaga ako m-mapapatawad?" Yumuko ito para itago sa akin ang mukha niyang umiiyak.

"Hindi ko pa alam, e, " sagot ko. "Hindi ko pa alam kung paano."

"Miss na kita, " mahinang sambit niya. Bahagyang umaalog-alog ang balikat niya habang umiiyak. "Miss na miss na kita, A-Aya."

Pumatak ang mga luha ko at napakagat labi.
"Ang hirap kasing tanggapin, e. " Napalunok ako at pinunasan ang mga luha ko. "Ang hirap tanggapin na binalewala mo ako kaya nawala ang anak natin. "

Nag angat ito mg tingin sa akin. Pulang-pula ang mga mata at magang-maga rin ito.

"I-I can't live without y-you, " paghikbi niya. "Please comeback to me. Patawarin mo na a-ako..."

"You can't live without me?"

Tumango-tango ito. "Hindi ko kaya." Bigla itong lumuhod sa harap at hinawakan ang kamay ko. "P-Please... patawarin mo a-ako."

Sunod-sunod ang muling pag bagsak ng mga luha ko habang tinitignan siyang naka-luhod sa harap ko. Umiiyak at nag mamakaawa.

"Yves... tumayo ka, " malamig na sabi ko habang patuloy ang pag patay ng mga luha ko.

"No... hindi ako tatayo rito hanggat hindi mo ako n-napapatawad, " humihikbing sagot niya.

"Tumayo ka. "

Umiling lang ito. "I'm sorry. "

"Sabing tumayo ka! " sigaw ko. Napakuyom ang mga kamao ko habang dumadaragasa ang mga luha ko. Bwesit na luha 'to hindi pa maubos-ubos!

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko habang nakayuko at umaalog-alog ang balikat dahil sa pag-iyak.

"Kahit ano pang gawin mo, hindi na rin anman mababalik ang anak ko, e! Kaya tumayo ka na diyan!" I cried.

Marahas kong binawi ang kamay ko sa kaniya. "Nasasaktan ako, Yves! Kaya pakiusap, umalis ka na muna at 'wag ka na muna magpapakita sa akin dahil mas lalo lang akong masasaktan pag nakikita ka! "

Nag angat ito ng tingin sa akin. "A-Aya... "

"Kapag nakikita kita, bumabalik sa akin kung paano mo ako binalewala para sa babaeng 'yon! Naaalala ko lang kung paano nawala ang anak natin dahil sa lintek na babaeng 'yon, kaya umalis kana! "

Hahawakan niya sanang muli ang kamay ko ngunit umatras ako. "Kung mahal mo nga talaga ako, hayaan mo na muna ako. Hayaan mo muna akong magdalamhati sa pagkamatay ng anak ko. Hayaan mo muna akong mag-isa kagaya ng ginawa mo noong mga panahon na nasa kay Alyssa ka habang k-kailangan kita..."

Nakatingin lang ito sa akin habang tuloy-tuloy pa rin ang pag bagsakan ng mga luha niya.

"Kaya p-pakiusap, umalis ka n-na." Ang kaninang pag sigaw ko ay naging bulong na lang. Pakiramdam ko ay naubos na ang lakas ko. Pagod na pagod na ako.

Tumango at binigyan ako ng mapait na ngiti habang ang mga luha niyang patuloy pa rin sa pag gulong sa kaniyang pisngi. "Okay... aalis na ako." Itinayo niya ang sarili niya mula sa pagkakaluhod. "Pero p'wede ba bago ako umalis ay mayakap kita?" Tinignan niya ako nang may nangungusap na mga mata. "Kahit l-limang segundo lang?"

Hindi ako nag salita nanatili lang akong nakatayo habang patuloy na nagbabagsakan ang mga luha ko.

Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "You don't have any idea how much i miss you. And how I prayed to God na sana ako na lang ang namatay nang hindi ka nasasaktan ng g-ganiyan."

Napahagulhol ako dahil sa sinabi niya.

"Na sana ako na lang ang nawala, para hindi ka nakakaramdam ng ganiyang s-sakit. " He sobbed.

"Kung hindi mo ako mapapatawad, maiintindihan ko. But always remember t- that I love y-you, I really do."

Hinalikan niya ako sa gilid ng noo bago binitiwan.

Hinawakan niya ang pisngi ko. "Please... take care of yourself, " aniya at malungkot na nginitian ako bago tumalikod at humakbang paalis.

Bigla akong napa-upo sa sahig dahil sa panghihina. Napahawak na lang ako sa dibdib ko habang malakas na humahagulhol.













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro