CHAPTER 28
YVES
"Where you going? " Alyssa asked nang kunin ko ang coat ko sa sofa.
"My wife needs me, " maikli kong sagot.
"But i need you too, Yves. "
Irritation filled my ear. Tinapunan ko ito ng tingin. "I know, but this time, hayaan mo akong asawa ko naman ang piliin ko. " Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya, agad na akong lumabas ng room niya.
"Oh, Yves, where you going?" tanong ni Sofia nang masalubong ko ito sa hallway ng hospital. "Sofia, i need to go. Ikaw na lang muna ang bahala kay Alyssa," ani ko at nilagpasan siya.
Pag labas ko ay agad akong sumakay sa sasakyan ko at mabilis na pinaharurot iyon. My fist clenched. Hindi ko mapapatawad ang taong 'yon, lalong-lalo na ang sarili ko.
"Damn it! " Hinampas ko ang ang manibela dahil sa galit ko. Ang gago ko dahil pinabayaan ko ang asawa ko. Dahil palagi kay Alyssa ang atensyon ko ay hindi ko na alam ang mga pinaggagagawa niya. She almost raped at wala akong kaalam-alam dahil palagi na lang akong wala sa tabi niya. Fvck it!
Pag dating ko sa hospital na pinagdalhan sa kaniya ay agad kong hinanap ang room number niya.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto ay agad ko itong binuksan. Nadatnan ko si Aero na naka-upo sa couch. "Yves, nandito ka ka pala."
Napatingin ako sa kama kung nasaan si Aya. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo nang makita ang itsura niya. May pasa ito sa mukha at putok din ang labi.
"Yves..."
My jaw tightened. I will kill that asshole!
Agad kong hinakbang ang nga paa ko at nilapitan siya.
"Yves..."
Bigla ko itong niyakap ng mahigpit. "Oh, God. I'm sorry, " bulong ko. Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha galing sa mata ko.
Nagagalit ako, galit na galit ako. God, forgive me kung ano man ang magawa ko sa taong gumawa nito sa asawa ko.
Hinarap ko ito at hinawakan ang pisngi niya. Tears escaped from her eyes. Parang may kung anong sumaksak sa puso nang makita ang mga luha niyang nagbabagsakan.
Napapikit ako kasabay ng pag hugot ko ng mamalim na hininga bago ko muli siyang tinitigan. "I-I'm sorry, wife." Dinampi ko ang mga labi ko sa kaniyang noo dahilan upang humagulgol ito.
Muli ko siyang niyakap. "N-Natakot ako... sobrang natakot a-ako, " humihikbing anas niya.
Humigpit ang yakap ko sa kaniya kasabay ng pag kuyom ng mga kamao ko. "I'm sorry. Nandito na ako, hindi na ako aalis."
Mas lalong lumakas ang pag iyak niya sa dibdib ko. Pasimple kong pinunasan ang luhang kumawala sa mata ko. Mag babayad ang taong 'yon.
Muli ko siyang hinarap at pinahid ang mga luha niya. "I will make him pay for what he did, " mariin na turan ko.
Nilingon si Aero naka-upo pa rin sa Sofa. "Bro, please stay here for a while."
"W-Where are you going?" Malamlam kong nginitian si Aya. "Pagbabayarin ang taong gumawa sa 'yo nito."
Muli kong nilingon si Aero at seneyasan. Tumango naman ito kaya ibinalik ko ang tingin ko kay Aya.
"Stay here, mag pahinga ka lang. Babalik ako, " ani ko at muling hinalikan ang noo nito.
Aalis na sana ako nang hawakan niya ako sa braso. "Please, s-stay... " Humikbi ito. "'Wag mo 'kong i-iwan. " Humigpit ang hawak niya sa akin. "P-Please... "
Huminga ako ng malalim para pahupain ang galit ko. Mas Kailangan niya ako ngayon. Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian ito bago ko itinango ang ulo ko. "I'll stay, " ani ko at muli siyang niyakap. "I promise, no one will you again, " i whispered and kiss her temple.
Nang makatulog si Aya ay agad kung tinawagan si Leandro sa Police station. He said na hawak na nila ang anak ng may-ari ng Restobar na pinag-t-trabahohan ni Aya na siyang gumawa sa kaniya nito. Wala man lang akong ka alam-alam na nag t-trabaho pa si Aya sa gabi after ng shift niya sa resort para lang may magawa at malibang habang nasa hospital ako kasama si Alyssa. Napakawalang kwenta ko talagang asawa. Masiyado akong nag focus kau Alyssa at napabayaan na siya. Hinyaan ko lang ang asawa ko na mag trabaho gabi-gabi habang iba ang inaalagaan ko.
Nasa Police station na ang lalaking 'yon. Hihintayin ko na lang na magising si Aya para makapunta kami ro'n for questioning. Hindi ko pa nakakausap si Aya kung ano talaga ang nangyari dahil mukhang traumatized pa ito at ayokong itaya ang mental health niya dahil doon. Aero explained to me everything. Kung paano si Aya nag trabaho ro'n at kung paano siya napunta sa gano'ng sitwasyon. Buti pa nga si Aero alam niya mga nangyayari kay Aya pero ako na asawa walang kamalay-malay. But thanks to him, he rescued my wife from that bullshit.
Napatingin kaming pareho ni Aero nang bumukas ang pinto at niluwa nito si Yvan na may dalang paperbag.
"Nandito ka na pala, " ani ko.
Nilapag niya ang paperbag sa mesa at umupo sa single couch. "Ayan na ang damit na pinabili mo." Tinapunan niya ng tingin si Aya na mahimbing na natutulog sa kama. "How is she? " he asked.
"She's kinda traumatized. Pupunta rin kami mamaya sa police station for questioning. Naka detained na rin naman ang hayop na 'yon.
Muling kumuyom ang mga kamao ko. Hindi huhupa ang galit ko hanggat hindi ko napapadapo ang kamao ko sa mukha ng gagong 'yon.
No'ng nakita ko ang sira-sirang damit ni Aya kanina sa trash bin, parang gusto kong pumatay ng tao. Ngayon lang ako nagalit ng ganito.
"Yves?"
Napatingin kaming tatlo sa gawi ni Aya. Gising na ito.
Agad akong tumayo at nilapitan siya sa kama. "How are you feeling? " Hinaplos ko ang ulo niya.
"Medyo okay na. " Malamlam itong ngumiti.
"Good to know, " I said and kiss her forehead.
"Kaya mo na ba? Pupunta tayo sa police station for questioning."
Tumango naman ito. "Yeah, I'm good."
I smiled. "Alright, mag palit ka muna. " Kinuha ko ang paper bag kung saan may damit niya na pinabili ko kay Yvan.
Inalalayan ko itong tumayo sa kama hangang sa makapasok sa banyo.
"Kaya ko na, hintayin mo na lang ako, " saad niya.
"Tulongan na kita" Tinanggal ko ang tali ng hospital gown na suot niya mula sa likod niya at tinanggal ito. Hindi ko maiwasan na maguilty nang makita ang katawan niya. "I'm sorry, " bulong ko.
Tumingala ito sa akin. "Why are you sorry?"
"'Cause i let that bastard touch you, at wala akong ginawa."
Malamlam niya akong nginitian at hinawakan ako sa pisngi. "It's okay, hubby. It's not your fault. Masaya na ako na nandito ka ngayon." Tears escaped from her eyes again.
"Sshh... Don't cry, it's killing me. " Agad kong pinahid ang luhang kumawala galing sa mata niya.
Mas lalo akong na g-guilty. Naubos ang oras ko sa pabalik-balik sa hospital at hindi ko na nabibigyan ng atensyon ang asawa ko. Aya needs me, my wife needs me.
Niyakap ko ito. "I'm sorry. Hindi na ako aalis. Dito lang ako, " bulong ko ang hinalikan ang tuktok ng ulo niya.
After niyang mag bihis ay dumeretso na kami sa police station kasama si Aero at Yvan.
Pag pasok ay agad kong nakita ang lalaking putok ang labi na naka-upo sa harap ng mesa ni Leandro habang naka posas.
Nang makita niya kami at ngumisi ito na ikinaatras ni Aya.
Biglang dumilim ang paningin ko at nabuhay ang galit ko. My jaw tightened and my fist clenched. Bumali ang leeg ko. "You motherfucker! "
"Yves!" sigaw ni Aya nang sugorin ko ang hayop na yon at pinagsusuntok. Everything went black, galit lang ang nararamdaman ko.
"Bro, stop it! " Inawat ako ni Yvan at Aero ngunit patuloy lang sa pag dapo ang kamao ko sa kaniyang mukha. "I'll kill you! I will fucking kill you! " sigaw ko habang tuloy-tuloy ang pagpakawala ko ng suntok sa kaniya.
"Hey! Yves enough! Mapapatay mo siya! " Inawat ako ni Leandro at iba pang kapulisan 'tsaka inilayo sa kaniyam sukdulan na ang galit ko. Pakiramdam ko ay nag iinit ang buong katawan ko.
Tinignan niya ako ng matalim at dinura na ang dugo sa kaniyang labi. "Are you done?" Iniling niya ang ulo nito at ngumisi.
Umigting ang panga ko and my teeth gritted out of the anger.
"Gusto ko mo na ba talagang mamamatay!?" Pumiglas ako sa pagkakahawak ni Leandro at ni Yvan. Nang makawala ako ay muli ko siyang sinugod at muling pinagsusuntok.
"Yves, enough! " Natigilan ako sa pag sigaw ni Aya.
Nilingon ko ito and i saw her crying habang nangungusap ang mga mata. "E-Enough... please... "
Tinignan ko ang hayop na si Mark na nakahiga sa sahig at duguan. "Mag pasalamat ka na lang na hayop ka. " Mariin kong sabi bago siya binitawan at tumayo.
Kinuha ng mga pulis si Mark at itinayo. Nanatili pa rin ang matalim niyang tingin niya sa akin kahit duguan na ang mukha niya. Wala akong takot na nakikita sa mukha niya.
Saka lang ako bumalik sa huwisyo ko nang yakapin ako ni Aya mula sa likuran. "Please calm down... I'm tired...I wanna go home now, " she uttered.
Hinarap ko ito. "I'm sorry... Don't worry, uuwi na tayo after natin dito, " Anas ko at hinipo ang buhok niya pababa.
Malumanay na lang itong tumango bago kami sumunod kay Leandro para umpisahan ang questioning.
Lahat ng tanong kay Aya ay nasagot niya naman. Tinanong din si Aero na siyabg witnessed sa nangyaring tangkang pag-gahasa sa asawa. Sisiguradohin kong hindi makakalabas ang gag*g Mark na 'to.
After questioning ay pinauwi na rin kami ni Leandro. Si Atty. Pamela Sauvetrre na rin ang bahala sa kaso.
Hindi ko muna inistart anf makina, nakatingin lang ako kay Aya na nakapikit habang nakasandal ang ulo sa bintana ng sasakyan.
"You okay? May masakit pa ba sa 'yo? " Minulat nito ang kaniyang mga mata at malamlam akong nginitian. "I'm fine... Let's go home now? Gusto ko na magpahinga, " aniya gamit ang mahinang boses niya.
"Alright, let's go home. " Kinabit ko ang seat belt niya at binaba ang upuan niya para maipahinga niya ang katawan niya.
"Matulog kana muna, gigisingin na lang kita pag nasa bahay na tayo."
Tumango na lang ito at muling ipinikit ang nga mata niya.
Hinalikan ko muna siya sa noo bago ko inistart ang pakina at pinausad ang sasakyan.
Pag dating sa bahay ay agad akong bumababa at binuksan ang passenger seat. "Wife, we're here. " Inalis ko ang seatbelt niya at muli sanang gigisingin nang makita ko ang luha niyang gumulong sa kaniyang pisngi mula sa kaniyang mga mata.
Is she crying? "Wife... Wife. " Tinapik-tapik ko ang kaniyang pisngi para gisingin ito ngunit lalo itong humikbi. "M-Mama... Hirap na hirap na p-po ako... "
Natigilan ako, she's sleep talking.
"M-Mama... p-pagod na po a-ako... " Kumuyom ang mga kamao ko at parang may kung anong sumaksak sa puso ko. She's having a hard time.
Pinahid ko ang mga luha niya sa kaniyang pisngi. "Nandito lang ako," bulong ko.
Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya. "N-Nandito na pala tayo, " mahinang anas niya habang bakas pa ang mga luha sa mga mata niya.
"Are you okay? Nanaginip ka ata."
Tinango niya lang ang kaniyang ulo and she smiled weakly.
Hinawi ko ang kaniyang buhok sa mukha. " I love you." Dinampi ko ang mga labi ko sa gilid ng kaniyang noo.
"Pasok na tayo at mag pahinga." Inalalayan ko siya pababa ng sasakyan hanggang sa loob ng bahay.
Pag pasok namin ng k'warto ay agad ko siyang inihiga sa kama at kinumutan saka ako tumabi sa kaniya.
"Yves?"
"Hmmm?"
Niyakap niya ako at siniksik ang ulo niya sa dibdib ko. "'Wag ka na umalis, " mahinang saad niya.
Mahigpit ko siyang niyakap at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "Hindi na. Matulog ka lang, pag gising mo nandito pa rin ako."
Sinuklay-suklay ko ng kamay ko ang buhok niya hanggang sa naramdaman ko na ang pag bigat ng kaniyang paghinga. She is now sleeping.
"I love you, Aya. 'Wag mo na ulit ako takotin ng gano'n, " I whispered and close my eyes.
-------------
Short update. Ilang linggo na talaga akong sabog kaya hindi ako nakakapag-bukas ng Wattpad.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro