CHAPTER 25
AYA
“Dideretso ka ulit doon? ” tanong ko.
Tinango niya ang ulo niya. “Busy kasi si Sophia kaya walang magbabantay sa kaniya. ”
Hinawakan niya ang kamay ko. “Promise, babawi ako pag nakalabas si Yssa. ” Malamlam niya akong nginitian bago ako hinalikan.
Tinango ko na lang ang ulo ko at pilit siyang nginitian. Alangan namang pigilan ko siya. Nakakainis lang, araw-araw na siyang nandoon. Wala bang pamilya ang babaeng 'yon, kaasar daig pa asawa.
“Sige mag iingat ka, ” ani ko at saglit na niyakap siya bago ako bumaba ng sasakyan niya. Hinatid niya lang ako rito sa resort at dideretso siya sa hospital. Kulang na nga lang lumipat na siya ng bahay doon, e.
Pag pasok ko ng resto ay nadatnan ko si Abby na nag lilinis ng counter.
“Good morning! Wala pa sila? ”
Nilingon ako nito at nginitian. “Good morning din, Aya. Wala pa sila, himala nga at ako ang nauna, e, ” anas nito.
Umupo ako sa stool sa labas ng counter at pinagmasdan siyang mag linis.
“Kumusta naman trabaho mo?”
Nagpakawala ako ng marahas na hininga. “So far maayos naman. Sa shop hindi naman gano’n kabigat ang work. Natutuwa nga ako sa mga aso, e,” sagot ko.
“Eh, sa resto bar?”
I sighed again. “Actually, maayos naman sana ang trabaho ko ro’n, kung hindi lang dumating 'yong anak ng may-ari ng bar, ” turan ko.
“Bakit? Terror ba? ”
I shook my head. “May pagka maniac. Isa kong kasamahan umalis nang dahil sa kaniya. Hindi na siguro kinaya ang ugali ng lalaking 'yon.
Hinarap niya ako at nilapag ang basahan na hawak niya. “Girl, you must resign.”
I automatically shook my head. “Hindi p'wede. Alam mo naman ang sitwasyon ko diba? ”
She tsked. “Bakit mo pa kasi pinapahirapan ang sarili mo? P'wede mo naman 'yan i-open sa asawa mo. Kaya nga may asawa na matatawag para may katuwang ka sa mga problema tapos ikaw sinosolo mo,” anito habang nakakunot ang ang noo.
I deeply sighed. “Mars, itong problema na kinahaharap ko ngayon ay labas si Yves. Ayokong i-involve ang asawa ko rito. Problema 'to ng parents ko na ngayon ay ako na ang sumasalo. Ano na lang iisipin niya pag nalaman niya na nanggaling ako sa pamilya na may gano’ng sistema noon? ” anas ko. Hindi ko naman kasi talaga p'wedeng iinvolve si Yves sa problem kong 'to dahil sa totoo lang, problema 'to ng pamilya ko na iniwan sa akin. Ayoko namang pagsamantalahan ang kabaitan ng asawa ko sa akin.
Napakamot ito sa kaniyang batok bago lumabas ng counter. Nilapitan niya ako at hinawakan sa balikat. “Girl, mag iingat ka na lang. 'Wag mo rin pababayaan ang sarili mo lalo na ngayon na nag o-over work ka. Mahirap magkasakit, may mga kapatid ka pang umaasa sa 'yo, wala na nga silang parents, paano kung pati ikaw ay magkasakit?”
Mapait akong napangiti. “Kung hindi lang sana kami iniwan nila mama at papa. Kung hindi sana sila gumawa ng ganitong bagay, Edi sana hindi ako nahihirapan ng ganito ngayon. ” Napasinghap ako dahil nararamdaman kong umiinit ang gilid ng mga mata ko. “Ang unfair lang kasi, naging mabuting anak naman ako, naging mabuting kapatid din naman ako, naging mabuting tao naman ako, pero hindi ko maintindihan kung bakit pinaparusahan ako ng ganito. ” Napakagat labi ako. Pakiramdam ko ay may kung anong bumabara sa lalamunan ko. “Sa totoo lang, pagod na ako , pagod na akong sumalo ng lahat, pagod na ako umiyak tuwing gabi dahil sa mga letseng problema na meron ako. P-Pagod na a-ako. ” Napahikbi ako. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Hangang reklamo lang ako ngunit wala rin naman akong choice kundi tiisin lahat ng 'to.
Niyakap niya ako. “Matatapos din lahat ng paghihirap mo, ” bulong niya habang hinahagod-hagod ang likod ko.
“Ang gusto ko lang naman ay mabuhay ng walang iniisip kagaya nito, e. Hindi ko naman pinangarap magkaroon ng ganitong b-buhay, e.” I sobs.
“Sshhh. You'll get there, mars. Matatapos din lahat. Isipin mo na lang ang mga kapatid mo. ”
“Iyon nga, e. Sila palagi ang iniisip ko kaya hindi ko na rin magawang isipin at kumustahin ang s-sarili ko. ” Lumakas ang pag iyak ko. Mahal ko ang mga kapatid ko at hindi ko sila sinisisi kung bakit ganito ako ngayon pero hindi ko rin maiwasan isipin na kung sana wala akong binubuhay hindi sana ako naghihirap ng ganito.
Napahagulgol ako at napakuyom ng kamao. Ano ba Aya! Hindi ka dapat nag iisip ng ganito. Mahal mo ang mga kapatid mo kaya wala kang karapatan na maging selfish!
“Oh, God!” Sambit ko habang malakas na umiiyak sa mga braso ni Abby.
“Sshhh... It's okay... It's okay, ” pag aalalo niya sa akin.
Napalunok ako at humugot ng malalim na hininga bago pinahid ang mga luha ko at kumalas sa pagkakayakap ni Abby. Tama na , Aya. Hindi ka p'wedeng maging mahina dahil hindi 'to matatapos kung puro ka na lang iyak.
“Aya... ”
Nginitian ko ito at hinawakan ang mga balikat niya.
“Kaya ko 'to. Matatapos din 'to.” Muli akong huminga ng malalim dahil hindi pa rin na aalis ang mabigat sa dibdib ko.
Nginitian niya ako at hinawakan ang mga kamay ko. “I know you're strong. Basta kung kailangan mo ng kaibigan na mapagkukwentohan at tatakbohan nandito lang ako. ”
I smiled at muli siyang niyakap. “Thank you, Abby, ” i whispered.
She rubbed my back. “I'm always here. ”
Kumawala ako sa kaniya at tumayo sa stool na inuupuan ko. “Let's go! Work work na! ” Pinilit kong pasiglahin ang boses. Ayokong Masira ng negative vibes ang buong araw ko.
Sinumulan ko ang trabaho ko sa resto. Wala namang bago, araw-araw dinadagsa pa rin ng tao. Marami na kasi ang nag c-check in sa resort kaya dagsaan ang tao sa resto. Buti na nga lang may dinagdag ulit na staff kaya medyo hindi na mabigat ang work.
1 p.m , during my break ay agad akong umalis at pumunta sa shop. Pag dating ko sa shop ay nadatnan ko si Ate Mimi na nag papaligo sa mga mga chao chao puppies.
“Good afternoon, ate! ” masiglang bati ko sa kaniya. “ Oh, hi Shany! ” Lumapit ako at kinarga si Shany ang makulit na chao Chao puppy na palagi kong pinapaliguan.
“Nandito ka na pala, ” anas ni Ate habang sina-shampohan ang kapatid ni Shany na si Hoover. Actually, ako lang ang nagpangalan sa kanila. Wala silang names dahil ibebenta rin naman. Papangalanan din naman ng magiging amo nila.
“Kumain kana ba?” tanong ni Ate.
“Opo ate. Kumain ako bago umalis ng resort, ” sagot ko. Kumain kasi muna ako kanina sa resto bago umalis. Pinagalitan kasi ako ni Abby noong nalaman niyang 'di na ako nag l-lunch.
“Mabuti naman. Oh siya, ikaw na muna ang magpaligo lang kay Shany may tataposin lang ako sa loob. ”
“Sige po ate, ” sagot ko.
Tumayo na ito karga-karga si Hoover na katatapos lang maligo at pumasok sa loob.
“Maliligo na naman ikaw Shany, ” Nilagay ko ito sa Tub inumpisahan nang paliguan. Enjoy na enjoy naman siya sa tubig. Minsan nga naiisip ko na baka dating isda itong si Shany sa past life niya. Ayaw niya pa umalis sa tubig.
After ko siyang paliguan ay pinasok ko na siya sa loob at tinuyo ang balahibo niya bago ko siya pakainin at painomin ng vitamins niya. Naks! Buti pa aso may vitamins ano? Haha.
Biglang tumunog ang bell sa itaas ng pinto kaya napatingin ako sa pumasok.
“Good afternoon, miss. ” Matamis itong nakangiti
Napaarko ang kilay ko. “Anong ginagawa mo rito? ” tanong ko. Nilapag ko muna si Shany sa Basket na tinutulogan niya.
“Petshop 'to diba? Malamang nandito ako para tumingin ng mga alaga niyong aso. ”
I rolled my eyes, kaya tumawa ito ng mahina.
“Bakit ba ang sungit mo sa 'kin? ”
“Kung hindi ka sana si Aero Fuego edi sana mabait ako sa 'yo. ”
Bigla itong humakbang papalapit sa akin. “A-Aero,” na uutal kong sambit dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
“Pag pinalitan ko ba ang pangalan ko magiging mabait kana sa 'kin?” Ngumisi ito kaya bigla ko siyang itinulak palayo sa 'kin.
“Ewan ko sa 'yo! Ano ba kasi ang kailangan mo?” masungit na tanong ko.
He grinned and licked his lips. Napalunok naman ako. Nang aakit ba ang lalaking 'to? Bigla kong iniling ang ulo ko. Ano ba Aya! Alam kong gwapo siya pero mas pogi pa rin ang asawa ko 'no.
Napapansin ko kay Aero, habang tumatagal parang nag iiba siya. I mean, parang may something sa kaniya. Parang hindi na siya 'yong Aero Fuego sa Australia noon.
“Ano ba ang ang magandang alagaang aso? ” tanong niya at nag lakad-lakad para tignan ang mga aso na nasa caves namin na naka display.
Sinundan ko ito. “Depende sa 'yo. Ano ba ang gusto mong breed?” tanong ko.
Nilingon niya ako. “Paano kung ikaw ang gusto ko? ” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabu niya. “Mukha ba akong aso!? ” Tumawa ito. Aba, sira-ulo 'tong lalaking 'to, a. Ginawa pa akong aso na may breed.
“Masiyado kang maganda para maging aso,” mahinang sabi niya ngunit narinig ko.
Sandali akong natigilan. “A-Anong sabi mo? ” Nginitian niya lang ako at nag nag lakat sa counter kung saan ko nilapag si Shany.
“Eh, ito kaya? ” Binuhat niya si Shany.
“Uy, si Shany ko!” Nagulat ito nang agawin ko sa kaniya si Shany.
“Aso mo?” tanong niya. Ngumuso ako at dahan-dahan na iniling ang ulo ko. Gusto ko sanang bilhin 'tong si Shany, e kaso wala pa akong pera at isa pa kailan ko mag ipon oara may ibayad sa mokong na 'to.
“So available? ” Matagal akong hindi nakasagot. Tinignan ko si Shany at sinuklay-suklay ng daliri ko ang balahibo nito.
“Aya?” tawag niya.
Mapait akong ngumiti bago ko dahan-dahan na itinango ang ulo ko. “Oo.”
“Gusto mo?”
“Sana... ” sagot ko.
“Bakit hindi mo bilhin? ”
Iniling ko ang ulo ko at inangat ang tingin sa kaniya. “Wala pa akong pera. Nag iipon ako para may ipambayad sa 'yo at para mawala ka na rin sa landas ko. Sulpot ka kasi ng sulpot kahit saan, ” sagot ko.
Napansin ko ang pag hulog ng mukha. Nawala ang ngiti nito sa mga labi.
“ Gano’n mo ba ako ka ayaw? ” malamlam na tanong niya.
“Ayaw ko lang sumama sa 'yo,” diretsong sagot ko.
“Bakit?” Matiim niya akong tinignan.
“Dahil hindi kita gusto. ”
Mapakla itong ngumiti. “ 'Yon nga. Bakit pa nga ba ako nag tanong? ” Mahina itong tumawa.
I rolled my eyes. Bakit parang nalungkot 'to? Umiling ako. Si Aero makulungkot dahil hindi ko siya gusto? Ew naman Aya. Assumera lang?
I sighed.
“Ano na? Bibili ka ba? ” tanong ko.
Magsasalita na sana ito nang tumunog ang cellphone niya.
“Wait... ” Lumabas muna ng shop para sagotin ang tawag. Ilang minuto ay bumalik na rin naman ito agad.
“Aya, next time na lang. I gotta go, ” aniya.
Tumango lang ako. As if naman may pakialam ako kung saan siya pupunta.
Pag alis niya pinag patuloy ang ang papakain ko sa ibang aso at pag papainom sa kanila ng vitamins.
“Aya, may bumili ba? Narinig ko kanina may dumating? ” tanong ni Ate Mimi na kalalabas lang ng kusina.
“Wala po ate. Umalis din po agad. Sabi niya next time na lang, may importante atang biglang nagmadali, e. ” sagot ko.
“Kaibigan mo? Narinig ko kasi na parang matagal na kayong magkakilala kung mag usap.”
Agad kong iniling ang ulo ko. “Hindi po ate.” Ayokong maging kaibigan ang lalaking 'yon.
“Ah... Sige, tatapusin ko lang ang ginagawa ko sa loob, ” aniya at muling bumalik sa loob.
Si Aero kaibigan ko? Siguro kung siguro hindi siya sa isa nagpapahirap sa akin ngayon, baka gustohin ko pa siyang maging kaibigan. Pero kasi isa sa mga tao na naging dahilan kung bakit sko nag hihirap at nasa ganitong sitwasyon ngayon.
After kong matapos ang lahat ng trabaho ko sa shop ay bumalik sa na rin ako sa resort oara da shift kong 3 p.m to 6 p.m.
Pag out ko ng 6 p.m. ay may natanggap akong text galing kay Yves na baka hindi siya makakauwi dahil masiyadong maraming ginagawa si Sophia kaya walang magbabantay kay Yssa. Napasinghap na lang ako at binalik ang phone ko sa bag. Hindi ko na siya nireplyan. Naiinis ako, halos doob na siya tumira sa hospital kasama si Yssa araw-araw. Responsibilidad niya ba si Yssa? Minsan nga naiisip ko na lang na parang sinasadya ni Sophia para si Yves ang mag bantay araw-araw kay Yssa, e. Si Yvan naman kasi ay may trabaho kaya salo talaga ni Yves.
Sumakay ako ng taxi papunta sa resto bar na pinag t-trabahohan ko kasama si Jaya. Buti na rin na hindi makakauwi si Yves para makapag overtime ako rito sa resto bar. Medyo malaki rin kasi ang OT, e.
“Oh, Aya nandito ka na pala, ” ani Jaya pag pasok ko ng locker.
“Nandiyan ba siya? ” tanong ko sa kaniya. Ang tinutukoy ko ay 'yong manyak na anak ng may-ari ng resto bar na 'to.
“Hindi ko pa siya nakikita, e. Baka wala pa
Mag dasal na lang tayo na wala, ” sagot niya at sinuot ang uniform niya.
Kinuha ko na rin ang uniform ko sa locker at nag bihis.
Sabay kaming lumabas ni Jaya ng locker at sinumulan ang trabaho namin.
Ang trabaho rito ay kagaya lang din ng trabaho ko sa resort. Ang pag-kaiba lang ay ang kadalasan ng mga e-encounter ko rito ay mga lasing at ang malala ang iba ay ang babastos pa.
“Aya!” Biglang lumapit sa akin si Jaya.
“Bakit?” tanong ko.
“Nandiyan siya, ” bulong niya. “Actually, kanina ka pa niya sinusundan ng tingin.”
Bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi niya. “ Nasaan siya?”
Siniko niya ako sa tagiliran. “Taena, papalapit siya, ” bulong niya kaya bigla akong napalingon.
Nakita kong papalapit si Mark, 'yong anak ng may-ari ng restobar na 'to.
“Hey, girls! How's work?” I stilled. Tang*na naman oh.
Biglang napaatras si Jaya. “A-Ayos naman po s-sir, ” nauutal na sagot niya.
“Good to know. ” Biglang dumapo ang ang tingin nito sa akin.
“Oh, Aya, blooming ka ata ngayon? ” Nilapitan niya ako kaya ako naman ang bahagyang napaatras.
“H-Hindi naman po s-sir. ” Mas lalo itong lumapit kaya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.
“Mas lalo ka namang gumaganda everytime na pumapasok ka. ” Hinawakan niya ako sa braso kaya parang nanigas ako.
“Nako, Aya! Ang inuutos pala ni manager sa atin hindi pa natin nagagawa,” saad ni Jaya at pumagitna sa amin dahilan upang mabitawan ako ni Mark. Sumenyas ito sa akin na agad no namang na gets
“Ay oo nga pala! Sir, excuse me po.” Pilit ko itong nginitian bago ko hinawakan si Jaya at hinila papalayo.
Nakahinga ako ng maayos nang makalayo kami sa kaniya. Ang hirap pala ng ganito. Parang palaging nasa gitna ako ng kapahamakan kapag malapit sa akin ang lalaking 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro