CHAPTER 13
AYA
"Wife, let's go!" tawag sa akin ni Yves mula sa baba. Nandito pa kasi ako sa k'warto at nag aayos.
"Nandiyan na!" sigaw ko pabalik.
Kinuha ko ang bag kong nakapatong sa mesa at muling sinulyapan ang sarili ko sa salamin upang tignan kong presentable na ba ako bago ako bumaba.
"Why you took so long?" he asked at inakbayan ako sabay singhot sa buhok ko. Dating adik ata itong si Yves. Hilig niya akong singhotin.
"Hello, woman. Babae ako 'no,” sagot na ikinatawa niya lang.
"Let's go, we're already late." Mag lalakad na sana ito nang tumigil ako.
"What's the matter?" he asked.
"Okay lang ba talaga na sumama ako?
Nakakahiya sa mga tropa mo. Hindi naman ako.mayaman," napayuko ako. I feel ashamed. Hindi naman ako nababagay sa pupuntahan namin.
May party kasi ang isa sa bigatin niyang kaibigan. Wedding anniversary nila ng asawa niya at invited kami.
Yves cupped my face para iharap ako sa kaniya. "Aya, you're my wife. Asawa kita hindi kana naiiba at kahit kailan naman ay hindi ka naiba. It doesn't matter kung mayaman ka man o mahirap, you're my wife, you are now a Drakon. "
I wan't to complain pero mas pinili ko na lang ang tumango.
He smiled and kiss my temple and my shoulder. "By the way, you're so gorgeous,” bulong nito sa akin.
Mahina akong tumawa at tinampal siya sa dibdib. "Kahit kailan talaga ay napakabolero mo, Mr. Drakon. "
"No, I'm not! You're perfectly gorgeous, wife."
I tsked. "Hindi ako naniniwala. Tara na nga!"
He chuckled and grabbed my waist before we stepped out of the house.
After ng medyo mahabang byahe ay huminto ang sasakyan ni Yves sa tapat ng isang malaking bahay. No, it's not just a house, it's a mansion.
Kung malaki ang bahay na tinitirhan namin ni Yves ay mas malaki ang bahay na 'to. Hindi naman siguro mansiyon ng mafia 'to 'diba?
Naunang bumaba si Yves sa sasakyan 'tsaka ito umikot at pinag buksan ako ng pinto sa passenger seat.
Nakahawak ang kanang kamay ko sa braso niya habang hawak ko naman sa kaliwang kamay ko ang regalo namin na si Yves naman ang bumili. Ni hindi ko nga alam ang alaman nito.
"Woah!" I uttered. I was amazed when we
entered the house. Ang ganda ng loob ng bahay. Halatang mas mahal pa sa buhay ko ang mga gamit dito. In-escort kami ng isang lalaki na mukhang security papasok sa sa venue sa may garden. Halos mapanganga ako nang makapasok kami sa venue. Oh, god! Ang laki. P'wedeng patayuan pa ng dalawang bahay dahil sa lapad ng space ng garden nila. Marami rin silang bisita. Nag mukha tuloy kasal at hindi wedding anniversary.
"The newlywed couple are here!" sigaw mula sa isang malaking round table kung saan maraming kalalakihan ang nakaupo at may apat na babaeng kasama na mukhang asawa o kasintahan ng iba
sa kanila.
Bigla ako nanliit sa sarili ko. Compare sa kanila ay walang-wala ako. Kung hindi lang siguro ako binihisan nitong dress na binili ni Yves para sa akin ay nag mukha akong basura kung ihahalintulad sa kanila.
"Wife..."
Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya. I know he knows what I'm thinking right now.
"Be yourself, Aya. Like I said before, it doesn't matter kung ano man ang status mo sa buhay noon. You're my wife now, always remember that," anito sa akin at pinisil ang kamay kong hawak niya.
I smiled at him and nodded my head. He has a point naman pero kasi hindi ako sanay sa ganito. Lumaki nga kasi akong kumakayod para sa mga kapatid ko kaya mukhang hindi pa ako ready sa ganitong buhay.
Nag lakad kami papalapit sa table kung saan may tumawag sa amin.
"Hey, what's up!" A man stood up and hugged Yves. "Kasal ka na pala hindi mo man lang kami ininvite," ani ng isang lalaki na singkit ang mata.
"It's just a signing of marriage contract, bro. Wala pa ang formal wedding ceremony," sagot naman ni Yves. Wala pa? So it means may balak siyang pakasalan ako ng pormal?
"Oh, it's that so... By the way, introduce your beautiful wife."
Yves grinned at ipinulupot ang braso niya sa bewang ko.
"So guys, this is my wife, Aya," he introduced.
Nag sitayuan sila at lumapit sa amin 'tsaka nakipag beso at nakipag kamayan. Yves introduced his friends to me pati na rin ang mga asawa ng mga kaibigan niya.
Si Calista na siyang asawa ni Sebastian na may anniversary ngayon, si Delia na asawa ni Primo, Kit na asawa ni Leandro 'yung groom sa stag party noon at si Effie na asawa ni Wyatt.
Actually, kilala ko ang iba sa kanila dahil nga sa stag party noon.
"Welcome to the club, Aya!" masayang bati ni Calista at hinila ako sa isang bakanteng table at pinaupo. Sumunod naman sila Effie, Delia and Kit sa amin habang ang boys ay naiwan doon sa table na pinanggalingan namin. Sinulyapan ko muna ng tingin si Yves at sumenyas
lang ito na ‘sige lang’ at nginitian ako.
Binigay ko ang regalo namin kay Calista at
nakipag chikahan sa kanila. Hindi ko inaasahan na magiging komportable agad ako sa kanila. I like their sense of humor. Hindi ko mapigilan ang hindi matawa everytime mag k-kuwento sila ng mga kaagagahan nila noong hindi pa sila kasal. Like kay Effie noon na binato niya ng upuan si Wyatt sa loob ng office dahil narinig siya ni Wyatt na binabanggit ang pangalan nito habang umuungol pa. I can't help myself but laughed. Medyo nailang ako ng ikwento rin nila noong nahuli nila ang mga mister nila sa stag party at sa labas ng bahay nila ito pinatulog. Sino kaya ang hindi maiilang, e nandoon din ako sa stag party na 'yon. Buti nga umalis ako kaagad at hindi nag tagal.
Marami pa silang ikinuwento at naaliw naman ako. May mga bagong kaibigan na rin akong makakausap. I'm comfortable talking to them. Ang babait naman kasi, e.
Nasa kalagitnaan kami ng pag k-kukwentohan nang dumating si Yvan at may kasamang babae, si Alyssa.
"Yves!" tawag nito sa maarteng boses 'tsaka niyakap si Yves.
Biglang napaarko ang kilay ko dahil sa pag-yakap nito kay Yves. After niyang yakapin ay tumabi ito kay Yves ng upo at kumapit sa braso nito na Akala mo naman tarsier sa bohol, habang Yvan naman ay naupo sa tabi nito.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis. Nairita ako kaagad.
"Uh-oh,” ani Delia habang nakatingin kay
Alyssa na nakalingkis sa braso ni Yves.
"Nandito ang wife oh," sambit din ni Calista habang matalim din ang titig kay Alyssa.
"Wrong move, girl," Effie uttered.
Kung ako niyan, Aya, hihilain ko 'yan palayo sa asawa ko. Infairness parang linta siya makakapit sa asawa mo ha. " Mahinang tumawa si Kit habang nandoon din ang tingin.
I deeply sighed. "Hindi niya alam na kasal na si Yves."
Sabay silang apat na napatingin sa akin.
"What do you mean na hindi? Delia asked while raising her eyebrows.
It's just a signing of marriage contract. Walang formal ceremony. Walang nakakaalam na kasal na kaming dalawa only our families and now, kayo," paliwanag ko sa kanila.
They nodded their heads. “By the way, sino ba ang babaeng 'yan? Makalingkis naman kay Yves akala mo naman girlfriend.” Bakas ang irita sa tono ni Delia.
“She's Yves and Yvan childhood friend. Bata pa lang daw sila ay ganiyan na si Alyssa sa kanila. Ayaw niya na may mga babaeng lumalapit sa dalawa dahil gusto niya siya lang.”
"Huh! Seriously!?"
Napatingin ang mga kalalakihan sa amin sa kabilang table dahil sa pag taas ng boses ni Delia.
“Baby, okay lang kayo diyan?" tanong ni Primo.
Tumawa naman si Delia at nag salita. "No worries hun, nag chichikahan kang kami rito. Right, girls?"
Tumango naman kaming tatlo bilang sagot sa kaniya. Biglang nahagip ng tingin ko ang titig ni Yves sa akin. "You okay?" he mouthed. I just nodded my head and smiled, but my smile vanished when I saw Alyssa glaring at me. Ikaw pa talaga ang may ganang tignan ako ng masama, ah. Nakipaglaban ako ng titig sa kaniya. Wala akong pakialam kung childhood friend siya ni Yves at ni Yvan. Mainit ang ulo ko sa kaniya at isa pa may atraso pa siya sa akin dahil sa pag papahiya niya sa akin sa resto noon.
She just rolled her eyes at muling lumingkis sa braso ni Yves. Itong si Yves naman ay mukhang gusto-gusto rin. Nakakairita.
Bitch!" bulong ko, bago ko ibinalik ang atensyon ko sa girls.
"Seryoso ka ro'n?" hindi makapaniwalang
tanong ni Delia na ngayon ay mahina na ang boses.
"'Yon ang sinabi ni Yves. Si Yves din mismo ang nag kwento. Manipulative rin daw siya dahil lahat dapat ng gusto niya ay sinusunod ng dalawa."
"What the fuck? May sira ba siya sa utak? Ang pathetic niya naman para gawin 'yon sa dalawa. Hello, childhood friend lang siya pero 'di siya kaano-ano," naiinis na saad ni Calista.
"She's too much to manipulate Yves and Yvan. Hindi na 'yon tama," segunda naman ni Effie.
"Talagang hindi! Kahit 'yang ginagawang pag lingkis niya kay Yves ay hindi tama kahit hindi niya pa alam na may asawa 'to 'no," sabat naman ni Kit.
"She's getting to my nerves," ani Delia na bakas sa boses ang inis.
Ikunwento ko rin sa kanila ang nangyari sa 'min sa resort noon. Hindi naman sa naghahanap ako ng kakampi or nag papaawa, whatsoever. Gusto ko lang mailibas 'tong inis at asar at pagkairita na
nararamdaman ko.
Dahil sa ikunwento ko ay mas lalo pang nainis ang apat sa kaniya. Sino ba naman ang hindi maiinis doon sa ginawa niya sa 'kin 'no? She accuses me na nilalandi ko si Yves porket nakita lang kaming magkasama. Sinaktan niya pa ako at pinaliguan ng pasta.
We continued talking until the music play at nag sitayuan ang boys sa table nila.
Isa-isang kinuha ang mga asawa nila at pumunta sa dancefloor para mag sayaw.
Tumayo na rin si Yves at nag lakad papunta sa direksyon ko ngunit hinila ito ni Alyssa papunta sa dancefloor.
Tinignan ako ni Yves ngunit nginitian ko lang ito at sumenyas ng 'go' kahit sa loob ko ay naiinis ako sa haliparot na 'yon.
Humugot ako ng marahas na hininga hangang sinundan sila ng tingin na nagsasayaw sa dancefloor.
Ako 'yong asawa, pero bakit iba ang kasayaw? I slightly shrugged. I'm not claiming na asawa na talaga ako ni Yves pero tangina asawa nga naman talaga ako, e! Arrange marriage or not, asawa ko siya, ako ang asawa niya at kasal kaming dalawa!
"Do you mind if I dance my sister in-law?"
Napaangat ako ng tingin and I saw Yvan standing infront of me. "Habang sinasayaw pa ng asawa mo si Alyssa, permission to dance you, Aya?"
Nginitian ko ito at inabot ang kamay niya. Pumunta kami sa dancefloor at hinayaan na isayaw ako ni Yvan.
Nag usap lang kami ni Yvan. Nag e-entry ito ng mga joke sa akin at hindi ko naman mapigilan ang sariling kong matawa dahil havey ang mga biro niya. Yvan has a good sense of humor.
Habang nagsasayaw ay nahagip ng paningin ko si Yves na nakatingin sa 'min. He's glaring.
“My twin brother is now jealous.” Yvan chuckled. Mas lalo niyang hinapit ang bewang ko papalapit sa kaniya. Nakaguhit ang mapanuyang ngiti nito sa labi habang tinitignan ang kakambal. Sinasadya niyang inisin si Yves.
Nakita ko ang pag bali ng leeg ni Yves habang matalim na nakatingin kay Yvan.
"Bakit naman siya magseselos, e mukhang masaya naman siya kay—”
"Ako na, get your hands off!" Nagulat ako ng biglang hilain ni Yves si Yvan palayo sa akin.
"Easy, bro. Hindi ko naman aagawin 'yang asawa mo." Tumawa ito at tinapik ako sa balikat.
"Sabi sa 'yo, e. Ayaw mo kasing maniwala," bulong nito sa akin.
"Alis na! Doon ka kay Alyssa!" singhal sa kaniya ni Yves. Muli itong tumawa at kinindatan ako bago umalis.
Halos hindi maipinta ang mukha ni Yves dahil sa ginawa ng kakambal niya.
"Oh? Anong problema mo?" tanong ko sa
kaniya.
"Mukhang ang saya niyo ni Yvan, ah," malamig na ani nito at kinabig ang bewang ko papalapit sa kaniya para maisayaw ako.
"Oh? Anong problema roon, e nag uusap kang naman kami ah.”
"Nag uusap tapos nag tatawanan?" he tsked irritatedly.
"Ano ba ang problema ro' n? Wala naman kaming ginagawang masama ah? Sinayaw niya lang naman ako at nag uusap lang kami." Ano bang problema ng lalaking 'to?
"Problema? May asawa ka tapos makikipag sayaw ka sa ibang lalaki at nag eenjoy ka pa!?"
Natigilan ako dahil sa pag taas ng boses niya. Tinulak ko ito at tinignan ng masama
Bakit mo ako sinisigawan? Wala naman
kaming ginawang masama ah! At hindi siya ibang lalaki dahil kapatid mo siya! Kakambal mo, Yves!”
"Kahit na! Still, hindi maganda sa pananingin ng ibang nakakaalam na may asawa ka!" He is angry. Namumula ito sa galit.
"Oh, come on, Yves! Mapakla akong tumawa.
Anong klaseng mindset ang meron ka? Kakambal mo 'yong kasayaw ko at walang mali roon!" I can't help myself but raised my voice. Nakakainis siya!
Talagang mali 'yon dahil ako dapat ang unang sasayaw sa 'yo bago ang ibang lalaki!" Nag tagis ang bagang nito dahil sa galit.
Napa-iling na lang ako at ipinalakpak ang kamay ko. Matalim niya akong tinignan dahil doon.
"Oh! Look who's talking! lkaw nga 'tong nakipag sayaw sa ibang babae at iniwan mo ang asawa mo ro'n mag isa sa mesa! Nilapitan lang ako ng kakambal mo dahil naiwan akong mag-isa roon, dahil mas pinili mo si Alyssa kisa sa asawa mo!
Talaga ba Yves, hindi tama sa mga mata ng tao na nakipag-sayaw ako sa ibang lalaki? Sino ba 'tong tuwang-tuwa na may babaeng lumilingkis sa braso niya habang 'yong asawa niya ay nakatitig lang sa kanilang dalawa!?"
I can't control my anger anymore! Sinasagad na ako ng lalaking 'to, e! Nakakainis siya! Siya pa ang may ganang magalit.
'Nakakainis ka!" Tinalikuran ko ito at iniwan sa dancefloor.
Rinig ko pa ang pag tawag niya sa pangalan kongunit hindi ko na siya nilingon pa. Diretso lang ako sa pag lalakad pabalik sa table.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro