Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 11

AYA

"How's your sleep?" he asked while driving. Nasa sasakyan kasi kami at papunta kami sa resort. Nag usap kami na hindi ako hihinto sa pag t-trabaho sa resort kahit mag-asawa na kami dahil may obligasyon parin ako sa mga kapatid ko. Hindi sila sakop ni Yves.

"Maayos naman. Medyo naninibago lang," sagot ko.

Magkaibang kwarto kami natulog ni Yves. Kahit kasal na kami at asawa niya na ako, hindi naman p'wede 'yon. Arrange marriage lang naman kahit sabihin pang may nangyri na sa 'min, naiilang pa rin
ako.

"Masasanay ka rin matulog doon."

Hindi na ako nag salita pa. Wala rin naman akong sasabihin. Ito ang unang araw ng pagiging mag-asawa namin at naninibago na ako. Palagi ko na siyang makakasama.

Nalaman ko rin na may pag-aari itong car
corporation na ang main based  ay sa France. Merong rin siyang tatlong branch dito sa Plipinas. May pinagkakatiwalaan itong magpatakbo ng company niya kaya pala hindi siya busy na tao.

Tahimik kaming nakarating sa resort. Nauna akong lumabas ng sasakyan niya dahil baka may makakita. Ayokong maging impyerno ang buhay ko rito. Sino ba naman ako para maging asawa ng isang hot at bigating drag racer? Baka pandirihan lang ako ng mga tao rito pag nalaman nilang asawa ako ng boss nila.

"Aya!" tawag sa akin ni Yves no'ng medyo nakalayo na ako sa sasakyan, kaya nilingon ko ito.

"Bakit?"

Lumabas ito sa kotse at nag lakad papunta sa akin.

“Ano? Baka may makakita sa 'tin," ani ko.
Buti nga at napaaga kami wala pa masiyadong dumadaang tao.

"May gusto lang ako kunin."

"Kunin ang alin—"

Hindi ko na natapos ang tanong ko nang yumoko ito at hinalikan ako sa mga labi.

Nanlaki ang mga mata ko at bahagya siyang naitulak. "Why did you do that?"

"Why? You're my wife at natural lang 'yon."

"Sira-ulo ka ba? Paano kung may nakakita?" pinandilatan ko ito ng mata ngunit ngumisi lang ito na pawang wala lang sa kaniya.

"Then? Wala silang pakialam dahil asawa na kita," sagot niya at ginulo ang buhok ko.

"Yves, we already talked about this!" mahina ngunit mariin kong sabi.

"Chill, haha I know." Bahagya itong tumawa at pinitik ang ilong ko. "You're so adorable," he said na may pang-gigil sa boses nito.

Sinamaan ko ito ng tingin. "Diyan ka na nga," ani ko at tinalikuran ko siya para magpatuloy sa paglalakad.

"Wife, see you later!" sigaw niya kaya bigla ulit akong napalingon. Binilog ko ang aking kamao at senenyas iyon sa kaniya.

Tumawa lang ito at kinaway ang kaniyang kamay bago pumasok sa sasakyan 'tsaka umalis.

Saan naman kaya pupunta 'yon? Hays... bahala siya."

Napahawak ako sa labi ko habang sinundan ng tingin ang sasakyan niyang papalayo. It's just smack kiss pero pakiramdam ko ay may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko noong lumapat ang labi niya. Bakit ba ganito ang epekto ni Yves sa 'kin?

Huminga ako ng malalim at nag lakad na muli papasok sa restaurant.

Papasok na sana ako ng kitchen nang marinig ko si Ammy kaya napahinto ako sa pintuan.

"Balita ko kinasal na si sir Yves kahapon," anito habang nag aayos ng mga utensils.

"Oo, rinig ko rin na judge wedding lang daw at pamilya lang nila ang dumalo. Exclusive for family lang ata, dagdag naman ng isa mga crew na si Ria.

Bakit kaya sinekreto? Siguro nabuntis lang ni sir 'yung babae kaya pinakasalan agad para hindi masira image ng pamilya nila."

Muntik na akong mabuo dahil sa sinabi ni Katherine. Ano raw? Nabuntis?

"Hindi naman siguro ganun. Masiyado ka
namang judgemental," saad ni Ammy.

"Curious ako kung anong itsura ng asawa ni sir. Siguro hot and sexy din 'yon," sabat naman ni Jake na nag hihiwa ng patatas.

"Alangan namang mag pakasal si sir sa mukhang manang. Gwapo at hot si sir kaya sigurado akong maganda ang asawa niya at bigatin din."

Napalunok ako dahil sa sinabi ni Ria. Ito na nga ang kinatatakot ko, ang expectations ng mga taong nakapaligid kay Yves. Kaya tama lang desisyon kong h'wag ni Yves ipaalam sa mga tao na ako ang asawa niya.

I took a deep breath bago ako tumikhim at nag salita. "Good morning!" Napalingon silang lahat sa akin.

"Aya, goodmorning! Bakit pala hindi ka pumasok kahapon?" tanong ni Ammy.

"Nagka problema kasi sa bahay kaya umuwi muna ako," sagot ko at nag lakad papunta sa sink at nag hugas ng kamay, after that nag suot ako ng apron at hairnet para tulongan sa pag-hiwa ng mga ingredients si Jake. Wala pa kasi ang ibang chef kaya si Jake lang gumagalaw.

"Ah, ganun ba? Sige tulongan ko na kayo diyan," aniya at hinugasan rin ang kamay niya para tulongan kami.

"Aya, alam mo bang kinasal na ang boss natin?" biglang nag salita si Ria. Inangat ko lang ang tingin ko sa kaniya at nginitian siya.

"Sana dumalaw dito ang asawa niya para makita rin natin ang mukha niya," dugtong niya pa.

Nanatiling tikom lang ang aking bibig at hindi nag salita.

"Baka si ma'am Alyssa ang pinakasalan ni sir?"

Napalingon kaming lahat kay Jake.

"Oo nga 'no? Palaging nakasunod si ma'am Alyssa kay sir at mukhang close na close rin sila. Siguro siya nga," pag sang-ayon naman ni Katherine.

Alyssa? Ah... 'yung babaeng feeling jowa umasta. Napailing na lamang ako. Sigurado pag nalaman ng babae na 'yon na ako ang asawa ni Yves, siguradong mag wawala 'yon. Siguradong hindi lang sampal at sabunot ang gagawin no'n.

Panay ang chikahan nila about kay Yves. Natapos lang ang usap-usapan nila nang dumating si manager.

Buong araw akong busy dahil maraming customer. Mag s-summer vacation na kasi kaya marami na ang dumadayo rito sa resort.

2 p.m. na rin akong nakapag pahinga noong humupa na ang mga tao sa resto.

"Tired?"

Napaangat ang aking tingin sa nag salita, and it was Yves.

Ikaw pala," sambit ko. Umupo ito kaharap ko sa mesa. Nasa labas kasi ako ng resto kung saan tanaw na tanaw ko ang dagat. May mga mesa rin kasi rito.

"Nag lunch ka na?"

I shook my head. "Wala pa. Kaka-out ko lang. Maraming customer, e."

Kumot ang noo nito. "Anong oras na, 'di ka pa pala kumain?" He tsked.

"Wala nga kasi akong bakante kanina,” sagot ko.

Humugot ito ng marahas na hininga at
kunot-noong tumayo.

"Pumunta ka sa cabin mo at hintayin mo ako.doon."

"Huh? Bakit?"

Bibili ako ng pagkain mo. Sabayan na rin kita. Hindi tayo p'wedeng kumain dito ng nagkasama," turan niya.

"Ahh..." Tumango-tango ako. Hindi nga naman talaga kami p'wedeng kumain dito. Maraming tao rito baka makita kami at issuehan ako. Ayoko ng gulo hanggat nandito ako sa resort. Nakasalalay sa trabaho ko ang buhay ng mga kapatid ko.

"Okay, sige. Hihintayin kita sa cabin."

Gaya ng sinabi niya ay pumunta ako sa cabin ko at hinintay siya para mag lunch.
Makalipas ang ilang sandali ay may kumatok na sa pinto. "Pasok lang, bukas 'yan," saad ko. Nakahiga kasi ako sa kama. Tinatamad akong bumangod, napagod ako sa ilang oras na pabalik-balik para kumuha ng order ng mga customer.

Pumasok siya na may dala-dalang dalawang paperbag. "Ihahanda ko lang," aniya at pumasok sa mini kitchen.
Ilang minuto lang ay tinawag na niya ako para kumain. Pinilit ko ang aking sariling tumayo kahit tinatamad akong bumangon. Inaantok kasi ako. Hindi ako masiyadong nakatulog kagabi dahil namamahay ako, at isa pa hindi ako sanay.

"Seat here." Pinaghila niya ako ng upuan kaya umupo naman ako roon. Pag tapos ay umikot siya para maupo sa harap ko.

Nag umpisa kaming kumain na walang umiik sa amin. Hindi ko naman feel mag salita. Awkward.

After we finished eating, hinugasan niya ang pinagkainan. Ako naman ay muling pumasok sa k'warto para mahiga ulit. Parang tinatamad na tuloy akong pumasok. Ngayon lang dumami ng gano’n ang customer sa resto simula noong nag
trabaho ako.

"H'wag mahiga. Katatapos mo lang kumain," ani Yves nang lumabas mula sa kusina.

"Napagod ako. Medyo masakit din ang ulo ko," sagot ko habang nakapikit ang mga mata.

"Mag babakasyon na kasi kaya naraming tao rito. Hindi lang 'yan ang ma e-encounter mo."

Kahit nakapikit ako ay alam kung umupo ito sa tabi ko dahil gumalaw ang kama.

"lidlip lang ako saglit. Papasok ako maya-maya, " inaantok na ani ko.

Muling gumalaw ang kama at nagulat ako ng i-angat niya ang ulo ko at ipatong sa lap niya.

"What are you doing?" nag tataka kong tanong.

"Just close your eyes and sleep," anito. Hindi manlang sinagot ang tanong ko.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko kagaya ng sinabi niya. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang mga daliri niyang humahagod sa ulo ko. He's massaging me.

Bahagya akong napangiti. Napaka gentle ng pagmamasahe niya sa ulo ko na parang ingat na ingat ito. Ang sarap sa pakiramdam, nakakantok lalo.

Hindi ako umimik hangang sa tuloyan na akongmakatulog.

Naalimpungatan ako at biglang napabalikwas sa pagkakahiga ng maalala na may trabaho pa pala ako. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bedside table para tignan ang oras.

"What the fuck!" Napamura ako ng makita ang oras sa phone ko. 5 p.m na? "Kainis! Hindi na ako nakapasok."

Natigilan ako ng may kamay na nakayakap sa bewang ko. Agad akong napalingon at nakita ko si Yves na natutulog na ngayon ay nakayakap na sa 'kin.

Humugot ako ng marahas na hininga at muling inayos ang higa. OT na lang ako bukas para makabawi sa absent ko. Tumagilid ako ng higa para harapin si Yves na mahimbing na natutulog. I traced his eyebrows with my finger, down to his eyes and nose.

Napalunok ako ng bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Gosh! Bakit ba ang sexy ng labi nitong lalaking 'to? Na a-attempt ako.  Bigla kong iniling ang ulo ko. "Shit! kailan ka pa naging pervert, Aya?" sita ko sa sarili.

Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya and I took a deep breath before landing my gaze again on his lips. Adik ba ako o sadyang nakakaadik lang 'tong labi niya?

"If you want to kiss me, kiss me now."
Nanlaki ang mga mata ko kaya bigla kong nailayo ang mukha ko sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ko kaya bigla kong nailayo ang mukha ko sa kaniya.

Oh, my god! Gising siya!?

Unti-unti niyang minulat ang kaniyang mga mata at tinitigan ako kasabay ng pag guhit ng pilyo nitong ngiti sa kaniyang mga labi.

"Naughty, wife." Mahina itong tumawa at
niyapos ang bewang ko papalapit sa kaniya. Ngayon ay ilang pulgada nalang ang lapit namin sa isat-isa.

*Dug dug! Dug dug! Dug dug!*

Punyetang puso 'to, bakit ba bigla na lang
kumakabog ng malakas 'to?

"Do you want to kiss me?" pilyo nitong tanong.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil
pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko, nag iinit ito sa hiya.

"Look at me, wife." Hinawakan niya ang pisngi ko at hinarap ako sa kaniya.

"Do you want to kiss me?" he asked again while grinning at me.

"A-Anong pinagsasabi mo?" Tangina naman! Na uutal na tuloy ako.

"Why are you stuttering?" tanong nito na may panunudyo.

"W-Wala!"

Akma na sana akong babangon ng hilain niya ako pabalik ng higa.

"Dito ka muna," aniya at niyakap ako ng
mahigpit. "Gusto pa kitang yakapin," bulong niya at siniksik ang mukha niya sa leeg ko.

"Yves..."

"Inaantok pa ako wife. Hayaan mo muna akong matulog habang yakap ka," anito sa malambing na boses. Naramdaman kong sinisinghot-singhot niya ang leeg ko.

'Stop that, Yves. Para kang aso," saad ko na ikinatawa niya.

"'Diba ang aso nangangagat?"

"Lahat ng aso nangangagat. Saan ka ba
nakakakita ng aso na nananapak? Gusto mo ipalapa kita?" He simply chuckled, and then I felt him bite and suck my neck.

"Yves!"

Tumawa lang ito at hinalikan ang leeg ko.
"Sabi mo kasi parang aso ako, e. Kaya
pinanindigan ko na."

"Sira-ulo ka ba!?" Lumayo ako sa kaniya at
mabilis na kinuha ang cellphone ko sa bedside table at ginawa iyong salamin para tignan ang ginawa niya.

"Yves, what have you done!?" asar na asik ko sa kaniya ng makita ang markang iniwan niya sa leeg ko.

Tinignan ko ito ng masama. Nakangisi lang ito na parang hindi big deal sa kaniya.

"Paano kong makita 'to ng mga katrabaho ko? Paano ko 'to tatakpan!?"

"Don't worry wife, I'll just buy you concealer to cover that hickey." Mas lalo ko itong sinamaan ng tingin.

"Come on, h'wag ka na magalit diyan." Muli niya akong hinila pahiga at muling niyakap ng mahigpit.

"Natural lang magkaroon ka niyan dahil may asawa ka," saad nito.

"Yves naman, e!" Humalakhak lang ito.

"Okay! Sorry, sorry," natatawang sabi niya.

Badtrip 'tong lalaking 'to, e. Kung hindi lang gwapo 'to natadyakan ko na to sa balls. Nakakainis!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro