Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8

CHAPTER 8

SEBASTIAN

"Good morning! " Bati ko kay Cali nang makalabas ng kuwarto.

"Good morning. Dito ka na tulog?" tanong niya. Nag liligpit kasi ako sa pinag higaan ko sa sofa. Dito ako natulog kagabi dahil siya ang na sa kuwarto ko.

"Yeah, comfortable naman. " Ngumuso ito. "Aww... sorry, Seb. Sana ginising mo na lang ako kagabi para ako ang natulog dito. Hindi ko kasi namalayan na nakatulog na pala ako kagabi. Nakakahiya." Yumuko ito na bagya kong ikinangiti.

"Don't worry, ayos naman ang tulog ko. Masarap nga dahil malamig, e," natatawang ani ko.

"Nagugutom ka na? Ililigpit ko lang 'to, mag luluto ako." Kinuha ko ang tinupi kong kumot at dalawa kong unan sa sofa.

"H'wag na, ako na lang ang mag luluto. Ano ba puwedeng lutuin dito?"

Nag lakad ito patungo sa kusina.

"Kahit ano na lang diyan." Nag lakad na rin ako papasok ng kuwarto para dalhin ang kumot at unan ko.

Pag balik ko sa labas ay dumeretso na agad ako sa kusina. Nadatnan ko siyang naghihiwa ng sibuyas.

"Anong lulutuin mo?" Napalingon siya sa 'kin.

"Madami kasing sibuyas sa ref kaya mag luluto ako ng onion rings," sagot nito at kumuha ng paglalagyan ng harina.

"Anong puwede kong maitulong?" Nilingon niya ako at nginitian.

"H'wag na. Gusto kitang pagsilbihan ngayon, pambawi man lang sa lahat ng ginawa mo para sa 'kin, para sa pag liligtas mo sa buhay ng dalawang beses."

"Cali, kahit sino naman ay gagawin ang ginawa ko." Ngumuso ito kaya napalunok ako. Na a-attempt na naman ako sa mga labi niya.

Bigla kong nilihis ang paningin sa kaniyan at nilipat sa ibang direksyon. "Sige na nga," turan ko.

Ngumiti ito at nag salita, " alright! Mabilis lang naman ito," aniya at muling binalik ang tingin sa kaniyang ginagawa.

Lalapit sana ako sa kaniya para tignan ang mga gagawin niya nang tumunog ang cellphone ko.

It's Kishia.

"Sagutin ko lang ito sa labas." 

Tumango ito. "Okay, sure!" Nginitian niya ako bago ibinalik ang tingin sa ginagawa niya.

Oh, God! Bakit pakiramdam ko ay ang laki ng tama ng ngiti niya sa 'kin.

Lumabas na muna ako ng kusina at sinagot ang tawag.

"Hey, update?"

"Are you still with her?" bungad niya.

"Who? Calista?"

"Yes."

"Yes, why you asked?" Narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya.

"C'mon, Kish. What about her?" I asked again.

"I discovered something. That prosecutor was also a victim of kidnapping three years ago."

Hindi na ako nagulat dahil alam ko naman 'yon.

"Yes, I already know that," I said.

"But, you didn't know na ang kumidnap kay Athena at sa kaniya ay iisa lang at mag kasama pa silang dalawa."

This time natigilan na ako sa aking narinig.

"Akala ko ba patay na rin ang kasama ni Athena? Yes, alam kong may kasama siya na kinidnap noon pero sabi sa balita patay na 'yon at nakita nga ang bangkay."

Noong una inisip ko na parehong tao ang kumidnap kay Calista at kay Athena pero hindi ko na inisip na mag kasama sila dahil nga ang alam ko ang ka isa-isang taong kasama ni Athena noon ay patay na, pinatay din nila.

Ngayon ay naintindihan ko na ang lahat. Malinaw na ang lahat

"Isa lang ang ibig sabihin no'n, Seb. Ibang tao ang nakita nila. Puwedeng tatlo sila. Hindi natin alam."

Napabuntong hininga ako.

"Mas better kung makikipag tulongan siya sa atin, Seb."

"No," agad na sagot ko.

"Hindi natin siya puwedeng idamay. Hindi natin alam kung ano ang pinag daanan niya para lang makatakas. H'wag na natin ibalik sa kaniya 'yong sakit ng nakaraan niya."

"But—"

"It's a no, Kish. May sarili na siyang buhay. H'wag na natin siyang idamay."

Namatay ang kapatid ko sa mga kamay ng mga hayop na 'yon. Sigurado ako na matindi rin ang pinagdaanan ni Calista para lang makatakas sa mga demonyong tao na 'yon.

"Okay, kung 'yan ang gusto mo."

"Alright! Good job, Kish. Tatawagan na lang kita. H'wag kang mag papahuli sa kanila," ani ko, bago pinatay ang tawag.

"Seb, kain na!" Napalingon ako kay Cali na kalalabas lang sa kusina at may hawak na tray. Nag lakad ito papunta sa maliit kong dining at nilapag sa mesa ang mga pagkain at mga plato.

Napatitig ako sa kaniya. Siya ang huling taong nakasama ni Athena bago siya mawala.

"Seb?" Kinaway niya ang kamay niya kaya napabalik ako sa saking huwisyo.

Nag lakad na ako papalapit sa mesa at umupo sa upuan. "Ang bilis mo namang mag luto,"

"Puro prito lang naman, e." Tumawa ito at kumuha ng pagkain.

Muli akong napatitig sa kaniya. Gusto ko siyang tanongin pero hindi ko magawa. Ayokong mawala ang tawa na 'yon sa kaniya pag pinaalala ko pa sa kaniya ang nangyari 3 years ago.

"Hindi ka nagugutom?" Napansin niya akong natigilan.

Nginitian ko lang siya at kumuha na rin ang pagkain at nilagay sa plato ko.

"Wait, nakalimutan ko ang tubig." Tumayo ito at nag lakad papasok sa kusina.

Muling tumunog ang cellphone ko and this time si Gabriel na ang tumawag.

"Yes?"

"Bro, nahuli namin ang isang myembro ni Hunt," aniya sa kabilang linya.

"Na saan kayo? H'wag niyong dalhin sa head quarter baka masundan kayo."

"Na isip na namin 'yan. Pumunta ka sa lugar ni Parco, doon kami patungo."

"Gusto mo ng kape o orange juice?" Napalingon ako kay Cali sa likod kaya bigla kong pinatay ang tawag.

"Tubig na lang. Hindi na ako umiinom ng kape pag nag simula nang mag breakfast," saad ko.

"Okay." Umupo na siya at pinag salin ako ng tubig sa baso.

Kinuha ko ang cellphone ko sa mesa at tinext si Gabriel.

"Ihahatid ko lang si Calista pauwi, then deretso na ako diyan."

Sending..

Sent.

Matapos naming kumain ay hinatid ko na siya sa bahay niya.

"Dito na ako, salamat," aniya at binuksan ang pinto ng kotse.

"Hintayin na lang kita para maihatid sa office mo," I offered.

Gusto ko lang maksigurado na makakapasok siya ng safe sa trabaho niya. Delikado na ang buhay niya kay Hunt ngayon at hindi imposible na balikan siya no'n.

"Kaya ko na. Don't worry. Wala namang masamang mangyayari sa 'kin."

"No, I insist. Ayokong mapahamak ka dahil sa 'kin. Hindi ako mapapalagay." Huminga ito ng malalim at matiim akong tinignan.

"Why are you acting this way? Baka masanay ako." Natigilan ako sa kaniyang tanong. Bakit nga ba? Dahil lang ba sa may utang ako sa kaniya?

"Cali, don't get me wrong. Gusto ko lang bumawi sa pag tulong mo sa akin."

Ngumiti ito ng mapakla at nilihis ang tingin mula sa 'kin. "Bawing-bawi ka na sa 'kin, Seb. Kaya h'wag ka nang mag alala pa." Ngumiti siya ng malamlam at lumabas ng sasakyan.

"Salamat sa pag hatid." Kinaway niya ang kamay niya bago sinara ang pinto ng sasakyan.

Napabuntong hininga ako. Bubuhayin ko na na sana ulit ang makina ng sasakyan nang mapansin ko ang cellphone niyang naiwan sa upuan.

Biglang umilaw ang phone niya at may message na lumitaw. Babaliwalain ko sana 'yon dahil hindi ko naman cellphone ngunit nahagip ng mata ko ang mensahe galing sa hindi naka rehistrong numero.

"Naiinip na ako sa pag hihintay sa bahay mo. Your Hunt is waiting, hon."

Hunt?

"DAMN!" Mabilis kong binunot ang baril sa tagiliran ko at lumabas ng kotse.

"Cali!" tawag ko sa kaniya. Oh, fuck! Hunt is here!

"Calista!" Pilit kong binubuksan ang gate ngunit naka sara ito.

"Calista! Open the gate!"

God damn! Wala akong choice kundi ang akyatin na lang ang gate niya.

Pag pasok ko ay agad kong puwersahang binuksan ang ang pinto ng bahay niya.

"Cali!" Inikot ko ang aking paningin sa loob ng bahay.

"S-Seb..." Napalingon ako at nakita ko si Calista na hawak-hawak ni Hunt na nakangisi habang tinututukan ito ng baril sa ulo.

Agad kong tinaas ang baril ko at tinutok 'yon sa kaniya.

"Don't you dare hurt that woman kung ayaw mong tumagos itong bala ng baril ko sa bungo mo." Tumalim ang tingin ko sa kaniya ng mas lalo niyang idikit ang dulo ng baril sa ulo ni Calista.

"S-Seb..." Humikbi ito habang nangungusap ang kaniyang mga mata.

"May relasyon ba kayo?" Lumapad ang ngisi nito habang mapanuyang tinitignan ako.

"She helped you in your case, you rescued her yesterday from me, and now, you're ready to kill just to save her again?"

"Handa akong pumatay lalo na kung ikaw ang papatayin."

Tinignan ko si Calista at senenyasan na agad niya namang nakuha.

Humalakhak si Hunt at pinulupot ang kaniyang braso sa leeg ni Calista. Doon nakahanap ng pagkakataon si Cali para kagatin ang braso niya at tinuhod ang alaga nito.

"Bullseye," I uttered. Tumakbo si Calista sa kinarorononan ko ngunit bigla rin siyang napayuko nang paputukan siya ng baril ni Hunt habang namimilipit sa sakit.

Tumakbo ako kay Calista para itayo siya ngunit napayuko rin kami nang mag paputok na naman ulit si Hunt.

Gumapang kami patungo sa likod ng sofa.

"Dito ka lang at h'wag kang aalis."

Binigay ko sa kaniya ang phone ko.

"Tawagan mo si Gabriel." Pagkasabi ko no'n ay agad akong tumayo para makipa- palitan ng putok kay Hunt. Lumayo ako sa kinaroronan niya para hindi siya matamaan ng mga ligaw na bala galing kay Hunt.

Umabot kami sa Garden at tuloy pa rin kami sa pag papalitan ng bala.

"Bakit ba palagi mo na lang sinisira ang mga plano ko, Berk!" sigaw niya at muling nag paputok ngunit hindi ako natamaan.

Tumayo ako at tinutukan siya ng baril, gano'n din ang ginawa niya.

Ilang metro ang layo namin sa isa't-isa. Habol-habol ko ang aking hininga habang mahigpit na nakahawak sa baril.

"Bago mo ako mapatay, uunahan na kita." He pulled the trigger ngunit nagulat ito nang wala ng bala.

Ngumisi ako at binaril siya sa balikat dahilan upang mapaluhod ito.

S-Segundahan ko pa sana ng isa pa ngunit wala na rin akong bala.

Nakita ko siyang bahagyang ngumisi. "Paano ba 'yan patas na tayo." Humalakhak ito habang mapanuyang nakatingin sa akin.

"Sinong ang nag sabi na patas na?" Ibinato ko sa kaniya ang baril at natamaan siya sa mukha. Doon ako nakakuha ng tyempo para takbuhin siya at suntukin sa sikmura.

Hindi siya makalaban ng maayos dahil sa pinsala niya sa braso.

Sinipa niya ako at sinuntok sa mukha kasabay ng pag saboy niya ng lupa sa aking mata.

"Ah fuck!" Napatakip ako ng mata dahil sa hapdi.

"Seb!" Sigaw ng tao sa likod ko. I know, it was Gabriel.

Narinig ko ang pag putok niya ng baril.

"Hulihin niyo!" utos niya sa mga taong dala niya.

Inangat ko ang mukha ko at unti-unting minulat ang aking mga mata. Tangina! Bubulagin pa ata ako ng hayop na 'yon.

"Ayos ka lang?" Tanong niya at tinapik ang balikat ko.

"Yeah, sinabuyan niya lang ako ng lupa sa mata, " sagot ko at pinunasan ang mukha ko.

"Akala ko naman tinamaan ka na ng bala." Bahagya itong tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sundan mo sila. Habulin mo 'yong hayop na 'yon!" 

"Mas delikado pala ang lupa kisa sa bala." Humalakhak ito bago tumakbo.

Sira-ulo talaga. Nakatakas pa tuloy ang Hunt na 'yon.

"Seb..." Napalingon ako kay Calista. Lumapit ito sa akin. "Are you okay?" nag aalangan niyang tanong.

Nginitian ko lang ito. "I'm fine, don't worry."

"N-na saan siya?"Tukoy niya kay Hunt.

"Nakatakas, hinahabol na nila Gabriel 'yon. Sa ngayon, hindi ka muna puwedeng manatili rito sa bahay mo. Natunton ka niya at posibleng balik-balikan ka niya."

"P-Pero... wala akong matutuloyan." Yumuko ito kaya hinawakan ko ang balikat niya. 

"Sa rest house ko na muna ikaw mananatili. Mag papadala ako ng mga gwardiya ro'n para mabantayan ka."

Natahimik ito sa sinabi ko ngunit makalipas ang ilang sigundo ay inangat niyang muli ang tingin sa 'kin.

"Seb... sino ka? S-Sino kayo?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro