Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7

CHAPTER 7

CALISTA

Nabitawan ko ang hawak kong kape at otomatikong napalaki ang aking mga mata nang makilala ko ang driver ng taxi na sinasakyan ko.

"H-Hunt?" Nakita ko sa rearview mirror ng sasakyan ang pag ngisi nito.

Bigla akong napahawak sa door hinge ng sasakyan. Kinain ako ng kaba at nilukob ng takot. Bakit siya nandito?

"Are you surprised? " Muli itong ungumisi at matalim akong tinignan mula sa rearview mirror.

"I-Ihinto mo ang sasakyan," na u-utal na ani ko.

"Bakit natatakot ka ba?" Hinigpitan ko lalo ang hawak ko sa door hinge. Kung kakailanganin ay tatalon ako rito palabas.

"Ihinto mo sa sabi!" sigaw ko, ngunit tumawa lang ito at itinaas ang baril na hawak niya. Bigla naman akong natigilan habang matiim na nakatingin sa kaniya.

Kahit kailan ay demonyo 'tong taong 'to.

Lumunok ako bago nag salita. "Ano ang kailangan mo?" Tinago ko ang takot sa boses ko.

"Gusto ko lang maningil." Maitim niya akong tinignan. "Bakit mo pa kasi tinulongan ang tao na 'yon? Sa ikalawang pagkakataon ay nakialam ka na naman! Kung sana ay hinayaan mo na lang si Berk na 'yon at hindi ka na nag hanap pa ng ebidensiya, edi sana hindi pinaghahabol ng mga pulis ang grupo ko! " Bahagya akong napatalon sa kinauupuan ko dahil sa bulyaw niya.

"Ginawa ko lang ang trabaho ko bilang prosecutor! " Bigla niya akong nilingon at tinutukan ng baril habang ang kaniyang mga mata ay nag babaga sa galit.

"Bago man ako makulong ay si-siguradohin kong mamamatay ka muna."

Ramdam ko ang panginginig ko habang tinitignan siya ngunit pinipilit ko lang itago ang takot ko.

*Peeeepeeepppp!*

"Look out!" sigaw ko dahilan upang mapalingo  siya sa harap at kinabig ang manibela. Doon ako nakahanap ng tyempo para buksan ang pintuan ng sasakyan at tumalon palabas.

Gumulong-gulong ako sa kalsada at ramdam ko ang sakit ng pagkakabagsak ko.

Agad akong bumangon. Napahawak ako sa braso kong dumudugo dahil tumama ito sa matulis na bato sa gilid ng daan.

Paika-ika akong tumakbo nang makita kong biglang nag u-turn ang sasakyan niya pabalik.

"Fuck! Fuck! Fuck!" sigaw ko. Wala Masiyadong dumadaang sasakyan sa kalsadang pinasukan namin. God, what should I do?

Bigla siyang nag paputok ng baril kaya baghaya akong napapatalon sa gulat.

"Run Cali! Run!" sigaw niya.

Napalingon ako at ilang metro na lang ang layo niya sa 'kin. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang may isang itim na sasakyan ang humarang.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang mukha ni Sebastian na halos hindi maipinta.

"Cali, sakay!" Binuksan niya ang passenger seat mula sa loob para makasakay ako at saka mabilis na pinaharurot ang sasakyan. "Sino 'yong humahabol sa 'you? He almost kill you!"

"Ahh!!" Napasigaw ako nang may balang biglang lumusot mula sa bintana ng sasakyan. Fuck! Hinahabol niya kami.

"Cali yumoko ka!" sigaw ni Sebastian kaya wala akong nagawa kung 'di ang yumoko at mag sisisigaw dahil sunod-sunod ang pag papaputok ng baril sa amin.

Pabilis nang pabilis ang pag papatakbo ni Seb ng sasakyan. I shouted ng bigla niyang iniliko ang kotse at mutikan na kaming tumaob. Oh, God!

"Seb!" sigaw ko na lang.

"Cali just close your eyes," he said, bago niya kinuha ang isang baril sa dashboard ng sasakyan niya. Baril? Bakit siya may baril sa sasakyan?!

Bigla na lang umingos ng kaunti ang kotseng humahabol sa amin. Hunt shoot us, at bahagyang napayuko si Seb nang muling may balang tumama sa bintana at muntikan na siyang matamaan.

Bahagya niyang binaba ang bintana and he shoot back. "Cali ipikit mo ang mga mata mo!" sigaw niya ngunit nanatili akong nakatingin sa kaniya.

Bigla na lang may isang pulang kotse ang nakikipagputokan na rin kay Hunt. Medyo kumalma si Sebastian nang dumating iyon Sino 'yon? Could it be one of his friends?

Patuloy lang ang palitan nila ng bala hanggang sa napahinto na ang sasakyan na sinasakyan ni Hunt. Pinaulanan ito ng bala nang kung sino man ang nasa pulang kotse na iyon bago iniwan.

The car honk ng malampasan kami at gumanti rin naman si Seb. I could not see whoever was inside that car dahil tinted iyon.

Nanginginig pa rin ako sa takot at nerbyos.

Hinawakan niya ang kamay ko at bagayang pinisil ito. "I'm sorry Cali, ayos ka lang ba?" Hindi ako sumagot. Parang 'di pa na si- sink-in sa akin ang lahat ng nangyari. Oh, God! Muntikan na kami roon.

Itinabi muna ni Seb ang sasakyan sa may gilid. Hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko at matiim akong tinignan. "Cali, are you okay?" muli niyang tanong. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala

"Oh, my God." Iyon na lang ang nasambit ko. Pakiramdam ko ay na iwan ang kaluluwa ko sa daan. Akala ko ay 'yon na ang huling nalalabing oras ko sa mundo.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Sorry for making you scared," aniya habang yakap-yakap ako. I feel safe now in his arms.

"Ahh!" Bigla siyang napabitaw sa akin dahil sa pag daing ko.

"Oh,  fuck!" mura niya nang makita ang braso kong duguan. "You've been hit!?" Bigla siyang nataranta at muling binuhay ang makina ng sasakyan.

"H-Hey, calm down. Hindi ako nabaril. Tumama 'to kanina sa bato noong tumalon ako sa sasakyan niya."

Napalingon siya sa akin.

"Tumalon ka? Saan? Sa sasakyan na 'yon?"

"Oo, wala na akong ibang maisip na paraan kundi ang tumalon na lang – aww!" Muli akong napadaing at napakawak sa braso ko.

"Damn it! Kailangan mo munang madala sa hospital. Mamaya mo na ikuwento ang lahat." Madiin niyang tinapak ang gasolinador ng sasakyan at mabilis na pinatakbo ito patungo sa hospital.

Pag dating namin sa hospital ay agad namang ginamot ang sugat ko sa braso. Ginamot rin nila ang gasgas ko sa sa gilid ng noo. Hindi ko namalayan  na may gasgas din pala ako ro'n.

Nakaupo ako sa isang kama sa E.R habang benebendahan ng nurse ang palibot ng sugat ko. Fuck! Marami pa akong nag hihintay na trabaho sa opisina baka nag pu-putak na 'yon si tanda.

"Seb!" Dumating ang isang lalaking naka leader jacket at nilapitan si Seb.

"Oh, Gab. Salamat dahil tama lang ang timing mo," aniya sa lalaki. Infairness, guwapo rin itong Gab na ito.

Napatingin siya sa akin. "Siya 'yong prosecutor sa kaso mo 'diba?" 

Tumango si Sebastian. "Yeah, hindi ko alam kung bakit siya napunta sa kotseng 'yon." Nilingon ako ni Seb at tinignan. "By the way, siya si Gabriel. Siya 'yong sakay ng pulang kotse kanina. Siya ang  kanang kamay ko."

Tumango-tango na man ako. Siya pala ang taong 'yon. Buti na lang at sumakto siya sa timing.

"Gusto mo na mag kwento?" tanong niya. Pag-alis ng nurse ay tumango ako.

Mukhang tanghali na ako makakapasok nito.

"Sino 'yon? Bakit ka hinahabol no'n?" tanong ni Seb. Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot.

"Siya si Hunt. Kilala ko siya dahil isa siya kumidnap sa akin noon three years ago."

Natigilan si Sebastian dahil sa sinabi ko. "Kinidnap ka three years ago?"

Tumago-tango ako. "Oo, biktima ako ng kidnapping noon at si Hunt ang leader nila."

"Seb, baka siya na ang hinahanap mo," ani Gab kay Sebastian. Kumunot naman ang noo ko. Anong hinahanap?

Umupo si Sebastian sa tabi ko at hinarap ako. "Kilala mo si Scorpio?" Natigilan ako sa tanong nito. "Si Hunt ba na 'yon ay si Scorpio?" 

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil nagugulohan ako sa mga tanong niya.

"Huh? Sinong Scorpio?"

Bumuntong hininga si Seb. "Nevermind, " bawi nito at tumayo. 

May binulong siya kay Gabriel. "Sige, tatawagan na lang kita," ani Gabriel bago lumabas. 

Muli siyang umupo sa tabi ko at muli akong tinignan. "Ayos ka na ba? " Biglang pag-iiba niya ng topic.

Nagugulohan ako sa kaniya. Bakit bigla na lang naging gano'n ang reaksyon niya nang malaman niyang na kidnap ako three years ago? At sinong Scorpio ang tinutukoy niya?

"Yeah, ayos na ako pero... " Tinitigan ko siya. "Si Hunt, sangkot siya sa naging kaso mo. May sinabi siya sa akin. Sila ang pumatay sa sa anak ni Morrei."

SEBASTIAN

Sandali akong natigilan. Unti-unti ko nang napapagtagpi-tagpi sa utak ko ang lahat. Sabi ng Mark Morrei na 'yon ay si Scorpio ang leader nila, tapos ang taong na-enkwentro namin kanina ay naging kidnapper ni Cali three years ago. Tatlong taon na rin ang nakalipas nang mamatay si Athena dahil rin sa kidnapping at sabi pa ni Cali ang lalaking 'yon ang pumatay kay Mark Morrei. Kung iisipin lang ng mabuti, maaaring si Scorpio ang lalaking 'yon dahil sabi ni Mark Morrei ay malalagot siya pag sinabi niya kung sino ang leader nila. Kaya siguro pinatay siya dahil kinanta siya nito. Posible na ang lalaking 'yon ay si Scorpio.

Biglang pumasok si Gab at humahangos ito. "Seb, nakausap ko si Kishia. Sasakyan lang ang nakita kung saan natin siya iniwan kanina pero wala ang sakay nito. Tinignan niya na rin ang mga hospital na malapit doon pero wala raw bagong pasyenteng duguan na dinala ro'n. Imposibleng makalayo siya dahil sigurado akong natamaan ko 'yon kanina".

Nalilitong tinignan ako ni Cali. "S-Sino ang tinutukoy niyo? Si Hunt?"

Nginitian ko lang siya. "Kailangan siyang mahanap dahil magiging delikado ang buhay mo sa kaniya lalo pa na ikaw ang tumulong sa 'kin na mapawalang sala." Iyon na lang ang sinagot ko. Hindi ko p'wedeng sabihin sa kaniya ang tunay na pakay namin.

Lihim na kumuyom ang kamao ko dahil sa galit. Sige lang, mag tago ka lang Scorpio dahil sa susunod na mag kita tayo ay hindi na kita bubuhayin pa.

After magamot si Cali ay dinala ko muna siya sa condo ko. Hindi siya p'wedeng pumasok o umuwi sa bahay niya dahil baka balikan siya nang mga taong 'yon. Masiyadong delikado ang buhay niya.

"Tumawag ka na ba sa opisina niyo?" tanong ko sa kaniya.

"Oo, ayaw maniwala ng head namin." Mapakla itong tumawa.

Kumunot ang noo ko. "What!? Akin na phone mo ako ang kakausap." Tanginang tao na 'yon. Uunahin pa ba ang trabaho kisa sa buhay?

"Akin na phone mo." 

Umiling ito at inangat ang tingin sa 'kin. "H'wag na, baka lalong mag hinala 'yon dahil kasama kita. Against pa naman 'yon sa pag tulong ko sa 'yo sa kaso mo."

Mas lalong kumunot ang noo ko at bahagyang tumawa. "Aba, walang hiya rin pala 'yang head niyo. Bakit naging prosector 'yan? Naging prosector lang ata 'yon dahil sa pera, e."

 Bumuntong hiniga ito. "Puwede ba akong mahiga?" out of nowhere niyang tanong. Na sa kwarto ko kasi kami. nakaupo siya sa kama habang ako ay nakatayo malapit sa pinto.

"Sure, mag pahinga ka na muna. Dito ka na rin muna sa ngayon. Ihahatid na lang kita sa trabaho mo bukas para siguradong safe kang makakapasok."

Aalis na sana ako nang bigla siyang mag salita. "Bakit ka ganito?"

Nilingon ko siya. "Ang alin?"

"Ito, bakit ka ganito? Nag aalala ka sa akin." 

Bahagya akong ngumiti sa kaniya. "Dahil tinulongan mo rin ako. Ibinabalik ko lang ang pabor."

 Ilang sigundo siyang hindi naka-imik.

"Sige na, mag pahinga ka na. Aalis ako si Gab na muna ang mag babantay sa 'yo rito."

"Eh, 'yong ano?" aniya na parang nahihiya.

"Huh? Ano 'yon?" 

Yumoko ito at umiling. "Ah, wala. Nevermind," anas niya nang hindi makatingin sa akin.

Ngumiti ako at lalabas na sana nang maalala ko ang ID niyang na sa bulsa ko. Ito talaga sana ang pakay ko na dalhin sa kaniya sa office niya pero nakita ko siya sa daan sa gano'ng kalagayan.

"Oh, ID mo." Hinagis ko sa kaniya at nasalo niya naman. "Rest well." Muli ko siyang nginitian bago lumabas ng kuwarto.

Pag labas ko ay nadatnan kong nakaupo si Gab sa couch. "Oh, nahanap na ba ni Kishia?" tanong ko at umupo sa isang upuan sa tapat niya. Si Kishia ay ang agent namin. Pag may titirahin kami ay siya ang unang pinapagalaw namin.

"Wala pa siyang update," sagot niya.

Huminga ako ng malalim. "Nag sasawa na ako sa pag h-hide and seek nila. Hindi na ako makapag hintay." Sabik na sabik na akong  makuha ang hustisya ng kapatid ko gamit ang sarili kong mga kamay.

"Malapit-lapit ka na sa katotohanan, Seb. Mapaghihiganti mo na si Athena."

Biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Pag kuha ko ay nakita kong si Kishia ang tunatawag.

"It's Kishia."

 Sinagot ko ang tawag at ni-loud speaker.

"Seb, positive. Grupo ni Hunt na 'yon ang nasa likod ng kidnapping three years ago na ikinamatay ni Athena. Maaaring nga na si Hunt at Scorpio ay iisa lang.

My fist clenched and my jaw tightened.

Sa wakas ay nahanap ko rin kayong mga hayop kayo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro