Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 34

CHAPTER 34

CALISTA

Tumayo ako sa kama dahil narinig kong may kumalabog sa labas ng pinto. Alas-dose na at nagsisimula na silang kumilos. Bumukas ang pinto at niluwa nito si Athena at Joseph, 'yong isang lalaking kinausap ko. He's on our side now.

"Hali ka na!" Hinawakan ako ni Athena sa kamay. Lalabas na sana kami ngunit biglang pumasok ang isang lalaking tauhan ni Scorpio kaya napaatras kami.

“Tina, isa kang traidor!” Galit na galit ito habang pinupukol ng masamang tingin si Tina. Nakipag-laban lang din si Tina ng masamang titig sa kaniya habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ko.

“Tumabi ka riyan," malamig na anas ni Tina sa kaniya.

Humakbang ito papalapit sa amin kaya agad itong hinawakan ni Joseph sa balikat. Tinuhod niya ito sa sikmura at saka niya ibinalibag sa sahig. Napaawang naman ang labi ko dahil sa pagkamangha sa kanyang bilis. Hindi man lang napansin ng lalaki na nasa gilid lang niya si Joseph.

“Bilis!” sigaw niya.

Agad kaming tumakbo palabas ni Athena habang nakasunod naman siya sa amin.

“Ayon sila!” rinig naming sigaw ng isa sa mga tao ni Scorpio kasama ang tatlo pang lalaki.

"Fuck! Mauna na kayo, ako na ang bahala rito!" Biglang tumigil sa pag takbo si Joseph.

Napatigil naman kami ni Tina at nilingon siya. A“ginagawa mo!? Hali kana!” sigaw ko.

Hinugot niya ang baril niya at tinignan kami. “Cali, do me a favor.” Kinasa niya ang baril nito.

“Pag hindi ako nakalabas rito, pakisabi sa asawa ko, patawarin niya ako. ”

"Ano ba ang pinagsasabi mo!? Sabay tayong makakalabas dito! "

"Hanggang dyan na lang kayo!" Tumigil ang apat na lalaking humahabol sa amin.

"Sige na! Tumakbo na kayo! " malakas na sigaw niya at nagpakawala ng putok.

"Hali kana!" Muli akong hinila ni Tina at tumakbo papalayo roon hanggang sa makalabas kami sa istraktura.

Napakagat labi na lamang ako. Mukhang hindi na siya makakauwi sa mag-ina niya. Salamat, Joseph. Maraming salamat.

"Where do you think you're going?" Napatigil kami sa pag takbo ni Athena. Hinila ako ni Tina papunta sa likod niya.

"H'wag kang aalis diyan, " bulong niya habang hawak parin ang kamay ko ng mahigpit.

“Napaka Walang utang na loob mo naman, Tina. Isa kang traidor. Matapos kang buhayin ni Scorpio ay 'yan lang ang iganti mo!?” galit na sigaw niya.

“Kahit kailan ay wala akong utang na loob sa kaniya, Hernan!”

Lumapit ito sa amin kaya napaatras kaming dalawa. “Cali, pag sinabi kong takbo, tumakbo ka. Sa kaliwang bahagi ng dormitoryo, may underground tunnel doon. Pag labas mo ay siguradong may nag hihintay sa 'yong tao ni Kuya doon,” saad niya habang hindi niya inaalis ang tingin niya sa lalaking nagngangalang Hernan.

“P-Paano ka? Wala pa si Sebastian kaya hindi kita pwedeng iwan!”

“Basta gawin mo na lang!” mahina pero mariin niyang sabi.

“Takbo!”

Pag sigaw niyang 'yon ay binitawan niya ang kamay ko. Nilabas niya ang kutsilyo na nakaipit sa stockings niya sinugod ang lalaki.

“Tina!” Sigaw ko nang makitang hinawakan siya ng lalaki sa buhok at sinuntok sa sikmura kaya nabitawan niya ang kutsilyo.

“Tumakbo ka na—ahhhh!!” Napaatras ako at handa na sanang tumakbo ngunit tumigil din ako.

Hindi. Sa pagkakataong 'to ay hindi ko na siya tatalikuran. Hindi ko na uulitin ang pangalan ko sa kanya noon.

“Tina anong ginagawa mo!? Tumakbo ka na!”

Sinakal siya ng lalaki. “Sana noon pa lang ay tinuloyan kana namin!” Maitim lang siyang tinignan ni Tina habang nakahawak sa kamay ni Hernan na nakasakay sa leeg niya.

“B-Bitawan mo a-ako.” kitang-kita sa mukha niyang nahihirapan na siya at nawawalan na siya ng hininga.

Sinusubukan niyang mag pumiglas sa lalaki ngunit masiyadong malakas ito.

Dinampot ko ang isang tubo na nasa paanan ko at hinawakan ko ito ng mahigpit.

“Hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko noon. ”

“Tina!” Tumakbo ako para paluin ang lalaki. Dahil hawak niya si Tina ay hindi niya napigilan ang pag palo ko ng tubo sa kaniyang likod dahilan upang mabitawan niya si Tina.

 Bumagsak ito sa sahig at namilipit sa sakit. Agad kong nilapitan si Tina at itinayo. “Ayos ka lang?” nag a-alalang tanong ko. “A-Ayos lang ako,”sagot nito habang habol-habol ang kaniyang hiniga.

“Tara na!” Muli niyang hinawakan ang kamay ko para tumakbo ngunit hinawakan ako ng lalaki sa paa at hinila dahilan upang matumba ako sa sahig.

“Cali!” Lalapit sana si Tina nang biglang may nilabas na baril ang lalaki. Hinila niya ako patayo at tinutukan ng baril sa ulo.

“Alam niyo bang nakakapagod na kayong dalawa? Paano kaya kung mag laro tayo? Ikaw ang taya Calista at si Tina ang ililigpit mo.” Natiglan ako sa sinabi niya. H-Hindi, hindi p'wede.

“Paano kaya kung mag laro tayo? Ikaw ang taya Cali at si Tina ang magiging bihag.”

Nilabas niya ang isang baril at ibinigay ito sa akin.

“Kailangan mong patayin si Tina para mabuhay ka.” Pakiramdam ko ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

“N-No...” Nabitawan ko ang baril na hawak ko. “Hindi ko siya papatayin!” sigaw ko.

“Masaya 'to.” Pinulot niya ang baril at muling binigay sa akin. “Kamatayan niya kapalit ng buhay mo,” aniya at humalakhak.

Nanginginig ang mga kamay ko habang tinitignan ang baril na hawak ko.

"H-Hindi...Hindi ko kaya.” Bumagsak ang aking mga luha habang tinitignan ang baril.

Naramdaman ko ang malamig na dulo ng baril na dinikit niya sa ulo ko. “Pag hindi mo siya binaril, mamamatay ka,” bulong nito.

 

“Pamilyar ang larong 'to sa inyo 'diba?” Tumawa ito ng malakas dahilan upang kinilabutan ako.

Tinignan ko si Tina na masama ang tingin kay Hernan. “Demonyo ka,” mariing sambit nito habang maitim na nakatingin ka kaniya.

Muli itong tumawa. “Masaya kaya ito.” Nilabas niya ang isang baril at nilagay sa kamay ko.

“Ganun pa rin ang rules sa larong 'to. Mamamatay siya para mabuhay ka.” Naramdaman ko ang pangingilo ng mga luha ko sa aking mata.

“Simulan na ang laro!” sigaw niya at muling tumawa. Napakagat labi ako habang nakatingin sa baril na hawak ko.

Naulit na naman, naulit na naman ang bangongot ko three years ago.

“Pag bilang ko ng tatlo at hindi mo pa naiipapaputok ang baril na 'yan ay ikaw ang mamamatay!”

“Isa!” Napapikit ako at bahagyang napatalon sa aking kinatatayuan.

“Cali, shoot me.” Naimulat ko ang aking mga mata. Nakatingin lang sa akin si Tina at hindi ko nakikita ang takot sa kaniyang mga mata.

“T-Tina...”

“Shoot me. Mas kailangan ka ng kapatid ko kisa akin. Kailangan niya kayo ng anak niyo.” Naramdaman ko ang mga luha kong namamalisbis pababa sa aking pisngi.

I could read the sincerity on her eyes. Seryoso siya sa sinabi niya.

“Dalawa! Shoot her!” sigaw ni Hernan kaya mas lalong lumakas ang aking pag iyak. Ayokong maulit ang nangyari noon! Mababaliw na ako pag nangyari ulit 'yon!

“Cali, shoot me!!” sigaw ni Tina. Napakagat labi na lamang ako habang umiiling.

“I can't,” I uttered.

“H'wag mong paintin ang ulo ko! Iputok mo na!” sigaw ni Hernan. Huminga ako ng malalim at mahigpit na hinawakan ang baril.

Hinding-hindi na ako magiging mahina. Hinding-hindi na ako maging makasarili at itaya ang buhay ni Athena para sa kaligtasan ko.

“I said, shoot her!!”

“Hinding-hindi mo na ako madiktahan,” bulong ko.

Malakas ko siyang siniko sa sikmura at sinundan ito ng malakas suntok sa mukha. Hindi pa ako nakuntento, tinuhod ko pa ang ilalalim niya at saka ko siya tinutukan ng baril.

“Hindi na ako si Calista na kilala mo tatlong taon na ang nakaraan.” Lumapit ako sa kaniya habang siya ay nasa sahig at namimilipit sa sakit.

“P'wede nga kitang patayin diyan sa kinauupoan mo." I smirked.

Ngumisi ito at unti-unting tumayo. “Then, iputok mo,” aniya na parang minamaliit ako.

“Kung hindi na ikaw ang dating Calista na kilala ko, sige, iputok mo.” Tumalim ang titig ko sa kaniya habang mahigpit na nakahawak sa baril.

“Ano, hindi mo magawa?” Muli itong tumawa.

“Hayop ka!” sigaw ko at ipinakita ang aking mga mata kasabay ng pag pitik ko ng gatilyo.

Nagulat ako nang hindi pumutok ang baril. Humahalakhak si Hernan habang pumapalakpak.

Binali niya ang kanyang leeg at saka ako muling tinutukan ng baril niya.

Napatingin ako sa baril na hawak ko at muli itong pinitik ngunit hindi parin pumuputok.

“Akala mo talaga may bala 'yan ano?” Nakangisi ito ng nakikilabot habang humahakbang papalapit sa akin kaya napapatras naman ako.

“Cali ” Naramdaman ko ang kamay ni Tina na nakahawak sa laylayan ng damit ko.

“What should we do? Hindi ko alam kung bakit wala pa si kuya.”

Lihim akong napamura. Wala na kaming takas sa pagkakataong ito. Seb, nasaan kana ba?

“Any last wish?” he grinned.

“Mamatay na kayong lahat,” sambit ko at ibinato sa kanya ang baril na hawak ko at hinawakan ang kamay ni Tina.

Tumawa lang ito na halatang minamaliit kami dahil alam niyang wala kaming kalaban-laban sa kaniya.

“Matulog na kayo ng mahimbing, Calista.”

Napapikit ako at mahigpit na napahawak sa kamay ni Tina.  Nakarinig kami nang malakas na putok ng baril ngunit wala akong nararamdaman bala na tumama sa akin..

“Cali, Tina!” My heart pounds.

That voice.

Minulat ko ang aking mga mata at nakita kong nasa lupa na si Hernan at duguan.

Unti-unti kong inangat ang aking tingin at parang napawi ang lahat ng aking takot at pangamba nang makita ang takong mahal ko na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko.

“Move! Move!” sigaw niya sa mga tauhan niyang nag sunod sa kanya, kaya ang karamihan nito ay pumasok sa loob ng dormitoryo.

“S-Seb,” sambit ko kasabay ng pagmamalabis ng mga luha ko.

Nang makalapit ito ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. “ I'm sorry, nahuli ako,” bulong nito habang yakap-yakap ako sa mga bisig niya. Hindi ko maiwasan ang umiyak ng malakas. Akala ko talaga ay hindi ko na siya makikitang muli.

Hinawakan niya ang pisngi ko. "Ayos ka lang ba? Si baby?" Tumango naman ako. Naramdaman ko ang pag hinga niya ng malalim bago niya idinampi ang kanyang mga labi sa akin at muli akong niyakap.

“K-Kuya...”

Napakalas siya ng yakap sa akin at napatingin sa gawi ni Tina. Sandali siyang natigilan ngunit 'di kalaunan ay nilapitan niya rin ito at niyakap ng mahigpit.

Bumuhos ang luha ni Sebastian habang yakap-yakap ang kapatid niyang inaakala niyang patay na at tatlong taon na nawalay sa kanila. “Y-You have no idea how I miss you,” he sobs.

"I'm sorry kung hindi ko agad nagawa ang kausapin ka sa loob ng ilang taong inakala niyong patay ako. “ She cried out of her lungs, hugging her brother.”

Napangiti na lamang ako at pinunasan ang aking pisngi habang pinagmamasdan silang mag kapatid. Finally, they reunited. Nag kita na silang muli.

Natigilan kaming lahat nang makarinig ng sunod-sunod na putokan galing sa loob ng dormitoryo.

“Nasaan si Michael?” tanong ni Tina kay Sebastian.

“Nauna siya sa amin kanina. Hindi niyo ba nakita?” Umiling ako. “Hindi, hindi namin siya nakita ng palabas kami.”

Hinawakan ako ni Seb sa kamay. “Kailangan niyong makaalis dito. Masyadong delikado kung sa main gate kayo dadaan. Lumabas kayo sa underground tunnel sa kaliwang bahagi ng dormitoryo. Naghihintay doon sila Kishia,” aniya at hinalikan ako sa noo.

“Paano ka?” He cupped my face. “Hahapin ko muna si Michael. Tatapusin namin 'to at susunod kami sa inyo.”

Senenyasan niya si Tina na agad naman akong hinawakan.

“P-Pero... ”

“No buts, babe. Tina, ikaw na ang bahala sa kaniya,” ani Seb at binitawan ang pisngi ko.

“Mag iingat ka, Kuya.”

Hinila ako ni Athena at tumakbo papalayo. Nakita ko ang pag ngiti ni Sebastian kasabay ng pagkaway ng kamay bago tumakbo papasok ng dormitoryo.

Please be safe, Seb. Hinayaan ko na lamang ang sarili kong mag pahila kay Tina hangang sa makarating kami sa sinasabing underground tunnel ni Sebastian. Walang tao sa bahagi ng dormitoryo na ito dahil ang lahat ay nasa loob at nakikipag putukan.

Pinauna akong pinababa ni Tina. Masyadong madilim ang tunnel at wala akong makita kundi ang liwanag lang na nanggagaling sa taas.

“Bumababa ka n—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may biglang humila sa akin at tinakpan ang bibig ko.

Pinilit kong mag pumiglas ngunit masiyado siyang malakas. Tinapakan ko ang kaniyang paa kaya biglang lumuwang ang hawak niya sa akin at nakawala ako sa pag kakahawak niya.

“Tina! bumalik ka!” sigaw ko at tumakbo pabalik sa may hagdan kung saan ako bumaba ngunit nahawakan niya ang buhok ko at kinaladkad ako pabalik.

“Sa tingin ko ba ay makakatakas ka?”

Halos manigas ako nang makilala ang pamilyar na boses nito. "S-Scorpio... "

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro