CHAPTER 33
CHAPTER 33
CALISTA
Napatingin ako sa pintuan nang bigla itong tumunog. Pumasok si Athena na may dala-dalang tray ng pagkain.
"Pinapatawag ka ni Scorpio," aniya sa lalaking nagbabantay sa akin. Agad naman lumabas ng silid ang lalaki hanggang sa dalawa na lang kami ang natira.
Nilapag niya ang pagkain sa kama at tinignan ako. "Kumain ka. Kanina hindi mo rin kinain ang pagkain na dinala dito."
"Baka lasingin nyo pa ako. Lumabas ka na, kakainin ko na lang 'yan pag labas mo." Wala akong gana makipagtalo sa kanya.
Tatalikod na sana ako sa kaniya para humiga sa kama nang bigla itong mag salita.
"I-I'm sorry. " Isang hikbi ang lumabas mula sa kanya ang aking narinig. Napalingon ako sa kaniyang gawi at nakita ko ang mga luha niyang nag bagsakan sa kanyang pisngi.
"Cali, I didn't mean to hurt you earlier. N-Nagawa ko lang 'yon dahil nandoon si Scorpio."
Nakatingin lang ako sa kanya na pawang naguguluhan sa sinabi niya.
"Cali, nagpagamit ako sa kanya para maisakatuparan ko ang mga plano kong pabagsakin siya." My lips parted. Kung gano'n ay hindi totoo ang lahat ng pinakita niya kanina.
"W-What do you mean?" nalilitong tanong ko.
"Mamaya ko na ipaliwanag ang lahat. Wala na tayong oras na natitira." Pinahid niya ang basa niyang pisngi at hinawakan ako sa balikat.
"Mamaya, dadating sina kuya at Michael. Ililigtas nila tayo kaya kailangan nating mag handa." Nagulat ako sa sinabi niya. A-Ano? Did Heard it right?
"W-Wait, si Sebastian at Michael? Papaanong..."
"Hindi mo alam? Walang binanggit si Kuya sa 'yo? Kung ganon pinanindigan niya pala ang sinabi niya."
Kumunot ang aking noo kasabay ng pag iling ko. "What do you mean? Wala naman siyang sinabi o nabanggit."
Huminga ito ng malalim at matiim akong tinignan.
"Matagal na silang nag uusap ni Michael at nagpaplano ng pabagsakin si Scorpio. Alam na rin ni Kuya na buhay ako at si Michael ang naging daan para makapag-usap kaming dalawa at makapag-bigayan kami ng impormasyon."
Muling umawang ang mga labi ko. All this time ay alam pala ni Sebastian ang lahat ngunit hindi niya sinabi sa akin. Wala akong kaalam-alam.
"Cali, gusto kang protektahan ni kuya kaya nanatiling tikom ang bibig niya sa 'yo. He wants to protect you, so he keeps pushing you away, even though he already knew everything at that time.Gusto niyang manatili kang walang alam para makapag sagawa sila ng plano na hindi ka masasangkot upang hindi ka masaktan."
Parang hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Kaya pala pinagtabuyan niya ako noong gabing 'yon na nag usap kami. Para rin pala sa kaligtasan ko 'yon.
"Cali, makinig ka." Inangat ko ang tingin ko sa kaniya.
"Mamayang hatinggabi ay aatake sila kuya at Michael. Kailangan mong makalabas dito. Narinig ko kay Scorpio kanina na mag lalagay siya ng dalawang bantay sa labas ng k'warto mo dahil inaasahan niyang darating si Kuya anumang oras para iligtas ka."
"A-Anong gagawin ko? " Hinawakan niya ang kamay ko. "Babalik ako rito before 12 midnight. Babalikan ko kayo ng pamangkin ko." Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi at hinawakan ang tiyan ko.
"I know you're pregnant. Kausap ko si Kuya kanina at nangako ako na hanggat nandito ka sa loob ng dormitoryo ay p-protektahan ko kayo." I could feel my tears welling up in my eyes.
She never changed. She is still the Athena I knew.
Niyakap niya ako ng mahigpit. "We can both get out of here, and this time I'll make sure we get out alive." I couldn't stop the tears from falling down my cheeks this time. I'm relieved now. Panatag na ako because I know Athena is with me in this place.
"Kailangan ko nang umalis, "bulong niya at agad na tumayo sa kama nang marinig namin ang pag bukas ng pinto.
"Tina, hinahanap kana ni Boss,"anino ng lalaking nag babantay dito sa akin kanina.
"Eat your food para tumagal pa ang buhay mo." Her aura suddenly changed but I could still read the fear and worry in her eyes.
Before she walk out the door, nakita ko ang pag senyas niyang pag turo sa kanyang suot na wristwatch kaya agad naman akong napatingin sa wall clock na nasa itaas ng pintuan.
Alas-dyes na at dalawang oras na lang ang natitira.
Kinuha ko ang tray ng pagkain at nilapag ko ito sa aking harapan. Tinignan ko ang lalaki na nakatayo sa tapat ng pinto habang nakatingin sa akin.
"Papanoorin mo akong kumain? " Bigla itong napa iwas tingin sa akin at nalihis sa ibang direksyon.
Kinuha ko ang kutsara at inumpisahan nang kainin ang binigay na pagkain ni Athena.
"May asawa ka? " tanong ko sa lalaki. Hindi ito sumagot, nanatili lang ang kanyang tingin sa ibang direksyon.
"Anak?" Nakita ko ang pag lunok niya ngunit hindi niya pa rin ako tinitignan.
"P'wede bang intindihin mo na lang ang sarili mo hindi ang buhay ng ibang tao."
Binitawan ko ang kutsarang hawak ko at matiim siyang tinignan.
"Talaga ba? Edi sana ginawa mo 'yan at hindi ka naging sunod-sunuran kay Scorpio. May asawa at anak ka? May pamilya ka tama ba? Bakit hindi na lang sila ang iniintindi at inaalagaan mo kisa mag paka-aso ka kay Scorpio at gumawa ng masama?" Gumamit ang sakit sa kanyang mga mata ngunit hindi niya pa rin ako tinitignan.
"May pamilya rin akong katulad mo. Kung may natitira ka pang awa diyan sa puso mo, hahayaan mo akong makatakas rito. " This time ay pinangat na nito ang tingin sa akin.
"Ginagawa ko 'to para buhayin ang pamilya ko. Kaya hindi ko na pagbigyan ang hinihiling mo," malamig na aniya. Lalabas na sana ito nang muli akong mag salita na ikinatigil niya.
"Sa tingin mo ba magiging masaya ang pamilya mo kung malaman nila na galing sa masama ang pinapakain mo sa kanila? Sa tingin mo hindi masasaktan ang asawa mo at ku-kuwestiyonin ang sarili niya na dahil nag kulang siya kaya nag-kaganiyan ka?"
Nakita ko ang pagkuha ng kanyang mga kamao habang nakatalikod sa akin.
"Hindi siya nag kulang!" Unti-unti niya akong hinarap. "She's perfect for me! Hindi siya nag kulang sa akin!"
"Then huwag mo ipakita sa kanya 'yon! Magpakalalaki at mag paka-ama! H'wag mong hayaan na magdusa ang pamilya mo sa bandang huli dahil sa maling ginawa mo! Kung tunay na minamahal mo sila ay hindi ka gagawa ng masama para sa kanila."
Natigilan ito dahil sa sinabi ko. Nagpahawak ito sa kanyang ulo at nakayuko.
"I-I don't have a choice." His voice cracked. Hindi ko intensyon na saktan siya sa mga sinabi ko. Gusto ko lang magising siya sa katotohanan na mali ang mga ginagawa niya.
"Meron, meron kang choice, marami kang pag pipilian pero mas pinili mo ang maging ganito."
I heard him sobs. Naaawa ako sa kanya. May mga taong gagawin ang lahat kahit na illegal para lang mabuhay ang pamilya nila.
"Pag h-hinayaan kita, papatayin ako ni Scorpio."
"Hindi ko hahayaan 'yon. Tulungan mo ako, tutulungan kitang makalabas dito ng buhay para makita kang muli ang pamilya mo."
Inangat nito ang tingin sa akin. "P-Paano?"
Bahagya akong napangiti. "Mamayang alas-dose, kikilos tayo."
SEBASTIAN
"Kumusta, anong balita riyan?"
"Hindi ko alam ang pinaplano ni Scorpio kuya, wala pa siyang nababanggit pero sigurado ako na inaasahan nila kayong susugod ano mang oras dahil nag palagay siya ng bantay sa k'warto ni Calista."
Napahinga ako ng malalim at napasandal sa sofa. Ang hayop na 'yon.
"Na saan si Calista, kumusta siya? Nakausap mo na ba siya?"
"Nasa k'warto pa rin siya pero nakausap ko na siya about sa plano. Mamayang alas-dose ay susubukan ko siyang ilabas sa k'warto."
Napapikit ako at muling buntong hininga. Sana naman ay maging maayos ang plano.
"Sige, mag ingat kayo. Basta mamaya pag nagkagulo na ay umalis na kayo. Dumaan kayo sa underground tunnel sa kaliwang bahagi ng dormitoryo, naghihintay sa labas no'n ang dalawa sa mga tauhan ko. Si Kishia at Terron."
"Noted, kuya. Ako na ang bahala sa mag-ina mo. Kailangan ko nang ibaba ang tawag paparating na si Scorpio," saad niya.
"Sige, mag iingat ka sa bawat galaw mo dahil baka mahalata ka ni Scorpio. Ingatan mo rin sarili mo, miss na miss na kita, little turtle," ani ko at pinatay ang tawag.
Napahawak ako sa aking sintido. Kinakabahan ako. Tatlong buhay ng mga mahal ko ang nangaganib sa mga kamay ng hayop na Scorpio na 'yon. Si Calista, ang anak ko at ang kapatid ko.
Matagal ko nang nakakausap si Tina. Napakalaking gulat ko nang malaman kong buhay siya at nasa kamay pa rin siya ni Scorpio.
Masaya ako na ligtas siya pero hanggat hawak siya ni Scorpio ay nanganganib pa rin ang buhay niya.
"Pag isipan mo ang mga sinabi ko!" Kinaway ni Michael ang kamay nito bago pumasok sa kanyang sasakyan.
Napahawak ako sa batok ko. I can't believe what I found out. Parang hindi pa na p-process ng utak ko ang mga nalaman ko kay Michael.
Hindi si Calista ang pumatay kay Athena at buhay ang totoong Scorpio. Kung buhay ang totoong Scorpio ay nanganganib pa rin ang buhay namin ni Calista. Nakaka-potangina!
Bubuhayin ko na sana ang makina ng sasakyan nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Isang hindi nakarehistro ang numero ng lumitaw sa screen ng phone ko.
"Hello, who's this? " kunot noo kong tanong.
"K-Kuya ..." I was stunned and looked at my cellphone screen again. The voice. I might have just heard it wrong.
"Who is this? "I asked again.
"Kuya, this is A-Athena. My lips parted and I was taken aback by what I've heard.
"A-Athena?" na uutal na saad ko.
"Ako nga." Halos hindi ako makapag salita dahil sa naririnig ko. Her voice, boses nga ni Athena.
"Oh, God! H-How come?"
"Kuya, buhay ako."
I could feel my tears streaming down my cheek. God! She's alive, my sister is alive!
"Where are you? Bakit ngayon ka lang tumawag!" Patuloy lang ang pagbagsak ng mga luha ko. Samot-sari ang nararamdaman ko, naghalo ang saya at pag-aalala.
"Kuya, hindi pa ako makakauwi. Hindi pa pwede."
"A-Ano? Nasaan ka ba? Pupuntahan kita." Binuhay ko ang makina ng sasakyan ko.
"Hindi pa ako pwedeng umuwi dahil hawak pa ako ni Scorpio."
Biglang ko ring pinatay ang sasakyan dahil sa sinabi niya. "What? Nasa kay Scorpio ka!?"
"Oo, k-kaya hindi pa ako makakauwi sa ngayon." Ibig kong humihikbi siya sa kabilang linya. Kumuyom ang aking kamao at mahigpit na napahawak sa manibela ng sasakyan.
"Ang hayop na 'yon!"
"Kuya, makipag tulongan ka kay Michael. Pabagsakin niyo si Scorpio, iligtas niyo ako," she sobs.
"Wait, you know Michael?" Hindi makapaniwala na tanong ko.
"Oo, siya ang tumulong sa akin para mabuhay. When Hunt shot me it was Michael who saved me. Utang ko sa kanya ang buhay ko. Kaya Kuya, please ... tapusin nyo si Scorpio."
Noong gabing kinausap ako ni Michael 'yon din ang gabing nalaman kong buhay si Athena. Simula noon ay nakipag tulungan na ako kay Michael laban kay Scorpio. Si Athena ang naging mata namin kay Scorpio para malaman ang mga gagawin nito at makagawa kami ng hakbang.
Lumayo ako noon kay Calista dahil ayokong madamay siya sa gulo. Kung maaari ay gusto kong wala siyang malaman para na rin sa safety niya ngunit mukhang siya talaga ang target ni Scorpio simula pa lang.
"Ready na ang lahat," ani Michael at sinuot ang baril niya sa kaniyang tagiliran.
"Kumusta ang lagay nila doon?" he asked.
"Still the same. I had already told Athena what she was going to do. I hope everything goes well with our plan. "
"Mauuna ako mamaya roon. Lilinlangin ko si Scorpio. After ten minutes, saka na kayo pumasok."
Tumayo ako sa sofa at sinuot coat ko. "Salamat, bro." Tinapik ko ang balikat niya na ikinangisi niya lang.
Nag lakad ako patungo sa mesa at dinampot doon ang baril ko.
"Sino ba naman ang makakapagsabi na maging magkaibigan ang ex at fiancé ni Calista?" natatawang saad niya.
I tsked. "We're not friends. Don't expect something. " Humalakhak ito at naramdaman ko ang kamay niyang pumalo sa pwet ko.
"What the fuck! Hindi tayo talo!" Mas lalong lumakas ang kaniyang halakhak.
Parang siya na tuloy ang gusto kong tapusin.
"Chill. Malaki pala ang pwet mo, kaya pala na in love si Calista sa 'yo."
"You mother fucker maniac!" Akma ko sana siyang susugurin ngunit mabilis itong tumakbo.
"Ciao! Magkita na lang tayo ro'n," natatawang saad niya sabay wink bago lumabas ng hideout.
He's getting to my nerves!
"Seb, ready na ang lahat. Lahat ng mga tao mo ay nasa labas na," ani Kishia.
Tinignan ko ang wrist watch ko. 11: 15 p.m. Apat na po't limang minuto na lang.
"Let's go." Aalis na sana ako nang muli siyang mag salita.
"Wait." Inabot niya sa akin ang isang earpiece. "We need your order, Sir Sebastian," she said and smirked at me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro