CHAPTER 31
CHAPTER 31
CALISTA
Nagising ako sa isang silid na pamilyar sa akin. Inikot ko ang aking paningin at para akong binawian ng lakas nang mapansin kung na saan ako. Kahit may kama na at medyo inayos ang silid ay tandang-tanda ko kung saan ito. Isang silid kung saan ako na trauma tatlong taon na ang nakakalipas. Ang silid kung saan ako ikinulong kasama ni Athena noon.
My tears falls down, alam kong hawak na naman ako ni Scorpio.
Ang bangungot ko three years ago ay bumalik at muling na ulit.
Humikbi ako at napahawak sa aking tiyan. “I’m sorry, baby. I’m sorry kung mararanasan mo ang bangungot ni Mommy.”
Bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang lalaking may bruskong katawan. Si Scorpio.
“Gising kana pala, ” aniya at umupo sa upoan na nasa harap ko.
“Why are you doing this to me? Anong kasalanan ko sa ‘yo!?” I shouted. My tears keep streaming. Napapagod na ako sa ganito. Bakit ba kailangan kong maranasan ‘to!?
“Ikaw wala, pero ang ama mo, meron.” Natigilan ako sa sinabi niya. Mapait lang akong nakatingin sa kaniya.
“Si Papa? Patay na ang ama ko at kasalanan mo!” Nakatingin lang ito sa akin na pawang walang emosyon.
“Nag dusa siya dahil sa ‘yo! Nag dusa siya sa kasalanang hindi niya ginawa! He died innocent.” Napahagulgol ako habang nakayukom ang aking mga kamao.
“Baka nakakalimutan mo na ikaw ang nag diin sa kaniya sa kasalanang ‘yon? You’re the one who convicted your father! Ikaw ang nag bigay ng sentensiya sa kaniya, Calista.”
Lumakas ang aking pag-iyak dahil sa sinabi niya. Ako nga, ako nga ang nag diin sa ama ko sa kasalanang hindi niya ginawa. Ako nga ang nag convict sa kaniya. Iyon ang pinakamalaking kamaliang nagawa ko sa buong buhay ko.
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. “Bakit mo pa ginagawa sa ‘kin ‘to? P-Patay na siya at wala ka ring makukuha sa ‘kin!” I cried.
Pinalandas niya ang daliri niya sa aking pisngi at hinawi ang hibla ng aking buhok.
“Sabihin na lang natin na ikaw ang magiging kabayaran sa atraso niya sa ‘kin.” Malamig itong ngumisi at pinahid ang luha ko gamit ang kaniyang hinlalaki.
“Hindi pa ba sapat ang buhay at kalayaang pinagkait kay p-papa?” Napahikbi ako.
Umiling ito at bahagyang ngumisi. Lumapit siya sa tenga ko at bumulong. “Hindi sapat, kulang pa ‘yon. ”
Napapikit na lamang ako at humigpit ang pagkuyom ko sa aking kamao.
Narinig ko ang pag bukas ng pinto. “Kuya, kailangan nating mag usap.” Natigilan ako nang makilala ang boses na ‘yon. Unti-unti kong iniangat ang ulo ko para makita ang lalaking pumasok. Umawang ang mga labi ko nang makilala ito. “M-Michael?”
Tinapunan niya ako ng tingin, walang emosyon ang mga mata niya. Agad niya ring nilihis ang kaniyang tingin sa ‘kin at ibinalik kay Scorpio. “K-Kapatid mo si S-Scorpio? ” Hindi ako makapaniwala sa nakikita at narinig ko. Mag kapatid sila?
Tumawa si Scorpio kaya binalik ko ang tingin sa kaniya. “He’s my younger brother.”
“Your half brother.” Pag tatama nito.
Papalit-palit ako ng tingin kay Michael at Scorpio. Hindi… nagugulohan ako. All this time? Ang lalaking minsan kong minahal ay kapatid ng taong nag pahirap sa akin at sa ama ko!?
“M-Michael, a-ano ‘to?” Muli niya akong tinignan gamit ang kaniyang walang emosyong reaksyon.
“Wala akong dapat ipaliwanag sa ‘yo.”
Tumawa si Scorpio at tumayo sa kaniyang pagkakaupo.
“Hindi ba obvious na ginamit ka lang ni Michael noon para makaganti sa ama mo?” natatawang anito.
“Shut up! ” singhal sa kaniya ni Michael na mas lalo niyang ikinatawa. Nilapitan niya ito at tinapik sa balikat. “Relax, bro. Mukhang hindi pa nag s-sink in ang lahat sa ex-girlfriend mo, e.”
“B-Bakit?” Nakatingin lang ako kay Michael. “Bakit mo n-nagawa sa ‘kin ‘to, M-Michael? Pinagkatiwalaan kita!” sigaw ko at muling nag umpisang humagulgol. Isa siyang traidor! Una pa lang ay tinraidor na niya ako!
“I have my reason, Cali, ” malamig na aniya. Tinignan niya ako na parang may sinasabi ang kaniyang mga mata bago tumalikod at lumabas ng silid.
“H’wag ka ng umasa na na ililigtas ka ni Sebastian dahil sa mga oras na ito ay sigurado akong patay na siya.”
I was taken aback as if I had gone deaf to what I had heard. Tumawa ito at kinaway ang kaniya mga kamay sa ‘kin. “What the hell did you do to Sebastian!?” I yelled, but he had already walked out the door.
“Mga hayop kayo!!” sigaw ko habang humahagulgol.
“AHHHH!!!!! MAPAPATAY KO KAYONG LAHAT!!! ” I cried out of my lungs. I want to put them to death with my own hands! I’m going to smash them up! I’m going to annihilate them all!
Tumayo ako sa kama. Wala akong tali ngunit nakasara naman ang k’warto. Lumapit ako sa bintana at sinubukan ko itong buksan ngunit naka lock.
Kinuha ko ang silya sa gilid ng kama at hinampas ito sa binatana dahilan upang mabasag iyon. Nagulat ako nang makitang nasa mataas na palapag pala ako ng isang gusali. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong abandonadong dormitoryo. Kaya pala hindi ako tinalian dahil alam nilang hindi ako tatalon sa ganito kataas na gusali.
Sumilip ako sa baba. Kung tatanyain ay nasa anim o pang pitong palapag ang k’wartong ‘to.
Kailangan kong makaalis dito, kailangan kong makita si Sebastian.
Kinuha ko ang kumot at bedsheet ng kama at saka pinag-buhol ‘yon. Hindi ito sapat upang makababa ako. Tatayo na sana ako ng mahagip ng mata ko ang isang lubid na nasa ilalim ng kama. “God, thank you, ” I uttered.
SEBASTIAN
“Fuck! Where are you!? Mag kita tayo!” sigaw ko sa kabilang linya bago binaba ang cellphone at hinampas ang manibela ng sasakyan.
Pag may masamang magyari sa mag-ina ko ay mapapatay ko silang lahat!
“Namukhaan mo ba ‘yong mga pumasok sa k’warto?” tanong ko kay Gabriel na nasa tabi ko na may benda ulo. Nawala lang ako saglit pinasok na sila ni Calista sa k’warto. Mga walang kwenta ang security ng hospital!
“Hindi, naka mask sila hindi ko namukhaan. I’m sorry, bro.”
Siniko ko ang braso niya.
“Wala kang kasalanan. Sadyang mga mautak lang ang mga hayop na ‘yon.” Humigit ang pagkakahawak ko sa manibela. “Sinasagad na nila ang pasensya ko. Not my family, dahil sasagarin ko rin sila.”
Pakiramdam ko ay nag uusok ako sa galit dahil sa sobrang init na aking nararamdaman. Sagad na sagad na ang pasensya ko sa kanila.
“Bro, someone following us,” ani Gabriel habang nakatingin sa side mirror ng sasakyan. Napatingin din ako ro’n, may isang itim na sasakyan na nakasunod sa amin.
“Mag handa ka,” mahinang ani ko at inapakan na madiin ang gasolinador ng sasakyan. Inabot ko ang baril ko sa dashboard ng sasakyan nang papalapit na sila nang papalapit.
“Fuck! Yuko!” sigaw ni Gabriel nang mag umpisa na silang paputokan kami.
Sumilip sa bintana si Gabriel at gumati ng putok ngunit bigla rin itong napabalik dahil sunod-sunod ang pag putok na pinapakawalan ng mga taong sumusunod sa amin.
Bigla kong iniliko ang sasakyan at ibwenelta pabalik. “Anong ginagawa mo? Mag papakamatay ka ba!?” sigaw niya.
“Relax,” ani ko at inapakan ang gasolinador at mabilis na pinaatras ang sasakyan para banggain sila. “Palit tayo!” Bigla kong binitawan ang manibela at tumalon sa gawi niya para magpalitan kami ng pwesto. “Tangina!” sigaw ni Gabriel nang biglang may lumusot na bala sa bintana ng sasakyan kaya napayuko ito.
“Banggain mo lang!” Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at nakipag gantihan ng putok sa kanila.
Biglang umingos ang sasakyan namin dahil sa gulong na pumutok na natamaan sa likod ngunit tuloy pa rin ito sa pag takbo.
Nag overtake ang sasakyan ng mga taong nakikipag barilan sa amin at nag paputok kaya agad naman kaming napayuko.
Bigla kaming napatingin sa baba ni Gabriel nang may biglang tumunog.
“Fuck! Bomba!!” sigaw ko. Isang IED bomb ang nakadikit sa ilalim ng dashboard ng sasakyan. Saan galing ‘to!?
“Labas!” sigaw ko kay Gabriel nang makitang umaandar ang timer.
Binuksan ko ang pinto sa gilid ko at tatalon na sana nang sumigaw si Gabriel.
“Fuck! I can’t open it! ” Pilit niyang pinipihit ang pinto sa driver seat ngunit hindi ito mabuksan.
“Sipain mo!” sigaw ko.
“Lumabas ka na! We don’t have a time!” Napatingin ako sa sa bomba at limang sigundo na lang ang natitira.
“Tangina! Dito ka na lumabas sa pinto ko!” Sigaw ko at tumalon palabas ng pinto. Gumulong ako daan at ramdam ko ang sakit ng pagkakabagsak ko
Nakita kong deretso parin ang takbo ng kotse ko. No, si Gab nasa loob pa!
“FUCK! GABRIEL!!!” Kasabay ng pag sigaw ko ay ang sabog ng sasakyan ko.
“NO, GAB!!!”
Parang nanghina ako an makitang lumiliyab ang sasakyan ko. “H-Hindi… Gabriel!” Tumayo ako at tatakbo sana roon nang biglang may nag liparang bala papunta sa akin.
Napadaing ako nang tamaan ako sa balikat. “Damn it!”
Nakita kong may isa pang sasakyan ang paparating. “This is not my end!” Pinilit kong itinayo ang sarili ko.
Nagulat ako nang lagpasan ako ng isang sasakyan at pinaulanan ng bala ang sasakyang umatake sa amin hangang sa huminto na ito.
Napaupo na lamang ako sa daan habang pinagmamasdan ang sasakayn kong lumiliyab. “G-Gab ” My fist clenched as my tears falls down. Igaganti kita, pag mag babayad silang lahat!
“Ayos ka lang?” Napaangat ang ulo ko at nakita ko siyang nakatayo sa aking harapan. Inilahad niya ang kamay niya sa ‘kin. “Pasensya na, nahuli ako.” Pinahid ko ang mga luha ko at inabot ang kaniyang kamay.
“Tao ‘yon ng mga kapatid mo ‘diba?”
Inabot niya sa akin ang isang baril na hawak niya. “Oo, pinaplano niya talagang patayin ka. Buti umabot ako.”
“Si Calista? Hawak niya ba?” Tumango-tango ito. “Oo, nakita ko siya kanina.”
Napahawak ako sa balikat niya. “Kumusta siya!? Kumusta ang mag-ina ko!?” Natigilan ito at napatingin sa ‘kin.
“Mag-ina mo? Is she pregnant?” hindi niya makapaniwalang tanong.
“Oo, at kung may mangyaring masama sa kanilang dalawa, gugutay-gutayin ko talaga ang kapatid mo! ”
Inalis niya ang kamay ko sa kaniyang balikat.
“Hindi naman siya ginalaw ni Scorpio, kinulong lang siya sa isang k’warto. Mukhang may binabalak ang hayop na ‘yon,” malamig na aniya.
Napapikit na lamang ako at napahinga ng mamalim. Medyo nabuhayan ako sa aking narinig.
Pinunit ko ang laylayan ng damit ko at itinali sa balikat ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at tinawagan si Kishia.
“Kish, sumama ka sa ‘kin, mag dala ka ng maraming tao, may tatapusin tayo.” Pagkasabi ko no’n ay agad kong pinatay ang tawag.
“Mag pagamot ka kaya muna?”
“Wala akong sasayangin na oras. May liligpitin muna ako bago ko isunod ang kapatid mo, Micahel.”
CALISTA
Nakalabas ako sa Dormitoryo at kasalukuyan akong tumakabo sa daan. Tangina! Bakit ba wala man lang katao-taong dumadaan dito!?
Napahinto ako sa gitna ng kalsada nang makita ang sasakyan na paparating. Ibinuka ko ang braso ko para pahintuin ang sasakyan at hindi naman ako nabigo dahil huminto rin naman ako.
“T-Tulongan niyo po ako!” Agad akong lumapit sa binatana at pinagpag iyon. “Parang awa niyo na po, tulongan niyo ako!”
Bumukas ang pinto ng sasakyan sa backseat at lumabas ang isang babaeng kasing tangkad ko lang na naka mask, sumbrero at sunglasses.
“Miss, t-tulongan mo ‘ko. Kailangan kong makauwi sa fiancé ko.” Hinawakan ko ang kaniyang kamay, “parang awa mo na. Kailangan ko siyang makita. ”
Hindi ito nag salita, bagkus ay nanatili lang itong nakititig sa akin. Alam kong nakatingin ito sa akin kahit may suot pa itong salamin.
May lumabas pa na isang lalaki kaya ito naman ang nilapitan ko. “Sir t-tulongan niyo po ako—.”
Bigla akong napaatras nang makita ang baril sa kaniyang tagiliran. Napatingin ako sa babae na natili paring nakitingin sa akin.
“Mga tauhan kayo ni S-Scorpio.” Tumakbo ako ngunit hinabol ako ng no’ng lalaki at niyapos ang bewang ko.
“B-Bitawan mo ako!!” Nag pupumiglas ako ngunit hindi ako makawala sa mga bisig niya.
May nilabas siyang panyo at itinakip iyon sa ilong ko. Unti-Unti akong nahilo at nanlanbo ang aking paningin. Naramdaman kong binubat niya ako at isinakay sa sasakyan
“Bakit ka pa kasi nag pakita ulit?” Isang pamilyar na boses ang aking narinig bago ako nawalan malay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro