Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 30

CHAPTER 30

CALISTA

“Babe, labas lang ako ah. Tatawagan ko lang si Gabriel.” Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko bago lumabas ng k’warto.

Inilipat na ako ni Sebastian sa hospital ng ate niya, mukhang tatagal pa ako rito ng ilang araw dahil sa mga natamo kong bali at sugat.

Nanonood lang ako ng TV nang bumukas ang pinto at niluwa si Ally.

“Cali!” sigaw niya at tumakbo papunta sa akin para yakapin ako.

“Gaga ka talaga! Alam mo ba kung gaano ako natakot noong nakita ang sasakyan mo sa balita na nakataob!? Buti na lang talaga ay tinawagan ako ni Sebastian kaya kumalma ako, “ aniya nang kumalas ito sa akin.

“God is good, hindi niya kami pinabayaan.” Natigilan ito dahil sa sinabi ko.

“Kami?”

Hinimas ko ang tiyan ko na ikinalaki ng kaniyang mga mata at ikinawang ng labi niya.

“Oh, my gosh! You’re pregnant!?” hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango-tango naman ako habang nakangiti.

“Oh, God! Legit!?” Parang hindi pa ito naniniwala.

“Oo nga, ninang ka na.” Tumawa ako at pinitik ang kaniyang noo.

“Oh, my God! Bakit ngayon ko lang nalaman!?” Tumili ito at hinawakan ang tiyan ko.

“Baby, your gorgeous ninang is here! “ natutuwang saad niya habang hinihimas ang aking tiyan.

Binaling niya ang kaniyang tingin sa akin habang ang kaniyang kamay ay nanatili pa rin sa tiyan ko.

“Sumisipa ba ‘to? “ inosenteng tanong niya.

Humalakhak naman ako at biglang napahamapas sa kaniya. Diyos ko, napaka inosente ng kaibigan kong ‘to. Paano sisipa, e dalawang buwan pa lang.

“Magulat ka pag sumipa ‘yan, “ natatawang sagot ko sa kaniya.

“Pero seryoso? “ Napakamot na lang ako sa aking batok. Kung p’wede lang sapakin ‘to ay naka-isa na sa akin ang babaeng ‘to.

“Paano sisipa ‘yan , e dalawang buwan palang ang ‘yan?”

“Malay ko ba, hindi pa naman ako nabubuntis, “ natatawang saad niya na akala mo ay napaka-inosente sa mga bagay-bagay.

Umupo ito sa upuan na nasa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko.

“So, kumusta kayo ni Sebastian? “she asked. Nilaro niya ang daliri ko kung saan nakasuot ang engagement ring ko.

“Maayos na kami. “ Napaangat ito ng tingin sa akin.

“Maayos, like, nag kabalikan na kayo?” Itinango-tango ko ang ulo ko bilang sagot.

“P-Pero… paano ‘yong case mo about sa sister niya? “ tanong niya na medyo nag aalangan pang banggitin sa akin.

Nginitian ko siya bago nag salita. “I’m not the killer of his sister. Mukhang napaglaruan lang ako ng alaala ko. “

Nagulat ito sa aking sinabi. “What do you mean? Iba ang pumatay sa kaniya?” hindi makapaniwalang aniya.

“Yes, naalala ko na ang lahat ng mga nangyari noong araw na ‘yon. Hindi ko siya nabaril.”

“Pero, pinaniwalaan ka naman ka agad ni Sebastian na walang tinatanong?”

“Actually, siya talaga ang unang nag sabi na hindi ako ang pumatay sa kapatid niya. I don’t know kung saan niya iyon nalaman,” saad ko.

“Kung gano’n, may alam na siya tungkol sa nangyaring noon three years ago.”

“I think so, baka nag paimbistiga siya ulit about sa pagkamatay ng kapatid niya. Wala pa siyang nababanggit sa akin about doon. Hindi ko alam ang iniisip niya sa ngayon.”

Wala akong idea kung ano ang mga plano o mga binabalak ni Sebastian ngayon. Sila lang ni Gabriel ang palaging nag uusap. Pinapahanap na rin niya ang mga taong humabol sa akin na gusto akong patayin ngunit wala parin akong balita about doon, wala pa siyang binabanggit sa ‘kin. Alam kong nag aalala lang siya sa akin at sa baby namin ngunit hindi rin ako mapapanatag hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang mga ‘yon.

“Mabuti naman at maayos na kayo.”

“Maayos na kami pero hanggat hindi pa nahuhuli ang mga taong gumawa nito sa akin, hindi kami magiging ligtas.”

Sino sa palagay mo ang gagawa niyan sa ‘yo? Patay na si Hunt, malabo naman na bumangon siya sa hukay para lang balikan ka,” anas niya.

Bigla ako natigilan nang maalala ang itim na Rosas na may itim na ribon na pinadala sa akin noon, at ‘yong manika na pinadala  noong araw ng kasal ko.

“Possible kayang mangyari ‘yon? I mean, possible kayang buhay pa siya?”

Tumawa ito at mahina akong hinampas sa kamay. “Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Si Sebastian mismo ang kumitil sa buhay niya kaya hindi na ‘yon babangon sa libingan niya,” natatawang aniya.

“Pero kasi…”

“Anong pero kasi? “ Iniling ko na lang ang ulo ko at bumuntong hininga. “Wala, h’wag mo nang alalahanin ‘yon.”

‘Yung araw na may regalong pinadala sa bahay na putol ulo ng manika ang laman, may itim na ribbon na nakakabit doon sa box , at bago kami inatake ni Hunt sa bahay noon ay may natanggap din akong isang hairpin na may black ribbon design at isang black email.

Nakakapagduda, kahit patay na si Hunt at Luie ay patuloy akong nakakatanggap ng kung ano-ano na may black ribbon. Hindi kaya, may iba pa siyang kasamahan na gustong gumanti sa akin?

“Uy, kinakausap kita.” Napabalik ako sa aking huwisyo nang tapikin ni Ally ang kamay ko.

“Ha? Ano ulit ‘yon?”

Ngumiwi ito. “Sabi ko na nga ba hindi ka nakikinig, e. Ang sabi ko, labas muna tayo rito para naman hindi ka ma suffocate sa k’wartong ‘to.”

“Ah, sige ,” sagot ko at mahinang tumawa.

Kinuha niya ang wheelchair sa gilid ng mesa at inalalayan akong bumaba sa kama at saka niya ko pinaupo ro’n.

“Na saan ba si Seb?” tanong niya habang tulak-tulak ako.

“I don’t know, sabi niya tatawagan niya lang si Gabriel pero hindi pa bumabalik.”

“Baka may pinuntahan?”

“Ewan, wala naman siyang sinabi.”

Nasa hallway na kami palabas ng entrance nang biglang tumunog ang cellphone ni Ally.

“Si tanda, “ sambit niya habang nakatingin sa screen ng phone niya.

“Sagutin ko lang ha.” Tumango naman ako. Lumayo muna siya para sagutin ang tawag. Patuloy parin pala sa trabaho niya ang matandang hukluban na ‘yon. Kailan pa kaya bababa sa position niya ‘yon? Mas deserving pa si Ally maging head ng prosecution.

Tinulak-tulak ko ang sarili ko sa wheelchair para mag libot-libot habang may kausap pa si Ally.

Napadpad ako sa garden ng hospital kung saan tumatambay ang ibang mga pasyente pag nababagot. Hapon na rin  at wala na masiyadong tao dito sa labas. Tinulak ko ang gulong ng wheelchair ko para mag libot-libot nang bigla rin akong napatigil. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko.

“Sa wakas nakita rin kita, dating Prosecutor Calista Javier.”

Ngumisi ito at humakbang papalapit sa akin.

“Morrei ”

“Ang tagal din kitang hinanap. Hindi kita ma tyempohan dahil palagi mong kasama si Berk.” Tinignan niya ako ng maitim na mas lalong ikinatakot ko.

“Kung gano’n, ikaw ang may gawa sa ‘kin nito? “ Pilit kong tinago ang aking takot at nakipaglaban ng titig sa kaniya.

Humalakhak ito at napahawak sa baba niya.

“Sa nangyaring aksidente sa ‘yo ay hindi ako ang may gawa. Sayang nga inunahan ako. “Mahigpit akong napahawak sa gulong ng wheelchair ko.

“Hindi na ako nag taka kung naging sindikato ang anak mo, dahil kriminal din pala ang ama niya.”

Umigting ang panga niya at hinwakan ako sa baba

“Kayo ang may kasalanan ni Berk kung bakit namatay ang anak ko!” galit na asik nito sa akin.

“Wala kaming kasalanan! Siya nga dapat ang may atraso sa akin dahil muntik niya na akong patayin!” Hinawakan ko ang kamay niya at pwersahan na inalis iyon sa baba ko.

Umitim lalo ang titig niya sa akin, pakiramdam ko ay nagdilim ang kaniyang mukha dahil sa galit. “Walang hiya ka!” Hinawakan niya ako sa aking leeg at sinakal ako.

“B-Bitawan mo ako! “ Pilit kong inaalis ang ang kamay niya ngunit mas lalo itong humihigpit.

“M-Morrei—” Kinakapos na ako ng hininga dahil mas lalong humihigpit ang pagkakasal niya sa akin.

Gustohin ko mang sumigaw ngunit hindi na ako makapag salita pa.

Napa-ubo ako habang habol-habol ang aking hininga nang mabitawan niya ako.

“Ate, ayos ka lang po!?” Napatingin ako sa isang batang lalaki na nakasuot ng hospital gown na nasa harap ko. Nakita ko si Morrei sa gilid na namimilit sa sakit. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng bata dahil sa mabilis na pangyayari, ang alam ko lang ay sigurado akong tinarget niya ang ilalim nito.

“Walang hiya kang bata ka!” sigaw ni Morrei habang namimilipit sa sakit.

“Ate, tara na po!” Agad niyang tinulak ang wheelchair ko at tumakbo papasok. Habol-habol ko parin ang aking hininga habang napapahawak sa aking leeg.

“Kuya, tulong po!” sigaw ng bata nang may masalubong kaming lalaki malapit sa entrance. Nakasuot ito ng mask at sumbrero kaya hindi ko nakikita ang mukha nito.

Huminto kami sa harap ng lalaki. “K-Kuya, ‘yung mamang nandoon po sa labas ay sinaktan si ate, s-sinakal niya po so ate, “ hingal na sumbong ng bata sa lalaki.

Napayuko ang lalaki para tignan ako. “Oh, Calista, nag kita tayo ulit.”

Napa-awang ang aking mga labi nang marinig ang nakakakilabot niyang boses. Gumuhit ang takot sa aking dibdib habang nakatitig ako sa kaniya.

“S-Sino ka?” Rinig na rinig ko ang kabog ng aking dibdib habang nakatingin sa kaniya.

Tumawa ito at dahan-dahan niyang tinanggal ang suot niyang mask.

“S-Sandali, kilala kita.”

Ngumisi ito at may dinukot sa kaniyang bulsa.

“Mabuti naman at naalala mo pa ako, magiging aware ka na kung sino ako.” Kinuha niya ang aking kamay at may nilagay dito.

Napatingin ako sa bagay na kaniyang binigay. Nanlaki ang aking mga mata at halos manuyo ang aking lalamunan nang makita ito. Ang hair clip na may itim na ribbon.

Unti-unti kong inangat ang aking tingin sa kaniya at nakita ko ang kaniyang nakakatakot na ngisi.

“Oh, I’m sorry,” ani ng isang lalaking nabangga ako.

“No, it’s okay.” Buti na lang ay hindi niya ako natapunan ng kape na dala niya.

“Keep an eye out for yourself next time,” kunot noong saad ni Seb sa lalaki. Ito naman napaka oa.

“I am really sorry,” paghingi ulit ng despensa ng lalaki.

Seb tsked, napakasuplado talaga.

“No worries, no big deal,” aniko at nginitian siya. Bigla itong yumuko at may pinulot sa sahig.

“Nahulog mo ata ‘to.” Inabot niya sa akin ang isang ipit na may itim na ribbon.

“Hindi akin ‘to,” saad ko ngunit nginitian niya lang ako at nag lakad na papunta sa isang table.

 

My lips parted nang maalala ko na siya rin ang nag bigay ng hair clip na ‘to sa akin noon.

“I-Ikaw… ”

“Na g-gets mo na ba, Calista?”

Hindi maaari.

Unti-unti ko nang napapagtagpi-tagpi sa utak ko ang lahat. ‘Yong itim na rosas, ‘yong manikang pinadala sa akin noong araw ng kasal ko at itong hair clip na ‘to ay sa kaniya galing. Sigurado akong konektado siya kay Hunt.

“S-Sino ka?” na-uutal kong tanong.

Napakamot ito sa kaniyang batok habang nakatingin sa akin. “Akala ko ba matalino ka? Kaya mo nga mag resolba ng kaso pero ako hindi mo nakikilala?” Tumawa ito at idinampi ang kaniyang daliri sa aking pisngi at yumuko ito para ilapit ang kaniyang mukha sa tenga ko.

“Masiyado na kayong naging kampante noong namatay si Hunt. Hindi niyo man lang alam kung sino ang tunay niyong kalaban.” Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya, pakiramdam ko ay tumayo ang mga balahibo ko.

Kung hindi si Hunt ang ulo ng sindikatong ‘yon, maaring…

“Ikaw si S-Scorpio?”

“Calista!” Agad siyang lumayo sa akin nang may marinig na tumawag sa akin. Nakita kong papalapit sa akin si Sebastian kasama si Gabriel.

“Isa pa pala, ako ang dahilan kung bakit nakulong ang ama mo.”

“A-Ano?”

Hangang sa muli, Cali.” Muli itong ngumisi at ibinalik ang kaniyang mask saka nag madaling umalis.

“Where have you been!? Kanina ka pa namin hinahanap,” ani Seb nang makalapit ito sa akin.

Nanginginig ako at hindi ko na namalayan ang mga luha kong nag uumpisa nang mahulog

Siya ang may kagagawan kung bakit nakulong si Papa?

“H-Hey, what happened?” Bumaba si Sebastian para makalevel ako.

“S-Si Scorpio, nandito.”

“Si Scorpio? Siya ‘yung lalaking nandito kanina!?”

Inangat ko ang tingin sa kaniya. “’Yong lalaking nakabangga sa akin noon sa coffee shop, siya si Scorpio, siya ang nag padala ng lahat ng mga bagay na natatanggap ko.”

Biglang gumuhit sa mukha ni Sebastian ang galit. Nag katinginan sila ni Gabriel at akma sanang aalis nang hawakan ko ang kamay niya. “H’wag mo ‘kong iwan, h’wag kang umalis. N-Nadito rin si Morrei.” Himikbi ako na mas lalong nag padilim sa aura ni Sebastian.

Muli itong bumaba at hinawakan ang aking mukha. “Anong ginawa nila sa ‘yo?” Ramdam ko ang galit at pagkamuhi sa tono ng boses niya.

“Sinakal niya si Ate. Sinakal ng mama si ate kanina.” Napatingin si Sebastian sa likod ko. Nandito parin pala ‘yong bata sa likuran ko.

Tinignan ako ni Sebastian ngunit hindi siya nag salita. Ramdam ko pa rin ang galit sa maitim niyang awra.

Tinignan niya si Gabriel na agad namang nakuha ang gusto niyang ipahiwatig. Agad naman itong tumakbo para habulin ang mga ‘yon.

“Shhhh… calm down, nandito na ako,” aniya nang mapansin na nanginginig ang mga kamay ko.

Pinahid niya ang mga luha ko at hinalikan ako sa noo.”

“Kailangan mo nang bumalik sa k’warto, “ saad niya tumayo.

Lumapit ang bata sa harap ko.

“Ate, sa susunod po kung lalabas po kayo, sabihin niyo po sa akin ha. Nasa room 064 lang po ako, sasamahan ko po kayo,” anas ng batang lalaki. Siguro ay nasa eight to nine years old ito.

“Anong pangalan mo? “ tanong ko sa kaniya.

“Timmy po!” Napangiti naman ako. “Salamat, Timmy. Salamat sa pag ligtas mo sa akin mula sa mamang ‘yon.” Ibinuka ko ang aking mga braso upang yakapin siya.

“Walang ano man po ‘yon, ate,” nakangiting aniya.

“Ikaw pala ang nag ligtas sa kaniya. Anong ginawa mo?” tanong sa kaniya ni Sebastian.

“Sinipa ko po siya sa balls hihi.” Tumawa si Sebastian dahil sa sinabi niya.

“Magaling ang ginawa mong ‘yon, Timmy,” saad niya at ginulo ang buhok ng bata.

Nag simula na silang mag lakad habang tulak-tulak ako ni Sebastian.

“Sabi kasi ni Papa pag may bad guys daw at gusto akong gawan ng masama, sipain ko daw sa balls,” proud na anito.

“Ang galing naman ng papa mo kung gano’n,” natatawang sabi ni Seb.

Magkausap lang silang dalawa habang ako ay tahimik lang at iniisip parin ang sinabi sa akin ni Scorpio kanina. Siya ang dahilan kung bakit naging kriminal ang papa ko. Hayop siya! Mapapatay ko siya!

Kumuyom ang aking kamao kasabay ng pag patak ng luha ko.

Pag dating namin sa k’warto ay agad kaming sinalubong ni Ally.

Si Timmy naman ay bumalik na rin sa kwarto niya.

“Saan ka ba nag punta? Sinagot ko lang ‘yong tawag, bigla ka nang nawala,” aniya habang inaalalayan nila ako ni Sebastian na makaupo sa kama.

“Nag libot-libot lang ako,” saad ko at tinignan si Seb. Ayokong ikwento kay Ally ang nangyari, ayokong pati siya ay mag aalala at mamroblema sa akin. Marami siyang trabaho na nag hihintay sa kaniya sa prosecutor’s office kailangan niyang mga focus sa mga kasong hawak niya para maibigay niya ang hustisya sa mga taong nangangailangan nito.

“Pinakaba mo ako. Akala ko may nangyari nang masama sa ‘yo.

Mapakla ko siyang nginitian. “Okay lang ako, napaka praning mo talaga, “ Peke akong tumawa. Gusto kong umiyak sa mga nalaman ko ngunit ayokong ipakita ito kay Ally.

Napatingin si Sebastian sa akin na nakaupo sa sofa. I know what he’s thinking right now.

“Sira-ulo ka talaga.” Pinitik ni Ally ang aking noo.

“Sige na, aalis na ako dahil mag gagabi na,” aniya at hinalikan ako sa pisngi.

“Sige, mag iingat ka. Salamat sa pag bisita.”

Nang makaalis na si Ally ay nilapitan ako ni Sebastian sa kama at niyakap.

“May masakit ba sa ‘yo?”

Iniharap niya ako sa kaniya at hinalikan ako sa noo. “Mag sabi ka kung may masakit sa ‘yo, ipapatawag ko si ate,” saad niya.

“Wala naman, medyo napagod lang ako sa nangyari.”

“Nagugutom ka? Gusto mo kumain?”

Umiling ako at yumakap sa leeg niya.

“Okay lang ako, busog pa ako.” Hinalikan ko ang gilid ng kaniyang leeg.

“Sige na, mag pahinga ka na.” Inihiga niya ako sa kama at kinumutan t’saka ako hinalikan sa mga labi.

“Gigisingin na lang kita mamaya kung oras na ng pagkain at pag inom mo ng gamot.”

Nginitian ko siya at ipinikit ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay nanghihina parin ako. Parang hindi pa lahat nag sisink-in sa utak ko ang mga nangyari at nalaman ko kanina.

“Sleep well, babe.” Narinig kong aniya at naramdaman ko ang pag dampi ng kaniyang labi sa aking noo.

Nagising ako dahil sa ingay ng nag uusap. Nakita kong nag uusap si Gabriel at  Sebastian sa sofa.

“Nandito ka na pala, Gab.” Napatingin silang dalawa sa aking gawi.

“Oh, nagising ka ba namin?” Lumapit si Sebastian sa akin at hinawi ang mga hibla ng aking buhok sa pisngi.

“Okay lang nagugutom na rin naman ako, ” saad ko.

“Anong gusto mong kainin?” Inangat niya ang kama ko para makasandal ako.

“Kahit ano na lang.”

“Sige, lalabas lang ako.”  Hinalikan niya muna ako sa ulo. “Bro, dito kana muna.” Tumango naman si Gab bilang sagot.

“Kumusta ang pag hahabol mo kanina?” tanong ko sa kaniya nang makalabas si Sebastian.

“Hindi ko sila naabutan,” saad niya at inabot ang dyaryo na nasa mesa.

“Akalain mo ‘yon, sabay pa talaga silang nag pakita sa akin ngayong araw,” natatawang saad ko. Ang tadhana nga naman.

“Ngayon sigurado na tayo na dalawang  mabibigat na sindikato ang kalaban natin. Kasalanan ko rin dahil hindi na ako nag imbistiga pa noong namatay si Hunt. Ang alam nating lahat, si Hunt at si Scorpio ay iisa, hindi pala,” aniya.

“H’wag mong sisihin ang sarili mo, wala kang kasalanan. “

Parehas kaming napatingin sa pinto nang may kumatok at niluwa nito ang dalawang nurse. Isang babae at isang lalaki.”

“Ma’am, oras na po para turukan kayo” Lumapit ang babaeng nurse at may nilabas na injection.

“Ano ‘yan?” tanong ni Gabriel nang  ituturok na ng babaeng nurse sa tube ng dextrose ko ‘yon.

“Antibiotic lang po, sir. “ Tumango na lang si Gabriel at muling ibinalik ang kaniyang tingin sa binabasa niya.

Ilang sigundo lang nang maiturok sa akin ng nurse iyon ay nakaramdam ng pagkahilo.

“B-Bakit ako nahihilo?” tanong ko sa nurse na nakatayo pa rin sa gilid ng kama ko.

Napatingin sa gawi namin si Gabriel. “Anong klaseng antibiotic ba ‘yang tinurok mo?” Tumayo ito para lapitan sana kami nang hampasin siya ng isang lalaking nurse sa ulo gamit ang baril.

“Gab!” sigaw ko nang bumagsak ito sa sahig. Fuck bakit may baril?

Napatingin ako sa lalaking nurse na may hawak na baril na papalapit sa akin.

“N-Nurse tumawag ka ng tulong!” sigaw ko.

 Kumikirot ang ulo ko at unti-unting nanlabo ang aking paningin.

“Nurse ano ba!? “ Inangat ko ang tingin ko sa kaniya nang hindi ito umimik. Sobrang nanlalabo na ang aking paningin at bumibigat na rin ang aking pag hinga.

Tinaggal ng babaeng nurse ang kaniyang suot na mask. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha dahil masiyado na ring nanlalabo ang vision ko.

“Sleep well, Calista,” anito sa akin.

“S-Sino, kayo…” ‘Yon na laman ang nabanggit ko bago nag dilim ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro