Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3


CALISTA

"Prosecutor Javier, sa inyo ko ini-atas ang bagong case ngayon. H'wag kayong magkakamali ni Prosecutor Marquez dahil bigating tao ang mababangga ng prosecution pag nagkataon. Puwedeng-puwede tayong guluhin ni Mr. Morrei," ani ng head prosecutor naming si Sir Manuel.

"Sir, papanigan po natin ang katotohanan. Hindi po bias ang prosecution, kung ano po ang magiging resulta ay 'yon na po 'yon," sagot ko.

Mukhang magiging bias ang matandang 'to.

Wala akong pakialam kung gaano man kayaman ang tatay ng biktima o ang akusado. May proseso ang kaso at sa makatotohanan lang ako papanig.

"Pinapaalala ko lang sa 'yo na pag nagkamali ka ay mag kakaproblema tayo."

Umirap ako dahil sa sinabi niya.

"Sir, sa amin po ini-atas ang kaso, bakit parang kayo po ang namomroblema? Sir, dadaan po sa maayos na proseso ang kaso at hindi sa maduming paraan. Gagawin po namin ang trabaho namin bilang isang prosecutor."

Kumunot ang kaniyang noo dahil sa sagot ko. "Prosecutor Javier, I'm warning you," aniya sa tonong nagbabanta.

Nginitian ko lang siya ng payak bago bahagyang yumuko at lumabas ng opisina niya.

Alam ko na ang gusto niya, ang ipanalo agad ang kaso laban kay Berk.

"Oh? Ano ang sabi? Bakit pinatawag kang mag-isa?" tanong ni Ally nang makabalik ako sa opisina namin.

"Mukhang magiging bias si Tanda dahil binantaan niya ako, tayo. Hindi pa tapos ang imbestigasyon ngunit gusto niya na agad ipanalo ang kaso laban kay Berk." Umupo ako at binuksan ang folder kung saan nakasulat ang case ni Berk.

Narinig kong mahinang tumawa si Ally. "Huwag mong pansinin 'yon. Takot lang 'yon kay Mr. Morrei, palibhasa kasi makapangyarihan 'yon."

"Wala akong pakialam kung makapangyarihan man o ano. Kailangan natin malaman ang totoo."

Kinuha ko ang log book at hinanap ang numero ng opisina ni Atty. Sauveterre para tawagan.

"Hello? This is Prosecutor Calista Javier from the prosecutor's office. Nandiyan pa ba si Atty. Naecy Sauveterre?"

"Yes, speaking," sagot sa kabilang linya.

Pagkatapos naming mag-usap ni Attorney ay nagpasama ako kay Ally sa crime scene.

"Nagsagawa na ng imbestigasyon ang mga imbestigador dito kanina. At wala nang ebidensiya na nakita bukod sa baril na ginamit ng suspek sa pagpatay," ani Ally habang tinutulungan ako sa paghahanap.

Napailing ako. "Naniniwala akong hindi niya pinatay ang biktima kaya kailangan nating makahanap pa ng ebidensiya."

Napalingon siya sa gawi ko nang sabihin ko iyon.

"Oh? Paano mo naman nasabi? E, nakita na nga ang fingerprint niya sa baril."

Tinignan ko siya. "Talagang makikita ang fingerprint niya dahil inagaw niya ang baril sa lalaking 'yon."

Nagulat siya sa sinabi ko.

Tanginang bibig 'to.

Kahit ako ay nagulat din sa sinabi ko. Kahit kailan talaga 'tong bibig ko.

"Teka nga lang... bakit ganiyan ka mag salita? Parang sigurado ka namang gano'n nga ang nangyari?" naguguluhan nitong tanong saka pumamewang.

Huminga ako nang malalim at seryoso siyang tinignan. Wala na akong choice kundi sabihin ang nalalaman ko.

"Nandito ako kagabi... witness ako."

Natigilan siya at parang hindi makapaniwala sa narinig. "A-Ano? Anong ibig mong sabihin?"

"Matapos ang huling trial natin ay pumunta ako sa bar kagabi. Tinawagan kita mga alas-onse dahil flat ang gulong ng sasakyan ko ngunit biglang namatay ang telepono ko. Naisip ko na lang na lakarin pauwi kaya sa eskinita ako dumaan para shortcut."

Napaawang ang mga labi niya. "Oh, my God! Kung gano'n ay nakita mo ang pangyayari?"

Napalunok ako bago ko ibinuka ang bibig para magsalita ulit. "Sinusundan ako ng lalaking si Mark Morrei na 'yon kagabi. May hawak siyang baril at may plano siyang gahasain o patayin ako."

Napatakip si Ally sa kaniyang bibig dahil sa gulat.

"Si Berk. Si Berk ang nag ligtas sa akin mula sa lalaking 'yon. Kung hindi siya dumating ay bangkay ko ang makikita rito sa eskinita at hindi kay Mark."

"What the fuck! Bakit ka kasi rito dumaan?!" naiinis na asik niya.

"Hindi ko naman alam," sagot ko.

"Diyos ko naman! Kung gano'n... nakita at nasaksihan mo ang lahat na naganap dito kagabi?"

Dahan-dahan kong iniling ang ulo ko.

"Pinatakbo ako ni Berk. Hindi ko na nakita ang mga sumunod na nangyari."

"Oh, God! Kung gano'n ay hindi imposible na si Berk pa rin ang pumatay dahil dalawang fingerprint lang ang nakita sa baril. Fingerprint niya at ang fingerprint ng biktima."

Umiling ako.

"Naniniwala akong hindi niya 'yon ginawa," sagot ko.

"Paano ka nakakasiguro? E, wala na ngang nahanap na ibang ebidensya at hindi mo rin naman nakita ang sumunod na nangyari rito kagabi."

"Ally, naniniwala akong hindi 'yon ginawa ni Berk. Kaya nga niligtas niya ako sa kamatayan ko, e. Niligtas niya ang taong hindi niya kilala sa bingit ng kamatayan tapos papatay siya? Wala siyang rason para pumatay, Ally," saad ko at nagpatuloy na sa ginagawa kong paghahanap.

"You don't know, Cal. Hindi mo siya kilala, hindi porket niligtas ka niya, hindi na siya gagawa ng masama."

I shrugged.

Nakakakinis 'tong babaeng 'to. Prosecutor ba talaga 'to? Sinabi-sabi ko pa kasi!

"Kaya nga nandito tayo para maghanap pa ng ebidensya 'di ba?" naaasar na sagot ko sa kaniya.

Ayokong maging bias kaya gagawin ko ang lahat para makahanap ng ebidensya at mapawalang-sala siya. Hindi dahil sa nakokonsensya ako kundi malakas lang talaga ang pakiramdam ko.

"A-Ate?"

Napalingon kami ni Ally sa isang batang mukhang nasa dose o kinse ang edad.

"Mga police po ba kayo?" tanong niya.

Napansin kong mahigpit ang hawak niya sa cellphone niya. Nakakapagtaka.

Marahan kong iniling ang ulo bago ito nginitian. "Hindi, mga prosecutor kami," sagot ko.

"Gano'n po ba? May ipapakita po ako sa inyo." Lumapit siya sa amin habang bitbit ang kaniyang cellphone.

Inilahad niya ito kaya kinuha ko naman at tinignan namin ang video na nandoon.

Napaawang ang bibig ko nang makita ang video. Matapos iwan ni Berk ang lalaki pati ang baril ay may isang grupo ng kalalakihan ang dumating at binugbog si Mark.

Maya-maya pa'y bigla akong napahawak sa sariling bibig nang makita ang isang lalaking may hawak na baril, kutob ko'y parehong baril lang din ito ng hinawakan ni Berk kanina. Masyado ring madilim ang eskinita para makita namin ang mukha ng may hawak na baril.

"Oh my God!" Both Ally and I exclaimed in chorus as we also winced the moment the man pulled the trigger. Kitang-kita namin kung paano bumagsak si Mark.

Natapos ang durasyon ng bidyo na pareho naming hawak ang sariling dibdib. Tila parang naestatwa pa kami pagkatapos panoorin ang sensitibong bidyo na iyon, pero kahit papaano ay nalaman naman din namin na hindi talaga si Berk ang pumatay kay Mark.

"You're right, Cal," aniya. Nagkatinginan kaming dalawa na parang parehas alam ang susunod na gagawin.

"Paano ka nagkaroon nito?" sunod na tanong ni Ally sa bata.

"Diyan po ako nakatira." Tinuro ng bata ang isang lumang apartment sa gilid ng pinangyarihan ng krimen.

"Diyan ka nakatira?"

Tumango-tango siya bilang sagot sa 'kin.

"Akala ko ay wala nang tumira riyan?" ani Ally.

Akala ko nga rin abandonado na ang apartment na 'yan.

"Kahapon lang po kami lumipat ng ate ko riyan. Nagkataon pong umalis siya kagabi dahil may pinuntahan at ako lang ang naiwan."

Hinawakan ko siya sa balikat. "Alam mo ba na malaking tulong ito sa mamang inakusahan ng pagpatay sa lalaking 'yon?"

Tumango ang bata. "Opo. Nakita ko nga rin po kanina sa balita na Wanted siya."

"Bakit hindi mo binigay sa mga pulis kanina noong nandito sila?" tanong ni Ally sa bata.

"Natakot po kasi ako. Baka po kasi pag binigay ko 'to sa mga pulis, e, balikan kami ng mga taong pumatay doon sa lalaki."

Hinawakan ko siya sa pisngi. "Huwag kang mag-alala. Po-protektahan ka namin, po-protektahan namin kayo ng ate mo. Pero puwede ka bang makipagtulungan sa amin para malinis ang pangalan no'ng mamang inakusahan?"

Tinignan niya ako. Ilang sandali lang ay dahan-dahan siyang tumango.

"Opo, ate."

***

SEBASTIAN

"Kumusta ang kaso? May tsansa bang malinis ang pangalan ko?"

Ngumiti ng malapad si Attorney. "May anghel na tumulong sa atin, Seb. Malaki ang tsansa ng mapawalang sala ka," aniya.

"W-What do you mean? Nahanap na ba ang totoong suspek?"

"Hindi pa pero ang kaso mo ay puwedeng bumaba sa assault dahil may isang prosecutor na nakahanap ng bagong ebidensya na nagpapatunay na inosente ka," saad naman ni Gabriel na nakaupo sa tabi ni Attorney.

"Really? Sinong prosecutor?"

"Malalaman mo mamaya. Sa ngayon ay maghanda ka muna para sa interogasyon," ani Attorney.

Salamat naman.

Malaki ang tsansa na mapapatunayan kong inosente ako. Hindi talaga ako pwedeng makulong dahil hahanapin ko pa ang Scorpio na 'yon.

Ilang sandali lang ay dinala na ako sa interrogation room para sa interview.

Napaawang ang bibig ko nang makita kung sino ang nasa loob ng kuwartong iyon. It was the girl from last night! The girl I saved from hostage.

"Siya si Prosecutor Calista Javier. Siya ang mag-i-interrogate sa 'yo," ani ng police na kasama ko.

Nginitian niya lang ako at sinenyasan na umupo.

Kunotnoo naman akong tumingin sa babae. "P-Prosecutor ka?"

Sumilay muli ang maganda nitong ngiti bago marahan na tumango.

"Alam mong wala akong kasalanan. Niligtas lang kita," bulong ko sa sarili habang nakayuko. Ngunit mukhang nakaabot din sa tainga niya ang bulong ko lang sana sa sarili.

"Shhh... I know," mahina nitong sagot bago binuksan ang laptop. Tumingin siya sa sulok sa itaas at sumenyas ito. Napatingin naman ako sa direksyon kung saan siya nakatingin at nakita ko ang isang CCTV camera.

"I need to know everything. Sabihin mo ang lahat ng mga nangyari." Binalik niya sa akin ang tingin at matiim akong tinitigan na parang pinaparating na kailangan ko siyang pagkatiwalaan kung gusto ko mang malinis ang sariling pangalan.

"Ano ang nangyari noong gabing 'yon?"

Wala akong magawa kundi ang magsalita. Alam kong makakatulong siya sa 'kin. Utang niya rin sa 'kin ang buhay niya.

"Pauwi na ako kagabi nang mapansin kong may isang babaeng naglalakad patungo sa loob ng eskinita."

She gave me a glance but soon she put her attention back to her laptop. She was focused on typing things, and it's obvious to say she's writing my statement.

"Noong una ay hindi ko pinansin ngunit noong nakita kong may lalaking sumusunod sa kaniya ay nangamba ako."

Muli siyang napatigil sa pagpipindot mula sa laptop at muli akong tinignan. This time... our eyes met.

"Sinundan ko sila dahil alam kong may gagawing masama ang lalaki. Noong nakapasok na ako sa eskinita ay nakita kong hawak-hawak na ng lalaki ang babae habang tinututokan ito ng baril kaya hindi na ako nag dalawang-isip na tulungan ang babae."

Her eyes feels like talking, like there's something she wanted to say but she can't. Instead, she cleared her throat before nodding and putting her attention back to her laptop.

"I strongly held his shoulder before doing the next move, by twisting his arm so the girl would be freed."

Muli siyang pumindot-pindot sa keyboard niya. I can see her throat going up and down. I definitely know she's in shock by what she has heard, but that's honestly the truth.

"Kinuha ko ang baril niyang nahulog sa lupa at agad na tinutok sa kaniya. I immediately told the girl to run as fast as she can. I don't like seeing girls in danger, helpless."

Napansin kong muli siyang tumigil sa pagpipindot-pindot niya ngunit nanatili pa rin ang kaniyang tingin doon sa screen ng laptop niya.

"Nang mawala sa paningin ko ang babae ay pinutok ko sa itaas ang baril para takutin ang lalaki. And luckily, I successfully did it, he was scared. The next thing I did was to give him a beating. I beat and punched him until he begged no more. I should've left him dead there, but my guts were telling me to let him live. And so, I left him there at the ground, feeling the pain of the punches I gave him. Iniwan ko rin ang baril niya sa tabi bago ako tuluyang umalis sa eskinitang iyon."

Nag-angat siya ng tingin sa akin pagkatapos kong sabihin ang statement ko. Then she gave me that look, that look where her eyes were whether asking me if that'll be all, or I have more to tell her.

Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya na tinanong ko ang lalaki patungkol kay Scorpio na 'yon. Ako lang dapat ang makakaalam no'n dahil gusto kong ako ang unang makahanap sa hayop na 'yon.

"Kung gano'n ay kailangan nating mahanap ang babaeng niligtas mo para maging witness mo sa kaso."

Our eyes met again. A meaningful smile then followed before she closes her laptop. Napakunotnoo naman ako habang hinahayaang lunurin ng mga tanong na hindi ko alam kung masasagot ba ng isipan ko ang isip ko. But one question really left me hanging, hoping to find an answer.

Will she stand as a witness herself in my case?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro