CHAPTER 24
CHAPTER 24
CALISTA
“Sebastian Berk bumangon ka!” tuloy-tuloy akong humahagulgol habang nakabaon ang aking mukha sa kaniyang dibdib.
“I hate you,” bulong ko na lang. Nanghihina ako na pawang tinakasan ako ng buong lakas ko. Ang sakit ng puso ko at parang nawalan na ako ng ganang gumalaw pa.
Narinig kong may tumunog na nahulog sa sahig kaya umalis ako sa pagkakayakap sa kaniya at tinignan ang bagay na nahulog sa ilalim ng kama.
Pinulot ko ang isang maliit na kahon na kulay itim.
“Parang mali ata na naisip kong gawin ang bagay na ‘to.” Napalingon ako at nagulat nang makitang nakaupo siya sa kama habang tinititigan ako habang nakangiti pa.
“S-Seb…” Binuka niya ang mga braso niya na parang sumesenyas ng yakap.
Napakagat labi ako habang tuloy-tuloy ang pag bagsak ng mga luha.
“P-Paanong b-buhay ka?” na uutal na tanong ko.
Totoo ba ‘to? Hindi ba ako nanaginip?
“Hindi pa ako mamamatay.” Ngumisi ito at sumenyas ng yakap.
“Siraulo ka talaga!” Niyakap ko siya ng mahigpit. Oh, God! Kahit gago ang taong ‘to, mahal na mahal ko ‘to. “Buhayka ba t-talaga?”
Kumalas ako sa kaniya at hinawakan ng dalawang kamay ko ang pisngi niya.
“I’m alive. Hindi pa ako mamamatay hanggat hindi mo pa ako nabibigyan ng isang dosenang anak. “
Hinampas ko ito sa dibdib. “Gago ka talaga!!” Naiiyak na naman ako. Tangina kasi ‘tong taong ‘to, e!
Kinuha niya sa ‘kin ang maliit na kahon na nahulog kanina.
“Babe, hindi pa ako p’wedeng mamatay dahil marami pa tayong gagawin na magkasama.”
Bumaba ito sa kama at pumunta sa harapan ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at itinayo ako.
“May isang bagay akong gustong itanong sa ‘yo, at gustong-gusto ko na marinig ang sagot mo.”
Umawang ang labi ko nang bigla itong lumuhod.
“B-Babe…” Rinig na rinig ko ang kabog ng puso ko. Parang may nagwawala sa loob ko.
“Calista Javier, be my forever.”
Napatakip ako ng bibig nang buksan niya ang ang kahon.
“Please marry me, my one and only prosecutor.”
Napakagat labi ako dahil hindi ko mapigilan ang aking pag-iyak.
Hinampas-hampas ko siya sa balikat habang umiiyak. “Siraulo ka talaga! Kaya ba plinano mong palabasin na patay ka!?”
Tumawa ito at napakamot sa ulo. “Sabi kasi nila dapat daw memorable ang proposal—aw!
Hinampas ko nga. Siraulo talaga!
“Napakasalbahe mo!” Tuloy lang ako sa pag-iyak, nakakainis siya!
“Mamaya mo na nga ako sermonan.” Tumawa ito. “Sagotin mo muna ako. Will you marry me?”
“Oo naman! Gago, baka mamaya matuloyan ka talaga, hindi na kita mapapakasala—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang tumayo at siniil ako ng halik. Napapikit na lanang ako at napayakap sa batok niya.
Nang maghiwalay ang mga labi namin ay isinuot niya ang singsing sa daliri ko.
“You have no idea how happy I am, babe.” Pinahid niya ang mga luha sa pisngi ko at niyakap ako ng mahigpit.
“Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan kanina, tangina ka talaga!”
Mahina ko itong sinuntok sa braso kaya kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.
“Kanina mo pa ako minumura, ha.” Sinaaman ko ito ng tingin.
“Eh, ikaw kasi, e!” Sobra akong nasaktan sa fake death niya. Kung totoong nangyari ‘yon, hindi ko na alam ang gagawin ko.
“I’m sorry, kung pinaiyak kita ng gano’n. Pangako, hindi ko na uulitin ang bagay na ‘yon.” Muli niya akong hinalikan sa mga labi.
Napapikit ako habang tumutulo ang mga luha ko. Oh, God! Hindi niyo po alam kung gaano ako kasaya ng nalaman na hindi totoo ‘yon.
Nagulat kaming pareho nang biglang may nag putukan.
“CONGRATULATIONS!”
Sila Ate Pam, Gabriel, Kishia, Ally at Ate Aileen.
“What the heck?” Papalit-palit ang tingin ko kay ate Aileen at Ally.
“Alam niyo ‘to?” Tumango-tango silang dalawa.
“Bago ka pa pumunta sa bahay kanina, dumaan na ro’n si Seb,” saad ni Ate Aileen.
Nilingon ko naman si Sebastian. “Kung gano’n, magkakilala na kayo?” Nakangiti itong tumango.
“So, umaarte ka lang pala kanina ate!?” Tumawa ito. “Sabi kasi ni Sebastian secret, e.”
Muli kong binalik ang tingin kay Sebastian.
“Secret nga kasi,” natatawang aniya.
“Eh, ikaw Ally?” baling ko kay Ally.
“Oo, sa totoo niyan kahapon pa ako tinawagan ni Sebastian sa prosecutor's office about dito, e.”
Napailing na lang ako.
“I can’t believe you all.”
Lahat pala ng pa iyak-iyak nila Gabriel at ate Pamela ay pag arte lang.
“Pasado na ba kami maging artista, bro?” tanong ni Ate Pam kay Seb.
Nag thumbs up naman si Sebastian sa kaniya habang natatawa.
“Eh, ano ‘yang nga dugo sa damit at gasgas mo Gab?” tanong ko kay Gabriel.
“At ikaw, meron ka rin! Ang putla mo pa.” Sinuri ko ang buong katawan ni Sebastian.
“Make up lang ‘yan. Hindi ko ba nasasabi sa ‘yo na magaling din mag make-up si Ate?”
“Itong mga sugat naman ay prosthetics lang, then itong mga dugo ay fake bloods,” ani naman ni Gabriel.
“Ibang klase kayo.” Napailing na lang ako.
Hindi ko lubos maisip na gagawin nila ang bagay na ‘to para lang mapa oo ako.
Nararamdaman kong pumulupot ang braso ni Sebastian sa bewang ko mula sa likod.
“Ang mahalaga, pumayag ka na na mag pakasal sa ‘kin.”Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko.
“Kawawa ka naman kasi kung tinanggihan kita. Nilevel up mo na pakulo mo tapos irereject lang kita? Edi masakit sa ego ‘yon.”
“Sus, parang hindi mo ako inayakan ng sobra kanina ah?”
Hinarap ko ito at pinitik sa noo.
“Sino ang hindi iiyak sa gan’on, loko!”
Nagsitawanan na lang silang lahat.
“I love you,” he whispered.
“I love you too.”
Hindi ko inaasahan sa ganitong pangyayari magaganap ang proposal na matagal ko nang pinapangarap.
Sinabi ko kasi noon na hinding-hindi ako magpapakasal sa isang lalaki hanggat hindi nag e-effort para sa proposal. Umaasa talaga ako na magiging romantic ang proposal ni Seb, nakalimutan ko atang mafia boss pala ito at brutal.
Aside of that, ang saya ko dahil ikakasal na ako sa taong pinakamamahal ko.
Matapos ang mga nangyari, deserve ko naman sigurong maging masaya sa piling niya ‘diba?
Wala na siguro akong mahihiling pa kundi ang makapiling lang ang taong ‘to hanggat nabubuhay ako sa mundo.
Matapos ang proposal na iyon ay agad na nilang inayos ang kasal. Ayaw na raw patagalin ni Sebastian dahil wala na rin naman kaming hihintayin. Umuwi rin ang mga magulang niya galing Spain nang nalaman na ikakasal na ang unico ijo nila.
Everyone are excited. Tumulong din ang headbangers niyang mga kaibigan. Si Angelo at Primo ang sasagot ng reception, kaya hindi na kami mahihirapan mag hanap ng mga magagaling na chef dahil mga employees na ni Angelo ang gagawa no’n. Si Wyatt naman nag donate lang ng pera, billionaire ang taong ‘yon kaya parang barya na lang sa kaniya. Si Yves, sagot na niya ang bridal car, palibhasa may-ari ng ng isang car company. Si Yvan naman ay sinagot na ang private plane na gagamitin namin para sa honeymoon, the rest, cash na ang binigay.
Actually, wala masiyadong gagastusin sa kasal dahil sinagot na ng mga kaibigan niya. Iba talaga pag may mga kaibigan kang mayayaman, mapapasave ka haha.
“Ahh! Miss ko na siya, “ ani ko habang nakatingin sa kisame.
“Tiis lang, bawal naman talaga mag kita ang bride at groom bago ang kasal, e. Mamalasin daw,” turan ni Kishia habang nag lalaro ng chess mag isa. Bilib din ako sa babaeng ‘to. Nalilibang niya ang sarili niyang mag isa.
“Uso pa ba ‘yon? Pamahiin pa ‘yon ng mga kanunoan natin, e.”
Aish! Isang linggo na kaming hindi nag kikita ni Sebastian. Doon siya ngayon sa condo niya, habang ako nandito sa bahay kasama si Kishia.
“Mas okay na rin na h’wag kayong mag kita para sure tayong matutuloy ang kasal.”
“Wala namang rason para hindi matuloy ang kasal,” saad ko.
“Malay mo biglang may malaglag na bulalakaw sa gaganapan ng kasal niyo bukas.” Mahina itong tumawa.
“Baliw! H’wag naman.” Tumawa na lang din ako. Hays, miss ko na ang sira-ulong lalaking ‘yon.
“Wala na ba tayong gagawin? Nakakabagot dito.” Tumayo ito at niligpit ang nilalaro niya.
“Ipamigay na lang natin ang mga invitations na hindi pa nabibigay,” saad niya at kinuha sa mesa ang mga invitations.
“Good idea! Sandali lang, mag papalit lang ako sa taas,” ani ko at umakyat sa kuwarto para mag palit ng damit ko. Marami pang invitations ang natira kahapon na hindi ko pa napapamigay.
Nakalimutan ko kasing ipadala ang mga invitations kay Ally para ibigay sa mga tao ro’n sa prosecutor's office.
Pag tapos kung mag palit ay agad na akong bumaba. “Tara na? “ Tumango naman ito at binitbit na ang mga invitations.
Sa prosecutor’s office kami dumeretso ni Kishia. Pag pasok ko ro’n ay nasalubong ko agad si tanda sa Lobby.
Nag paiwan kasi si Kishia sa sasakyan.
“Oh, Ms. Javier, what’s bring you here”
Nginitian ko ito. “Hindi na ba ako welcome rito, SIR?” Diniinan ko talaga ang pag sabi ng sir.
“Bakit may appointment ka ba?” Nakataas kilay niyang tanong.
“Well, wala akong appointment pero sigurado ako na hindi ikaw ang pinunta ko.” I smirked.
Umismid lang ito habang nakataas parin ang kilay nito. Kala mo naman pogi, panot e, tsk.
“Kumusta naman kayo ng kriminal mong boyfriend?” Tumalim ang tingin ko sa kaniya. Below the belt na naman itong walang hiyang matanda na ‘to.
Nginisihan ko siya at kinuha ang isang invitation card na sobra at walang pangalan.
“Oh, kunin mo. Invitation ‘yan sa kasal namin. Ilagay mo na lang pangalan mo diyan para papasukin ka sa venue. Maraming pagkain doon, tiyak na mabubusog ka.”
Sumama ang tingin nito sa akin. “ Sa tingin mo ba patay gutom ako?”
Mahina akong tumawa. “Hindi, dahil mukha kang pera. Ciao!” saad ko at nag lakad na. Hindi ko nakita ang reaksyon niya. Wala akong pakialam sa hampas lupang matanda na ‘yon.
Pag pasok ko sa office nila Ally ay nadatnan kong nag uusap sila ni Michael.
“Kung minamalas nga naman,” bulong ko.
“Oh, Cali! Nandito ka pala.” Tumayo si Ally at nilapitan ako, saka niya ako niyakap.
“Nakalimutan ko kasing ibigay sa ‘yo ang invitation card nila ate Kate, e.” sinilip ko ang table nila.
“Wala sila?” tanong ko.
“Umalis sila. May kaso silang iniimbistigahan. Akin na lang, ako ang mag bibigay sa kanila.” Inabot ko naman sa kaniya ang basket.
“Ibigay mo na lang din sa iba na nandito ang invitationni card nila. May mga pangalan naman ‘yan e.”
“Sure, ako na ang bahala. Yiee excited na ako bukas para sa ‘yo!” aniya na parang kinikilig pa.
“Finally! Mrs. Calista Javier— Berk ka na!!” saad niya habang tumitili pa.
“Ikakasal ka?” Napalingon kaming dalawa kay Michael. “Oh, nandito ka pala? Hindi kita napansin ah.” Pag mamaang-maangan ko.
“Answer my question. Ikakasal ka kay Berk?”
Inarkohan ko ito ng kilay. “Ano namang paki mo?”
He tsked. " Sagutin mo na lang kasi!” Aba! Ang lakas naman ng loob niya para sigawan ako.
“Tanga ka ba!? Hindi ba obvious!? At ano namang pakialam mo kung mag papakasal ako?” Nag uumpisa na namang kumulo ang dugo ko dahil sa lalaking ‘to.
“You better cancel your wedding.”
“Huh?” Mahina akong tumawa. “ Inuutosan mo ako? Ano ka, gold?” Ang kapal din ng lalaking ‘to. Sino siya para utusan akong icancel ang wedding ko.
Seryoso niya akong tinignan. “Look, I’m fucking serious here, Cali! Binabalaan kita dahil ikaw lang din ang masasaktan.”
Humalakhak ako dahil sa sinabi niya. “Are you hearing yourself? Ano bang karapatan mo para pigilan ang magiging kasal ko kay Sebastian? Ex lang naman kita, ah!”
Napahilamos na lang ito ng kamay niya sa mukha.
“Makinig ka sa akin, hanggat may kaunti pa akong care sa ‘yo,” malamig na aniya at tumayo.
“Well, hindi ko kailangan ‘yang care mo.” I tsked.
Napailing na lang ako na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Tsk! Wala siya sa lugar para sabihin sa ‘kin ‘yon.
“Ally, alis na ako, ha. See you na lang bukas.” Paalam ko kay Ally.
“Sige, mag-iingat ka.” Nginitian ko na lamang ito bago ko ibinaling ang tingin kay Michael at matiim itong tinignan bago ako lumabas ng office.
Bakit ba sa tuwing pupunta ako rito, palaging nandito ang asungot na ‘yon? Nakakapang-init ng ulo.
Pag labas ko ay ako na ang nag maneho ng sasakyan.
“Oh, bakit ganiyan ang mukha mo?” tanong sa akin ni Kishia.
“Bwenisit kasi ako ng dati kong head at ng ex ko,” walang gana kong sagot.
Narinig ko itong mahinang tumawa. “Kalma, h’wag mo na silang intindihin. Gusto lang nila mambwesit bago ang kasal mo.”
“Nakakapang-init lang kasi ng ulo.”
“Maiinis ka lang talaga lalo kung iintindihin mo pa ‘yon.”
Napahinga ako ng malalim. Bad vibes, lumabas ka sa katawan ko!
“Cali! Look out!!”
“Fuck!” Bigla kong nakabig ang manobela at napaapak sa preno.
“Oh, my God! Nasagasaan ko ba!?” Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat.
Agad kaming bumaba ni Kishia sa sasakyan at tinignan kung nasagasaan namin ang itim na pusa na bigla na lang tumawid sa daan.
“Meow!” Nakahinga naman ako ng malalim nang makita na okay lang ito.
Umupo ako para sana hawakan ito nang bigla itong tumakbo papasok sa kakahuyan.
“Muntikan na ‘yon,” sambit ko.
“Itim na pusa, ‘di ba mamalasin ang makakakita no’n sa daan?”
Na i-angat ko ang tingin ko sa kaniya.
“Naniniwala ka ro’n?” Tumayo ako at parehas na kaming nag lakad papasok ng kotse.
“Oo,” maikling sagot niya.
“Matagal na pamahiin lang ‘yan ng mga matatanda, e,” saad ko inistart na ulit ang sasakyan.
“Kahit na, may mga nagkakatotoo naman.”
Parang kinikilabutan ako dahil sa mga sinasabi nitong si Kishia.
Hindi na ako nag salita pa. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba.
Pag dating namin sa bahay ay inaliw ko ang sarili ko sa panonood ng tv hangang sa gumabi.
Nakahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Kishia kanina.
“Aish! Kainis na man kasi, e!” Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Dapat hindi ako mag isip ng kung ano-ano dahil bukas na ang kasal ko.
“Matulog ka na, Cali. Dapat bukas maganda ka sa kasal mo,” bulong ko sa ‘king sarili.
Ipinikit ko ang mga mata ko ngunit ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay may naramdaman akong brasong yumakap sa ‘kin.
Na i-mulat ko ang aking mga mata at nagulat ako nang makita ko si Sebastian.
“What the fuck! Babe, what are you doing here!?” Napaupo ako dahil sa gulat.
Bakit nandito ang lalaking ‘to? Bawal kami mag kita!
“Na miss kasi kita,” anito habang nakanguso pa.
“Hindi ka dapat nandito, hindi tayo p’wedeng magkita bago ang kasal!” Tinulak-tulak ko ito pababa sa kama.
“Eh, naniniwala ka pa ba sa mga pamahiin? Babe naman! I badly miss you.”
“Ah basta! Bukas na tayo mag kita,” ani ko habang tulak-tulak pa rin siya.
Hinawakan niya ang balikat ko at hinarap ako. “Pahingi munang yakap,” nakangusong anito.
Napangiti naman ako. “Hays! Kung hindi ka lang g’wapo, e.” Niyakap ko siya ng mahigpit
“Hinding- hindi naman ako magiging pangit. Palagi akong g’wapo.” Tumawa ito at hinalikan ako sa noo.
“Ang hangin talaga ng mapapangasawa ko.” Kumalas siya sa akin at hinalikan ako sa mga labi.
“Mahal mo naman, “ he said.
“Oo na, sige na, umalis ka na. See you tomorrow na lang.” Muli niya akong siniil ng halik bago ako bitawan.
“See you tomorrow, babe!” Kinindatan niya ako at tumakbo papunta sa balcony.
“Hoy, sa pinto ka dumaa—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tumalon na ito pababa.
Agad naman akong tumakbo ro’n at sinilip siya sa baba
“Siraulo ka! May pinto ang bahay bakit dito ka dumaan?!” sigaw ko sa kaniya. Tumawa lang ito at kinaway ang mga kamay niya. “Short cut!” saad niya at lumabas ng gate.
Hinintay kong umalis ang sasakyan niya bago bumalik sa kama at muling nahiga.
Medyo kumalma na ako nang makita ko si Sebastian. Kailangan kong alisin sa utak ko ang mga sinabi ni Kishia kanina.
“Be positive, Cali,” bulong ko sa sarili ko bago ko ipinikit ang mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro