Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 23

CHAPTER 23

CALISTA

“Babe, may pupuntahan lang kami ni Gabriel, balik din ako ka agad. May hinain na ako sa baba, kumain ka na lang. I love you.” Basa ko sa text ni Sebastian.

Bumangon ako sa pagkakahiga at binalik ang cellphone ko sa bedside table. Ang aga naman niyang umalis.

Inayos ko muna ang higaan bago ako tumungo sa banyo at ginawa ang morning routine ko. After ko matapos ay kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Ally. Good thing, linggo ngayon, day off niya.

“Hello, napatawag ka?” ani Ally na parang antok na antok pa.

“Wala kang trabaho ngayon? Samahan mo naman ako, labas tayo.”

Narinig ko itong humikab sa kabilang linya.

“Taena, anong oras na, hindi ka pa rin bumabangon?”

“Girl, nag overtime ako kagabi. Marami akong kaso na hinahawakan ngayong buwan kaya kailangan kong bilisan,” sagot nito.

“So, free ka nga ngayon?” Pag babalik ko sa topic.

“Oo, wala akong trabaho ngayon.  Saan ba tayo?” Napangiti naman ako sa sagot niya.

“Ubusin natin oras natin. Matagal na akong hindi nakakagala.”

“Na miss mo lang ako, e. Hahaha sige, sunduin kita diyan sa inyo. Give me one hour.”

“Yey! Thank you, bye!”

Nang mapatay ko ang tawag ay agad na akong nag ayos ng sarili ko.

Pag baba ko ay nakita ko ang pagkain na hinain si Seb sa dining.

Napangiti na lang ako. He’s the best as always.

Umupo na ako at nilantakan ang niluto niya for me. Hindi niya man lang ako hinintay na magising kanina.  Saan naman kaya sila pupunta ni Gabriel para umalis ng gano’n ka aga.

After kong kumain, hinugasan ko muna ang pinagkainan ko bago umakyat ulit sa k’warto para kunin ang handbag at cellphone ‘tsaka bumaba ulit sa sala.

I dialed Kisha’s number  para tanongin kung may alam siya sa lakad nila Sebastian at Gabriel.

“Hey, Kish! Alam mo ba kung saan ang lakad nila Seb at Gab? Maaga kasi silang umalis,” ani ko nang masagot niya ang tawag.

“Hindi ko alam, wala naman silang nabanggit sa akin,” sagot nito.

“Ah,sige, maraming salamat,” ani ko at pinatay ang tawag. Saan naman kaya sila pumunta? Baka mamaya mapapasabak na naman sila sa away. Basta mag kasama talaga ang dalawang ‘yon, palaging may gulo na magaganap.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng bahay  dahil ilang sandali na lang ay susunduin na ako ni Ally.

Hindi naman ako nagkamali dahil pag labas ko ng gate ay bumusina si Ally  na kakarating lang.

“Hey, Cal! Saan tayo? ” tanong niya habang nakadungaw sa bintana.

“Kahit saan.” Sinara ko muna ang gate bago ako pumasok sa sasakyan ni niya.

“Daan tayo sa prosecutor’s office.”

Nilingon niya ako.

“Girl, sa isang linggo isang beses lang ako mag day off, bakit tayo pupunta ro’n?” nakakunot noong tanong nito.

“Dadalawin ko lang sila. Namimis ko sila Ate Kate at Joshua.”

“Baka mamaya mag away na naman kayo ni tanda.” Mahina iting tumawa bago pinaadar ang sasakyan.

“Hindi naman siya ang dadalawin ko. Asa naman ang hukluban na ‘yon.”

Ilang buwan na ang nakalipas ngunit ang inis ko sa matandang ‘yon ay hindi pa na nawawala.

Sino ba naman ang hindi maiinis sa matandang kupal at mukhang pera na ‘yon? Kung nakakamatay lang ang inis ay matagal na siyang sumakabilang buhay.

Pag dating namin ay agad kaming dumeretso sa office nila Ally kung saan naging office ko rin noon.

“Hi! Kumusta kayo?” Napatingin sa gawi namin sina sina Ate Kate at Joshua nang pumasok kami.

“Oh, my God! Calista!” Nanlaki ang mga mata ni Ate Kate dahil sa gulat nang makita ako.

“Oh, my gosh! I miss you!” Tumayo ito at pumunta sa kinaroroonan namin at nakipag yakapan sa akin.

“Na miss ko rin kayo.”

“Bakit ngayon ka lang dumalaw dito?” nakangusong ani Joshua at niyakap din ako.

“Marami kasi ang nangyari kaya ngayon lang ako nag karoon ng oras para dalawin kayo,” sagot ko naman.

“So, kumusta ka na?” tanong ni Ate Kate.

“Ito, maayos naman.” Nag lakad ako patungo sa dati kong table na ngayon ay ginawang tambakan ng mga papeles ng mga kaso.

“Hindi namin pinakuha ang table mo, baka kasi isang araw bigla kang bumalik,” saad ni Kate at bumalik sa table niya.

Napangiti naman ako. They treasure me not only as their co- worker but as their friend.

“Malabo na sigurong bumalik ako sa trabahong ‘to.” Nilingon ko sila.

Biglang gumuhit ang lungkot sa kanilang mga mukha.

“Ano ba kayo! Hindi naman ako mamamatay, kaya cheer up!” Siniglahan ko ang boses ko.

“Dahil ba kay tanda?”

Natawa ako sa tanong ni Joshua.

Hindi na nila tinatawag si tanda sa pangalan nito, nahawa na sila sa amin ni Ally.

“Ang s’werte naman ni tanda kung siya ang magiging dahilan ng hindi ko pag balik dito. Ano siya, gold?”

Tumawa sila dahil sa sinabi ko.

“Hindi siya gold, mukhang gold nga lang,” natatatawang anas ni Joshua.

“Pera lang mahalaga sa matandang ‘yon, wala tayong makukuha sa kaniya. Kaya niya nga manipulahin ang kaso para lang sa pera, e.” Nag lakad si Joshua pabalik sa table niya at may kinuhang folder.

“Ito ang isang kasong sinara niya ngayong buwan. Pineke niya na naman ang mga ebidensiya.”

I tsked. Ang kapal talaga ng mukha niya kahit kailan.

“Bakit hindi niyo na ireport ‘yan?” Nakakagigil na talaga ang matandang mukhang gold na ‘yon.

“We don’t have a power,” sagot naman ni Ally.

“Come on, guys! P’wede kayong manghalungkat ng mga ebidensiya  laban sa kaniya para matanggal siya rito sa prosecution.”

“Bakit hindi mo ‘yan ginawa noon?” Napalingon kaming lahat sa pintuan. Si Michael, ang walang hiya kong ex-boyfriend.

“Hindi ba bastos ang makinig sa upasan ng iba?” Tinaasan ko ito ng kilay.

“’Diba bawal pumasok ang mga outsider dito na walang appointment?” he smirked.

Mahina akong natawa sa sinabi niya. Ang kapal naman ng mukha.

“Oh, baka naligaw ka? Prosecutor's office ‘to, hindi law firm mo.”

Ngumisi lang ito sa sinabi ko.

“Ms. Javier, nandito ako dahil gusto kong makausap si Prosecutor Marquez tungkol sa isang kasong ini-atas sa kaniya.”

“Bakit, balak mo rin bang dayain ang kaso kaya gusto mong makausap si Ally about  sa hawak niyang kaso?” Pinag krus ko ang dalawang braso ko sa aking dibdib at matiim siyang tinignan.

Tumawa ito at nilapitan ako. “Labas ka na ro’n, hindi naman ikaw ang kailangan ko,” aniya habang mapanuyang tinitignan ako.

“Day off ko ngayon, Michael. Bumalik ka na lang bukas,” malamig na sabi ni Ally kaya napangisi ako.

“Ally, sandali lang naman ito. Kahit five mins lang.”

Hinarap ito ni Ally habang nakapamewang. “Alam mo ba na isang beses lang ako nakakapagpahinga sa isang linggo? P’wede ko bang gamitin ang araw na ito para mag pahinga naman na walang kasong iniisip?”

Nag kibit-balikat na lang si Michael. “Okay, balik na lang ako rito bukas.” Aalis na sana siya nang biglang nag salita ulit si Ally.

“Kung ano man ang pakay mo sa hawak kong kaso, hindi ako interesado. Mas mabuting h’wag mo na akong lapitan kung tungkol lang naman doon.”

Hindi ko mapigalan ang pag tawa ko nang makitang nasira ang mukha ni Michael dahil sa sinabi ni Ally.

Ilang sandali lang, ang kunot noo niyang mukha ay napalitan ng ngisi.

“Sige lang.” Binaling niya ang tingin niya sa akin.

“H’wag ka rin mag pakampante Cali, dahil hindi pa ito nag tatapos.”

“Are you threatening me? As if naman matatakot ako sa isang duwang na abogadong katulad mo.”

Hindi na ito nag salita pa, bagkus gumihit ang nakakakilabot na ngisi sa kaniyang labi bago ito lumabas.

“Ang yabang niya,” komento ni Joshua.

“Hindi lang mayabang, mahangin pa,” sabat naman ni Ate Kate.

“Kaya magkasundo si tanda at ang mayabang na ‘yon dahil parehas lang sila na mukhang pera,” ani Ally.

Totoo naman. Palaging nagkakasundo ang dalawang ‘yon sa anumang bagay dahil parehas silang marumi mag trabaho.

Nakipag k’wentohan lang kami ng ilang oras kina Ate Kate at Joshua bago napag desisyonan na umalis para dalawin si Ate Aileen. Matagal ko na siyang hindi nakikita. Hindi ko rin kasi siya natatawagan simula noong tumira na ako kay Sebastian.

Ilang minuto na kaming nakatayo sa harapan ng gate nila ngunit wala pa akong lakas ng loob na pindutin ang doorbell nila.

“Mag doorbell ka na. Hindi ka naman siguro kakainin ng ate mo ‘diba?” natatawang saad ni Ally.

“kinakabahan ako, baka mamaya magalit.”

“Gaga ka ba? Syempre magagalit talaga. Ilang buwan ka niyang hinanap. Hindi ka rin niya ma contact. Hindi ko naman masabi sa kaniya kung saan ka dahil nangako ako sa ‘yo.”

Tinignan ko ito at ngumiwi. “Pinakokonsensiya mo pa ako lalo, e.”

“Dapat lang na makonsensiya ka,” natatawang aniya.

Huminga muna ako ng malalim bago pinindot ang doorbell.

Ilang sigundo lang ay may sumagot na sa monitor.

“Sino ‘yan?” Napakagat labi ako nang marining muli ang boses niya.

“A-Ate, si Cali ‘to.” Pag sabi ko no’n ay wala ng sumagot.

“Galit nga ata sa akin,” matamlay na sabi ko kay Ally.

“Nagtatampo lang siguro,” saad nito.

“Alis na tayo, balik na lang tayo rito next time,” saad ko at nag lakad na patungo sa sasakyan.

Hindi pa kami nakakapasok sa sasakyan nang biglang tumunog ang gate kaya napalingon kami ni Ally doon.

“Ate…” Nakatingin lang siya sa akin habang walang reaksyon ang mukha.

“Ate, I’m sorry.” Napakagat labi ako at nilapitan siya.

Huminga ito ng malalim. “Ate, gusto naman kitang puntahan pero natatakot ako. Nag aalala ako para sa ‘yo at sa pamilya mo.”

“Ate—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

“Napaka salbahe mo talaga kahit kailan! Alam mo ba kung gaano ako nag alala sa ‘yo!?” Humikbi ito.

“I’m sorry.”

“Ilang buwan kitang hinanap at tinatawagan pero hindi kita ma contact!” Lumakas ang pag iyak niya kaya hinagod-hagod ko ang kaniyang likod.

Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang mga luha nito.

“Saan ka ba pumunta, at bakit hindi ka man lang nag paramdam sa akin?”

“It’s a long story, ate.”

“Then, tell me! I deserve to know it!” huminga ako ng malalim bago tumango.

“Papasukin mo ba muna kami?”

 She tsked.

“Nakapaka-demanding mo.” Mahina itong tumawa.

“Nakakangalay kayang tumayo rito,” natatawang saad ko.

Pinapasok niya kami ni Ally sa bahay niya. Wala ang mag-ama niya dahil namasyal ang mga ito.

Pumunta muna siya sa kusina para ipaghanda kami ng makakain ni Ally. Pag balik niya ay may dala na itong cookies at orange juice.

“Mag k’wento ka na,” saad niya habang nakaharap sa akin.

Wala akong choice kundi ang mag k’wento sa kaniya mula noong umpisang nag nag pakita sa akin si Hunt.

Hindi niya mapigilan ang umiyak habang kinukwento ko ang mga nangyari sa akin. Hindi ito makapaniwala na nangyari ang mga bagay na ‘yon sa akin na wala man lang siyang ka alam-alam.

“Gaga ka talaga! Buti na lang pala kasama mo si Sebastian!” Umiiyak na saad nito habang yakap-yakap ako.

“Hindi naman ako hahayaan ni Sebastian na mapahamak.”

“Talaga! Dahil kung may mangyaring masama sa ‘yo, kakatayin ko siya ng buhay!”

Natawa ako dahil sa sinabi niya. My ate Aileen is over protective pag dating sa akin. Tinuri niya na akong nakakabatang kapatid niya.

“Sasabihin ko sa kaniya na mag iingat siya sa ‘yo.” Kumalas siya sa akin at hinampas ako.

“Lokaret ka talagang babae ka!” Nagtawanan na lang kaming tatlo.

Nag k’wento rin si ate sa akin about sa pamangkin ko na nagiging bibo na sa school. Kahit may autism ito ay pinipilit niyang makipaghalubilo sa mga kapwa niya bata. Na miss ko na tuloy ang batang ‘yon.

Dito na rin kami nananghalian ni Ally, mag aalalas k’watro na rin ng maisipan naming umuwi na.

“Ate, hindi na kami mag tatagal ha. Baka mamaya kasi hanapin na ako ni Sebastian, e. ” Hindi ko pala siya na itext na aalis ako baka mamaya ay hanapin na naman niya ako kagaya dati.

“Sige, mag iingat ka ha. Mag iingat kayo.”

“Opo.” Muli niya akong niyakap bago kami inihatid sa labas.

“Ikumusta mo na lang ako sa baby girl natin!” Kinaway ko ang mga kamay ko bago tinaas ang bintana ng kotse ni Ally.

“Iuuwi na ba kita?” tanong niya.

“Oo, baka mamaya hinahanap na ako ni Sebastian.” Baka magaya na naman dati na muntik niya nang patayin ang mga tauhan niya dahil hindi ako nabantayan.

Kinuha ko ang phone ko sa bag ko para tignan kung may tawag o text si Sebastian.

“Woah! Ano ‘to?” sambit ko ng makita ang 66 missed calls  at 28 messages galing kila Ate Pam at Gabriel.

“Ano ‘yan?” tanong ni Ally habang nasa kalsada ang kaniyang tingin.

“Ang dami nilang missed calls.” Bubuksan ko na sana ang mga messages nang biglang lumitaw ang pangalan ni Ate Pam sa screen ng phone ko.

Hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng kaba. Puro numero ni Gab at ni Ate ang nakita ko sa call logs ko. Wala akong nakitang pangalan ni Sebastian na tumawag.

Kinakabahan akong sinagot ang tawag ni Ate Pam.

“Hello, ate?”

“Cal…si Seb.” Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang namamaos niyang boses na parang galing sa iyak.

“Po? Anong meron kay Seb?” tanong ko kahit sobrang kinakabahan na ako.

Napatingin si Ally sa akin at senenyasan na iloud speaker ko ito, kaya ginawa ko naman.

“Pumunta ka sa h-hospital, b-bilisan mo,” aniya at humagulgol.

Parang nanlamig ako. “Ate ano bang nangyari kay S-Seb?” Pakiramdam ko ay may bumabara sa lalamunan ko.

“P-Pumunta ka na lang, bilisan mo,” aniya habang humihikbi.

Pag patay ng tawag ay agad na bwenelta ni Ally ang manebela patungo sa hospital.

Oh, god! Anong nangyari?

Pag dating namin sa hospital ay nakita ko ka agad si Ate Pam sa hallway.

Sinalubong niya ako ng yakap habang umiiyak.

“Ate, ano ba ang nangyayari? Na saan si Sebastian?” ‘Bis na sagutin niya ako ay giniya niya lang ako papunta sa Emergency Room.

Napaawang ang mga labi ko nang makita ko si Gabriel sa harap ng emergency room na nakaupo sa bench at puno ng dugo. May mga benda rin ito.

“G-Gab, anong nangyari sa ‘yo? Na saan si Sebastian?” Tinignan niya lang ako at umiling.

Nilapitan ko siya at hinawakan sa mga balikat nito “Sagutin mo ako! Na saan si Sebastian!?”

Hindi ko na napigilan ang sumigaw. H’wag nilang sabihin sa akin na may nangyari dahil hindi ko kakayanin!

Tumama ang mata niya sa pintuan ng Emergency Room. Umawang ang mga labi ko at bigla akong nanlamig. Don’t tell me na nagkatotoo ang nasa isip ko kaninang umaga?

“C-Cal… he didn’t survive.”

“A-Are you joking me, right?” Pilit akong tumawa.

 Napahilamos lang ito ng mukha at napayuko.

“I’m s-sorry, hindi ko siya nailigtas,” saad niya habang humihikbi.

Biglang bumigat ang dibdib ko at otomatikong tumulo ang mga luha ko. Ang tawa ko ay unti-unting napalitan ng hikbi.

“H-Hindi...” Pakiramdam ko ay kinunan ako ng lakas dahil sa sinabi niya.

“I’m sorry.”

Hindi ko na pigilan ang sarili kong humagulgol hangang sa maupo ako sa sahig habang hawak-hawak ang dibdib ko.

“Cali ” Naramdaman ko ang kamay ni Ate Pam na unti-unti akong itinatayi.

“A-Ate, hindi totoo ‘to ‘di ba?”

Napahikbi lang ito habang inaalalayan ako papasok ng E.R.

Habang papalapit ako sa isang kama na natatakpan ng kurtina ay mas lalong lumalakas ang pag iyak ko.

Unti-unti kong hinawi ang kurtina, pakiramdam ko anytime matutumba ako sa sobrang kahinaan.

Napahawak ako sa bibig ko nang makita ang katawan ni Sebastian na namumutla at nakahiga sa kama.

“Oh, my God! B-Babe...anong nangyari?” hinawakan ko ang pisngi niya.

“Huy! Potang-ina naman, e. Bumangon ka r’yan!” inalog-alog ko ito.

“Oh, God! H’wag mo namang gawin ‘to sa akin oh!”

I am crying hard out of my lungs.

“Tangina! Bumangon ka!!” I screamed.

Hindi ko kaya, hindi ko kaya.

“Babe naman! Bumangon ka na riyan!”

Ang sakit, sobrang sakit!

“Kung alam ko lang na iiwan mo ako, edi sana hindi na ako na in love sa ‘yo!!” sigaw ko.

Napayakap na lang ako ng mahigpit sa katawan niya.

“You promised me, nangako ka na hindi mo ako iiwan. Gago ka ba?”

“B-Babe, pinanghawakan ko ‘yon, e! Naniwala ako!”

Wala akong pakialam kong napupuno ng hagulgol ko ang loob ng buong E.R. Wala akong pakialam dahil nasasaktan ako!

“Nakakainis ka!” Hinampas-hampas ko ito at muling niyakap.

“Ang daya mo.” Binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at umiyak nang umiyak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro