Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 20

CHAPTER 20

Third Person’s POV

“Gising! Huy gising!” Minulat ni Calista ang mga mata niya ng maramdaman niyang may palad na tumatapik-tapik sa kaniyang pisngi.

Inikot niya ang kaniyang tingin sa paligid ng silid. Maraming kalalakihan ang nandoon kasama si Hunt na nasa kaniyang harapan at matiim siyang tinitignan.

Kinalagan siya sa kaniyang upuan ng isang lalaki at itinayo. Halos hindi siya makalagaw dahil sobra siyang nanghihina. Maraming dugo ang nawala sa kaniya at at wala rin siyang kain kaya nangangatog ang mga tuhod nito.

Inilabas siya sa silid ng mga lalaki habang si Hunt ay nakasunod lang sa kanila. Isang warehouse pala ang pinagdalhan sa kaniya, ngayon niya lang napansin dahil wala naman siyang malay noong dinala siya sa lugar na ‘yon.

“S-Saan niyo ako d-dadalhin?” nanghihinang tanong niya. Wala na siyang lakas pang sumigaw at mag pumiglas dahil sobrang sama ng kaniyang lagay, namumutla na rin ito.

Hindi siya sinagot sa kaniyang tanong, bagkus ay sininakay siya sa isang sasakyan.

Pumasok si Hunt sa passenger seat habang ‘yong lalaking kumuha sa kaniya ay siyang driver  nito.

Tinapunan siya ni Hunt ng tingin sa rear-view mirror. “Handa ka na bang makitang mamatay si Berk sa harap mo?” He grinned. Parang nabuhayan si Calista sa kaniyang narinig.

“A-Anong sabi mo?” Tumawa lang si Hunt at nilihis ang tingin kay Calista.

“H’wag kang mag alala, bibigyan naman kita ng pagkakataon na kausapin siya bago ko siya patayin.” Nakita ni Calista ang pag ngisi nito sa rear-view mirror ng sasakyan.

“Hayop ka,” madiin at matigas na sabi ni Calista at maitim siyang tinignan. Tumawa lang si Hunt na parang inaasar  lalo ito.

Bumilog ang mga kamao nito habang ang kaniyang masamang tingin ay nanatili lang kay Hunt.

Huminto ang sasakyan at lumabas sila Hunt. Binuksan ng driver ang pinto ng sasakyan at hinila si Calista pababa.

Sinipat ni Calista ang buong paligid. Hindi niya alam kung saan ito, hindi pamilyar sa kaniya ang lugar na ito. Ang tanging nakikita niya lamang ay ang isang lumang building na may limang palapag at abandona na.

Hinawakan siya ng lalaki sa braso at hinila-hila papasok sa loob. Gustohin niya mang mag pupumiglas ay wala na siyang sapat na lakas.

Sumakay sila sa isang elevator at huminto ito sa roof top ng gusali.

“Ano bang gagawin niyo!?” sigaw nito nang hatakin siya ng lalaki paupo sa isang silya at muling tinalian.

“Pakawalan niyo ako!!” sigaw niya ngunit parang walang narinig ang lalaking nagtatali sa kaniya.

Matalim niyang tinignan si Hunt na naglalakad papapunta sa direksyon nila at huminto sa tapat niya.

“Relax ka lang dahil ilang minuto na lang ay mag kikita na kayo ni Berk.” Hinawi nito ang ang buhok niyang nakatakip sa kaniyang mata at pinalandas nito ang kamay niya rito.

Matalim ang titig niya rito na para bang kaya nitong patayin ang binata sa titig nito.

“Naiinip ka na ba sa mangyayari?” bulong nito sa kaniya na nag pakuyom ng kaniyang mga kamao.

“Hinihiling ko na mamamatay ka bago mag umaga sa lugar na ‘to,” saad ni Calista sa kaniya ngunit tingnan niya lang ang dalaga na parang minamaliit ang sinasabi nito.

“Naku! Nakakatakot naman ‘yan. Ayoko pang mamatay.” Umarte ito na parang takot na takot. Sukdulan na ang inis ni Calista sa mga inaasta ni Hunt. Kung may lakas lang ito ay kanina niya pa ito nasigawan.

“H’wag kang mag alala dahil isusunod naman kita agad pag tapos ko sa buhay ni Berk, para hindi ka na malungkot sa langit.” Tumawa ito at senenyasan ang isang lalaki na may bitbit na bag na agad namang lumapit sa kaniya.

Napapawang ang labi ni Calista kasabay ng pag laki ng kaniyang mga mata nang makita ang bagay na nilabas ng lalaki mula sa bag na hawak nito.

“A-Anong gagawin niyo?” Papalit-palit ang kaniyang tingin kay Hunt at sa lalaking may hawak na bomba na naka kabit sa isang vest.

Senenyasan muli ni Hunt ang lalaki kaya agad itong lumapit sa kaniya at pinasuot ang vest kung saan nakakabit ang malaking bomba.

“A-Ano t-to alisin niyo ‘to!” Nanginginig lalo ang katawan ni Calista nang maipasuot sa kaniya ang bomba.

Tinignan niya si Hunt habang ang kaniyang nga mata ay parang nangungusap. “Please,” she begs, habang ang kaniyang mga mata ay unti-unti nang nanunubig.

Nilapitan ito ni Hunt at dinapi ang palad nito sa kaniyang pisngi. “ Ssshhh…It’s okay, isang beses ka lang naman makakaramdam ng sakit,” saad ni Hunt. Kinuha nito ang bomb remote sa lalaking nag pasuot sa kaniya ng bomba at pinindot iyon kaya bigla bitong tumunog at nag simula timer.

Hindi mapigilan ni Calista ang kaniyang sariling mapahikbi, mukhang dito na nga siya mamamatay.

“Meron kang sampong minuto para mailigtas ni Berk!” Humalakhak ito na parang demonyo at tinapunan ng tingin si Calista na para bang sobrang natutuwa sa kaniyang ginagawa.

Napakagat labi na lang siya at napahagulgol. Ayaw niyang mamatay ngunit ayaw niya rin ipahamak si Sebastian.

Kinuha ni Hunt ang cellphone nito sa bulsa at may tinawagan, ni-loud speaker niya ito para marinig ni Calista.

“Oh, Berk na saan ka na? May sampong minuto ka na lang para maibalik ang kapatid ko at maligtas ang girlfriend mo sa kaniyang kamatayan.”

Napatingin si Calista sa kaniya nang marinig ang pangalan ni Sebastian.

“S-Seb, h’wag kang pumunta! M-May bomba, mamatay tayong lahat!!” sigaw ni Calista habang umiiyak na ikinahalakhak naman ni Hunt.

“Walang hiya ka! Wala sa usapan natin ‘yan!” galit na sigaw ni Seb sa kabilang linya.

Umigting ang panga ni Sebastian and his fist clenched nang marinig ang boses ni Calista sa kabilang linya.

Bumibilis ang kaniyang pag hinga at kinuha ang baril na nilagay niya sa kaniyang braso at mahigpit itong hinawakan.

“Alam ko rin kasing hindi ka rin tutupad sa usapan. May pinaplano ka rin kaya nag handa rin ako,” anas ni Hunt at muling humalakhak.

Sebastian’s teeth clenched because of the anger. Nangangati na ang kamay nito at sabik na sabik na itong patayin si Hunt.

“Walang hiya ka, mag babayad kang hayop ka!” he shouted.

“Kumalma ka, masiyado ka naman atang excited,” natatawang wika nito.

“Mayroon ka na lang siyam na minuto. Bye!” Humigpit  ang hawak niya sa kaniyang cellphone habang ibinababa ito.

“Hayop talaga ang gagong ‘yon,” turan ni Gabriel habang mabilis na nag mamanehi ng sasakyan.

Pinindot ni Seb ang earpiece nito sa tenga at nag salita.  “Kish, i-track mo ang bomba pag nandoon na kami, i-defuse mo,” saad ko.

“Depende sa klase ng bomba, pero sige, susubukan ko, pero pag IED hindi ko kayang ma defuse pag hindi ko malalapitan.” sagot nito.

“Sa ‘yo nakasalalay ang buhay naming lahat, kaya mag dasal na lang tayo na hindi ganun,” ani Sebastian.

Magaling sa pag de-defuse ng mga bomba si Kishia. Sa pamamagitan ng tracker na binigay niya sa amin ay malalaman at ma t-track niya rin ang ano mang bombang na nasa paligid ng taong nakasuot ng tracker na ‘yon.

Pag dating nila sa nasabing lugar ay agad na silang pumasok sa building. Si Sebastian at si Gabriel ang pumasok kasama si Louie, habang ang iba  kasama si Kishia ay nasa labas at medyo malayo sa sa kinaroroonan nila upang hindi sila mapansin.

Pumasok sila sa isang elevator at pinindot ang rooftop dahil iyon ang sinabi ni Hunt sa mensaheng pinadala kay Sebastian.

Pag pasok nila sa rooftop ay otomatikong bumigat ang kaniyang pag hinga nang makita si Calista na nakagapos, at may bombang nakakabit sa kaniyang katawan. May sugat ito sa binti, may pasa sa kaniyang mukha at sobrang nanghihina. Umigting ang kaniyang panga at mahigpit na hinawakan ang kaniyang baril at tinutok iyon kay Hunt na nakatayo sa tabi ni Calista na ilang metro ang layo sa kanila. May kamasama rin itong dalawang lalaki sa tabi niya.

Agad namang naging alerto ang kasama nitong dalawang lalaki at agad silang tinutokan ng baril.

“Oh, nandito na pala ang superhero ni Calista, ” saad ni Hunt at habang nakangisi.

Inangat ni Calista ang kaniyang ulo nang marinig ang sinabi ni Hunt. Napakagat labi ito at unti-unting na namang nanunubig ang kaniyang mga mata nang makita si Sebastian.

“S-Seb...” Nagkatinginan silang dalawa. Nakikita sa mga mata ni Sebastian pag aalala nito para sa kasintahan.

“B-Bakit ka pa p-pumunta,” nanghihinang sambit nito sa kasintahan.

Napalunok si Sebastian nang makita ang kasintahan sa gano’ng sitwasyon.

Ang higpit ng hawak  niya sa kaniyang baril at parang gustong-guto na niya iyon iputok kay Hunt ngunit nag titimpi ito dahil magiging komplikado ang lahat.

“Seb, can you hear me?” tawag ni Kishia na naririnig niya sa kaniyang earpiece.

“Yeah, naririnig kita,” sagot niya rito.

“Umaayon sa atin ang pagkakataon, kayang-kaya kong i-defuse ang bimabang nakakabut kay Calista.” Bahagyang napangiti si Sebastian sa kaniyang narinig. Ang gano’ng uri kasi ng bomba ang karaniwang na de-defuse ni Kishia.

“Limang minuto, bigayan mo ako ng limang minuto.” Tinignan ni Seb ang natitirang oras sa bomba. “Meron pang pitong minuto, dalian mo,” abi nito at muling tinapunan ng tingin si Hunt.

“Ititigil ko ang timer sa isang kondisyon.” Nginisihan niya si Sebastian. “Pakawalan niyo si Louie at hayaang pumunta rito.” Lihim na natawa si Sebastian. Hindi siya tanga para mag pauto kay Hunt ng ganun-gano’n na lang.

Hindi ito umimik, nanatili lang ang kaniyang masamang tingin kay Hunt habang nakatutok pa rin ang kaniyang baril dito.

“Come on, Berk. Wala ka nang natitirang oras,”  anito ngunit nanatiling hindi nag salita si Sebastian.

“Kishia, kumusta?” mahinang sabi niya.

“Sandali na lang. Pag na defuse ko na ay pwede na kayo gumalaw ni Gabriel,” sagot naman nito sa kaniya.

Nakatayo lang si Sebastian habang nakatingin kay Hunt hangang sa dalawang minuto na kang ang natitira sa timer.

“Ano bang ginagawa mo, Berk!? Hahayaan mo na lang ba sumabog ang bomba sa katawan  ng girlfriend mo!?” singhal ni Hunt kay Sebastian. Kinakaban man si Sebastian ngunit nagtitiwa ito kay Kishia.

“S-Seb,” sambit ni Calista habang nag mamakaawa ang kaniyang nga mata.

“Kishia ano na? We’re running out of time!” Rinig ni Seb na sabi ni Gabriel na halatang kabado na rin.

“Oh fuck!” biglang mura ni Kishia na mas lalong ikinaba ni Sebastian. “Kishia what happened!?”

“May nag bago sa system!” natatarantang sagot nito.

“What the fuck !? What are you talking about!?”

“Sandali natataranta ako!” Lihim itong napamura. Bwesit!

“BERK YOU HAVE 1 MINUTE LEFT!” sigaw ni Hunt.

“S-Seb umalis na kayo!!” habang nag uumpisa nang umiyak. Umiling-iling si Sebastian habang mas lalong humihigpit ang hawak sa kaniyang baril.

“Kishia ano na na!?” sigaw niya.

“Seb, what should we do?” Papalit-palit ang tingin ni Gabriel kay Sebastian at sa timer.

30 seconds…

Fuck! Hinila niya si Luie at itinulak paharap.

“Lakad!” sigaw niya kaya unti-unti namang nag lakad si Luie papalapit kila Hunt.

20 seconds…

“Umalis na kayo! Pakiusap!” Humahagulgol na si Calista habang nag mamakaawa kay Seb.

“Seb… please! I love you at ayokong mamatay ka dahil sa akin!!” sigaw nito habang umiiyak. She’s crying out loud.

Natigilan si Sebastian sa kaniyang narinig. Iyon ang unang beses na narining niya ang salitang ‘yon kay Calista.

“Mahal kita pero natatakot lang akong sabihin sa ‘yo na baka ako lang ang nakakaramdam ng ganito!!” she cried.

Hindi niya alam ang kaniyang nararamdaman. Calista is crying while begging Sebastian to leave.

Tumama ang mga mata ni Sebastian sa timer at nakita niya na limang sigundo na lang.

“FUCK CALISTA!!”

“UMALIS KA NA!!” Ipinikit ni Calista ang kaniyang mga mata at hinintay ang kamatayan niya ngunit sa dalawang sigundong natira ay biglang huminto ang oras.

“I- I did it! ” sigaw ni Kishia na rinig ni Sebastian sa earpiece nito.

Napapikit ito na parang nabunotan ng tinik sa dibdib. Tinapunan niya ng tingin ang kasintahan na unti-unting ini-angat ang ulo at iminulat ang mga mata.

“Thank you, Kish. Pakilosin mo na sila,” bulong nito at inilipat ang kaniyang tingin kay Hunt.

Nakita niya ang pag taas ng sulok ng labi ni Hunt. Seneyasan niya ang isa sa mga tauhan nito na kalagan si Calista.

Nabali ang leeg ni Sebastian at umigting ang panga nito nang makita kung paano hilain ng lalaki si Calista patayo na parang aso lang binitin.

Parang naninilim ang kaniyang paningin nang makuta ang mukha ni Calista na nahihirapan sa kaniyang sitwasyon.

“Alam ko talagang hindi ka susunod sa usapan. May nag defused ng bomba, at alam kong kakagawan ‘yon ng isa sa mga tauhan mo.” Kinuha ni Hunt si Calista sa lalaki at pinulupot niya ang braso nito sa leeg ni Cali at tinutokan ng baril.

Nag iinit na ang katawan ni Sebastian. Senyasan niya si Gabriel na agad namang kinasa ang baril at pinaputokan ang lalaking humila kanina kay Calista na agad namang bumagsak sa sahig.

Biglang naging alerto ang dalawang lalaki na kasama ni Hunt. “Isang mali mo lang patay ang babaeng ‘to,” ani Hunt habang nakatutok ang baril nito sa ulo ni Calista.

Nanatiling walang imik si Sebastian hangang sa makarinig sila ng putokan sa labas.

“May mga kasama sila!” sigaw ng lalaki na kapapasok lang at humahangos.  Napatingin si Sebastian sa kaniya at ipinitik ang gatilyo ng kaniyang baril. Kasabay ng pag bagsak ng lalaki sa lupa ay ang pag sigaw ni Hunt.

Nakawala si Calista kay Hunt nang kagatin niya ang braso nito. Akma na sana itong babarilin ng isang lalaki nang unahan siya ni Sebastian kaya siya ang humandusay.

Tatakbo na sana si Calista nang hawakan ito ng isang lalaki at hinila pabalik ngunit bigla rin ito natumba nang tamaan ng sniper sa ulo na nanggaling mula sa rooftop sa kabilang building.

Pinilit ni Calista ang tumayo kahit sobrang nanghihina ito. Hinakbang niya ang kaniyang mga paa at pinilit na tumakbo papalapit dito.

“Cali! Don’t!!” Sigaw ni Sebastian. Lumaki ang mga hakbang nito ngunit bigla rin siyang napatigil namg may maramdaman siyang tumama sa kaniyang likod.

Napatingin siya kay Sebastian na tumatakbo papalapit sa kaniya. Sumisigaw ito ngunit unti-unti nanghihina ang kaniyang pandinig. Pakiramdam niya ay biglang bumagal ang oras. Nag s-slowmo sa paningin niya si Seb na tumatakbo patungo sa kaniya.

Umubo siya at may mga dugong lumabas sa kaniyang bibig. “S-Seb,” bulong niya habang unti-unting bumabagsak sa sahig.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro