Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17

CHAPTER 17


CALISTA

“What are you doing? “ I asked. Nakaupo kasi siya sa isang sofa sa loob ng kuwarto habang nakaharap sa kaniyang laptop.

“I’m trying to gain access to Hunt’s web organization,” sagot niya na hindi man lang inaalis ang kaniyang tingin sa screen ng laptop niya.

Inayos ko ang pagkakahiga ko sa kama.

“You’re trying to hack heir website?” Tumango-tango lang ito.

“That’s illegal!”

Bigla niyang inalis ang tingin niya sa screen at dumapo ito sa akin. “Seriously, babe?” sarkastiko niyang saad.

Napakagat labi na lang ako nang ma alala ko. Tangina! Pinapairal ko na naman pagiging prosecutor ko, e sindikato rin naman sila Hunt.

“H’wag mo munang pairalin pagiging mabatas mo. Kailangan natin mapasok ang website nila para makakuha ng data.” Napanguso ako. Minsan parang gusto ko na rin sapakin sarili ko.

“I’m sorry, hehe.”  Binalik niyang muli ang kaniyang tingin sa screen.

“Walang legal pag dating sa kanila,” aniya, habang gumagalaw ang mga daliri niya dahil sa pagpipindot sa keyboard.

Kinuha ko ang phone ko at kinalikot iyon. Ang boring pag seryoso si Seb.

“Got ya! “ Napatingin ako sa kaniya nang sumigaw ito.

“Napasok mo na?” I asked. Nakangisi itong tumango. “Napaka galing talaga ng boyfriend mo,” pag puri niya sa kaniyang sarili. Tss! Kahit kailan talaga ay napaka self proclaimed ng taong ‘to.

“Patingin nga.” Bumangon ako sa kama at lumapit sa kaniya sa sofa. Umpo ako sa tabi niya at tinignan ang screen ng laptop niya.

May inopen siyang file at puro videos ang lumabas. Lahat ng footage ng kanilang ginagawa ay nandoon. Marami ring litrato ng iba’t ibang baril.

“Pindutin mo nga’ yan.”  Tinuro ko ang  isang video kung saan may nakatayong lalaki na may hawak na baril habang may babaeng naka luhod sa harap niya at may sako sa ulo.

Binuksan naman iyon ni Seb, nag umpisa na ang video at nagulat kaming dalawa nang biglang barilin ang babae sa ulo.

“Fuck!” Bigla niyang binalik ang video at tinignan ako.

“I’m sorry, “ usal niya at niyakap ako gamit ang isang braso niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bumabalik na naman ang nangyari sa akin three years ago. Nag karoon ako ng trauma dahil sa pinagdaanan ko, kaya everytime makakakita ako ng gano’n ay natatakot ako.

Sinara niya ang laptop niya at itinabi iyon.

“Sshhh… it’s okay.” Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

“Saka ko na lang titignan ang laman no’n,” aniya pa.

“Sorry, nabigla lang ako.” Nginitian niya ako at pinalandas ang kaniyang kamay sa buhok ko.

“Alam ko naman kung saan nanggagaling ang takot mo kanina.” Siniksik ko ang ulo ko sa dibdib niya.

“Ayoko na maulit ang bangungot na ‘yon,” ani ko.

“Shhh... it won’t happen again. Hindi ko hahayaan ‘yon.” Hinaplos niya ang aking pisngi kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya.

“I promise,” he whispered and kiss my lips. Natigil ang paghahalikan namin nang tumunog ang cellphone niya. Inabot niya ito sa maliit na table sa gilid at sinagot ang tumawag.

“Hey, what’s up?” ni-loud speaker niya para marinig ko.

“May update na sa pinapaimbistiga mo sa akin. Natagpuan ko kapatid ni Hunt,” ani Kishia sa kabilang linya, isang agent asset ni Seb.

“That’s good to hear. May alas tayo laban sa kaniya.” Gumuhit ang ngisi sa labi ni Seb. Medyo kinabahan ako sa ngiting ‘yon. Talagang pursigido siyang mag higanti.

“Dito namin dinala sa hide out, pumunta ka na lang agad para makita mo.”

“Alright, I’m coming,” aniya at pinatay ang tawag.

“Dito ka na lang muna. Mag papadala ulit ako ng bantay mo rito,” aniya at tumayo ’tsaka kinuha ang susi ng sasakyan niya sa ibabaw ng bed side table.

“Sasama ako.” Napalingom ito sa akin.

“H’wag na babe, dito ka na lang. Baka mamaya ay atakihin ka na naman ng phobia mo.”

“Babe, I insist. Isama mo na ako, gusto ko rin makita ang kapatid niya.” Naging mag kaibigan kami ni Hunt bago niya ako traidorin. Noong panahon na na convict ko ang ama ko at namatay ay bigla siyang lumitaw at chineer-up ako, ‘yon pala ay may balak na siya sa akin. Balak na niya akong gamitin. Nalaman ko rin dati na may kapatid siya, nabanggit niya iyon kaso hindi ko man lang nakita ang mukha no’n kaya curious akong makita iyon ngayon.

I heard him gasped. “ Alright! Mag palit ka, hihintayin kita sa labas.” Gumuhit naman ang ngiti sa labi ko at agad na nag tungo sa closet. Nakapag shower na ako kanina kaya mag papalit na lang ako ng damit. Hindi puwede lumabas ako ng bahay na suot ang maikling shorts ko na ‘to. Masiyadong conservative ni Sebastian.

Pag tapos kong mag palit ng damit ay bumaba na ako.

Nasa hagdan pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang busina ng sasakyan.

“Sandali, nandiyan na!” Napaka aporado naman ng lalaking ‘to.

Nilock ko muna ang pinto bago lumabas ng gate.

“Napaka aporado mo naman,” ani ko nang makapasok sa sasakyan.

“Ang tagal mo kasi. Nag bihis ka lang inabot ka na ng thirty minutes,” sagot niya at binuhay ang makina ng sasakyan.

“Ayaw mo ba ako pag ayosin? Alangan naman mag pakita ako roon sa hideout niya na mukha akong tanga.” Sandali niya akong nilingon at muli rin namang ibinalik ang tingin sa daan.

“Maganda ka na kahit wala ka pang ayos,” mahinang saad niya.

Napakagat labi naman ako sasinabi niya. “H’wag masiyadong kiligin lumalaki ilong mo.” Hinamapas ko ito sa dibdib dahilan para tumawa siya.

“Matapos mo akong purihin, kukutyain mo ako.” Humalaklak ito, sir-ulo!

“Just kidding, babe.” Kinuha niya ang kaliwang kamay ko gamit ang kanang kamay niya at hinalikan ang likod nito.

“You’re the most beautiful woman in my eyes.”

Mga banat talaga ng lalaking ‘to, e.

“Puwede ba tayong dumaan sa Starbucks? Gusto ko ng frappe.” Ang init ng panahon, gusto ko ng malamig na malamig na frappe.

“Okay, daan tayo,” aniya.

“Malayo ba hideout niyo rito?” I asked, hindi pa kasi ako nakakapunta sa hideout nila. Hindi niya kasi ako sinasama.

“Tagong lugar ang hideout, mahirap na at baka matunton kami ng ibang sindikato,” sagot niya.

Akalain mo ‘yon, mabatas akong tao pero nag kajowa ako ng isang sindikato. Sino ba naman ang makakapag sabi. Mga mahihirap nga nga ay nakakapag asawa ng mayaman, e ako pa kaya?

Ilang minuto lang ay huminto na kami sa Starbucks. Bumaba kaming dalawa at pumasok sa loob.

“Oh, I’m sorry,” ani ng isang lalaking nabangga ako.

“No, it’s okay.” Buti na lang ay hindi niya ako natapunan ng kape na dala niya.

“Keep an eye out for yourself next time,” kunot noong saad ni Seb sa lalaki. Ito naman napaka oa.

“I am really sorry,” paghingi ulit ng despensa ng lalaki.

Seb tsked, napakasuplado talaga.

“No worries, no big deal,” aniko at nginitian siya. Bigla itong yumuko at may pinulot sa sahig.

“Nahulog mo ata ‘to.” Inabot niya sa akin ang isang ipit na may itim na ribbon.

“Hindi akin ‘to,” saad ko ngunit nginitian niya lang ako at nag lakad na papunta sa isang table.

Sinundan ko lang siya ng tingin hangang sa maka upo siya. Nakita ng mata ko kung paano niya tapunan ng tingin si Sebastian, kasabay ng pag taas ng sulok ng labi nito. Hindi ko alam kung mali lang ang nakita ko o nginisihan niya talaga si Seb.

Isinawalang bahala ko na lang iyon at sumunod na kay Seb sa counter.

Bumili lang ako ng Strawberries Crème habang si Seb naman ay Ice Vanilla Latte ang inorder para sa sarili.

Nauna nang lumabas si Seb habang ako ay nakasunod lang sa kaniya. Sa hindi inaasahan ay nasalubong ko ang isang taong kinaiinisan ko.

“Oh, Cali! Long time no see.” Ngumisi ito na ikinainis ko. Na b-b’wesit talaga ako sa ngisi ng taong ‘to.

“Kumusta? Balita ko wala ka na raw sa prosecution?” He grinned.

“Yes! Dahil ginatongan mo ang head namin.” Sarkastiko akong tumawa.

“Kahit kailan ay sipsip ka talaga, Michael.”

Tumawa ito at napakamot sa batok niya.

“Ganun ba? Nag sabi lang naman ako ng totoo sa head mo base sa nakita ko.”

Kumuyom ang mga kamao ko dahil sa mga ngisi niyang nanunudyo. Naiinis ako sa mga ngisi niya.

“Babe, what are you doing? Let’s go,” tawag ni Sebastian habang sumisilip sa pinto.

“I guess, tama naman lahat ng sinabi ko sa head mo, babe.” Kinindatan niya ako bahang hindi na alis-alis ang kaniyang ngisi bago ito nag lakad papunta sa mesa kung saan nakaupo ang ‘yong lalaking nakabangga sa akin kanina.

Huminga na lang ako ng malalim para pahupain ang inis ko at saka ako nag lakad palabas.

“Sino ‘yon?” Nakakunot na naman ang noo niya.

“Ex-boyfriend ko.”

Napatigil siya sa pag lalakad at tinignan ako. “Ex- Boyfriend mo?”

Hayss, selos alert na naman.

“Chill, wala namang kuwenta ‘yon. Wala ‘yon sa hibla ng buhok mo,” saad ko at humigop ng frappe ko sa straw.

Lumiwanag ang mukha ng mokong, inakbayan niya ako at muling nag lakad. “ Dapat lang talaga ano. Dapat ako lang ang guwapo sa paningin mo.” I just rolled my eyes, buti na lang ay hindi niya iyon nakita haha.

After ilang oras na byahe ay nakarating na rin kami sa head quarter nila. Medyo malayo nga sa Syudad at tago ito.

Isa itong malaking building. May ganito pala rito. Ang astig.

Maraming nag kalat na mga security sa labas ng building. Dapat nga naman talaga dahil masiyadong delikado pag napasok.

Pag pasok namin sa building ay sinalubong kami ng tatlong security sa lobby  “Welcome back, sir, ” wika ng isang security guard.

Tinanguan lang ito ni Sebastian  at inabot sa kaniya ang susi ng sasakyan nito. “Park my car.”

Kinuha naman ng lalaki ang susi at agad na lumabas ng building.

I rolled my eyes.“Bakit ‘di mo na lang pinarada kanina sa parking lot? Aabalahin mo pa, e.”

Hindi niya ako inimik. In-escort kami ng dalawang security  hangang sa makarating kami sa tapat ng isang security check-up. Dahil kasama ko naman si Sebastian ay hindi na ako chineck ng mga security.

Awtomatikong bumukas ang pinto nang itapat ni Sebastian ang kaniyang mukha sa isang scanner.

“Woah, ang cool, ” mahinang sambit ko. Ganito pala ang itsurang head quarter ng isang mafia Organization.

Pag pasok namin ay agad naman kaming sinalubong ni Gabriel. “Mabuti naman ay nandito na kayo.”

“Na saan siya?” tanong ni Sebastian.

“Nasa underground room.” Nag lakad si Gabriel at sumunod kami ni Sebastian. Sumakay kami sa elevator pababa.

Ngayon lang ako nakapunta sa isang Head Quarter na kagaya nito. Ang cool nga talaga. 

Pag bukas ng elevator ay nag lakad kami hangang sa huminto kami sa harap ng isang pintuan ng kuwarto.

Pag pasok namin ng silid  ay nadatnan namin si Kishia kasama ang isang lalaki na na sa couch habang nag lalaro ng cards.

Dumapo ang tingin ko sa lalaking nakagapos at mukhang bugbog sarado. Nakagapos ito sa silya habang may tali ang kamay at may panyo ang bibig. Nakayuko siya kaya hindi ko masiyadong nakikita ang mukha niya.

“Gisingin niyo,” ani Gabriel, kaya tumayo ang lalaki sa tabi ni Kishia at kinuha ang isang baldeng tubig na navsa sahig at ibinuhos sa lalaki.

Bigla namang nagising ang lalaki ngunit parang wala pa ito sa tamang huwisyo. Nilapitan siya ni Gabriel, tinanggal nito ang panyo sa bibig ng lalaki at tinapik-tapik ang kaniyang pisngi kaya unti-unti niyang inangat ang kaniyang ulo.

Nagulat ako at bigla akong napaatras nang makilala ito.

“Luie?!” Hinawakan ako ni Seb sa braso at hinila paatras.

“You know him?”

Tumango naman ako. Siya si Luie, isa rin sa nag pahirap sa akin. Hindi ko alam na kapatid pala siya ni Hunt.

Binitawan ako ni Sebastian. Humakbang siya papalapit kay Luie habang matalim na tinitignan ito. “Na saan ang kapatid mo?” malamig na tanong ni Seb sa kaniya ngunit maitim niya lang itong tinignan at tinawanan.

Gumuhit ang pagka-irita sa mukha ni Seb. Alam kong nag titimpi siyang padapuin ang kamao niya sa mukha ng lalaking ‘to.

“Na saan ang kapatid mo?” pag-uulit na tanong niya ngunit hindi pa rin ito nag salita. Nginisihan niya lang ito na mas lalong ikinagalit ni Sebastian.

Biglang binunot ni Seb ang baril sa tagiliran ni Gabriel at tinutok ito sa ulo Luie.

“Kakanta ka o gusto mo nang manahimik habang buhay?” Nawala ang emosyon sa mukha ni Sebastian. Hindi ko na nababasa ang na sa isip niya o ano man ang sunod na gagawin niya. Nakakatakot siya, nakakatakot ang aura niya.

“Sa tingin mo ba ay masisindak ako ng baril na ‘yan?” Muli itong ngumisi na para bang minamaliit ang kakayahan ni Seb sa pag gamit ng baril.

“Isang pitik ko lang sa gatilyo nito, tagos ang bala sa ulo mo.” Itinutok niya ang baril sa noo ni Luie.

Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib ko. Hindi pa ako handang makita si Seb na may papatayin mismo sa harap ko.

Umigting ang panga nito and his teeth clenched, sabay ng pag lihis ng baril na hawak niya at pinaputok sa gilid.

Napasigaw ako at napatakip sa tenga ko. Naramdaman ko naman ang kamay ni Kishia sa balikat ko.

“Hindi niya ‘yan babarilin. Maniwala ka,” mahinang saad niya sa akin.

Ang bilis ng tibok ng puso ko na parang may drum sa loob nito. Oh, God!

Tumalim ang titig ni Sebastian sa kaniya at malakas itong hinampas ng baril sa ulo kaya nawalan na naman ito ng malay.

Medyo lumuwag ang aking pag hinga nang iabot niya ang baril kay Gabriel at nilapitan ako.

“I’m sorry kung natakot ka.” Niyakap niya ako sa mga bisig niya. Tama nga si Kishia, hindi niya ginawa ang pag baril kay Luie sa harap ko.

“Hinding-hindi ako papatay ng tao sa harap mo,” bulong niya at hinalikan ako sa noo.

Napayakap ako pabalik sa kaniya. God! Hindi ko na maitatanggi na mahal na mahal ko na ang taong ‘to.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya. “Ano na ang gagawin niyo?” tanong ko.

“Kung hindi natin siya kayang pakantahin, isa lang ang paraan para lumabas si Hunt.” Muli niyang tinapunan ng tingin ang lalaki kasabay ng pag bilog ng kamao nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro