CHAPTER 14
CHAPTER 14
CALISTA
Nagising ako dahil sa kiliting dala ng mumunting halik na pumapatak sa aking balikat.
“Good morning, babe. ” Nakatingin siya sa akin habang nakangiti.
Aww! Araw-araw ba namang may ganitong gigisng sa ‘yo, e palagi nang maganda ang bungad ng umaga mo.
“Good morning. ”
Binigyan niya ako ng isang matamis na halik sa labi.
“May pupuntahan ko mamaya, ha. May tao akong ipapadala rito para mag bantay sa ‘yo, ” aniya at hinalikan ang leeg ko. Pakiramdam ko ay kinukuryente ako sa halik niya. Hubo’t hubad pa kasi ako at tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan ko.
“Saan ka pupunta? Nahanap niyo na ba si Hunt?” tanong ko, ngunit nginitian niya lang ako.
“May importanteng lakad lang kami ni Gabriel. Tungkol naman kay Hunt, hindi pa siya natatagpuan. Mukhang magaling siya mag hide and seek.”
Sabagay, si Hunt ang klase ng tao na hindi mo agad ma huli-huli.
Napatango na lang ako. “Magaling makipag taguan ang taong ‘yon kaya mahirap siyang hagilapin.”
“Hindi naman habang buhay makakapag tago siya. Kailangan niyang pagbayaraan at ng mga kasamahan ang kahayopan nila.”
Napatitig ako sa kaniya. May iba pa talaga siyang pinagkukunan ng galit niya kay Hunt. We already in a relationship pero hindi ko pa alam ‘yon at hindi niya pa nasasabi sa akin.
“Mahahanap niyo rin siya.” Iyon na lamang ang nasabi ko. Saka ko na lang siya kakausapin tungkol sa mga tanong na nag lalaro sa utak ko.
Pinisil-pisil niya ang aking pisngi.
“Pinag luto na kita sa baba. Kumain ka na lang ha. Padating na rin naman ang mga tinawagan kong mag babantay sa ‘yo rito. Just call me if you need anything, okay?”
Muli niya akong siniil ng halik bago bumangon at lumabas ng kuwarto.
Wala akong ka ide-ideya sa mga pinag gagawa ni Seb. I’m just her girlfriend, at masiyadong naging mabilis rin ang pangyayari. Pakiramdam ko ay wala pa akong karapatan alamin ang lahat nang ginagawa niya.
Bumangon ako sa kama at walang saplot na pumasok sa banyo.
Pinuno ko muna ng tubig ang bathtub at tinimpla ang tubig para hindi gano’n ka lamig bago ako lumusong doon.
Hay! Ang sarap ng pakiramdam ko. Nakakarelax ang ganito. Nilublob ko ang aking sarili sa tubig at ipinikit ang mga mata ko. Ngayon lang ulit ako nakakapag relax ng ganito. Simula kasi nang naging prosecutor ako ay hindi ko na naaalagaan ang sarili. Pero ngayong wala na akong trabaho ay mag kakaoras na ako sa sarili ko.
Noong una ay nanghinayang ako. Sino ba naman ang hindi manghihinayang kung ang iningatan mong trabaho ng ilang taon ay bigla-bigla nalang mawawala. Pero, tama rin naman si Seb, na puwede naman akong tumayo ng sarili kong law firm. Okay na rin ‘yon dahil toxic rin naman ang head ng prosecution. Wala siyang kuwenta dahil pera lang ang mahalaga sa kaniya.
Matapos ang ilang minutong pag babad ko sa tubig ay nag banlaw na rin ako ng katawan ko. Sunday ngayon, tawagan ko nga si Ally para makapag pasyal naman kami total day off niya naman ang Sunday.
Nang matapos ako sa morning rituals ko ay kinuha ko ang phone ko sa lamesa sa gilid ng kama at agad na hinanap ang numero ni Ally.
Ilang sigundo pa lang nang mag ring ay agad na niya itong nasagot.
“Good morning, Ally! Kumusta?” bungad ko sa kaniya.
“Good morning rin, Cali. Ayos naman ako, ikaw ba diyan? It’s been two weeks nang huli kang pumarito sa office. Hindi manlang kita matawagan dahil sobrang hectic ng schedule ko dahil ang dami kong kasong hawak ngayon. B’wesit kasi ang matanda na ‘yon bakit kasi pina-alis ka pa buti sana kung siya ang sasalo ng trabaho mo.”
Natawa ako sa sinabi niya. Kawawang Allu siya ang nag hihirap ng trabaho na dapat sa akin.
“Kaya mo ‘yan, ikaw pa ba? Tawagan mo lang ako pag may gusto kang ipatulong sa akin, I’m always free naman,” saad ko. Wala rin naman akong masiyadong ginagawa rito, mas mabuti na ‘yong may pag aabalahan ako.
“Really? Thank you, mars! Ngayong alam ko nang may tutulong na sa akin, puwede ko na munang irelax sarili ko. Exhausted kasi ako since umalis ka.”
“Are you free today?” I asked.
“Oo, day off ko. Labas tayo?” Napangiti naman ako sa sinabi niya. Iyon talaga ang sadya ko, e. Ang yayain siyang lumabas.
“Tara, nababagot ako rito,” ani ko. Hindi naman siguro magagalit si Seb kung lalabas ako ‘di ba?
“Sige ba! Kita na lang tayo sa park kung saan tayo tumatambay pag lunch break,” aniya. Medyo malayo na rito ‘yong park na sinasabi niya. Medyo tago kasi ‘tong rest house ni Seb, e.
“Sige, kung sino ang mauuna mag hintayan na lang.”
Tumawa ito.“Sige, kung sino ang ma l-late siya ang sasagot ng foods!” I chuckles. Ganito kasi ang patakaran namin, kung sino ang ma l-late sa mga tagpuan o usapan ay siya ang sasagot ng foods na kakainin namin.
“Alright! Sisiguradohin kong ako ang mauuna.”
Gagamitin ko na lang ‘yong kotse ko may gas pa naman siguro, yon.
“Sige, see you!” aniya bago pinatay ang tawag.
Nag blower muna ako ng buhok bago nag palit ng jeans at tops. Nag tali lang ako ng buhok at nag lagay ng pulbo at kaunting liptint.
Kinuha ko muna ang sling bag ko sa closet bago ako bumaba.
Maaga pa naman 9.a.m pa lang. Dumeretso muna ako sa kusina at tinignan ang mga niluto ni Seb. Kumuha lang ako ng ham and cheese na pinalaman sa bread at kumuha ng milk sa fridge.
Baka sumama ang loob ni Seb pag hindi ko manlang ginalaw lang niluto niya. Pag tapos kong kumain ay lumabas na ako ng bahay.
Wala pa rin ang mga taong pinadala rito ni Sebastian, akala ko ba on the way na?
Mga pinoy nga naman, palaging late.
Sinigurado kong naka kandado ang bahay bago umalis. Itetext ko na lang si Seb mamaya.
Pag dating ko sa tagpuan namin ay agad na hinanap ng mata ko si Ally. Napangisi naman ako dahil malilibre na naman ang tanghalian ko nito.
Umupo muna ako sa isang bench na may table kung saan ito ang palagi naming spot ni Ally.
“Oh, Ineng nandito ka na pala. Matagal-tagal din kitang hindi nakikita.” Napatingin ako sa gawi ng nagsalita, otomatiko akong napingiti nang makilala ito.
“Lola! Kumusta na po kayo?” Tumayo ako at nilapitan siya ’tsaka niyakap. Siya itong Lola na palaging nag bebenta sa amin ng mani.
“Ito, nag titinda pa rin.” Napatingin ako sa kaniyang dala-dala. My favorite pritong mani!
“Oh, God! Ang pa pabirito ko!” Ngumiti ito sa akin at kumuha ng isang supot na mani sa kaniyang basket na dala at ibinigay sa akin.
“Palagi akong dumadaan dito nag babakasakali na nandito kayo pero palaging wala,” aniya. Pinaupo ko siya sa bench at tumabi sa kaniya.
“Natanggal kasi ako sa trabaho lola, kaya hindi na kami nakakapag tambay rito ni Ally.” Kinuha ko ang wallet ko sa bag at dumukot ng 100.
“Aba’y bakit naman? Napakagaling mong prosecutor at palagi kang nababalita pag may kaso kang nalulutas. Bakit ka naman tinanggalan ng trabaho?” Huminga ako ng malalim at hinarap siya.
“Mahabang k’wento po, lola. Pero, okay na po ‘yon. Mag ka-katrabaho rin naman po ulit ako,” turan ko, at inibot sa kaniya ang one hundred pesos. “Keep the change po lola.”
“Naku! Masiyadong malaki naman ata ito, ineng, e limang piso lang iyang aking pritong mani.” Hindi niya sana tatanggapin ngunit inilagay ko iyon sa kaniyang basket.
“Ayos lang po lola. Matagal din tayong hindi nag kita at matagal na din akong hindi nakakain paninda niyo.” Nginitian ko ito at binuksan ang maning nakasupot at kinain. Ngayon lang ulit ako nakakain nito. Naging paborito ko na ito dahil araw-araw ba naman kami binebentahan ni lola dati.
“Napaka bait mo talagang bata ka,” aniya habang nakatingin sa akin. Na miss ko tuloy ang lola ko. Kaya malapit ang loob ko sa matatanda dahil lola’s girl ako. Sayang lang at hindi ko matagal na nakasama ang lola ko dahil agad naman siyang kinuha sa amin ni Lord. Pagkamatay ni Papa noon ay sumunod naman na nawala si Lola, feeling ko nga kasalanan ko rin kung bakit namatay si Lola dahil kasalanan ko ang pagkamatay ni papa.
“Lola Tessie!” Napalingon kami sa sumigaw at nakita ko si Ally na tumatakbo patungo sa aming dereksyo. Kita mo ‘tong babaeng ‘to, kahit kailan ay late.
“Oh, nandito ka rin pala. Nakakatuwa naman na makita ulit kayong dalawa rito.”
“Oo nga po, e. Masiyado na kasi akong busy sa trabaho kaya ngayon lang po nakapasyal dito.”
Napadapo ang kaniyang paningin sa basket ni lola na nakapatong sa lamesa.
“OMG! May mani po?!” Tinignan niya ang basket at dumukot doon ng isa.
“Na miss ko po ito, lola,” aniya at kumuha ng pera sa kaniya at inabot kay lola.
“Wala akong barya Ineng,” saad niya nang makita ang isang daang buong pera na inabot sa kaniya ni Ally.
“H’wag niyo na pong suklian, sa inyo na po ‘yan,” anito at umupo sa isang upuan sa harap namin.
“Diyos ko, ang laking pera nito. Si Cali ay binigyan rin ako ng isang daan. Sobra- sobra na ito.”
Ngumiti si Ally sa kaniya. “ Hayaan mo na po kami lola. Bawi din namin iyan sa inyo dahil ilang linggo rin kaming hindi nakakabili ng inyong panidang mani.”
“Napakabait niyo talagang mga bata. Nawa’y pag palain kayo ng Diyos.” Tumayo na ito sa kaniyang pagkakaupo at kinuha ang basket niyang nakapatong sa lamesa.
“Oh, siya, ako'y mag lalako na ulit. Mag iingat kayong dalawa, ha.”
“Opo lola, kayo rin po, ”saad ko.
“H’wag po kayong mag-alala sa amin lola. Takot lang ng mga goons sa amin,” ani naman ni Ally at humalakhak.
“Sige, ako’y aalis na.” Kinaway ko ang mga kamay ko sa kaniyang hangang sa makaalis na ito.
“Oh, late ka, ikaw ang manlilibre ng lunch mamaya,” saad ko habang ngumunguya-nguya ng mani.
“Letche kasi ‘yong traffic, e.” Ngumuso ito sa akin at inayos ang kaniyang pagkakaupo.
“Basta, ang usapan ay usapan, period.” Humalakhak ito.
“Oo na. Ako naman ‘yong palaging nanlilibre, e.” Natawa ako sa sinabi niya. Mula naman talaga noon ay siya ang sumasagot ng pagkain ko. Hahaha.
“By the way, saan ka nga pala nakatira? Pumunta kasi si Ate Aileen sa office at hinahanap ka. Sira-ulo, hindi mo pala sinabing wala ka na sa trabaho?”
Speaking of Ate Aileen hindi ko pa siya nakakausap simula nang lumipat ako kay Sebastian.
“Hindi, ayoko ko kasing mag a-alala siya. Na momroblema na siya sa anak niya, dadagdag pa ba ako? Ayoko rin sabihin na bumalik ulit ‘yong kidnappers ko 3 years ago.”
“Are you nuts, Cali? Si ate Aileen mo na lang ang nag iisa mong pamilya tapos wala pa siyang ka alam-alam kung na saan ka at ano na ang kalagayan mo.” Ramdam ko asar ni Ally sa kaniyang boses. Tama nga naman siya, pero kasi mas mabuti na itong ganito para naman hindi na siya madamay pa sa gulo ko.
“You have a point, pero kasi mas mabuti na itong wala siyang alam para hindi na siya madamay. Paano pala pag nalaman ng mga kidnappers ko na pamilya ko si Ate Aileen at siya ang gawan ng masama, di ba?” Napabuntong hininga ito.
“Bakit kasi napaka komplikado ng sitwasyon mo. Ireport mo na lang kasi sa mga pulis para mahuli na sila.”
“Ally, hindi nga nila nahuli noon, e. Tatlong taon na at hindi pa rin nila nahuhuli. Magaling makipag hide and seek ang mga taong ‘yon kaya wala ring magagawa ang mga pulis,” sagot ko.
“Eh, ano? Habang buhay ka na lang din makikipag hide and seek sa kanila? Paano ka mabubuhay ng maayos niyan kung mag tatago ka na lang palagi dahil sa mga hayop na ‘yon?”
“I don’t have any choice—”
“Meron kang choice, Cali. Sadyang ayaw mo lang,” putol niya sa sinabi ko.
“Hindi kasi sa gano’n ‘yon, masiyadong komplikado ang lahat, Ally. Ayokong gumawa ng action na ipapahamak ko rin sa huli.”
Muli itong napabuntong hininga. “Fine! Siguradohin mo lang talaga na mananatili kang ligtas.” Hinawakan niya ang aking kamay at malamlam akong tinignan. “Promise me.” Nginitian ko ito. “I promise.”
“So saan tayo?” pag iiba ko ng topic.
“Amusemet park?” Napangiti ako, magandang idea ‘yon. “Game!”
Pag dating namin sa amusement park ay agad naming inisa-isang sakyan ang mga rides. Ngayon lang ulit kami nakapag bonding ni Aly ng ganito.
“Ayoko!”
“Sige na, ni minsan hindi ka pa nakakapasok doon.” Pinipilit ko kasi siyang samahan akong pumasok sa haunted house.
“Cali, naman! Gusto mo ba akong mamatay?” naiiritang tanong nito.
“Alam mo, ang oa mo. Hindi ka nga natatakot makakita ng totoong patay sa crime scenes pag may inspection tayo, e.” She shrugs. Parang bata itong nag mamaktol na pinipilit.
“Eh, mag kaiba naman kasi ‘yon. ‘Yong patay hindi na gumagalaw pero ‘yong nasa loob kasi… Diyos ko naman, baka atakihin ako sa puso.” Pilit itong tumututol kaya tinalikuran ko siya.
“Minsan na nga lang tayo makapag bonding, e ayaw mo pa.” Kunwari nag tatampo ako. Aba, kailangan niya akong suyuin ano.
“Eh…kasi naman, e.”
“Okay, ganiyanan pala ha.” Kaunting acting pa, sasaan at bibigay din siya. Aalis na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa braso.
“Oo, na! Tara na!” Bahagya naman akong napangisi. Success! Magaling din pala akong umarte.
Bumili na muna ako ng ticket at pumila sa loob para makapasok.
Nang makapasok na kami ay sobrang higpit ang kapit niya sa aking braso. “Luwagan mo naman ang pagkakapit mo, madudurog naman ata buto ko sa ‘yo ,e.”
“Eh, sa natatakot kasi ako, e— AAAHHHH!!!”
Bigla siyang napasigaw dahil may isang pugot na ulong lumabas sa harap namin.
Humalakhak naman ako. Mas nagugulat pa ako sa kaniya kisa sa mga creatures dito e.
“Cali, lumabas na tayo, mamatay ako,” mangiyak-ngiyak na aniya habang pahigpit nang pahigpit ang hawak sa akin. Napaka o.a ng babaeng ‘to.
Nakalabas kami ng haunted house na iyon na puro sigaw at tili lang ni Ally ang nirinig ko. Pakiramdam ko ay nabingi ako sa kasisigaw niya.
“Iyon na ang una at huling pag pasok ko sa haunted house na iyon. Ayoko na! Never!” Natatawa lang akong tinitignan siyang nakahawak sa kaniyang dibdib at hingal na hingal.
“Oo, na. Tara nga nga, kumain na tayo at ilibre mo na ako.” Nauna na akong nag lakad sa kaniya at ramdam ko namang nakasunod siya.
Huminto kami sa isang turo-turo. Mas maganda rito kisa sa mga restaurants. Dito mura ma ang pagkain masarap pa.
Umupo na ako sa isang vacant na table habang si Ally ay tumitingin-tingin ng ulam.
“Anong binili mo?” tanong ko sa kaniya nang makaupo ito sa harap ko.
“As usual, ang paborito nating ulam. Ang beef stake at caldereta,” natutuwang sagot niya.
Naks! Mukhang makakarami ako ng rice nito.
“Ito na po ang oder niyo, ma’am.” Nilapag ng babae ang isang tray ng pagkain.
“Salamat po ate,” ani ko, nginitian niya lang ako at bumalik na sa trabaho niya.
“Dig in!” Masayang ani Ally.
Nilantakan na naming dalawa ang pagkain at wala kaming tinira. Sinigurado talaga naming dalawa na simot na simot ang mga plato namin.
“Ang sarap!” saad niya habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan.
“Turo-turo is always the best,” turan ko habang pinapahinga ang aking likod sa upuan. Busog na busog din ako kaya kaunting pahinga muna, baka hindi matunawan, e.
“Ate magkano po ang amin?” tawag ni Ally sa babae kanina. Nilista naman ng babae ang lahat ng inorder namin at ibinigay ang resibo.
Dumukot ng dalawang daan si Ally sa kaniyang wallet at ibinayad. “Keep the change na lang po ate. Masarap po kasi ulam niyo, e.” Tumawa ito. Naks naman, yayamanin talaga ang loka.
Lumabas na kami ng turo-turo at nag lakad-lakad para matunawan.
“So, saan na tayo?” tanong niya sa akin.
“Mag pahinga muna tayo bago umuwi, ” saad ko.
“Okay..”
Natigilan ako nang maalala na hindi ko pala na text si Sebastian.
“Oh, fuck!” Napatingin naman si Ally sa akin.
“Bakit?” Hindi ko siya sinagot, kinuha ko ang aking cellphone sa bag. Napakagat labi na lang ako ng makita ang. 106 miscalls galing sa kaniya.
Damn! Pitong oras na ang nakakalipas nang umalis ako sa bahay at hindi ko lang naman siya na itext. Fuck! Bakit ba kasi naka silent din ‘tong phone ko?
“Ayos ka lang?” Nilingon ko si Aly.
“I need to go. Tatawagan na lang kita.
“ Ha? Sige, mag iingat ka.”
Agad akong nag madaling tumungo sa sasakyan ko at pinaandar iyon.
I dialed his number para tawagan ito ngunit bigla ring tumunog ang phone ko at namatay. Fuck! Lowbat? Napailing na lang ako at mahigpit na napahawak sa manibela ng sasakyan nang maalala na kagabi ko pa pala hindi na c-charge ang phone ko.
“Napaka bobo mo naman, Cali.” Bulong ko. Madiin kong tinapakan ang gasolinador at mabilis na pinaharurot ang sasakyan pauwi.
Pag dating ko ng bahay, na sa pintuan pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang galit na boses ni Sebastian.
Damn! Parang ayokong nang pumasok. Nakakatakot siya. Huminga ako ng malalim bago humakbang papasok.
“Fuck! ‘Di ba sinabi ko sa inyo agahan niyo ang pag punta rito!?” singhal niya sa mga tauhan niyang nakatayo sa harapan niya.
Galit na galit siya at parang hindi mapakali, habang si Gabirel ay nasa kaniyang tabi na nakatayo at nakatingin lang sa mga taong pinapagalitan ni Sebastian.
“I will kill all of you if something bad happened to my girlfriend!” May pinindot ito sa cellphone niya at tinawagan.
“Fuck! I can’t contact her now!!” sigaw niya. Napalunok ako bago ibinuka ang bibig ko.
“Seb” Napalingon siya sa akin pati si Gabriel at ibang tauhan niya.
Ang galit niyang mukha ay biglang lumambot at napalitan ng pag-aalala.
Humakbang ito papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
“Oh, God! Where have you been” Kumalas ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya.
“I’m sorry, umalis ako para makipag kita kay Ally. Nakalimutan kong itext ka.” Kumunot ang noo nito.
“Umalis ka nang hindi man lang nag papaalam? Paano kung may nangyaring masama sa ‘yo!?” bulyaw niya na bahagya kong ikinatalon sa kinatatayuan ko.
“Ilang beses kitang tinatawagan at hindi ka sumasagot! Alam mo ba kung gaano ako nag alala sa ‘yo!?”
Napayuko ako. Nakakatakot ang aura niya. “Im sorry, naka silent kasi ang phone ko. Nag enjoy ako sa amusement park kasama si Ally, na miss ko rin kasi lumabas,” saad ko habang nakayuko pa rin.
Hinawakan niya ang aking pisngi at hinarap sa kaniya. Ang kaniyang nakakatakot na aura ay biglang nawala. Lumambot na rin ang kaniyang mukha.
Bigla niya akong niyakap ulit ng mahigpit. “I’m sorry kung napag-taasan kita ng boses. Natakot lang ako. You scared me to death. Akala ko kinuha ka na nila Hunt.”
I hug him back. “I’m fine babe, I’m safe.”
Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro