Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

CHAPTER 1

Nagmamadali si Calista na halos liparin na niya ang daan papunta sa korte. Ngayon kasi ang trial niya sa isang mabigat na kaso na hinawakan niya.

"C'mon! I'm already late!" she groaned the moment her car stopped because of the traffic. Bawat segundo na lumilipas ay lalo siyang kinakabahan. Na-late kasi ito ng gising dahil marami siyang tinapos na trabaho kagabi.

Nang maging berde ang ilaw ay agad niyang inapakan ang gasolinador. Ngunit bigla rin itong napahinto nang may biglang lumusot na motor sa gilid nito at muntik nang sumabit sa kaniyang sasakyan.

"Hey!" inis niyang sigaw dito.

Saglit naman itong nilingon ng lalaki at tinignan kung nasagi niya ba ito. At nang masigurado niyang hindi ay agad niyang pinaharurot muli ang kaniyang motorsiklo.

"Jerk!" Calista shouted.

Ngunit mas mabilis naman din ang naging pag-alis ng lalaki dahilan para hindi nito maabutan ang sigaw niya.

Inis niyang pinaandar muli ang sasakyan at nagmadali na itong tumungo sa korte.

Pagdating niya sa kaniyang destinasyon ay agad siyang dumeretso sa loob ng trial court kung saan ay naroon na ang lahat. Pagkapasok niya ay agad siyang umupo sa tabi ng kasama niyang si Ally. Buti na lamang at hindi pa nagsimula ang hearing.

"Why are you late?" Ally asked her.

"Stuck in the traffic," tanging sagot nito bago inayos ang sarili dahil magsisimula na ang paglilitis.

Nagsimula na ang trial at masyadong nag-iinit ang dalawang kampo. Ang prosecution at ang defense attorney ng akusado.

A 25-year-old man was strangled and fell down the stairs. Leading to brain damage and death. And Michael, his ex-boyfriend, was the defendant's defense attorney.

"Defense attorney, you may now start the cross examination," said the judge.

Kalmado lang na nakaupo si Calista habang sinusundan ng tingin si Michael na pumunta sa harap para umpisahan ang cross examination niya sa doctor.

Tinapunan muna ng tingin ni Michael si Calista at bahagyang nginisihan ang dalaga bago siya magsimulang mag tanong sa doctor.

"The victim is Reynan Santos." panimula nito. "When was he diagnosed as brain dead?"

"He was brain dead on August 22, 2021, at 10:30 a.m.," the doctor replied.

"In that case, when would his heartbeat stop?" he asked again.

"Same day. August 22, 2021, but it's already 7:17 in the evening."

Tumango-tango naman si Michael.

"So, there's a 9-hour gap? How did you came up with the conclusion that the victim died at a specific time?" muli nitong tanong.

"That was the time the organ transplant started. When his artery was cut, that's the time we recorded the time of his death."

Ang biktima kasing si Reynan Santos ay nakapirma bilang isang organ donor. At nailigtas naman nito ang apat na buhay ng tao. Pumayag ang Prosecution na pagsabayin ang organ transplant at ang autopsy dahil sa leeg lang naman na parte ng katawan ng biktima ang kakailanganin para sa autopsy.

Tinaas ni Michael ang papel ng autopsy report at hinarap sa doctor.

"In that case, that must have been written in the obituary at the time of his death, right?"

The doctor nodded at him. "Yes, you're right." Michael smiled slightly and faced the judge.

"Iyon lang po, Your Honor," saad nito bago naglakad pabalik sa upuan niya.

"Tinanggihan niya ang mga ebidensya para itanong lang 'yon?" Ally muttered. Isa ring prosecutor na kasama ni Calista na umuusig.

The defense denied the evidence and pleaded not guilty.

"Mukhang may binabalak siya," sagot nito.

Tumayo si Calista at huminga nang malalim bago pumunta sa harap.

Tinignan niya muna ang akusado at si Michael bago niya tinapunan ng tingin ang pamilya ng biktima at bahagyang yumuko para magpakita ng respeto.

She took a deep breath again before she spoke.

"From the day of the incident to this day, the accused denies the crime and repeatedly alters his statements to cover up his guilt nor has he shown remorse for what he did."

Muli siyang humarap sa akusado.

"According to Criminal Law Article 250 of Section 1, I request to sentence the accused to ten years of imprisonment for the murder charge."

Ngumisi lang si Michael kay Calista na para bang hindi ito naaapektuhan sa sinasabi ng babae.

Yumuko si Calista sa judge bago bumalik sa upuan niya.

"Next, Defense Attorney please deliver your closing argument," ani ng judge kaya tumayo si Michael at muling pumagitna.

"The trial is almost over."

Tumingin ito sa direksyon nila Calista.

"Their evidence is a testimonial of an old guy who lost his sanity. An autopsy performed after an organ transplant... it's still not enough to prove everything."

Ngumisi ito nang bahagya na tila parang minamaliit si Calista.

"As I listen to this useless reasoning, there is a question that I want everyone to think about."

Hinarap nito ang akusado at tinuro.

"Can Alex Perez, the accused, really be charged with murder?" Muling sumilay ang isang mapanuring ngisi ni Michael at tinapunan ng tingin si Calista.

"Ano na naman 'yang walang kuwentang pinagsasabi niya," bulong ni Calista habang tinitignan si Michael.

"The victim, Reynan Santos, was declared dead on July 22, 2021, at 10:30 a.m.. According to the doctor's statement in his autopsy; his heart stopped beating nine hours later, at 7:17 p.m., before the organ transplant."

Napabuntong hininga si Calista dahil alam niyang pahahabain pa ni Michael ang trial na 'to.

"We know that brain death is not an actual death under criminal law. The actual death under criminal law is only recognized when the heartbeat stops."

He stood in front of the judge. "The same is true for organ transplant law," he said, turning his gaze to the victim's family.

"Mga naulila ng biktima ay nauulila pa lamang pagkatapos ng transplant."

The courtroom became silent after hearing what he has said.

Kumuyom ang mga kamao ni Calista at tumayo ito. "Anong sinabi mo? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo!?" inis na asik ni Calista sa kaniya. Tila nawawalan na ito ng pasensya.

"Prosecutor Javier, please remain seated!" saway ng judge sa kaniya kaya walang nagawa si Calista kundi ang muling umupo.

"Anong kalokohan na naman 'yan?" inis na anas ni Ally.

Hinarap ni Michael si Calista habang pinagpatuloy pa rin ang pagsasalita.

"Kung ang biktima na si Reynan Santos ay may pinsala sa utak dahil sa insidente at sa paglipas ng mga araw ay tumigil ang pag tibok ng puso niya, maaari ngang kasuhan ng pagpatay ang akusado. Pero kung ang biktima ay nagkaroon man ng brain death, patuloy pa rin naman sa pagtibok ang puso niya. Kaso nga lang, huminto lang sa pagtibok ang puso niya noong ginagawa na ang organ transplant."

Napaawang ang labi ni Calista dahil sa mga narinig.

No... it can't be!

"So, the actual death recognized by criminal law, is not the work of the accused but the work of the doctor who performed the organ transplant."

Biglang umingay ang loob ng trial court dahil sa sinabi ni Michael.

"Anong kalokohan 'yan?! Doctor ang pumatay sa kapatid ko?!" sigaw ng babae na kapatid ng biktima.

"Michael, nababaliw ka na ba!?" sigaw ni Hiro, isa ring abogadong nanonood sa trial.

The judge soon slammed his wooden gavel to its sound block.

"Magsitahimik muna!" sita nito na agad namang ikinatahimik ng lahat.

Napahilot si Calista sa kaniyang sentido. Mukhang babaliktarin ni Michael ang kalalabasan ng kaso.

"So, according to criminal law, it wasn't the accused who killed the victim. He died because of an organ transplant!"

Mapait na tumawa si Ally na nasa tabi ni Calista. "Nasisiraan na talaga siya ng ulo," bulong nito habang ang kaniyang mga mata ay nananatili pa rin kay Michael.

"To be honest, we can't charge Alex Perez with murder."

Humarap ito sa mga taong nanonood.

"Because the accused had nothing to do with the actual death of the victim."

Tiningnan niyang muli si Calista ng may mapang-asar na tingin, bago ito ngumisi.

Hinarap niyang muli ang judge saka yumuko nang bahagya, hudyat na wala na siyang ibang sasabihin.

Pansin pa rin ang pagiging tahimik ng judge dahil sa mga narinig nito mula kay Michael. Kahit ito ay hindi makapaniwala sa sinabi ng defense attorney.

Calista then gave Michael a look before mouthing, "Sira na ang ulo mo."

Ngumiti naman din ang lalaki na para bang kampante na siyang maipapanalo niya ang kaso.

"Prosecutor Javier?" maya-mayang tawag ng Judge. "Baka may gusto ka pang idagdag?" tanong nito.

Calista swallowed the unexpected lump in her throat. Nagda-dalawang-isip pa siya kung may idadagdag pa ba o wala na.

"Do you want me to speak?" Ally asked when she saw Calista troubling.

Calista looked at Ally. She gently shook her head and said, "It's okay. I can handle it." she smiled, giving Ally an assurance that she can still fight in spite all of that.

"Meron po, Your Honor," she said as soon as she stood up. Huminga muna siya nang malalim bago ito nagsalita.

"I'm sure the victim's family blamed themselves after hearing what the defense attorney has said. Realizing that by agreeing to the organ transplant, the person who killed Reynan Santos would escape the punishment. Gumawa nga sila ng mabuti... pero nakakasama pa rin pala ito."

Lumingon siya sa mga taong nasa loob ng trial court.

"The law is on the side of criminals. Sure! That's what they're thinking now." she added.

Tinapunan niya ng tingin ang pamilya ng biktima na nag-iiyakan.

"Ngunit hindi dapat ganoon ang batas natin."

Muli niyang hinarap ang judge.

"Dahil sa akusado, nagkaroon ng brain death ang biktima. Katulad ng sinabi ng defense, kung may brain dead ang biktima at lumipas man ang araw na walang transplant na naganap, titigil at titigil pa rin ang pagtibok ng puso ng biktima. Lahat ng brain dead patients ay nauuwi sa gano'n."

Napabali ang leeg ni Michael habang tinitignan si Calista.

"Dahil ba sa organ transplant na nangyari bago siya tuloyang mamatay ay hindi na mananagot ang akusado?"

Hinarap ni Calista si Michael at ang akusado at saka matiim itong tinignan. "If the incident had not happened, if the accused had not strangled and pushed the victim down the stairs... the victim would not have been brain dead. No doctor would have done the organ transplant... and to this point the victim would have been alive and happy with his family!"

Ang kaninang ngisi sa labi ni Michael ay biglang nawala. Nilukot niya ang papel na hawak nito habang maitim na tinitignan si Calista.

Ibinalik ni Calista ang kanyang tingin sa judge. "Madali lang naman malaman ang dahilan ng pagkamatay niya. Let's just get rid of the things that gave way to his death. Even if the doctor who performed the transplant is removed from the equation, it is still certain that the victim will die. Pero kapag inalis sa equation ang akusado ay maiiba na ang pangyayari. If the accused had not done what he did, the victim would still be alive today!"

"The law should not be confused! The law must hold offenders accountable." Tinuro nito ang defense attorney na masama ang tingin sa kaniya.

"Makatuwiran dapat ito sa pag huhusga! Panig 'to sa katotohanan. Just because the time of the victim's death caused a change in the case does not mean that the accused is innocent! If that happened... then it wouldn't be fair to judge him!"

Hingal na pahayag ng ni Calista habang hindi inaalis ang tingin kay Michael.

Natahimik ang lahat dahil sa narinig. Muling tinignan ni Calista ang judge habang ang mga mata nito ay nangungusap.

"Besides, for the victim who gave life to four people, and his family who agreed to the transplant. Please don't let this trial favor the real culprit. Because if that happens, that wouldn't be fair.''

Nginitian niya ang judge at bahagyang yumuko bago bumalik sa kaniyang upuan.

........

"Isang babae na naman ang natagpuang patay sa isang eskinita. Pinaghihinalaan itong ginahasa bago kinitilan ng buhay..."

Muling nabuhay ang inis ni Sebastian. Pinatay niya ang telebisyon at binato ang hawak niyang remote roon.

"Those bastards!" Umigting ang panga nito dahil sa galit. Isang grupo lang ang alam niyang p'wedeng gumawa ng karumal-dumal na krimen na 'yon. Ang grupo na siya ring pumatay sa nakababatang kapatid niyang si Athena.

Kuyom ang mga kamao niya habang pinagmamasdan ang litrato ni Athena na nakasabit sa kanilang dingding. He will never forgive those soul-blocking people who raped and killed his sister.

Iyon din ang dahilan kung bakit nag pursige siya at bumuo ng isang organisasyon, ang Burke Mafia Organization, upang mahanap ang mga taong pumatay sa kapatid niya. Wala na siyang tiwala sa mga kapulisan at sa batas dahil tatlong taon na ang nakalipas ay hindi pa rin umuusad ang kaso at hindi pa rin sila nahahanap.

"I will find those people at ako mismo ang papatay sa kanila. Ilalagay ko sa kamay ko ang batas," saad nito habang tinitignan ang litrato ng namayapang kapatid.

"I promise," he uttered.

Lumabas ito ng bahay nila at sumakay sa kaniyang sasakyan upang tumungo sa lugar kung saan nailalabas niya ang kaniyang galit at sama ng loob.

Pag dating niya sa tapat ng bar ni Zircon ay mabilis niyang ipinarada ang kaniyang sasakyan sa isang bakanteng espasyo sa parking lot.

***
Napatapak ng break si Calista nang may biglang lumusot sa gilid niya at pumarada sa espasyo na dapat siya ang mag paparada.

"What the fuck!?" mura nito bago mabilis na lumabas ng kotse niya.

Lumapit ito sa sasakyan na pumarada at kinatok ang bintana nito.

Bumukas naman ang pinto kaya umatras siya nang bahagya. Lumabas ang isang lalaking matipuno ang katawan at matangkad. May suot itong sunglasses at naka leader jacket. Tinignan siya nito at nag salita. 

"What do you want?" malamig na tanong nito.

Tinaasan siya ng kilay ni Calista bago pinag-krus ang mga braso sa dibdib.

"What do I want? Aba! Loko ka rin, e! Muntik mo nang mahagip ang sasakyan ko tapos tatanungin mo ako kung ano ang kailangan ko?" naaasar niyang wika. 

Tinapunan ng tingin ni Sebastian ang sasakyan nito na nasa likod ng sasakyan niya.

"Oh? May sira ba? Babayaran ko na lang," aniya bago dinukot ang wallet sa bulsa niya. 

Sumama naman ang mukha ni Calista dahil sa inasal ng lalaki. She never knew she'll encounter such an arrogant man in her life!

Gosh! This man is something!

"Hindi ko kailangan ang pera mo!" nangangalit nitong sabi na s'ya namang ikinatigil ni Sebastian sa pagdukot ng pera.

Tumuwid ng tayo si Sebastian bago niya ibinalik ang wallet sa kaniyang bulsa. Tinapunan niya ng tingin ang dalaga. 

"Then? What do you want?" walang gana nitong tanong.

"A simple sorry will do," madiin niyang sabi. Nanggigigil pa rin siya ngunit alam niya rin namang isa siyang Prosecutor kaya dapat habaan na lang muna niya ang pasensya niya.

Being mad all the time won't help.

Muling sinilayan ni Sebastian ng tingin ang sasakyan ng dalaga. "Wala namang gasgas ang sasakyan mo. Bakit ako hihingi ng sorry?" 

Mas lalong lumukot ang mukha ni Calista dahil sa sinabi ng binata. Mukhang hindi na ata niya kayang habaan pa ang pasensya niya.

"Wow naman! Ikaw na nga itong muntikan nang makasagi, ikaw pa itong nagiging antipatiko. Hindi ka lang mayabang napaka-antipatiko mo pa!" inis na turan niya bago ito tinalikuran at muling sumakay sa sasakyan para humanap ng mapag-parkehan ng sasakyan niya.

Naiinis man sa lalaki, wala na siyang ibang magagawa kundi ang umuna na lang sa pag-alis kaysa harapin pa ang lalaki at mas pahabain pa ang alitan. She hated that, and the thought of that guy.

Gosh! Karma na lang talaga sana ang lalapit sa kanila!

She again revived her engines before driving away from that guy. Ramdam pa rin niya ang sama ng loob habang umikot-ikot pa sa parking lot, sinusubukan kung may matsambahan ba siyang bakanteng espasyo para mapag-parkehan niya.

I thought guys are gentlemen... turns out it's just a thought that us, women, had imagined.

 Matapos niyang i-park ang sasakyan niya ay nag lakad na ito papasok ng bar kung saan sila magkikita ng pinsan niyang si Aileen.

Hindi pa siya tuluyang nakakapasok sa bar nang may biglang humarang sa kaniya na isang lalaki. Nag-angat siya ng tingin para tingnan kung sino iyon. At sa dinami-dami nga naman ng tao sa mundo, ang lalaki na naman kanina ang nakasalubong niya ulit!

Lintik na tadhana!

"Ano!?" asik nito na bahagya namang tumawa ang lalaki.

She looked at him fiercely as the guy didn't let go of the teasing.

"Umalis ka nga riyan!" inis na singhal niya rito. 

Hinarap siya ni Sebastian at seryosong tinignan.

"Look... I'm sorry. I know I acted inappropriately earlier, but I swear, I didn't mean it." biglang sabi ng lalaki na ikinagulat naman ng dalaga.

Calista rolled her eyes.

Marunong naman pala humingi ng tawad, bakit hindi pa magawa kanina?

Tumango naman si Calista. "Apology accepted. Umalis ka na riyan," nakakunot nitong saad bago sinenyasan ang lalaki na tumabi.

Ngumisi si Sebastian at pumagilid upang makapasok ang dalaga bago ito sumunod sa loob.

Damn! She's gorgeous yet she has a foul mouth.

Dumeretso siya sa bar counter kung saan busy ang kaibigan niyang si Zircon sa paghalo ng alak.

"Oh, hey! Napadalaw ka?" tanong ng kaibigan niyang kasalukuyang naghahalo ng mga alak.

Sebastian tsked. "Hindi ikaw ang pinunta ko. Gusto ko lang uminom."

Tumawa ang kaibigan niya at pinagsalin ito ng alak. "May problema ba?" tanong nito. Huminga lang ng malalim si Sebastian bago nilagok ang alak.

"Nabalitaan mo 'yong bagong patay sa eskinita? Riyan sa malapit?" 

The moment he emptied his glass, he gave it back to Zircon, lowkey telling him to pour another shot.

"Ah, oo. Napanood ko 'yon kanina." 

Zircon poured another shot for Seb, and as soon as he gave the glass to him. He felt the anger Sebastian's currently feeling. Seeing how he held his glass tightly that soon might be broken if he'll grip it more tight.

Alam naman din niya ang pinanggalingan ng sama ng loob nito. Wala nga lang siyang magagawa dahil hindi naman din makatarungan ang batas. No matter how hard they try to achieve fair justice, if the court is blinded by money and connections, their efforts gets nothing in return. Just like Seb, he surely will make a law himself where justice is well served.

Noong una ay tutol sila sa pinasok na mundo ni Sebastian dahil alam nilang napaka-delikado nito. Halos malalaking mga sindikato ang makakabangga niya kapag nagkataon, ngunit nang lumaon ay hinayaan na lang nila ito dahil wala na rin naman silang magagawa sa kagustuhan ng kaibigan nila. Nagtayo ito ng sariling organisasyon para lang mahanap ang mga pumatay sa kapatid niya. 

"Iinom mo lang 'yan." Muli niyang binigyan ng alak ang kaibigan.

"Naiinip na ako," usal nito habang nakatitig sa alak sa basong hawak niya.

"Mahahanap mo rin sila. Hindi sila habang buhay na makakapagtago." 

Huminga ng malalim si Sebastian bago ininom ang alak.

'Hindi ako mapalagay hangga't malaya pa ang mga demonyong iyon.'

***

Nakaupo si Calista habang pinagmamasdan ang lalaki kanina. Nakaupo ito sa counter habang nakikipag-usap sa bartender.

Hindi maalis-alis ang tingin niya rito. Pamilyar ang boses ng lalaki sa kaniya ngunit hindi niya lang matandaan kung saan niya ito narinig.

"Kanina ka pa ba rito?" Napatingin siya sa babaeng lumapit sa kaniya. Si Aileen, ang kaniyang pinsan.

"Oh? Nandito ka na pala. Hindi kita napansin," aniya at itinaas ang kaniyang kamay upang tawagin ang isang waiter.

"One bucket of beer please."

Napalaki ang mga mata ng pinsan niyang si Aileen. "One bucket? Balak mo bang gumapang pauwi? Dalawa lang tayo, o!" hindi makapaniwalang saad ni Aileen.

"Gusto ko lang mag-celebrate. Dahil isang kaso na naman ang naipanalo ko."

"Napanood ko pala ang trial mo kanina. Buti na lang talaga at nasupalpal mo ang mayabang mong ex at naipanalo mo ang kaso," natatawa na wika ng pinsan nito.

"Wala naman akong pakialam sa lalaking 'yon. Ginawa ko lang ang trabaho ko at kung ano ang alam kong tama," sagot nito kay Aileen.

Si Michael kasi na siyang naging defense attorney ng akusado sa trial kung saan naipanalo ni Calista ay ang kaniyang ex boyfriend. Naghiwalay sila tatlong taon na ang nakakaraan. Simula noong mangyari ang insidenteng kinasangkutan ni Calista na siya ring naging biktima ng kidnaping noon ay nakipag-hiwalay si Michael sa kaniya sa kadahilanang takot itong masali sa gulo, dahil baka siya ang balikan ng mga taong kumidnap kay Calista, at isa pa isa siyang kilalang abogado. 

Tatlong taon na ang nakararaan ngunit sariwa pa rin sa ala-ala niya ang mga nangyari. Iyon ang araw na akala niya ay hindi niya na muling makikita ang mga mahal niya sa buhay ngunit sa awa ng Diyos ay nakatakas siya roon.

Pagdating ng beer na in-order nila ay nag umpisa na silang uminom. 

Nakaka-apat na bote na siya at gising pa rin ang diwa niya. Si Aileen ay hindi masiyadong umiinom dahil nag aalala ito sa pinsan niya na baka hindi na ito makapag-maneho pauwi. 

"Ayaw mo na?" tanong sa kaniya ni Calista. 

Umiling-iling ito at sinabing, "Baka kasi masobrahan ka ng inom at hindi ka na makapagmaneho."

Kinuha ni Calista ang isang beer sa bucket at nilapag sa harap ni Aileen.

"Don't worry, I can handle myself." usal nito habang ngumingiti pa.

Huminga ito ng malalim. Kukunin na sana nito ang bote ngunit tumunog ang cellphone nito. Dinukot niya ang cellphone sa kaniyang bulsa at tinignan kung sino ang nag text.

"Something's wrong?" 

"Si Denver nag text. Nagising daw si Amber at nagwawala, hinahanap ako."

Kinuha ni Calista ang bote na nilapag niya sa harap ng pinsan. "Sige na, umuwi ka na. Baka ano pa ang mangyari kay Amber."

Ang anak kasi ni Aileen ay may Autism. Hindi ito normal kaya tutok na tutok talaga silang mag-asawa sa pag aalalaga nito.

Lumambot ang mukha nito habang tinitignan ang pinsan.

"I'm really sorry. Babawi ako next time, cous!" sabi nito habang nagmamadaling tumayo.

"Ano ka ba! Mas importante si baby Amber natin kaysa sa pag c-celebrate ko," natatawang sagot nito.

"Text mo ako pag naka-uwi ka na, ha. Mag-iingat ka." Nginitian siya ni Aileen bago ito lumabas ng bar.

Tinigan niya ang wristwatch niya, 11 p.m na rin ng gabi. Dali-dali niyang inubos ang isang bote na natira sa bucket at tumayo na para umuwi dahil maaga pa ito bukas sa kaniyang trabaho. 

Paglabas niya ng bar ay agad itong tumungo sa kaniyang sasakyan. Papasok na sana siya nang biglang napansin niya ang flat niyang gulong.

Tinignan niya ito at napahawak sa kaniyang sintido. "Anong nangyari?" 

Kinuha niya ang cellphone niya para sana tawagan si Ally na kaibigan at katrabaho niya ngunit napamura rin ito nang makitang patay ang kaniyang phone. 

"Kung minamalas ka nga rin naman! Ngayon pa na lowbat!" inis nitong bulong sa sarili.

Wala siyang choice kundi iwan ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng bar at lakarin pauwi. Medyo malapit lang din naman ang bahay nila sa bar.

'Mabuti na rin to, exercise.'

Inumpisahan niyang mag lakad hanggang pumasok ito sa isang eskinita para mag shortcut dahil masiyadong malayo kung iikot pa ito.

Habang naglalakad siya, hindi niya maiwasang hindi isipin na parang may sumusunod sa kaniya.

Binilisan niya ang kaniyang paglalakad at nararamdaman niya ring bumibilis din ang paglalakad ng taong sumusunod sa kaniya. Lumingon siya rito at agad ding nakaramdam ng takot nang makitang may dalang baril ang sumusunod sa kaniya.

"Fuck!" Awtomatiko siyang napamura at saka tumakbo. "Ang tanga mo, Cali!" anas nito sa sarili nang mapansin na mabilis din siyang hinahabol ng lalaki.

Nagsisisi na siyang dumaan sa eskinita. Ngayon niya lang naalala na ito rin pala ang eskinita kung saan nakita ang isang bangkay ng babae na pinatay kaninang umaga lang.

Mabilis ang naging pagtakbo niya hanggang sa umabot na siya sa maling daanan. Naging malakas din ang pagkabog ng dibdib niya dahil sa hindi niya na malaman kung ano ang gagawin. Nahihilo na rin siya dala sa pang-huling alak na tinungga niya bago lumabas ng bar.

Oh, God! Please save me.

Bigla siyang napatigil sa pagtakbo nang makitang dead-end na at wala na siyang iba pang matatakbuhan. 

"Ang bilis mo namang tumakbo."

Agad siyang napalingon sa lalaking nagsalita. The man is in front of her now! Hinihingal din ito gaya niya, dala-dala pa rin ang baril.

Humakbang ito papalit sa kaniya kaya napapaatras siya.

"H-Huwag kang lalapit." Rinig na rinig niya ang kabog ng kaniyang dibdib habang nag uumpisa na itong manikip. Her body trembled in fear. Nangangatog na rin ang kaniyang mga tuhod dahil sa halong takot at pagkapagod dahil sa pagtakbo niya. Pero hindi niya ininda ang pagod at pinatili ang pagiging gising at alarma sa posibleng gawin ng lalaking may dalang baril.

Ngumisi lang ang lalaki habang tuloy pa rin ang pag hakbang papalapit sa kaniya.

"Sabing huwag kang lumapit!" she shouted the moment the guy took another step. Atras lang siya nang atras hanggang wala na siyang ma-atrasan.

"H-Help! He-" 

Tila naputol ang paghingi niya ng saklolo nang bigla siyang hinila ng lalaki at agad tinakpan ang bibig.

"H'wag ka nang sumigaw dahil wala namang tutulong sa 'yo." Sumilay agad ang nakakalokong ngisi ng lalaki habang nilalakbay nito ang kaniyang mga daliri sa pisngi ni Calista.

Her tears started streaming on her cheeks. Muling bumalik ang ala-ala niya tatlong taon nang nakakalipas. Her body continues to tremble as she shed tears. As of the moment, she felt helpless. 

Nagpupumiglas pa siyang makawala sa kamay ng lalaki, ngunit s'ya rin namang ikinatigil niya nang maramdaman ang biglang pagtutok ng baril sa gilid niya.

"Please... save me..." bulong niya sa isipan. Being helpless, she slowly close her eyes as she slowly accepts that this could be the end of her life.

Ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang nakarinig siya ng isang kalabog. Naramdaman din niyang bumitaw sa kaniya ang lalaki. Minulat niya ang kaniyang mga mata at nakita niyang may isa pang lalaking nakatayo sa kaniyang harapan na hawak-hawak na ngayon ang baril ng lalaking gusto siyang patayin. Napatingin ito sa lupa at nakita niya ang lalaking bagsak at pawang na namimilipit sa sakit. 

"Run!" ma-awtoridad na utos ng lalaking nakatayo sa harapan niya. Giving her a chance to escape. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil masiyadong madilim ang parte ng eskinita kung saan ito nakatayo.

"I said run!" Bahagya siyang napatalon sa kaniyang kinatatayuan nang biglang tumaas ang boses nito. 

Unti-unti niyang hinakbang ang kaniyang mga paa bago tumakbo nang mabilis palayo sa eskinitang iyon.

"Don't look back! Just run!" rinig niyang sigaw ng lalaki bago makarinig ng isang putok ng baril.

Hindi na ito lumingon pa at tuluyan nang tumakbo palayo sa kanila.

Whoever you are... thank you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro