Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

CHAPTER 5

EFFIE'S POV

"Nakita mo na ba ang kwintas mo?" tanong ni Alcina habang naghahanda ng orange juice.

"Hindi nga, e. Hindi ko talaga alam kung saan ko na ilagay 'yon, kung natanggal ko ba o ano," sagot ko at sinadal ang noo ko sa mesa.

Ang sama talaga ng loob ko. Binigay sa akin ni mama ang kwintas na 'yon tapos naiwala ko lang.

"Kailan mo lang ba napansin na nawawala?" tanong ulit ni Alcina at nilapag ang isang baso ng juice sa harap ko.Nasa bahay niya ako at nasa kusina niya kaming dalawa. Dito kasi pansamantala si lola dahil walang magbabantay sa kaniya pag sa bahay siya. Buti na lang talaga may kaibigan akong kasangga ko.

"Kahapon ko nga lang napansin at hindi ko alam kung saan at kailan ko naiwala," sagot ko sa kaniya at sinimsim ang orange juice.

"Hays, hanapin mo nalang ulit sa bahay niyo baka may nilagyan ka lang tapos nakalimutan mo," anito at umupo sa upuan sa harap ko. "By the way, wala ka bang trabaho? Ang aga mo naman dito"

"Wala, pinaghahanda kasi kami ng boss namin para sa party ng isa sa mga investor niya. Mag bubukas kasi ng isa pang branch ang kaniyang hotel, that's why may pa thanks giving party," walang gana kong sagot habang iniikot-ikot ang straw ng juice ko. Hindi ko alam kung a-attend pa ba ko, e.

"Wow! Ang gara naman, mukhang exciting."

I rolled my eyes," Anong nakaka-excite do'n? Na s-stress nga ako, e. Hindi ko alam kung ano ang isusuot ko. Ayoko ko namang mag mukhang katawa-tawa doon," ani ko at hinigop ang lahat ng laman ng baso ko.

"Problema ba 'yan" Tumayo ito at nilapag ang baso sa lababo. "Madali lang ang sulosyon diyan." Nginitian niya ako at hinila ito patayo. "Halika sa k'warto."

Wala na akong magawa kundi ang mag pahila na lang sa kaniya paakyat sa kuwarto niya.

"Alam mo girl, madami akong dress and gowns dito na hindii nagagamit. Si mommy kasi mahilig bumili hindi ko naman nasusuot dahil hindi naman ako mahilig mag suot ng mga ganun," aniya at binuksan ang closet nito.

Tumalon naman ako sa kama niya at humiga. Feel at home kasi ako rito,e haha.

"Here, try this!" May nilapag itong tatlong dress sa kama.

Bumangon naman ako at tinignan ang mga ito. "Luh? Ano to? Mukhang kita naman ata kaluluwa ko rito?" ani ko habang tinataas ang red velvet dress na backless.

'Yong isang color ay black na parang may glitters glitters na kumikinang. Maganda naman kaso mukhang attend ng JS prom ang mag susuot. And the last one ay isang color white na off shoulder. Napaka-plain lang, Maganda suotin pag magsisimba.

"Dali, try mo na!" Hinila-hila ako ni Alcina papasok sa C.R habang dala-dala ang tatlong dress.

"Labas ka kaagad pag nasukat mo na ha, titignan ko kung anong mas suitable sa "yo," aniya bago sinara ang pinto.

Tinignan ko muna ang mga damit. Napasinghap na lang ako at saka unang sinukat ang color black dress.

Pag labas ko ng CR ay napa-arko ang kulay ni Alcina.

Girl, try mo 'yong isa, para namang a-attend ka ng JS prom o mag dedebut, e," natatawang komento nito.

Sinunod ko naman ang sinabi niya at agad na bumalik sa loob para sukatin ang color white na dress. Maganda naman at mukhang komportable ako.

Muli akong lumabas para ipakita muli kay Alcina.

Nginitian niya ako na parang nagagandahan. "Nice, it's suits you but parang ang plain. Try the last one."

Tumango naman ako at muling pumasok sa banyo. Sinukat ko ang red velvet dress, above the knee ito at open ang likod. Bakat na bakat din ang hubog ng katawan ko rito. Infairness, may shape rin pala ako kahit papaano. "Baka lamigin ako rito," bulong ko habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin.

Lumabas ako at hinarap si Alcina. "What do you think?" I asked.

Her eyes widened as she looks at me. "Oh, my gosh, the curve! You look perfect, bess!" anito na parang namamangha sa nakikita niya.

Senenyasan niya akog umikot kaya umikot naman ako.

"It fits you, omg! You're so gorgeous!" Bigla itong tumili kaya nagulat ako.

"Bess naman, nagugulat ako sa 'yo, e." Tumawa ito at inikutan ako. "Ang sexy mo kasi, e nakakainggit ang body shape mo.Bes, you better wear that! For sure maglalaway ang mga boys doon!"

Napaubo ako sa sinabi niya. "Eh? Baka bastusin ako nito?" nag aalangan na tanong ko. Kasi naman, e, hindi ako sanay mag suot ng ganito kaiksing danit.

Natawa naman si Alcina dahil sa sinabi ko. "Bess, ano ka ba! Hindi 'yan. Wala naman sigurong ignoranteng adik doon diba?" anito habang natatawa. Napangiwi na lang ako.

"Basta 'yan na ang susuotin mo ha!" ani pa nito habang tumatalon pa na parang tanga.

Effie sighed and nodded her head. "Alright, Alright,' sagot ko at bumalik sa loob ng C.R para mag palit ng damit.

Pag labas ko ay hinatak ako ni Alcina pababa ng kuwarto niya.

"Anong oras na?" tanong nito sa akin. I look at my wrist watch and answer her, "1 pm pa lang naman, why?" I asked.

"Eh, anong oras 'yong party?"

"8 pm pa, pero susundin ako ng mga katrabaho ko rito ng 7 pm." Mabuti nga at nag offer sila para sunduin ako dahil wala akong sasakyan papunta roon sa venue.

"Perfect! Let's go para madami tayong oras para makapag-pili ng maganda." Hinila-hila niya ako palabas ng bahay.

"Huh? Saan? Bakit-- teka nga lang!" Napatigil ito sa pag hila sa akin.

"Saan ba tayo? At anong makapili?" naguguluhang tanong ko.

"Bess, mag hahanap tayo ng magandang shoes na ipapares mo sa damit mo!" masiglang sagot naman niya.

"Huh? Eh. wala pa akong pera rito, eh. H'wag na may sapatos naman ako sa bahay, 'yong ginagamit ko sa office"

Alcina's brows furrowed. "Bess, napaka mo talaga, 'yong sapatos mo sa work ipapares mo sa dress? Jusko, bess mag mumukha kang kengkoy," saad niya at tumawa.

"Eh, wala pa akong pera," mahinang sagot ko. Kaya parang ayaw ko nang dumalo sa party na 'yon, e.

"Ano ka ba, ako nang bahala. Don't worry," she said and give me a sweet smile.

"Pero—" Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko. No buts Effie, halika ka na nga para before 7 tapos ka na mag ayos." Hihilain niya sana ulit ako ngunit nag salita ako. "Paano si lola, wala siyang kasama rito."

"Baliw, nandito si ate Jane."

"Sinong ate jane? I cluelessly asked.

'Yong kasambahay namin. Bumalik kasi siya rito, kailangan niya raw kasi ulit ng trabaho. Wait lang ha."

"Ahh..." Iyon na lang ang nasabi ko. Bumalik si Alcina sa loob at ng ilang minuto bumalik na rin naman ito.

"Nandoon siya sa garden na sabihan ko rin na tignan-tignan muna si lola at pakainin pag nagising. Let's go."

Nang makarating kami sa mall ay agad kaming tumungo sa mga bilihan ng sapatos.

"Try this one." Inabot niya sa akin ang isang high heels na sapatos, color silver ito na kumikinang.

Sinukat ko ito ngunit medyo maluwag. "Ay, maluwag siya, bes. Ano ba size ng paa mo?" tanong niya at binalik 'yong sapatos sa pinagkunan niya.

"Size 6 ang paa ko, e," sagot ko habang tumitingin-tingin ng ibang design.

"Here, try this one, tamang-tama kakulay siya ng damit mo." Inabot niya sa akin ang isang color red na sapatos na may taas na 4 to 5 inches.

Sinukat ko naman 'yon. Infairness kasiyang-kasiya sa 'kin.

"Ayan, perfect! Mag lakad-lakad ka nga," utos niya sa akin.

Nag lakad ako at komporatble naman siya sa paa ko. Nasanay naman kasi akong mag suot ng ganito kataas dahil noong highschool sumasali-sali ako sa mga pageant search.

"Ayan na ba girl? Comfortable ka ba?" tanong niya.


"Ayos na 'to bess, "aniko at hinubad ang sapatos. Kinuha niya ito sa akin at dinala sa counter para bayaran.

Pagkatapos niyang bayaran ay lumabas na rin kami ng mall.

"Girl?" tawag niya sa atensyon ko. Nasa labas na kasi kami at nag hihintay ng taxi na masasakyan.

"Bakit?" sagot ko naman at nilingon siya.

Tinitigan niya muna ako sa mukha na para bang kinikillatis ako.

"Why? May dumi ba ako sa mukha?" I asked.

"You need some magic touch."

"Huh?" Hindi niya pa ako nasasagot nang hatakin niya ako pasakay sa isang taxi.

"Teka, saan tayo?" Instead of answering my question ay tinignan niya lang ako at nginitian.

Ano ba ang trip nitong babaeng 'to? Napabuntong-hinunga na lang ako at hinayaan ko na lang kung saan kami dadalhin ng taxi.

Matapos ang ilang minutong byahe ay huminto kami sa isang salon.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko nang makababa kami.

Tinignan niya muna ang oras sa wrist watch niya bago mag salita. "It's already 3 p.m. and you have 3 hours left," she said. Kumunot naman ang noo ko, ni hindi niya man lang sinagot ang tanong ko.

"Let's go, bess." Hinatak niya na naman ako papasok sa salon. Nakakailang hatak na 'tong babseng 'to, ah.

Pag pasok namin ay sinalubong kami ng isang bakla na mukhang si meme Vice Ganda ang mukha. May blonde hair din siya.

"Oh, dear Alcina you're here!" sigaw niya nang makita niya kaming pumasok. Nag beso-beso silang dalawa. Naks! Mukhang close, ah.

"Anong ginagawa mo rito? Mag papaayos ka?" tanong niya kay Alcina.

"Ah, hindi girl." Tinulak ako ni Alcina papalapit sa bakla at pinakilala ako sa kaniya.

"She's Effie, my best friend. I'd like you to completely transform her from head to toe. Dapat siya ang pinakamagamdang babae sa pupuntahan niya, okay?"

Ano daw transform?

"Teka bess, anong transform ang pinagsasabi mo?" nalilitong tanong ko dahil hindi ko alam ang tinutukoy niya.

"Sila na ang bahala sa 'yo. Papagandahin ka nila lalo." Kinindatan niya ako.

"H-Huh?"

She rolled her eyes at napahawak sa kaniyang sintido. "Ang slow mo, bess. M-Make-upan ka nila para maging mas maganda ka pa mamaya sa pupuntahan mo."

Ah, 'yon pala ang tinukoy niya.

"Hindi ko naman kailan—" Hindi niya na ako pinapapost na mag salita.

"Huwag ka nang kumontra pa. Basta sila na ang bahala sa 'yo." Muli niyang hinarap ang baklang kausap niya kanina.

"By the way, he's Kris, pinsan ni Jeff." Pag papakilala niya sa akin sa baklang mukhang may-ari ng salon na 'to.

Tinignan ako ni Kris mula ulo hangang paa, kinumpas-kumpas nito ang kaniyang kamay bago nag salita. "Ako ang bahala sa 'yo girl!" masiglang wika nya. Hinawakan niya ako at pinaupo sa harap ng salamin.

"Kris, babalik ako after 3 hours. Ikaw na ang bahala sakanya," wika ni Alcina bago nag paalam at umalis.

Napabuntong hininga na lang ako. Kahit kailan ay hindi ko kayang hindian si Alcina. Ang gusto niya palagi ang nasusunod pag ganitong bagay na ang pag uusapan.

"Ang ganda mo ate girl, but kaya pa kita pagandahin lalo," ani Kris habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin.

"Umpisahan na natin!" masiglang wika niya

Pinatalikod niya ako sa salamin at hindi ko alam kung bakit. Sinimulan na nila ang pag mamaniubra sa sarili ko. May nag kulay ng kuko ko sa paa at meron din sa kamay. Ginalaw din nila ang buhok ko, kinulayan nila ito at nirebond.

Matapos ang buhok ko ay mukha ko naman ang ginalaw nila. Naramdaman kong inahitan nila ang kilay ko at may nilagay na kong ano- ano.

After a couple of hours natapos na rin ang pag mamaniubra nila sa akin, tamang-tama namang bumalik na rin si Alcina dala-dala ang damit na susuotin ko.

Napatakip siya ng bibig ng makita ako.

"OMG, girl! You're so gorgeous!!" sigaw niya at niyakap ako. Ito naman, napaka OA.

"See, sabi ko sa 'yo ako ang bahala sa kaibigan mo," proud naman na saad ni Kris.

"You're always the best, Kris. Pag dating sa pag papaganda naka taas ang dalawang kamay ko para sa 'yo," puri sa kaniya ni Alcina.

Lilingon na sana ako sa salamin nang pigilan nila ako.

"Hep! hep! Mamaya na isuot mo muna 'to." Inabot sa akin ni Alcina ang isang paper bag kung saan laman nito ang sapatos at damit na susuotin ko.

"Bilis! Bilis!" excited na sabi niya. Kahit kailan ay napaka atat ng babaeng 'to.
Tumungo na ako sa CR at nag palit, sinuot ko ang sapatos at saka lumabas.

Napaawang ang labi nila pag labas ko. "You're so perfect!" kumento ni Alcina at dinala ako sa harap ng salamin.

My lips parted when I saw my reflection. Ako ba 'to? Ang galing ng pag m-make-over nila sa 'kin pakiramdam ko ay ibang tao ako.

"Bess, walang echos 'to, ang ganda mo!" natutuwang saad ni Alcina sa gilid ko.

Napa ngiti na lang ako at hinaharap sila Kris.

"Thank you sa inyo." Nginitian nila ako, "you're welcome girl, you're so pretty, turan ni Kris habang pinagmamasdan ako.

"Anong oras na?" tanong ni Alcina. Oo nga, baka mamaya late na ako, malintikan pa kami kay Sir Wyatt.

"It's 6:34 pm, sige na gumora na kayo at baka ma late ka pa sa pupuntahang party mo," saad ni kris.

Nag pa alam na kami sa kanila at umalis na. Sa bahay na kami dumeretso dahil doon ako susunduin nila Angelica.

Pumasok muna ako sa kwarto ko para kunin ang hand bag ko. Ilang minuto lang ay may narinig na akong busina galing sa labas.

"Girl, baka sila na 'yan dalian mo!" Inalalayan ako ni Alcina palabas ng bahay at di nga kami nag kakamali, sila na nga ang dumating.

Lumabas ng sasakyana si Angelica, She's so gorgeous in her black dress. Sumunod naman sa kaniya si Jayson na naka black suit. Naks! Napaka pogi naman.

Napalaki ang mga mata ni Angelica nang makita ako.

"Damn, girl! Ang ganda mo. Hindi kita nakilala noong una dahil sa kulay ng buhok mo," aniya at lumapit sa akin.


Tinignan lang ako ni Jayson habang walang salitang lumalabas sa bibig ko. Siniko-siko siya ni Angelica kaya napailing ito. "Baka matunaw 'yan," anita at tumawa.

Ngumiti naman ito at nag salita. "You're so elegant," pag puri niya sa akin.

"Thank you," I mouthed.

"Ay, siya nga pala, this is Alcina, bestfriend ko," pag papakilala ko kay Alcina na nasa tabi ko.

"Hello, I'm Angelica!" Inabot ni Angelica ang kamay niya para makipag shake hands at gano'n din ang ginawa ni Jayson.

"7:40 pm na, tara na at baka ma late tayo," pag- aaya ni Angelica.

"Mag iingat kayo, ha. Lalo na ikaw bess, tanga ka pa naman," saad ni Alcina at tumawa.

Kahit kailan talaga, loka-loka ang babaeng 'to. "Ikaw ang mag ingat. Sige na, umuwi kana, ha." aniko at pumasok na ng sasakyan.

***

WYATT'S POV

"Good evening, ladies and gentlemen! It's now time to witness the ribbon cutting!" sabi ng MC.

Binigay na ang gunting kay Mr. Deville at ginupit ang ribon. Lahat ay nag palakpakan matapos 'yon.

Welcome to GNyee Star Hotel!" Pag tapos sabihin ng MC 'yon ay nagsipasukan na kami. Dumeretso ako sa isang bakanteng table at umupo.

"Mr. Roberts, I'm glad you accepted our invitation," Mr. Deville approached me at the table and extended his hand for a handshake."

"Congratulations, Mr.Deville," I greeted him.

"At any time, the party will start. I hope you enjoy it," he stated and excused himself for a moment to welcome the other guesses.

Nilibot ko ang tingin ko at napadapo ito sa babaeng nag lalakad sa red carpet patungo sa aking direksyon kasama sina Angelica and Jayson.

Who is that?

"Good evening, sir," bati ni Angelica at umupo sa upuan sa tapat ko at ganon din ang ginawa ni Jayson.

Tinignan ko ang babaeng nasa harap ko.

"Sir, it's Effie, good evening," aniya at umupo sa tabi ko.

Si Effie? Hindi ko agad siya nakilala dahil sa ayos niya at sa kulay ng buhok niya. She looks good on her light ash hair.

"You look stunning," pag puri ko sa kaniya. Nginitian niya naman ako at nag pasalamat.

Damn! Why she's so gorgeous?

"The dance floor is open!" anunsyo ng MC.Nagsitayuan naman ang mga bisita at nag puntahan sa dance floor.

May lumapit na lalaki kay Angelica at inalok siyang isayaw.
Aayain ko na rin sana si Effie nang bilang nilahad ni Jayson ang kamay nito sa kaniya.

"May I?" Ngumiti si Effie at inabot ang kamay ni Jayson.
Tinignan ko lang sila hangang sa makaabot sila sa dance floor.

Hindi na naalis ang paningin ko kay Effie, masaya siyang nakikipa- usap kay Jayson habang sumasayaw.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit ako sa kanila nang patapos na ang unang music.
Aalis na sana sila sa dance floor nang harangan ko sila.


Nilahad ko ang kamay ko kay Effie. "Ako naman?" I asked.

Ngumisi lang si Jayson at binigay sa akin ang kamay ni Effie 'tsaka bumalik sa table.
Kinabig ko ang bewang niya papalit sa akin gamit ang kanan kong kamay habang ang kaliwang kamay ko naman ay hawak-hawak ang isa niya pang kamay.

Nag umpisa na kaming sumayaw, hindi ito umiimik habang sayaw-sayaw ko.

"To be honest, I'm unable to take my eyes away from you," I spoke softly to her. Yumoko lang siya na parang nahihiya "You are the most stunning lady at this party," dugtong ko pa
Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi ko.

"Sir, di ko alam na may pagka-bolero rin pala kayo?" aniya at mahinang tumawa.


Mas lalo ko pang nilapit ang sarili niya sa 'kin.

"Ako? Bolero?" Natigilan ito nang ilapit ko ang mukha ko sa mukha niya
"S-Sir..." Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib niya.

Damn! Her scents were familiar, parang 'yong amoy ng babaeng nakatalik ko noon. Napatitig ako sa labi niya. Goodness! I want to taste it again.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, I cupped her face and kiss her lips.

Nabigla siya sa paghalik ko kaya na itulak niya ako. Tinignan niya muna ako bago umalis pabalik sa table.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro