CHAPTER 34
*Phone Ringing*
Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga. Napahawak ako sa pisngi kong basang-basa habang rinig na rinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Natuon ang paningin ko sa cellphone konh nasa itaas ng bedside table.
Incoming call from : Alcina
"Hello.."
"Wyatt...nagising na siya! Nagising na si Effie!"
Natigilan ako sa aking narinig.
"S-Si Effie.. b-buhay siya?" Nagugulohan ako sa mga nangyayari.
"Syempre, hindi naman siya mamamatay, e. Ano babg sinasabi mo? Bumalik ka na rito, hinahanap ka niya dali!" Pag tapos niyang sabihin 'yon ay binaba na niya ang tawag.
Sandali akong natigilan. Inikot ko ang tingin ko sa kuwarto, nakita ko ang papel na nilukumos sa itaas ng bedside table. Dahan-dahan ko iyong binuksan at napaawang ang mga labi ko.
"GET READY, EFFIE, BECAUSE I'M GOING TO COLLECT A DEBT."
"W-Wait..panaginip lang l-lahat 'yon?" bulong ko sa sarili habang nilibot ang paningin ko sa loob ng kuwarto.
Bigla akong napatayo nang maalala ang sinabi ni Alcina. Agad kong kinuha ang mga gamit ni Wyter na nakapatong sa kama at agad na bumaba at sumakay sa kotse.
Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan. Gusto kong makasiguro na hindi panaginip ang lahat ng 'yon.
Pag dating ko ng hospital ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko.
Nadatnan ko sila Alcina kasama sila Sevv at Trishna nasa labas ng PACU. Agad naman akong sinalubong ni Trish at niyakap.
"K-Kuya, nagising na si ate," mangiyak-ngiyak na sambit nito.
"T-Talaga.." Napalunok ako, parang hindi pa na aabsorb ng utak ko ang lahat. Tinignan ko sila Alcina at tumango-tango lang siya habang naluluha ngunit nakangiti.
Humiwalay si Trish sa pagkakayakap sa akin at giniya ako sa pintuan ng PACU.
Umawang ang labi ko ng makita ko siyang nakahiga at dilat ang mga mata habang malamlam na nakangiti sa 'kin.
"Hey..love,"mahinang sambit niya.
Napatakip ako ng bibig at otomakitong bumagsak ang mga luha ko. Oh, God! This is real!?
Agad ko siyang nilapitan at niyakap.
"A-Akala ko iniwan mo na ako!" ani ko habang humahagulgol.
"Oh, God! Oh God! Hindi mo alam kung gaano ako natakot.." naramdaman ko ang kamay niyang umangat at hinimas ang likod ko.
"I'm sorry, kung natakot ka. Hinding-hindi kita iiwan," mahinang saad niya.
Inangat ko ang tingin sa kaniya at hinawakan ang pisngi niya.
"Totoo ba n-na b-buhay ka?" Hinimas-himas ko ang mukha niya.
"Hindi naman ako nawala." Pinahid niya ang luha ko.
"Stop crying.. hindi naman kita kayanh iwan." bulong niya habang hinahawakan ang pisngi ko.
Muli ko siyang niyakap para maramdaman na buhay siya.. buhay si Effie.
Tinakot ako ng isang mahaba at masamang panaginip. Oh, God! Thank you, Buhay ang babaeng mahal ko.
Inilipat na si Effie ng kuwarto at ako ay parang hindi pa rin makapaniwala. Anong klaseng panaginip 'yon? Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman na ang lakas parin ng kabog nito.
Nakaupo ako sa Bedside habang hawak-hawak ang kamay niya at tinititigan siya. Parang nanaginip pa rin kasi ako.
Tinaas ko ang kamay niya at hinalikan ito. "H'wag mo nang uulitin 'yon, dahil ikamamatay ko rin," bulong ko.
Malamlam itong ngumiti at inangat ang kamay niya para hawakan ako sa pisngi.
"I promise," saad niya.
Hinalikan ko siya sa noo na may benda. "I love you," ani ko at ibinanaba ang halik ko sa labi niya.
"Here's your princess!" masiglang ani ni Alcina ng makapasok siya karga-karga si Wynter. Kasunod naman nila sina Jayson, Angelica, Sevv, Trish, Tita Mira at Tito Marco.
Gumuhit ang ngiti sa Labi ni Effie at pumatak ang luha niya. Tumayo ako para kunin si Wynter kay Alcina. Binigay ko sa kaniya si baby, kinarga niya ito ganit ang kanan niyang kamay.
I heard her sobs. "Why are you crying?" tanong ko habang tinignan siyang nakayuko at nakatitig kay Wynter.
"I'm simply happy to see our princess," she answered and kiss Wynter on her forehead.
"I'm so happy too. Masaya akong ligtas na kayong dalawa. Akala ko iiwan niyo na ako, lalo ka na," saad ko at hinawakan ang pisngi niya.
"You save us love, you are our superhero."
"I can't afford to lose you both," I said and kiss her lips.
"Mahal na mahal ko kayo," I whispered and kiss Wynter too.
Nilapag niya si Wynter sa tabi niya at tinignan ako.
"Si Chelsea," sambit niya.
"I know, pinaghahanap na siya ng mga pulis," sagot ko sa kaniya.
"Sinubukan niya akong saksakin pero nanlaban ako kaya naitulak niya ko pababa ng hagdan." Nanginginig ang kamay niya kaya hinakawan ko ito at niyakap siya.
"Don't worry, ligtas kana. She will never hurt you again," saad ko para pakalmahin siya.
"What about Rona?" Kumalas siya sa pag kakayakap ko.
"Baka may nangyaring masama sa kaniya kagabi, kaya hindi soya nakalabas ng tawagin ko siya," saad nito.
"Following the incident that occurred that night, I promptly dispatched detectives and police to our home to conduct an investigation.. There was no sign of Rona or any trace of her," ani ko.
"A-Ano? Paano nangyari 'yon, e magkasama lang kaming tatlo sa bahay no'n. " Nagtataka niyang tanong
"Wala si Rona sa bahay, love. Kaya pati siya ay pinaghahanap din ng mga pulis. Isa rin siya sa pinaghihinalaang kasabwat ni Chelsea," paliwanag ko.
"H-how come?" Hindi niya makapaniwalang tanong.
"We don't know, love. Hanggat hindi pa sila nakikita ay wala tayong sagot na makukuha."
Natahimik siya saglit at tinignan si Wynter.
"Hindi ko makakaya kung pati si Wynter ay sasaktan nila," sambit niya na bakas ang pangamba sa kaniyang boses.
"I will not let that happen. I promise you, hindi na nila kayo ulit mamasaktan, " ani ko at hinalikan siya sa noo.
"Meron tayong witness para maidiin si Chelsea sa kaso. Kailangan na lang talaga na mahanap siya," ani naman ni Sevv habang nakaupo sa couch.
"Hindi pa rin ba siya nahahanap?" tanong ni Effie.
Umiling si Sevv. Masiyadong ma ingat sa pag tatago si Chelsea. Ngunit may isa pa tayong choice, kundi ang kausapin ang ama niya.
Tama, ang ama lang ni Chelsea ang huling baraha namin.
Ilang linggo rin si Effie sa hospital bago nalakabas. Si Chelsea at Rona ay pinag hahanap parin ng mga pulis. Hindi pa kami gumagalaw ni Sevv dahil gusto namin ay nakarecover muna si Effie.
"Welcome home, love," ani ko pag kapasok namin ng bahay. Inalalayan ko siyang mag lakad habang si Wynter naman ay karga-karga ni Alcina.
"Ang tagal ko ring nawala dito." Aniya habang iniikot ng kaniyang tingin ang paligid ng bahay.
Pinaupo ko siya sa couch at kinuha si Wynter kay Alcina. Nahihirapan pa kasi si Effie na kargahin si Baby dahil sa may benda pa ang braso niya.
"Uwaahh..Uwaaahhh..Uwaahhhh." Biglang pag iyak ni Wynter na ikinataranta ko.
"Oh sh*t! Mali ba pag kakahawak ko? Naipit ko ba? Hindi naman to umiyak sa 'kin ha." Tumawa si Effie at Alcina.
"Padedeen mo kasi," ani Alcina at matawa-tawang inabot sa akin ang bottle na may gatas
"I can't imagine na ganito ka pala ka cute pag natataranta habang karga-karga si Wynter," rika ni Effie at mariin akong tinititigan habang nakangisi.
Pakiramdam ko ay nag iinit ang mukha ko.
"Stop staring me like that, love. Nakakatakot ka." Humalakhak ito sa sinabi ko.
"I think, that's my line," saad niya.
"Naalala mo pa pala?"
"Ofcourse! Ikaw ba naman tignan ng malagkit ng isang Wyatt Roberts,"she chuckles.
Mahina rin akong natawa. Tumayo ako habang karga-karga si Wynter saka lumapit sa kaniya.
"Ganito ba?" Bigla kong nilapit ang mukha ko sa kaniya at tinitigan siya ng malagkit.
Nakita kong napalunok siya at nilihis ang tingin saakin.
"Ano ba yan! Mukhang masusundan na agad si Wynter niyan nang wala sa oras, ah."
Bigla kong nilayo ang mukha ko kay Effie ng mag salita si Alcina.
Binato ni Effie siya ng empty bottle ng tubig.
"Malisyosa!" Saad nito.
Tumawa si Alcina bago nag salita.
"Malisyosa.. Hahaha talaga!"
Sinamaan na lamang ng tingin ito ni Effie.
*Ding dong! Ding dong!*
Binigay ko muna kay Alcina si Wynter at lumabas para pagbuksan ng gate ang nag dodoorbell.
Pag bukas ko ay bumugad sakin si Sevv.
"Nandito kana pala."
"Guess who's with me." Hinila niya ang isang babae sa kaniyang likuran paharap.
"RONA?!?" Nakatayo siya sa harap ko na parang takot na takot.
"We been looking for you! Bigla ka nalang nawala noong araw ng insidenteng 'yon."
Nakayuko lang siya habang nanginginig ang mga kamay nito.
"Nakita ko siyang pagala gala sa labas ng bahay niyo. I think she's spying," ani Sevv.
Tinignan ko ng matiim si Rona.
"Are you spying with us!?"
"N-No s-sir.. nandito po a-ako para sabihin ang totoo," Utal-utal niyang sagot.
"The truth? Anong totoo?" Tanong ko.
"I think mas better kung pumasok muna tayo baka mamaya may nag mamasid pala," saad ni Sevv kaya sumang-ayon ako at pumasok kami sa loob.
"Rona!?" gulat na sambit ni Effie ng makita ito.
"May gusto raw siyang sabihin," ani ko at umupo sa tabi ni Effie.
Umupo sila sa bakanteng upuan ni Sevv.
"You may start," saad ni Sevv.
"Ma'am, s-sir, I'm s-sorry po." Nag simula na siyang umiyak.
"Hindi ko naman ginusto 'to pinilit lang po a-ako."
"Pinilit na ano, at sino?" seryoso kong tanong.
"Si Ma'am Chelsea p-po."
Napasinghap ako sa narinig. Tama talaga lahat ng hinala ko.
"So, you know Chelsea?" That bitch!
"O-Opo.. Naging kasambay po nila ako dati. Pinilit niya lang po akong mamasukan dito sa inyo as maid para mabantayan lahat ng kilos niyo ni ma'am E-Effie. "
Napayukom ang kamao ko dahil sa inis.
"And why did you agree to her demands!?"
Napapikit siya sa dahil sa aking oag sigaw..
"Love, tinatakot mo sya," ani Effie at hinawakan ako.
"I don't have a choice s-sir. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya dahil siya at ang dad niya ang tumulong sa kapatid ko para madugtongan ang buhay niya." Her tears keep falling.
" Kaya wala akong choice kundi ang sumunod sa kagustohan niya," sambit nya habang nanginginig.
Napapikit na lang ako dahil sa frustration na nararamdaman ko.
"Please sir, h'wag nyo naman po sana akong ipakulong. Ako nalang po ang inaasahan ng kapatid kong may sakit." She cried out loud.
"Rona.." Sambit ni Effie. Kita sa mga mata ni Effie ang awa kay Rona.
"P-Pakiusap po." Her voice cracked because of her sobs.
Huminga ako ng mamalim bago binuka ang bibig ko.
"In one condition." Inangat niya ang tingin sa akin.
"Alam kong alam mo kong saan nag tatago si Chelsea."Natigilan siya sa sinabi ko.
"S-Sir?"
"Sabihin mo, baka sakaling maawa pa ako sayo," seryosong turan ko.
Sandali siyang natahimik .
"Rona, kung ang kinatatakot mo ay may gagawing masama si Chelsea sa 'yo pag ikinanta mo siya, don't worry we will protect you. Wala na rin namang magagawa si Chelsea kong hawak na siya ng mga police, "saad ni Effie.
Huminga ng malalim si Rona bago nag salita.
"Nasa Resthouse nila siya. Doon siya tinago ng daddy niya," Saad nito. Ang walang hiya niya talagang ama.
Agad kong tinapunan ng tingin si Sevv at nakuha niya agad 'yon. Lumabas siya at may tinawagan.
Ilang sandali lang ay bumalik na rin siya.
"Papunta na sila doon," anito.
Tumango-tango naman ako.
Tinapunan ko ng tingin si Effie.
"Love, dito ka na lang muna sa bahay. Susunod kami sa kanila,"ani ko kay Effie.
"Alcina, samahan mo muna si Effie at Wynter dito."
"Sasama ako," seryosong sagot ni Effie
"Love, delikado mas mabuti pang dito nalang kayo ni Wynter." Hinawakan ko siya sa kaniyang balikat.
"Love please, gusto ko rin siyang makita at makausap. Please trust me." pag pipilit nito.
Napapikit nalang ako at napatango bilang sagot.
Ngumiti siya at mouted a thank you.
Umalis na kami ngunit dumaan muna kami sa bahay nila Chelsea.
"Sir, bawal po kayong pumasok kung walang pahintulot galing kay Mr. Velandre."
"Tumabi ka. Wala akong pakialam kung may pahintulot man o wala, kailangan ko siyang makausap," seryosong saad ko sa security guard na nag babantay sa gate nila.
"Sir, hindi po talaga pwede-"
"Sabing alis!" inis na bulyaw ko at pwenersang buksan ang gate.
"Sir hindi nga p'wede! Kung ayaw niyong paawat mapipilitan akong saktan kayo!"
"Then do it! Nang magkaalaman tayo!" galit na sagot ko.
"Love.." hinawakan ako ni Effie para pakalmahin.
"Tatabi ka diyan o makikipag talo ka pa sa akin?" seryosong tanong ko.
"Sir, 'di po talaga pwede, e. Sinusunod ko lang po talaga ang trabaho ko." Napapikt na lang ako while clenching my fist out of anger.
"Anong nangyayari dito?" Napaangat ang ulo ko ng marinig ang boses ng nag salita.
"W-Wyat? What are you doing here?" Utal niyang tanong. Kitang-kita talaga sa mukha na may tinatago.
Nilihis niya ang tingin kay Effie.
"Oh, Effie what happened to you?" Painosente niyang tanong ng makitang may benda ang braso ni Effie pati na rin sa ulo.
Mahina akong natawa.
"Go ahead and act like you're innocent," saad ko at tinignan siya ng matalim.
"What are you talking about?"
Mas lalo akong natawa. This bastard! Sige pa mag maang-maangan ka pang hayop ka.
"I don't know what you're talking Wyatt, you may now both leave." Tinapunan nya ng tingin si Effie.
"Sige lang Mr.Velarde, mag maang-maangan ka lang habang 'yong anak mo ay hinuhuli na ng mga pulis ngayon."
Natigilan sjya sa sinabi ko.
"W-What, bakit siya huhulihin? Wal--"
"Oh goodness! Can you please stop your fucking lies!!" Hindi na ako nakapag timpi pa. I already lost my temper.
"Wyatt, what are you doing here? And oh Effie what happened to you?" Nabali ang leeg ko ng makita ang ama ko.
I smirked. "Nandito pala ang ulirang ama ko, "aad ko at tumawa.
"Anong ginagawa mo rito? At, bakit ka sumisigaw?" tanong niya.
"Ewan ko diyan sa anak mo. Pumunta lang 'yan dito para manggulo."
Umigting ang bagang ko at lumapit sa kaniya.
Kinuwelyohan ko siya at maiitim na tinignan.
"Hangang kailan ka mag papanggap!?" Bumilog ang kamao at handa na sanang dumapo sa kaniyang mukha ito nang sumigaw si Effie.
"Love! Enough." Hinawakan ni Effie ang braso ko.
"Kahit ano pang gawin mo sa taong 'yan at kahit anong pagsisinungaling pa ang sabihin niya ay 'di maalis na kriminal ang anak niya." Madiin siyang tinignan ni Effie.
"Effie, watch your mouth!" galit na singhal ng ama ko kay Effie .
"Don't you dare raise your voice on my fiancée!" Nilapitan ko siya.
"Wala kang alam kaya manahimik ka!!" galit na bulyaw ko sa kaniya.
"Tinangkang patayin ng anak ng walang hiyang 'yan si Effie at ang apo mo! Tapos ngayon, mas kakampihan mo pa sila!? Kasalanan niyo din to eh! Kung hindi niyo ipinipilit si Chelsea sa akin ay hindi siya mag kakaganyan!!!" sigaw ko sa kaniya.
Natigilan naman ito.
"W-What?" Lumabas si Alcina sa kotse habang karga-karga si Wynter.
"Ang batang 'yan ay ang apo mo na muntik ng patayin ng taong pinagtatanggol mo!!"
Halos "di siya makapag salita dahil sa kaniyang narinig.
"Oh, diba? Hindi niyo man lang alam na pinanganak na ang apo niyo dahil busy kayong mag pabilog ng ulo sa mga taong 'yan!!"
Napaawang ang labi niya at walang salita ang lumabas sa kaniyang bibig.
Tumunog ang cellphone ko. Matiim ko muna silang tinitigan bago ko sinagot ang tawag.
"Sevv, what's update? " tanong ko agad at niloud speaker ko ito para marinig ng dalawang matandang 'to sng pag huli kay Chelsea.
"Wyatt, si Chelsea. Nagtatangka siyang tumalon sa rooftop kung hindi aalis ang mga pulis. Ayaw niyang bumaba," ani ni Sevv sa kabilang linya.
"Ano!? Sige papunta na kami diyan," saas ko at pinatay ang tawag.
"Wyatt, paalisin mo ang mga pulis! Baka may mangyaring masama kay Chelsea. Wyatt, pakiusap." And now he's begging.
"Why would I? Bakit naawa ba siya kay Effie at sa anak ko?" tanong ko sa kaniya.
Nag uumpisa ng tumulo ang mga luha niya.
"Mr. Velarde, there is only one thing you can do to save your daughter at maitama lahat ng pagkakamali mo. Ang kumbinsihin ang anak mong sumuko na." Bumagsak ang mga luha niya.
Matagal pa sjyang hindi nakasagot.
"I will," anito at humagulgol.
WYATT'S POV
"Chelsea get down here!" sigaw ko mula dito sa baba ng rest house nila.
Kasama ko si Effie, Sevv at mga pulis. Naiwan si Alcina at Baby Wynter sa loob ng kotse.
"No!! Hindi ako bababa hanggat 'di umaalis ang mga pulis na 'yan!!" she shouted back while crying.
Senenyasan ko ang mga pulis kaya ang iba ay agad na pumasok sa loob ng bahay na hindi napapansin ni Chelsea.
"I will really jump!!" Humakbang siya sya edge ng rooftop.
"Chelsea stop!" Sigaw ko ngunit parang wala siyang narinig.
"Mas gustohin ko pang mamatay kisa ma kulong!!" sigaw nya habang umiiyak.
"Chels, please.. get down! Pag usapan natin 'to!" ani ni Effie.
Madiin niyang tinignan si Effie.
"Pag usapan? C'mon, Effie! Alam kung masaya ka pag tumalon ako dito dahil wala nang maggugulo sa relasyon niyo ni Wyatt!!" She's crying helpless. But, she deserved it.
"Masaya kana? Masaya ka nang makita akong ganito? Masaya ka nang nasira ang buhay ko!? Kasalanan mo ang lahat!!" she said while crying out loud.
"Don't blame Effie! Dahil ikaw ang gumawa ng lahat ng ikakasira mo! Choice mo kung bakit nasa ganiyang kalagayn ka Chels!"
Tinignan niya ako ng masama.
"Bakit kasi hindi na lang ako? Bakit kasi si Effie pa!? Wyatt, ginawa ko na ang lahat pero bakit si Effie pa!?" Muli siyang humakbang at muntik na siyang mawalan ng balanse.
"Chels!!!" Napalingon kami, tumatakbo ang ama niya papunta sa direksyon namin at kasama niya si Dad.
"Dad! Pleaseee.. help me! Ikukulong nila ako!" sigaw niya sa ama at nag mamakaawa.
"Baby, please get down. Gagawa ako ng paraan para 'di ka makulong. Daddy is always here, please nak bumaba ka na diyan!" turan ng kaniyang ama habang nag uumpisang tumulo ang mga luha niya.
"No dad! Huhulihin nila ako ayokong makulong!" She's crying hard.
Naaawa man ako sa kaniya ngunit kailangan niyang pag bayaran ang mga kasalanan niya.
"No baby, gagawa ako ng paraan pakiusap..bumaba kana diyan. Mag usap tayo!" sagot ng ama niya.
"Ms.Velanrde! Napapaligiran kana namin. Mas mabuting sumuko kana!" Sigaw ng isa sa mga pulis na nasa taas na.
"Dad help!! Huhuliihin nila ako!!"
Umatras si Chelsea dahil papalapit na sa kaniya ang mga pulis.
"Chels stop!!!" sigaw ko.
"Chelsea!!!" Napasigaw ang ama niya ng madulas siya.
Napapikit naman si Effie at napakapit sa akin.
EFFIE'S POV
Napapikit ako at napakapit kay Wyatt ng madulas si Chelsea.
"Ms.Velandre h'wag kang mag pumiglas! hawak kita!"
Napamulat ako at napahawak ako sa dibdib ko ng makitang nahawakan siya ng isang pulis sa kamay.
Agad naman nilang tinulongan ito para makaakyat.
Ilang sandali lang ay lumabas na sila at naka posas na siya. Agad na tumakbo ang ama niya sa kanya at niyakap siya.
"You scare me to death, Chels," he said while crying.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko. Naaawa ako sa dad niya. Lahat ng gusto ng anak niya ay sinunod niya kahit mali ay hinayaan niya dahil sa mahal na mahal niya ito.
Lumapit ako sa kaniya, tinignan niya ako ng matii.. Kitang-kita parin ang galit niya.
"Hindi ako magiging mamasaya kung nahulog ka doon. Dahil gusto kong pagbayaran mo ang mga ginawa mong kasalan sa loob ng malamig na selda."
Tumulo ang luha niya habang ang maaitim na tingin nya sa akin ay nandoon pa rin.
Tatalikod na sana ako sa kaniya ng mag salita siya.
"Kung makukulong lang din naman ako. Mas mabuting mapatay na kita!"
Masyadong mabilis ang pangayayari ng hugotin niya ang baril sa katabi niyang pulis at itinutok sa akin.
Napapikit na lang ako at hinintay ang balang tatama sa akin dahil wala na akong sapat napanahon para maiwasan iyon, hangang sa nakarinig ng isang putok.
Napamulat ako dahil naramdaman kong walang balang tumama sa katawan ko.
Biglang napaawang ang labi ko ng makita sa harap ko si Wyatt na nakatingin saakin at unti-unting bumabagsak sa lupa.
"Love!!" tanging sigaw ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro