CHAPTER 33
"Tita, uuwi muna ako para kunin ang mga gamit ni Wynter, ha. Kayo na po muna ang bahala rito," paalam ko.
"Okay, mag iingat ka," aniya at niyakap ako.
"Opo, babalik po agad ako," sagot ko.
Nilapitan ko muna si Wynter na karga-karga ni Alcina at hinalikan sa noo. "Balik agad si Daddy baby," saad ko at sandaling nilaro-laro muna ang kaniyang kamay bago lumabas.
Pag dating ko ng bahay ay malinis na ang sahig na pinagyarihan ng insidente. Mukhang pinalinis na ni Sevv.
Dumeretso na ako sa taas para kunin ang mga gamit at damit ni Wynter para dalhin sa hospital. Pag labas ko ng closet ay umupo muna ako sa kama. Binuksan ko ang drawer ng bedside table para kunin ang charger ng phone ko nang makita ko ang isang sobre sa loob nito. Dahil sa curiosity ay binuksan ko iyon at nagulat ng mabasa ang naka sulat sa papel.
"GET READY, EFFIE, BECAUSE I'M GOING TO COLLECT A DEBT."
Umigting ang panga ko at nailukumos ko ang papel. Bakit hindi sa 'kin sinabi ni Effie ang tungkol sa sulat na 'to? Damn! Chelsea, I'm going kill you!
Umupo muna ako sa kama at kinalma ang sarili ko. Kailangan kong mapatunayan na si Chelsea ang may gawa kay Effie no'n. Ipinikit ko ang aking mga mata upang makapag-isip nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Tinignan ko 'yon at nakita kong si Alcina ang tumatawag.
"Hello.."
"W-Wyatt.." Bigla akong kinabahan ng marinig ang boses niyang umiiyak.
"Wyatt...w-wala na siya. Iniwan na tayo ni E-Effie." Humagulgol ito sa kabilang linya.
Parang nabingi ako sa narinig ko. "W-What?" Baka mali lang ang narinig ko.
"Wyatt.. wala na s-siya." Rinig-rinig ko ang ang hagugol nila ni tita mira sa kabilang linya.
"No..no.. no! Anong sinasabi mo!? H'wag kang mag salita ng ganiyan!" sigaw ko at pinatay ang tawag.
Agad akong bumaba ng bahay dala ang mga gamit ni Wynter at mabilis na sumakay ng sasakyan. Pinihit ko na nang napakabilis ang sasakyan ko na halos liparin ko na ang daan papunta sa hospital.
Hindi.. hindi puwedeng mangyari 'to! Hindi ko kakayanin.
Pag dating ko sa hospital ay mabilis akong tumakbo patungo sa PACU. Bigla akong napatigil nang makita sina Alcina sa labas kasama si Tita Mira na humahagugol sa iyak.
"Wyatt..." tawag sa'kin ni tita habang umiiyak.
Napaawang ang labi ko at nilukob ng sakit ang dibdib ko. Dahan-dahan akong nag lakad papasok sa PACU. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng makita kong natatakpan na ito ng puting kumot.
Napahawak ako sa dibdib ko habang dahan-dahang lumalapit sa kaniya. Ramdam ko ang panlalamig at pangagatog ng tuhod ko.
Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang kumot at binuksan iyon. Parang binagsakan ako ng langit at lupa nang makita ang nagungulay asul niyang mukha.
"Love..." Hinawakan ko ang pisngi niya at dahan-dahan itong hinimas.
"Love...bakit ang lamig mo?" Sunod-sunod na kumawala ang mga luha sa mga mata ko.
"Love, anong nagyayari sa 'yo? B-Bakit ang lamig mo?" Tinanggal ko ang suot kong coat at pinatong sa kaniya.
"Love, h'wag ka namang ganiyan... bumangon ka diyan."
Humagulgol na ako habang hawak-hawak ang mukha niya.
"Love! H'wag ka namang ganiyan... bumagon ka na!”
Ang sakit, sobrang sakit. Sobra ang sakit na nararamdaman ko at parang mababaliw ako.
"Nag usap pa tayo kagabi, tinawagan mo pa ako! Love naman! Bumangon ka na!!" Umuugong ang hagulgol ko sa loob ng PACU.
"Hidi na ako mag o-over time. Uuwi na ako ng maaga... kaya pakiusap...h'wag mo naman akong ganitohin dahil mababaliw ako!!" sigaw ko.
Niyakap ko ang malamig niyang katawan. Oh, God!!
"Hindi na ako mag mag tatagal sa office, pangangko. Bumangon ka na!!"
Diyos ko! Hindi ko kaya... Hindi ko kakayanin.
"Love.. parang awa mo n-na gumising ka diyan.."
Ang pag sigaw ko ay ay naging bulong na na lang.
May naramdaman akong kamay na humawak sa balikat ko.
"Bro..." It was Sevv.
"No...no... she's not dead, bro. Effie is still alive." Muli kong inangat ang tingin ko sa malamig ma mukha ni Effie.
"Love.. mag papakasal pa tayo, kaya please.. pakiusap.. gumising k-ka." nag cracked ang boses ko dahil sa pag hikbi.
"W-Wyatt...tama na." Rinig kong saad ni Alcina.
“N-No! Buhay pa siya! Hindi niya pa nakakarga si Wynter, hindi pa kami nakakasal! L-Love, please, open your eyes... w-wake up!” sigaw ko at muling humagugol.
Narinig ko na lang ang pag hagulgol ulit ni Alcina habang nahawak sa sa 'kin.
"W-Wala na siya.. wala na si E-Effie, Wyatt."
Umiling ako at muling niyakap ang bangkay ni Effie. I would rather die than to live without her.
Makalipas ang ilang oras ay dinala na siya sa morgue. Nakaupo lang ako sa loob ng kuwarto ni Wynter habang pinag mamasdan siya. Muling tumulo ang luha ko at nanikip ang dibdib ko.
Kinuha ko si Wynter at kinarga sa mga bisig ko. "Baby, ang daya ni m-mommy." Napahikbi ako habang tinitignang natutulog si Wynter.
"She left us, alone." Mahinang saad ko.
Pinagmasdan ko ang mukha ni Wynter na kamukha ni Effie. "I miss your mom, s-so much..." Nahulog ang isang butil ng luha ko sa kaniyang pisngi.
"Ang d-daya niya, hindi ka man lang niya nakarga."
Wala na akong iba pang maramdan kundi sakit at kirot sa puso ko. Parang unti-unti rin akong pinapatay nito.
"Hindi ko alam kung p-paano mag simula muli. H-Hindi ko k-kaya, nak."
Niyakap ko na lang si Wynter at muling umiyak.
Dalawang linggo ang nakalipas ay inilibing na si Effie. Nalibing na si Effie ngunit hindi pa rin nahahanap si Rona at Chelsea. Mga hayop na 'yon! Mapapatay ko sila.
Tumayo ako at pa gewang-gewang na tumungo sa ref para kumuha pa ng maiinom. Wala ng saysay ang buhay ko. Ano pa nga ba ang saysay nito kung kinuha naman sa akin ang babaeng pinakamamahal ko?
Kinuha ko ang lahat ng inumin sa sa ref at dinala sa sala.
"Love, samaham mo ako mag mall, dali!" Napatigil ako ng makita ko si Effie na nakaupo sa sa couch habang malapad na nakangit sa 'kin.
"L-Love.." Nilapitan ko ito ngunit bigla itong nag laho.
Nag ha-hallucinate na ata ako. Umupo ako sa couch at binuhay ang TV.
"Love, maganda ba ang suot ko?" Napalingon ako sa may hagdan at nakita ko siyang nakatayo roon habang suot-suot ang dress na niregalo ko sa kaniya.
"It's suits yo-" Bigla rin akong napatigil dahil nawala ang imahe niya.
Napalunok ako at napatingala sa kisame, nararamdaman ko ring umiinit ang gilid ng mata ko.
"I miss you." I uttered, kasabay nito ang pag tulo ng luha ko.
Hindi ko inaasahan na mas masakit pala ang love story naming dalawa ni Effie. Hindi niya nga ako pinag palit sa lalaki ngunit iniwan niya naman akong literal.
Nilabas ko ang phone ko sa bulsa at binuksan ang gallery ko kung saan puro litrato naming dalawa.
"Paano pa ako ngayon kikilos?" ani ko habang nakatingin sa isang litrato kung saan naka sakay ito sa likod ko. Kiha ito noong birthday niya sa aonami island.
"Alam mo bang ang sakit-sakit ng ginawa mo?" Binuksan ko ang lata ng beer at ininom 'yon.
"Kung alam ko lang na iiwanan mo ako ng ganito ka aga, edi sana noon pa lang ay pinakasalan na kita."
"I love you, and I miss you." bulong ko at muling bumagsak ang mga luha ko.
Don't worry, I'll follow you.
Tumayo ako at nag lakad sa basement para kunin ang isang lubid. Bumalik ako sa sala at kinuha ang cellphone ko bago umakyat sa kuwarto.
Itinali ko ng mahigpit ang lubid ss chandelier bago umupo sa kama at binuksan ang cellphone ko. Hinanap ko muna ang numero ni Alcina at tinawagan iyon trough video call.
"Oh, Wyatt. Kumusta ka diyan?" tanong niya sa 'kin ng masagot niya ang tawag.
"Na saan si Wynter?" tanong ko. Kay Alcina ko kasi ipinapaalaga si Wynter dahil hindi ko naman siya maalagan sa sitwasyon kong ito.
"She's sleeping," sagot niya.
"May I see her?" Mabilis niya namang ginalaw ang camera at tinutok ang camera kay Wynter na mahimbing na natutulog sa kama ni Alcina.
"My sweet heart." Napangini ako ng gumalaw ang labi niya at ngumiti kahit nakapikit.
"Mommy and Daddy love's you so much, okay? Be a good girl to your tita, Alcina."
Biglang binalik ni Alcina ang camera sa kaniya
"Wyatt, pinagsasabi mo? Parang mag papaalam ka naman sa anak mo," ani nito habang naka kunot ang noo.
Tumawa ako ng mahina. "Do me a favor." Sumeryoso naman si Alcina.
"Keep my daughter safe. Alagaan mo siya, para sa amin ni Effie."
Natigilan siya sa sinabi ko
"W-What do you mean?" Nginitian ko lang ito.
"Ikaw na ang bahala sa anak ko."
"Wyatt, Wait-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng pinatay ko na ang tawag.
Kinuha ko ang upuan at sa bed side table at inilagay sa gitna kung saan nakatapat ang lubid.
Pumatong ako roon at ipinasok ang ulo ko sa lubid.
"Wait for me love, nandiyan na ako."
Ipinikit ko ang mga mata ko at sinikad ang upuan para matumba.
See you in after life, Effie.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro