CHAPTER 30
CHAPTER 30
EFFIE'S POV
Ilang buwan na rin ang nakalipas at wala na ring gulo na nangyayari. Maayos na kami ni papa, magkasundo na rin kami ni Trish. Si Wyatt naman ay tuloy parin ang pamamalakad sa company. Matagal na rin siyang 'di kinukulit ni Chelsea dahil bumalik na iyon sa State kung saan siya pinanganak. At, syempre 'yong tyan ko ay malaki na rin at almost kabuwanan ko na rin.
"Ma'am l, ano pong gusto niyong kainin?" tanong ni Rona sa akin. Siya ang maid namin na kinuha ni Wyatt, matanda lang ako ng isang taon sa kaniya. Unang kita ko sa kaniya ay parang may nararamdaman akong kakaiba pero isinawalang bahala ko na lang iyon baka kong ano;ano lang ang iniisip ko.
"Kahit ano lang, mag luto ka na lang din ng iba pang pagkain, dito kakain si Trish,"ani ko.
"Sige po, ma'am,"sagot niya at bumalik na sa kusina.
Nasa trabaho si Wyatt at kami lang ni Rona ang nasa bahay. Medyo tinatamad akong gumalaw-galaw dahil na rin sa bigat ni baby na nasa tiyan ko.
*Ding dong! Ding dong!*
Agad namang tumakbo sa labas si Rona para pag buksan ang nag dodoorbell. Baka si Trish na 'yon.
Ilang sandali lang ay bumalik siya ngunit walang kasama.
"Si Trish na ba' yon, 'asan siya?" tanong ko sa kaniya.
"Wala pong tao sa labas ma'am, e. Ito lang ang nakita ko."
Binigay niya sa akin ang isang puting sobre.
"Ano naman to?" Binuksan ko iyon, may isang pirasong papel ang nasa loob.
"Ma'am, babalik na po ako sa kusina." Tinaguan ko lang ito.
Binuksan ko ang papel at nagulat ako sa sulat na nakalagay dito.
"GET READY, EFFIE, BECAUSE I'M GOING TO COLLECT A DEBT."
Kumunot ang noo ko matapos mabasa ang nasa ang sulat. Utang? Wala naman akong inutangan, ah. Pero, bakit may pangalan ko? Baka si Wyatt ang nagutang. Imposibl, 'andaming pera ni Wyatt para umutang pa sa iba.
Muli kong pinasok ang papel sa sobre at binitbit iyon papuntang kwarto.
Nilagay ko ito sa drawer sa side table at nahiga sa kama. "Baka pinag titripan lang ako ng mga tambay diyan sa labas," bulong ko habang nakatitig sa kisame.
I shrugs..
Bakit ba ang boring pag wala si Wyatt dito sa bahay? Nakakainisss!
Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko saka tinawagan si Wyatt.
Ilang ring lang ay nasagot niya agad ito.
"Hello love, napatawag ka?" bungad nya sa kabilang linya.
"I already miss you," saad ko. I heard him chuckle.
"Agad? Kakaalis ko lang diyan, ah." S
"Eh, na miss kita agad, e. Bakit ba?" Ngumuso-nguso ako na akala mo naman ay nandito si Wyatt sa tabi ko.
Tumawa ito. "Aww.. you sound so cute love. Don't worry, uuwi agad ako mamaya pag agad kong natapos ang trabaho ko."
As if naman na maaga sIyang umuuwi, eh palaging gabi siyang natatapos.
"Anong gusto mong bilhin ko?" tanong niya. Nag isip-isip muna ako saglit bago sumagot.
"Uhm.. daan ka sa park tapos bili ako ako street foods, maraming nag bebenta doon." Ewan ko ba, namimis kong kumain ng mga 'yon eh.
"Alright, masiyado ka nang matakaw, ah. Tumawa ulit ito.
"Para rin naman kay baby ito, ah," sagot ko. Totoo naman, diba nga kung ano ang kinakain ng nanay ay siya ring kinakain ng baby?
"Alright, love... See you. I love you."
"I love you too, bye!" sgot ko at pinatay ang tawag.
Narinig kong may nag doorbell sa baba. Baka si Trish na 'yon.
Ilang minuto lang aybumukas ang pinto at niluwa nito si Trish.
"Ate I'm here!" Tumalon siya sa kama saka umupo sa tabi ko.
"Hinatid ka ni papa?" Atanong ko.
"Yep, umalis din siya agad, madami daw kasing tao sa restaurant ngayon, "saad niya at hinawakan ang tiyan ko.
"Baby, tita Trish is here na."Hinimas-himas niya tiyan ko bago iniangat ang tingin sa kin.
"Ate,anong pangalan ni baby?" tanong nito.
Napatanga ako ng maalala na 'di pa pala kami nakakapag-isip ng pangalan ni Wyatt pata baby girl namin.
"Ah? Eh, wala pa. Hindi pa kami nakakapag-isip ng kuya mo."
Napakunot naman ang noo niya.
"Malapit ng lumabas si Baby pero wala pang pangalan? Ano ba yan, ang hina niyo naman, "aniya at inayos ang kaniyang pagkakaupo.
"Mag iisip ako," ani ko at nag isip kung ano ang magandang ipangalan kay baby.
"What if Tifany?"
Umiling-iling ito. "Tunog maldita ate," sagot niya.
Tumawa ako. Tunog maldita ba?
Muli akong nag isip. "Hmm..kung Anna Marie kaya?" Muling napakunot ang kaniyang noo.
"Ate, masyadong common. Mag isip ka ng iba."
Aba, bakit ba ang arte ng babaeng 'to. Muli akong nag isip at hinarap siya.
"Eh, kung Amalia?"
She shrugs at napanguso pa ito. "Ate naman, napaka old school." Napailing nalang ako at natawa.
"Ako na lang ang mag iisip," saad niya at nag isip.
"Dapat double name, 'yan uso ngayon, eh." Ani nya at muling nag isip.
Ah, dapat pala ay pa uso-uso ang pangalan. Ang dami talagang nalalaman nito.
"Ate, dapat ang first name start with letter W, initial ni kuya Wyatt then ang second name is start with E, initial mo naman."
Tinignan ko lang siya habang nag iisip.
"May naisip na ako!" masiglang saad niya at hinarap ako.
"Ano naman 'yon?"
"Wynter Erin!" tuwang sabi niya habang pumapalakpak pa.
Napangiti ako. That's a nice name.
"Iyong Wynter niya po is Y instead of I para kagaya ng first letter ng name ni Kuya Wyatt," she said ang giggled.
"Wynter Erin. It's beautiful name! Ang galing mo talaga," ani ko at ginulo ang kaniyang buhok at tumawa.
"Baby, you have a name na. It's Wynter Erin!" tuwang saad niya habang hinihimas-himas ang tiyan ko.
Pag tapos ng senaryo naming iyon ay nag yaya siyang mag mall. Samahan ko raw siyang bumili ng mga damit ni baby Wynter na ireregalo niya. Ewan ko ba, sinabihan ko na ngang h'wag nalang kasi maraming stocked na mga gamit at damit si baby sa bahay sila. Sila Alcina at Angelica ba naman kada bisita sa bahay ay may dalang mga gamit para sa baby.
"Rona, labas lang kami ni Trish, ha. Ikaw muna ang bahala dito sa bahay!" sigaw ko, nasa kusina kasi siya.
"Opo ma'am! Mag iingat po kayo!" sagot niya mula sa loob.
Nag taxi kami ni Trisha dahil sabi ni Wyatt ay h'wag daw akong mag maneho ng sasakyan. Hindi naman pwedeng si Trish ang mag drive dahil minor palang siya at wala pang lesensya.
Pag dating namin ng mall ay agad kaming dumeretso sa baby station kung saan puro gamit ng mga bata ang nandoon.
Kahit anong madaanan ni Trish ay kinukuha niya at nilalagay sa basket na na dala niya. Ayaw din mag paawat para naman daw kasi sa pamangkin niya.
Pag tapos niyang bayaran lahat ng pinamili niya ay iniwan niya muna ang mga 'yon sa counter dahil nag pasama ako sa kaniya sa cr.
Pumasok ako sa isang cubicle habag si Trish naman ay nasa labas at nag at aayos ng mukha niya sa salamin.
Pag tapos kong umihi ay lumabas na rin ako ngunit biglang bumukas ng malakas ang pinto ng kabilang cubicle at nataaman ang tiyan ko.
"Ahhhh!!" daing ko at napahawak sa aking tiyan.
"Ate!" agad akong nilapitan ni Trish. Nakita ko ang babaeng naka tama sa akin na mabilis na tumakbo palabas, medyo pamilyar siya pero 'di ko nakita ang buong mukha niya.
"Hoyy!!" Tawag sa kaniya ni Trish at hahabolin sana nito, ngunit bigla niya rin siyang bumalik dahil sumigaw ako ulit dahil sa sakit.
"T-Trish ang sakit," ani ko. Subrang sakit ng tiyan ko at kumikirot ito.
"A-Ate.. tulong!!" sigaw niya.
Napaupo ako sa sahig at napasigaw. "Ahhh!!" Nakita kong natataranta na si Trish at nanginginig.
"May tao ba diyan sa labas!?" Tumakbo si Trish sa labas ng Cr.
Napahawak ako sa tiyan dahil mukhang hindi ko na kaya ang kirot.
T-Trish!"sigaw ko.
Bumalik si Trish na may mga kasama nang mga staff ng mall.
Agad silang tumawag ng ambulance at dinala agad ako sa hospital.
WYATT'S POV
Nasa kalagitnaan ako ng meeting nang tumunog ang cellphone ko. Noong una at hindi ko ito pinansin ngunit nakaka ilang tawag na.
"Excuse me, I'll take this call first," ani ko sa mga ka meeting ko at lumabas ng meeting room.
Si Trish pala ang tumatawag. "Hello--"
"K-kuya! Si ate, papunta po kaming hospital.." Nagulat ako sa biglang bungad niya.
"Ano? Bakit anong nangyari!?" Bigla akong kinabahan.
"M-May nangyari po kasi noong nasa mall k-kami.. kuya nanatakot ako.." Nanginginig ang boses niya and she's about to cry.
"Trish.. calm down! H'wag kang mag panic, papunta na ako. Saang hospital ba kayo patungo?"
Pag tapos niyang sabihin ang adress ay agad ko itong pinatay at agad ding bumalik sa meeting room.
"I'm sorry everyone. But, hangang dito na lang muna ang meeting. May nangyaring emergency sa fiancée ko."
Pag tapos kong sabihin 'yon ay agad na akong nagmadaling lumabas ng building at mabilis na pinaharurot ang sasakyan ko.
Pag dating ko ng hospital ay nadatnan ko si Trish na nasa labas ng ER. "Kuya!" tawag nito sa akin at niyakap ako.
"Ano bang nangyari?" tanong ko sa kaniya. Nanginginig ang mga kamay niyang kinuwento sa akin ang mga nangyari sa mall.
Biglang lumabas ang doctor at nilapitan namin ito.
"Doc, how are my fiancée and child?" Agad na tanong ko.
"She's fine together with your baby. Nagkaroon lang siya ng stomach cramps dahil sa pagka tama ng pinto sa tiyan niy, kaya nakaramdam siya ng subrang pananakit."
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ng doctor.
"Alll in all ay maayos naman sila, maayos ang baby niyo. Di niya na rin kailangang iconfine, ipahinga niyo na lang siya sa bahay niyo. Excuse me," saad niya at umalis.
Biglang umiyak si Trish. "Hey, why are you crying?" tanong ko sa kaniya.
"Natakot kasi ako. Ako kasi ang nag aya kanina sa kaniya sa mall. Natakot ako na baka may mangyaring masama sa kanila ni baby Wynter," saad niya habang humihikbi.
" Baby Wynter? "
" Yes, kuya. Wynter Erin ang name ng baby niyo. Kinuha ko sa name mo 'yong Wynter habang 'yong Erin ay sa name ni ate," paliwanag niya habang umiiyak parin.
Ang cute niya parang su ate niya.
"Gano'n ba? Ang ganda naman. Pero, h'wag ka nang umiyak. Maayos na ang ate mo at safe sila ni baby Wynter. Kaya, tama na ha." Pinunasan ko ang basa niyang pisngi.
Tumango-tango naman ito at sabay kaming pumasok sa loob ng ER.
Nadatnan naming naka upo si Effie sa kama habang hawak ang tiyan niya.
"Hey.." Nilapitan ko sya at hinalikan sa noo. "Pinag alala mo ako, lalo na 'tong kapatid mo," ani ko at mahinang tumawa.
"Ate,I'm sorry. Sana 'di nalang kita inayang mag mall, eh. Iyan tuloy nasaktan ka pa, " nakayukong aniya.
Ginulo ni Effie ang kaniyang buhok. "Ano ka ba.. h'wag ka nang mag alala, stomach cramps lang naman 'yon, e. Maayos kami ni baby," sagot nito.
"So, masakit pa ba?" Hinawakan ko ang tiyan niya.
Umiling-iling sya habang nakangiti. "Hindi naman na masiyado."
"That's good." Hinalikan ko ang tiyan niya.
"Maya-maya pag tapos kong bayaran ang bill uuwi na tayo at doon kana mag pahinga," ani ko at labi naman niya ang hinalikan ko.
"Kuya, daanan na rin natin 'yong mga pinamili namin ni ate sa mall ha, sayang 'yon, eh hehe," ani Trish at napakamot sa ulo.
"Alright, no problem," sagot ko at pinitik ang ilong niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro