Epilogue
"Ang sakit sa tainga puta!"
I removed my goggles and earmuffs. Ubos na ang labing dalawang target na ngayon ay gula-gulanit na sa dami ng bala na pinakawalan ko. I looked at Roosevelt who's now already beside me.
"Sunod-sunod na putok baka mabuntis na 'yang target."
Sa likod ni Roosevelt ay sumulpot din sa dilim ang isang lalaking nakasuot ng itim na button down polo na itinupi ang manggas hanggang siko. It was Acid Thunderwood.
My brows furrowed when I looked at the brown envelope that he was handing me. Ganito kabilis. Agad-agad ay may kasunod na ang pinagawa ko kahapon. Mga ebidensiya ang laman ng envelope laban sa ama ni Olly Bernice Ong. Ang nauna kahapon ay ang dalawa sa dating kaklase ni Frantiska na nanakit sa kanya. Parehong na-kicked out sa DEMU at nakalkal ang baho ng mga negosyo ng bawat pamilya ng mga ito.
"Her father's now in prison," Acid told me.
"Pwede pa 'yang mag-pyansa," si Roosevelt na nakasandal sa dingding ng training room habang ang mga kamay ay nakapamulsa sa suot na fitted ripped jeans. "Pero magtatanda na 'yan. Ang dami niyang kaso. Tuloy-tuloy na rin ang pagbagsak niyan. Naglitawan pa iyong ibang inagrabyado dahil may mga nauna ng naglakas-loob na lumaban."
I don't know if Frantiska will be happy to hear this, but I am happy to punish those bullies by destroying their families.
"'You okay, brother?" Inakbayan ako ni Xerxes na hindi ko man lang namalayan na naririto na rin.
I just nodded at him.
"Did you take your med today?" si Acid.
I didn't bother answering him dahil alam naman niya ang sagot. Pinatay na ni Roosevelt ang ilaw sa training ground nang lumabas na kami papunta sa billiard arena ng RNS basement. Doon ay naabutan namin si Alamid na nagbi-billiar kasama ang asawa niya. Sa tabi ng billiard table nila ay may maliit na grey sack and by the looks of it, siguradong pera ang laman.
Ingrid, Ala's wife, waved her hand at us. "Hi, boys!"
Tinanguan siya ni Acid. "Hey. Long time no see, Mrs. Wolfgang."
Ngumiti si Ingrid. "Napadaan lang kami. Haba kasi ng pila sa bank so we decided na dito na lang kumuhua ng pera. We're going to donate today to our chosen orphanage."
Ibinaba ni Ala ang tako ng bilyar at nag-angat ng tingin. "Our leader will be here later." Sa akin huminto ang mga mata niya. "You know he's worried about you, JC."
He's talking about our fraternity's leader, Panther Foresteir. Panther was the owner of this building. Utak niya ang lahat mula sa mga negosyo namin hanggang sa mga koneksyon ng grupo.
Nilapitan nina Xerxes, Roosevelt and Acid si Ala to exchange fist bumps with him. Nakangiti pa rin si Ingrid sa amin. I wonder kung matutulad ba si Frantiska sa kanya na magiging palagay rin sa lugar na ito at sa mga ka-frat ko. Wala naman akong mga kaibigan at ang mga tao lang rito sa basement ang madalas kong pinakikisamahan. I think it would be nice to see Fran getting along with my frat brothers' wives.
Nakakagulat pa rin hanggang ngayon dahil noong sumali ako sa underground fraternity na ito ay wala naman lugar ang mga babae rito. Pera, koneksyon at pangalan lang ang importante sa grupo. We can still have women in our lives, but we cannot share them with other men, kaya kailangan silang may marka at tanda kung sino ang nagmamay-ari sa kanila. Hindi sila pwedeng pakalat-kalat dahil ang pag-aari ng RNS, pag-aari lang ng RNS. Pero wala silang habol sa kahit sino sa amin dahil hindi sila minarkahan para seryosohin. Every woman in our circle was disposable.
We must kill them before we fall for them, that's the first fucking rule.
Maraming sumuway at maraming nalagas sa grupo dahil doon; unang-una si Xerxes at sumunod si Alamid, pero bumalik din sila sa pagtagal. At sa pagbalik nila, dala na nila ang mga asawa nila. Good thing dahil bigla na ring nawalan ng gana sa naunang patakaran ng samahan ang mismong leader namin.
Kahit ako ay handa nang tumalikod sa samahang ito kung hindi pa mababasura ang patakarang unang ginawa para sa grupo.
"So when is he going to visit the underground?" Xerxes asked Alamid.
"I thought our leader's busy," Roosevelt said.
Kung may pinaka-busy sa amin, it was our leader, Panther. He had a lot of businesses to take care of. Bukod pa sa mga negosyo ng frat, pati na rin ang negosyo ng pamilya niya na mag-isa niya lang na inaasikaso. Dagdag pa ngayon ang panibagong intindihin. His younger sister was back in the city and now plotting against him. He had a lot on his plate but he's still doing a great job as the CEO of the RNS Empire.
Tumikhim si Acid. "Rogue the leader of BOS fraternity is inviting our leader for a duel."
"Again?" The left corner of my lips curved up.
BOS is another elite fraternity in asia. Mas kilala dahil hindi sila tagong samahan na katulad ng sa Red Note Society. Some members of that fraternity, including their very own leader Rogue Saavedra, were celebrities. They also had a band, the Black Omega Society band na ang gamit ay mismong pangalan ng fraternity nila.
"I bet our leader declined the invitation."
"Yes. But he didn't decline because he wanted to." Mapait na ngumiti si Acid. "He declined because he's thinking of me."
Ilang taon na mula noong magkabangga sa iisang lugar ang fraternity namin at ang Black Omega Society. Dahil parating nagtatalo sa negosyo ay nagkainitan noon at dahil sa epekto ng alak, nagkasundo ang magkabilang grupo na magduelo.
Hendrix Ybarra Montenegro, the teenager and the youngest member of BOS was the first who pulled the trigger. Hindi pa nagsisimula noon ang bilang pero may bala ng pinakawalan papunta kay Acid. Hindi rin kasalanan ng BOS noon dahil nabigla rin ang lahat nang may dumating na babae na sanhi ng pagkakagulo. And that day of the duel, Acid Thunderwood wasn't hurt physically but he was emotionally destroyed for good.
Umiwas na ang RNS sa BOS mula noon kaya nakakairita na naghahamon na naman ang kabilang grupo. At alam ng lahat na hindi nagtatapos ang paghahamon sa pagtanggi ni Panther ngayon. Malalaki ang ulo ng mga member ng BOS at hindi sila sanay na tinatanggihan pero wala naman kaming pakialam kung ano ang gagawin nilang hakbang as long that they're not crossing the red line. Dahil kahit ang pinaka-kalmadong miyembro ng RNS na si Acid ay naghihintay lang na may magkamali sa kanila para balikan sila.
"Wag na raw nating intindihin, papampam lang." Nagsindi ng sigarilyo si Roosevelt.
Sinamaan siya ng tingin ni Xerxes saka nagpagpag ng buhok at suot na damit. "My wife is pregnant with our second child and I'm not risking our baby with the nicotine residues from your cigar."
"Sorry, brother." Pinatay na rin naman ni Roosevelt ang sigarilyo.
Naunang umalis si Ingrid matapos magpaalam sa amin. Inihatid siya nina Ala at Acid sa itaas at pagbalik ng dalawa ay may iba na silang bitbit. Isang lalaki na duguan ang gilid ng bibig.
"Surprise, Mayor." Roosevelt grabbed the man's collar so he could drag him to the floor.
I narrowed my eyes at Ala and Acid. "Why did you bring him here? This is a private undergound!"
Nagkibit-balikat si Ala. "Bakit bubuhayin mo pa ba 'yan pagkatapos mong paamin?" Tumalikod siya dahil may tumawag sa phone niya.
My jaw clenched. Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking nakalugmok sa harapan ko. Navy blue na polo na hindi nakabutones at puting t-shirt sa loob ang suot niya, fitted ripped jeans sa ibaba, at brogue coffee brown boots sa paa. Wala naman siyang galos maliban sa putok sa gilid ng kanyang labi.
Nakangisi siyang tumingala sa akin. "Nice place, huh? Ito ba kuta ng kulto niyo?"
"Bastard!" Tinadyakan siya ni Roosevelt sa likod sanhi para mapaubo siya ng ilang segundo.
"Bastard? Actually, literally," Calder laughed with blood in his mouth.
I ignored him and looked at my brothers in frat instead. "Where did you get him?"
"Our men found him somewhere in Novaliches," Xerxes supplied. Hinila niya sa kwelyo si Calder para mas lumapit sa akin.
"Papatayin mo talaga ako?" Calder asked me with a smirk on his lips, but the nervousness echoed in his voice.
Bumaba ako para magpantay kaming dalawa. "Why did you do it?" kalmadong tanong ko sa kanya.
Marahan na pinunasan niya ang dugo sa bibig. "Kung hindi ko gagawin ano'ng pagkakaiba?"
Kalmado pa rin ako nang muling magsalita. "You know she's mine."
"What do you want to do with him?" sabat ni Acid.
Walang reaksyon ang mukha ni Xerxes nang lumapit sa akin. "Hindi muna kami aalis kung to-torture-in mo 'yan. Kailangan mo ng bantay in case ma-zoned out ka. Baka bigla mo na lang kasing pasabugin 'tong buong undergound."
"Or, Mayor, kami na gagawa para sa 'yo." Sumandal si Roosevelt sa isa sa mga billiard tables habang nakapamulsa. "Magsayang ka na lang ulit ng bala sa training ground kaysa umuwi ka sa QC at doon ka mamaril."
I threw them a death glare.
"Pikon.." Napaungol si Roosevelt at nagtaas ng kamay sa ere.
Muli kong hinarap si Calder at malamig na tinitigan. "Where is she?"
Mapait siyang ngumisi sa pagkakataong ito. "Kahit pigain mo ako, wala sa akin si Fran."
"I'm going to ask you for the last time..." Because I am now seeing red. "Where is Fran?" I asked him again, this time spitting each word.
"Wala nga siya sa akin—"
"Where is my wife?!"
"Kinuha siya ni Valentina!" he shouted before I could hit him with the billiard cue stick na hindi ko namalayang hawak-hawak ko na pala.
I winced upon hearing what he said.
"Kinuha ko si Fran, yes!" nanginginig ang boses na sigaw niya. "Kinuha ko siya pero hindi ko siya sinaktan at kahit kailan hindi ko siya sasaktan! Hindi ko kaya! Gusto ko lang siyang ilayo dahil nahihirapan na siya! Tangina ang gulo na ng buhay niya dahil sa'yo! Ngayon kinuha naman siya ni Valentina at malamang na ikaw rin ang dahilan! Hindi ko alam kung paano kami natunton ng ex-fuck buddy mo pero naisahan ako! Ngayon kaysa ubusin mo oras mo sa pagtorture sa akin, hanapin mo na lang si Fran! Iligtas mo na lang siya para may magawa ka namang maganda para sa kanya!"
Tinadyakan siya ulit ni Roosevelt sa likod pero balewala na lang sa kanya. Dumura pa siya ng dugo sa sahig saka ngumisi.
"Nagsasabi ba ng totoo 'yan?" Xerxes looked at Calder with his arms crossed over his chest.
"E di patayin niyo na ako pero siguraduhin niyo na mababawi si Fran kay Valentina!"
Namalayan ko na lang na kinukuha na ni Acid mula sa pagkakahawak ko ang stick. Si Xerxes naman ay inalalayang tumayo si Calder.
"How can I find her?" I asked him with a low voice.
"May tracking device akong inilagay sa cardigan ni Fran. Kung suot niya iyon noong kinidnap siya, matutunton natin sila. Iyong phone ko nasa motor ko."
Ang pagkulo ng dugo ko ay lalong tumindi pero katulad ng parati ay kalmado ang boses at pagkilos ko, which was bad according to my late doctor in US. Pwedeng habang naiipon ang nararamdaman ko ay mas magiging malala ang pagsabog sa huli kaya habang mas maaga kailangang makita ko na si Frantiska.
Kailangang makasama ko na siya. Kailangang marinig ko na ang boses niya. She's the only person that could calm the storm in me and I needed to be with her before I lost myself again.
I looked at Roosevelt. "Get me a gun."
"Okay, Mayor." Nagtipa agad siya sa hawak na phone.
Nagsalita si Xerxes. "Do you need our help?"
"No."
Calder chuckled behind us. "Kaya niya iyan mag-isa—"
"You're coming with me," I cut him off.
Napakamot siya ng leeg. "Ugh.. Sabi ko nga."
Natapos na sa phone si Ala at saka lang siya bumalik. "What happened here?"
"Hey Ala, pupuntahan nila iyong kidnapper number 2," Roosevelt answered him.
"Oh, so tapos na? Can I go now?" sabay tingin sa hawak na cellphone.
Nagsalubong ang mga kilay ni Roosevelt. "Agad? Where are you going?"
"Tawag na ako ni Ingrid."
Napangisi si Roosevelt. "Under."
I was mentally shaking my head while listening at their conversation. Mula nang gumaling si Roosevelt ay tarantado na siya ulit. Good thing dahil hindi na siya narinig ni Ala na ngayon ay nakaalis na. Nakapasok na agad sa elevator dahil sa pagmamadali.
Mayamaya ay phone naman ni Acid ang nagring. Isang senyas lang at lumayo na siya sa amin para kausapin ang caller sa phone niya.
"Isa pang under," bulong na naman ni Roosevelt.
Mahina siyang sinuntok ni Xerxes sa balikat. "How about you? Wala kang lakad?"
Napatingin si Roosevelt sa suot na wristwatch at nauna pang maglakad papunta sa elevator. "Damn! Nagpapabili nga pala si Tami ng McDo!"
"Chill man, you can order through Grab anytime," habol ni Xerxes sa kanya.
"I mean resto ng McDo. Buong franchise at gusto niya ay sa tabi ng bahay mismo namin itatayo."
Xerxes heaved a sigh and placed his hands in his jeans pocket. "Tsss under..."
Napalingon si Roosevelt. "What did you say, man?"
"Nothing. Bilisan mo na."
"Yup. Sabay na ako kay Mayor." Tumingin siya sa amin ni Calder. "Nasa taas na iyong order niyong toys. Dinala na ng tao ko."
Sa tapat ng elevator ng underground kami huminto. Nauna pa si Roosevelt na halatang nagmamadali na. Nilingon ko si Xerxes ng may maalala. "About Valentina's father..."
"Wag mo ng isipin." He gave me tap on my shoulder. "His political career will soon be over."
"Thanks."
"Nagthank you si Mayor. That's new, huh?" Roosevelt chuckled at my back.
Itinulak ko na papasok ng elevator si Calder at hindi na pinansin si Roosevelt. Sa loob ay tatlo lang kami dahil hinihintay pa ni Xerxes si Acid na may kausap pa ngayon sa phone.
"May balak pa 'tong lumusot kanina, ah." Inginuso ni Roosevelt si Calder na nasa harapan namin nakapwesto.
Hindi ako kumibo.
"Sasama naman talaga ako. Si Fran iyon e alangan namang pabayaan ko?" Calder whispered but I heard him.
I heard what he said. Loud and clear.
Tumikhim ako. "Calder."
Napalingon siya sa akin. Nakataas ang isang kilay.
"Just in case..."
"Huh?"
I looked him straight in the eye. "Would you sacrifice your life for her?"
"For Fran?" He grinned. "Hindi na tinatanong 'yan, Kuya."
I looked away before whispering. "Thanks."
Napasipol si Roosevelt sa tabi ko. "Why I'm not informed? Thanks giving day pala today."
"Shut up," halos sabay na sita namin ni Calder sa kanya.
Sa parking lot ng Foresteir building naghihintay ang isang naka-amerikanang lalaki na may bitbit na itim na duffel bag. Tao ni Roosevelt. Mga baril ang laman ng duffel bag na itinawag kanina sa underground.
"Mr. Sanvictores." The man handed the bag to Roosevelt so he could check.
"Thanks. You may go now."
Nang umalis ang naka-amerikanang lalaki ay ibinigay sa akin ni Roosevelt ang isang caliber .45 at isang revolver na galing sa bag. Ito ang toys na tinutukoy niya sa baba kanina. "Mayor, every bullet must count. Bawal ang fireworks, all right?"
"Don't bother giving me one. Meron na ako." Inilabas ni Calder ang isang baril mula sa likod niya.
Namilog ang mga mata ni Roosevelt. "Tangina di man lang kinuha ni Acid 'yan? Pano kung pinagbabaril mo kami sa basement kanina?"
Calder just grinned at him.
"Fuck you, guys," ungol na lang ni Roosevelt saka kami tinalikuran para puntahan ang nakaparada niyang pulang Jaguar.
Wala na si Roosevelt nang magsalita si Calder. "Hahabol ako sa Thanks Giving day. Thank you for believing me."
I cocked an eyebrow at him.
Ngumiti siya at nag-iwas ng tingin. "And thank you for being the best brother, Kuya."
Hindi na ako nakasagot dahil nakatalikod na siya. Ang nagpagalaw na lang sa akin ay nang marinig na ang pagbusina ng kotse sa harapan ko. Nasa loob na ng sasakyan si Calder at hinihintay ako.
... And I hope that he'll wait for me until the end because I will never forget him.
"CALDER."
Napatingala si Frantiska nang marinig ang sinabi ko. "Ha?"
"Let's name him Calder," I said to her.
She was too close that I could smell her scent. Hindi ako magsasawa sa amoy niya. Hindi ako mapapagod na mahalin siya. Inabot ko siya sa bewang at hinila pa lalo. Ang kamay ko ay masuyong hinaplos ang umbok ng kanyang tiyan.
"Calder was my favorite person before you came into my life." Dahil iyon ang totoo. Si Calder lang ang importante noon. Gusto kong bumawi sa kapatid ko, ibawi ang lahat ng kasalanan ni Daddy sa kanya, kaya pinilit kong tumayo sa sarili kong mga paa at magkaroon ng sarili kong pera...
"Jackson..." Frantiska's eyes started to water in tears and I felt a painful tug in my chest upon seeing it.
Itinuro ko ang aking dibdib sa parte na parang madudurog. "Laging may kulang dito. Kapag wala ka, nasasaktan ako. Naaalala at hinahanap ka nito. Dahil alam nito na ikaw ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko."
"I'm okay with that." She smiled. "I'm totally okay with that."
Ang mga luha niya ngayon ay masasayang luha, and I think pwede na rin sa akin iyon. I hugged and rested her head on my chest. Basta masaya siya, magiging masaya na rin ako.
Gumanti siya ng yakap, mas mahigpit. "Wag na nating alalahanin ang masasakit. Basta naaalala mo lang na mahal mo ako at mahal na mahal kita... Okay na iyon. Mabubuhay na tayo nang masaya sa ganoon."
I scoffed lightly.
"Let's not think about the past, Jackson."
She raised her head to look at me again and I couldn't suppress a smile. Dahil ang totoo ay hindi ko siya nakalimutan kahit na isang segundo.
"Magsimula tayo ulit. Kasama si Calder..." Hinila niya ang laylayan ng damit ko. Ang mga mata niya ay nakikiusap.
"We will... Mrs. Cole," I said hoarsely.
She bit the side of her lip and smiled, and my heart started to beat wildly. I wanted to kiss her for hours, pero ayaw ko siyang biglain. I wanted to be patient and gentle this time. Gusto kong magsimula sa simula. Gusto ko na kalimutan niya na lahat ng masasakit at magsimula na lang ng panibago kasama ako, katulad ng sinabi niya kanina.
I bent over to place a soft kiss on her head. Mahal na mahal ko siya.
Her hug became tighter. "Hindi na tayo maghihiwalay, Jackson. Tayong tatlo. Tayo ng magiging baby natin. Bubuo tayo ng masayang pamilya. Pamilya na hindi tayo pinalad na magkaroon noon. Mararanasan nating maging masaya. Hindi na tayo maghihiwalay."
Her eyes were looking at me with so much love in them. I couldn't help but mentally capture the sight of the air that I breathe, siya.
Hinaplos ko ang pisngi niya. "I love you, Mrs. Cole."
Kung meron akong hindi matutupad sa mga pangako ko sa sarili ko ay iyong sinabi kong maghihintay pa ako. Maingat na kinarga ko na siya pabalik sa kuwarto but I will make sure that I will be gentle and I will not do anything that could hurt her and our baby.
I have been through hell before I felt heaven. I am so lost without her at ngayong nasa akin na siya, hinding-hindi ko sasayangin ang oras. Hindi ko siya sasaktan. Hindi ko siya iiwan. Aalagaan ko siya, pagsisilbihan at mamahalin araw-araw. I'll be the umbrella of her life. I will protect her from rain and all the pain because there's no me without her.
Ito na ang wakas at simula ng bagong kami. Mula sa oras na ito, mabubuhay na lang ako para mag-ina ko.
I am Jackson Cole, faithful and loving husband of Frantiska Jezebel Justimbaste-Cole, soon to be the father of our upcoming baby, former mayor of Quezon City and member of Red Note Society... is now signing off.
[ END ]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro