Chapter 63
"...He generally went ballistic when he woke up."
Nagpahid ako ng luha at tumingin kay Calder. Marami siyang sinabi pero ang huli ang pinakatumatak. Surely Jackson will stubbornly refuse to understand Vice's reason. I could even imagine him aiming a gun at his own father.
"Ginagawan na ng paraan ni Vice ngayon kung paanong maitatago sa mga tao ang nangyayari." Naiiling na sabi ni Calder. Nakatayo siya sa harapan ko habang hawak ang isang basong tubig.
Mapait akong napangisi. Oo naman gagawin ni Vice ang lahat para hindi mapasama ang imahe ni Jackson. Pero sana gawin niya rin ang lahat para gumaling ang anak niya. Sana totohanin niyang ipapagamot niya si Jackson. Kailangang gawin niya iyon dahil iyon ang pinanghahawakan ko para magpatuloy at maging matatag.
Nasa isang tagong private resort kami ngayon ni Calder dahil sa utos niyang wag muna kaming magpapakita kay Jackson. Dito ako dinala ni Calder at dito muna kami habang hindi pa namin alam ang susunod na gagawin dahil napakagulo ng iniwan namin sa Quezon City.
Bukod sa hindi ako pwedeng makita ni Jackson ay nanganganib din ako sa tatay ni Valentina at Sacha. Calder also warned me na maging kay Vice ay hindi ako pwedeng magtiwala.
Valetina and Sacha's father, Governor Valerio Hynarez and their uncle Congressman Pedro Hynarez ay parehong nasasangkot sa issue ng corruption. Marami na ang galit at tumalikod sa mga ito. Samantalang si Jackson ay kahit kailan ang pangalan ay hindi nadungisan ng korupsyon. Mula nang si Jackson ang naging mayor ay naging maunlad na ang buong Quezon City. Kilala siya ng lahat at hinahangaan despite of him being aloof and snob. Mas minahal pa nga siya ng taong bayan dahil sa hindi siya ma-press na pulitiko. He works in silence at ang mga proyekto na lang niya ang bahalang gumulat sa publiko.
Si Jackson lang rin ang bukod tanging walang kinabibilangang partido. Wala siyang pakialam sa ibang pulitiko kahit pa marami ang pilit na kumukuha ng loob niya—nangunguna na syempre ang mga Hynarez.
Umaasa ang mga Hynarez na sina Valentina at Jackson sa huli. Ang buong pagkakaalam nito ay matagal na ang dalawa sa isang on and off relationship ng mga ito. Walang ginawa si Vice para hindi maniwala ang congressman na hindi.
Dahil utak pulitika si Vice, boto siya kay Valentina para kay Jackson. Ang babaeng iyon ang nakikitaan niya ng perpektong future para sa anak. At hindi na ako magtataka kung katulong si Vice ng mga Hynarez sa pagpa-plano tungkol sa pagkakalat ng balita tungkol kina Jackson at Valentina ngayon.
Valetina Soza Hynarez was all over the new since yesterday. Hindi dahil sa kinidnap niya ako, dahil hindi naman nagfile ng case si Vice against her. Laman lang siya ng balita dahil naaawa ang mga tao sa kanya. Lumalabas na siya ang bida at ako ang villain sa mata ng mga tao tungkol sa kumalat na stolen photo namin ni Jackson kung saan ay naghahalikan kami sa dilim.
Ang kumakalat na balita ngayon ay ako ang nanghalik kay Jackson. Ako lang ang may gusto. At kasabwat ko ang kumuha ng picture at nagpakalat nito dahil gusto kong sirain ang loveteam ng bayan.
Mahina akong nagsalita. "Hindi ba naging dagdag kasiraan kay Gov. Hynarez noong nakick out si Sacha?"
"Hindi. Natapalan agad nila ng pera ang media e. Though may mga nakalabas pa ring usap-usapan na nakick out nga ang bunso niya. Pero usap-usapan lang iyon, at alam mong ang mga usap-usapan ay madali lang patayin kung matatabunan ng iba na namang issue."
"Kagaya ng issue na si Valentina na at Jackson?"
"Alam mo naman ang totoo na hindi."
Tiningnan ko nang tuwid si Calder. "At alam ko rin na gagawin ni Vice ang lahat para malinis si Jackson." Kahit pa ang ilaglag ako.
Si Calder naman ngayon ang nagbawi ng tingin.
"Alam ko na alam na ni Congressman Hynarez ang tungkol sa mama ko. Kung paano namatay ang mama ko at sino ang suspect sa pagkamatay niya." Hindi na lihim iyon sa mga Hynarez. "Pero hindi nila nilalabas ang totoo because they're still protecting Jackson."
Nang pumutok ang balita tungkol sa ibang babaeng kasama at kahalikan ni Jackson sa stolen shot na kumalat sa social media ay nagkagulo ang mga Hynarez. Kasunod na niyon ang pagpapa-imbestiga ng gobernador at congressman tungkol sa akin at pagkakalkal na rin ng pinagmulan ko.
Hindi na ako magtataka kung sa mga oras na ito ay naiipit na si Vice. Hindi niya pwedeng isapubliko na ipapagamot niya si Jackson dahil ayaw niyang magkalamat ang pangalan ng anak. Hindi pwedeng magkalamat ang pangalan ni Jackson dahil kailangan pa ito ng mga Hynarez para sa kanilang pulitika. Kung masisira si Jackson, tiyak na ilalabas ng mga Hynarez ang alas nila laban sa mga Cole – at ako iyon.
Ako ang sisira nang tuluyan kay Jackson. Dahil sa pagkamatay ni Mama, sa pag-angkin niya sa pera ni Lolo, at maging ang aming relasyon. Lahat iyon ay puro kasiraan. Kaya maiintindihan ko na ilalaglag ako ni Vice para isalba si Valentina, dahil iyon lang rin ang paraan para isalba si Jackson.
"Hindi ako galit kay Vice kahit ano pa ang maging desisyon niya. Maniniwala na lang ako na lahat ng plano niya ay para sa ikabubuti ni Jackson." Tumulo ang luha ko.
Nagpahid ako ng luha matapos ang ilang minuto nang tahimik na pagluksa.
Sinikap kong ngumiti kay Calder. "Pwede na siguro tayong magbook papuntang Singapore?"
Matagal na nanahimik si Calder at tumitig lang sa akin.
"Di ba iyon ang isa sa naisip nating plano kagabi?" Pilit kong itinatago ang lungkot na nararamdaman ko pero nanunuot pa rin iyon sa boses ko. "Calder, sige na... Lumayo na tayo."
Kahit malamig ang buga ng aircon ay butil-butil ang pawis sa noo ni Calder. Ang mga kamay niya ay nanginginig. Nasa mga mata niya ang matinding pagpipigil sa sarili. Sa huli ay nagbawi siya ng tingin at naiiling na ngumiti.
"Calder..." tawag ko sa kanya sa mahinang boses. "Kapag umalis na tayo, hindi na tayo babalik..."
"Tsss..." Lalo siyang nag-iwas ng tingin.
Alam kong natutukso siya sa pag-alis dahil iyon naman ang plano niya noon pa. Noon niya pa ako gustong ilayo. At ito na iyon. Sasama na ako.
Siguro kung noon pa ako sumama sa kanya ay hindi na sana kami aabot sa ganito. At kung noon pa sana ako sumama sa kanya, hindi na sana siya mahihirapan manimbang ng desisyon ngayon.
"Calder, Jackson will be fine. Walang mangyayari sa kanya rito. K-kahit ganoon si Vice, mahal niya ang... kapatid mo. Kahit hindi pa sa ngayon, alam ko na gagawa ng paraan si Vice para maipagamot siya. Para maging okay siya. And by that time, he will start anew..."
Tumiim ang kanyang bagang.
"He'll be okay and eventually, he will forget about us..."
"Easy to say..." malamig na sabi niya.
I bit my lip. "Hindi siya pwedeng umalis sa QC. Kailangan siya ng mga tao. Kailangan siya ni Vice... at hindi siya pwedeng sirain ng mga Hynarez. Hindi na para durugin pa siya dahil hindi niya deserve iyon."
Kahit totoo mang pinatay niya si Mama. Kahit totoong magulo ang tumatakbo sa isip ni Jackson ay hindi ko pa rin siya kayang mahirapan. Pero hindi pwedeng mag-stay ako sa kanya dahil kahit baliktarin man ang mundo, siya pa rin ang dahilan kung bakit nawala si Mama sa buhay ko. May kasalanan pa rin siya hindi lang sa akin at sa batas... kundi pati sa mata ng Diyos.
Makasalanan din ako dahil nagmahal ako ng makasalanang tao kaya deserve ko ang magdusa habangbuhay. Deserve ko na mabuhay na malayo sa taong mahal ko. Dahil gustuhin ko man siyang makasama, ang mga bagay ay komplikado. At kahit gusto ko siyang makasama, araw-araw lang rin akong masasaktan at makokonsensiya na mas pinili ko siya kaysa sa hustisya.
Tumunog ang cellphone niya sa kanyang bulsa. Tumingin siya sa akin bilang paghingi ng minuto. I nodded at him.
Umalis si Calder bitbit ang cellphone at pagbalik niya matapos ang ilang sandali ay namumuti na sa putla ang kanyang mukha.
"What happened?" Sinalubong ko siya sa pinto.
"He resigned."
Awang ang mga labi ko.
"Hindi siya napigilan ng mga guwardiya sa mansiyon. Umalis siya at pumunta sa munisipyo. He resigned, Fran. At alam na iyon ngayon ng media!" Nawala ang pamumutla niya nang tumalim ang kanyang mga mata. "Hindi siya nag-iisip!"
No...
"At isa lang ang mangyayari ngayon. He will be facing the wrath of Governor Valerio Hynarez!"
Nanghihina akong lumakad patungo sa sofa at naupo roon.
"Pwede nang ilaglag ni Governor Hynarez si Jackson ngayon since wala na rin siyang magiging pakinabang rito. Kahit si Vice walang magagawa kung uusigin ng batas at ng mata ng mga taong-bayan si Jackson. Alam na ni Governor Hynarez ang tungkol sa pagkamkam sa pera ng lolo mo, pagpatay sa mama mo, at maging ang tungkol sa 'yo. You were just a minor when Jackson married your mother. And now, you are his wife. Pwede pa nilang palabasin na minolestiya ka at labag sa kagustuhan mo ang pagpapakasal."
Valentina and Sacha was right, ako ang may kasalanan. Simula't sapul, ako talaga ang malas. Kung sana nakinig ako sa kanila. Kung sana umalis at lumayo na ako noon pa man, hindi sana mangyayari ito.
"Fran, may magagawa ka kaysa sisihin mo ang sarili mo..." Pulang-pula ang mukha at leeg ni Calder
Luhaan akong nag-angat ng tingin sa kanya.
"Be on his side. Protect him!"
Nanlaki ang mga mata ko.
"Sabihin mo na na hindi si Jackson ang pumatay sa mama mo." Lumapit si Calder sa akin at lumuhod sa harapan ko. Kinuha niya ang nanginginig kong mga palad at pinisil. "You can do that for him, right? Right?"
Lumamlam ang mga mata ko sa kanya.
"Hindi siya pwedeng makulong, ang kailangan niya ay magamot. Ang kailangan niya ay katahimikan dahil pagod na rin siya, Fran. Pagod na siya. Kaya please... Sabihin mo na hindi siya ang pumatay. Kahit anong ebidensiya, walang magagawa dahil ikaw ang pinaka-ebidensiya rito. Nandoon ka nang matagpuan na walang buhay ang mama mo. You just have to lie na nakita mong hindi si Jackson ang—" Napahinto siya.
Ang mga mata ni Calder ay nawalan ng lohika. Puno na iyon ngayon ng desperasyon. Taliwas ito sa mga naunang beses na pinagusapan namin ang tungkol sa mama ko. This time, he's against the truth.
"He's a good person. You know that, right? Jackson is a good person. He's just a victim of circumstances."
Napahikbi ako nang makita ang pangingilid ng mga luha sa mata ni Calder.
"Hindi man siya perpektong tao, pero mahal ka niya. Kahit gago siya, mahal ka niya. Kahit galit pa rin ako sa kaniya at kay Vice... M-mahal ko sila..."
Nanginig ang mga labi ni Calder.
"Noong araw na nahuli ako ng mga tauhan niya, papatayin niya na dapat ako, Fran. He was raging mad that day dahil kinuha kita sa kanya. Pero hindi niya ako sinaktan. He believed in me noong sinabi kong kinuha ka ng mga tauhan ni Valentina. He believed in me, Fran. He even forgave me for loving you. Samantalang ako, samantalang ako hindi ko siya mapatawad kasi minahal ka niya! Kahit dapat akin ka!"
Tumutulo na ang luha ni Calder sa mga kamay kong hawak-hawak niya.
"It's time for you to protect him."
Dalawang katok ang kumuha sa atensyon namin. Nagpalitan kami ng tingin ni Calder.
"It's Vice..." Lulugo-lugo siyang tumayo.
Tumango ako at tumayo na rin. Ako na ang nagtungo sa pinto habang abala si Calder sa pag-ayos at pagpapakalma sa kanyang sarili. Pinunasan ko lang ang luhaan kong mga mata bago ko kinalas ang mga lock ng pinto.
"Good evening, Frantiska."
Gulat na napatitig ako sa matandang lalaki na napagbuksan ko ng pinto. Kahit expected ko na siya ay hindi ko pa rin maiwasang hindi magulat. Itim na tux ang suot niya at itim din na slacks pambaba, at syempre ang kanyang baston ay hindi mawawala.
Mapait siyang ngumiti sa akin. "I am here to inform you that I am choosing my son."
Napaawang ang mga labi ko.
Laking gulat ko ng bigla na lang siyang lumuhod sa haparan ko. "Umuwi ka na sa mansiyon. I'm begging you. My son needs you..."
Agad na nag-unahang tumulo ang luha mula sa mga mata ko.
"Please go home, Fran..."
Aabutin ko sana ang matanda nang bigla kaming gulatin ng isang putok. Sa luhaang mga mata ni Vice ko lamang naaninag ang naganap sa aking likuran.
"C-Calder..." Nanghihina akong napalingon. Lalo akong nanghina nang makita ang gulat niyang reaksyon.
Nakatitig sa akin ang nangungusap niyang mga mata habang ang bibig niya ay inaagusan ng kulay pulang likido. Sa likod niya ay may isang lalaking nakasuot ng itim na bonet at may hawak ng baril na umuusok pa ang dulo.
"Calder!" Tila kulog ang sigaw ni Vice nang akmang magpapaputok ulit ang lalaking nakabonet.
Pero bago pa nito makalabit ang gatilyo ay may nauna ng putok mula sa likuran ko ngayon. Matapos itong tamaan ng bala direkta sa ulo ay sunod-sunod na putok pa ang narinig namin hanggang sa nagmistulang shooting target stand ang katawan ng nakabonet na lalaki bago ito walang buhay na bumagsak sa sahig.
Sino ang walang awang nagpaulan ng bala? Hindi si Vice dahil nakalugmok pa siya sa sahig nang lumingon ako sa kanya.
Ngunit nang mag-angat ako ng paningin ay nanlaki ang aking mga mata sa pagkabigla. Sa likuran kasi ni Vice ay nakatayo ang isang lalaki na may hawak na baril. "Jackson!" Nasa mga mata niya ang matinding galit habang nakatitig sa akin.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro