Chapter 62
"KAYA MO? BAKIT KA UMIIYAK?"
Napasinghot ako.
Tumiim ang titig sa akin ni Vice. "Can you still love my son despite of his imperfections?"
Nagpahid ako ng luha. "Yes, Vice."
"Even after you learned that he's the one who killed your mother?"
"Yes, Vice..." I sobbed at my reply.
Matagal na hindi nagsalita si Vice habang ako naman ay umiiyak lang.
"I don't know if you can still be with him when he gets better, Fran," sabi ni Vice mayamaya. "Ni hindi pa nga natin sigurado kung..." Natigilan siya. "Kung gagaling pa siya." Humina ang boses niya sa mga huling salita.
"He'll be okay..." kulang sa kasiguraduhang sabi ko. Pigil na pigil ko ang paghagulhol dahil hanggang sa mga oras na ito ay tulala pa rin si Jackson.
"Pag-isipan mo."
"Vice..."
"Pag-isipan mo lahat-lahat bago ka magsalita na gusto mo pa ring makasama ang anak ko. Pag-isipan mo muna. Lumayo ka sa kanya. Kilalanin mo muna ang sarili mo, alamin mo ang mga gusto mo nang malaya na walang kumo-kontrol sa 'yo. Mabuhay ka muna nang wala siya. At kapag sa tingin mo, nakapag-isip-isip ka na pero gusto mo pa ring makasama ang anak ko, then sige. Maski anino ko, hindi na magiging sagabal pa sa inyo."
Nang tumingin ako kay Calder ay nasa mga mata niya ang pagdamay sa akin. "Fran, you both need the time..."
I know. Kailangan namin pareho ang oras na magkalayo. Dahil katulad ni Jackson, wasak na wasak din ako. Marami pa akong tanong at magulo pa rin ang utak ko.
Ilang sandali lang ay may mga sasakyan na ulit na paparating. Ang isa ay private morgue service na kukuha sa dalawang bangkay na tauhan ni Valentina, ang isa ay ambulance, at ang isa ay private car na may sakay na investigator. Lumapit ang investigator kay Vice at nag-usap ang dalawa. Malamang na inaayos na nila ang mga detalye upang hindi na madungisan pa ang pangalan ng mga Cole.
Nang maging busy na ang lahat ay saka ko pa lang pinuntahan si Jackson. Saka palang ako nagkalakas-loob na lapitan siya.
My mysterious and not-so-perfect, yet so loving husband...
Mabilis at malakas ang kabog ng dibdib ko nang nasa harapan niya na ako. Pinagmasdan ko pa siya nang matagal. Kinabisado ko pa ang bawat detalye ng perpekto niyang mukha bago ko marahang inabot ang makinis na pisngi niya upang haplusin.
"Jackson..." masuyong tawag ko sa kanya.
Ang magaganda niyang mga mata na matagal na walang emosyon ay nagkabuhay bigla. Kumurap siya at sa isang saglit lang ay nakatitig na siya sa akin nang katulad ng pagtitig ko sa kanya.
Hinuli niya ang kamay ko. "Fran..."
"You should rest..." Pinilit kong ngitian siya. "Nanlalalim ang mga mata mo, siguro ilang gabi kang walang tulog. Hindi ka rin siguro kumakain nang maayos." Pigil na pigil ko ang pagpiyok at pagtulo ng mga luha ko.
"Then umuwi na tayo." Tinalikuran niya na ako para lumabas ng gate. Ni hindi niya pinansin sina Vice at Calder na nakatingin sa amin.
"Galit ka ba?" tanong ko kahit alam ko na hindi na naman siya sasagot.
Huminto siya sa paglalakad.
"Jackson, I—"
"Yes."
"Ha?"
Bigla siyang lumingon. "Yes. I am mad."
He looked at me with so much anger boiling in his eyes. At deserve ko lahat ng galit na meron siya.
"I am mad. Galit na galit ako!"
Napaatras at napayuko ako sa lakas ng tila kulog na boses niya.
"Do you even know why I am mad?"
Napahikbi na ako. Alam ko. Alam ko na galit siya dahil sa katigasan ng ulo ko. Galit siya dahil nagsinungaling ako at tumakas—
"I am mad because you've been kidnapped! Galit na galit ako kasi muntik ka nang mapahamak! Galit na galit ako dahil muntik ka nang mawala sa akin!"
Nakaawang ang mga labing muli akong napatingala sa kanya. "Jackson..."
"Pinag-alala mo ako nang sobra!" His voice trailed off and his eyes now were filled with tears.
Lumapit siya sa akin.
"I was shocked, hurt and fucking scared because I thought I'm gonna lose you!"
Napaiyak na ako. "Sorry... sorry..."
"Hindi ko pa rin talaga kayang magalit sa 'yo." His hands cupped around my face as he tilted my head slowly. "You drive me crazy but you're the only one who can keep me sane."
"Jackson..." hikbi ko.
Idinikit niya ang kanyang noo sa akin. "Do you still love me?"
Lalong tumulo ang mga luha ko sa mahina at puno ng damdaming tanong niya.
"Do you still love me?" he repeated. His lips brushed mine as he spoke.
"Yes..." I replied, feeling my heart skipped a beat. Yes, I still love him. I will always love him.
"Sorry but I need to hear it again."
"I love you..." nanginginig ang mga labing ulit ko. "Mahal na mahal kita kahit naguguluhan ako. Kahit ang gulo-gulo ng mundo, gusto ko pa ring bumalik sa 'yo."
Ngumiti ang mapula niyang mga labi.
"Jackson, kahit hindi ka perpekto, mahal pa rin kita. Kahit pa alam kong may kakaiba sa 'yo, mahal pa rin kita. Kahit anong ginawa mong tama o mali, mahal pa rin kita. At totoo man o hindi na ikaw ang pumatay kay Mama, mahal pa rin kita." Napahagulhol na ako habang nagsasalita. "Mahal pa rin kita... Ito ang ginawa mo sa akin, ito ang plano mo na sa kabila ng lahat, mamahalin pa rin kita. Jackson, panalo ka na..."
Akma niya akong sisiilin ng halik pero umiwas ako.
"Jackson, sa sobrang pagmamahal ko sa 'yo, wala akong ibang gustong mangyari kundi ang maging maayos ka."
"Fran..."
"Gusto kong mapabuti ka kaya kailangan kong iwan ka..."
Nakatitig lang siya sa akin.
"Kailangan mong magpagamot. Kailangan mong ayusin ang sarili mo para sa sarili mo. Iyon ang dapat mangyari. Ayusin muna natin ang kanya-kanyang buhay natin. Kailangan, Jackson. Kailangang pagdaanan ito."
Kitang-kita ko ang sakit na bumalatay sa mga mata niya. "Have you ever considered that I could be shattered in the process?"
Marahan akong tumango habang umiiyak. "Sorry..."
"Why are you hurting me?" this time ay kasing lamig na ng yelo ang tono niya.
Umatras ako palayo sa kanya. "Sorry..." that's all I can say to him.
Nagtagis ang mga ngipin niya. "No. I'm not letting you go."
Nang akma lalapit sa akin si Jackson ay agad kong inagaw ang hawak na baril ni Calder at itinutok sa kanya. "I'm sorry, Calder, pahiram muna."
Naningkit ang mga mata ni Jackson sa hawak kong baril. Ilang sandali lang ay naiiling siyang ngumiti nang mapait. "Can you pull the trigger?" mahinahon niyang tanong sa akin.
Napaatras ako nang lumapit pa rin siya. Diretso ang nakakapanghinang titig niya sa akin. Hindi siya huminto hanggang sa nasa dibdib niya na ang dulo ng baril na hawak-hawak ko.
"Jackson, please..." naiiyak na pakiusap ko sa kanya.
Wala ng reaksyon ang mga mata niya ng hawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa baril. "You know you can kill me and I'd die happy."
Nanginginig ang mga daliring bibitawan ko ang baril pero idiniin niya ang ang kamay niya sa akin kaya humigpit lang ang hawak ko sa baril. "Jackson, ano ba?!"
"Leaving me is like killing me too. There's no difference."
Napahagulhol na ako. Gusto ko na lang siyang yakapin ngayon. Kahit magulo pa ang utak ko, gusto ko siyang yakapin.
Bibitawan ko na ang baril nang bigla akong nakarinig ng kalabog. Nanlaki ang mga mata ko ng bumagsak si Jackson sa harapan ko. "Jackson!"
Saka ko lang nakita si Vice na nakapalapit na pala sa amin. May hawak siyang baril. Baril na ginamit niya sa pagpukpok sa ulo ni Jackson. Nasa mga mata ng matanda ang naghahalong takot at desperation. Maluha-luha pa siya ng tumingin sa akin. "Leave... Sumama ka muna kay Calder... Dalian niyo!"
"You're a dead old man," naiiling na palatak ni Calder. Kahit siya ay nagulat sa ginawa ni Vice.
I felt a searing pain inside my chest as I walked away from Jackson. Hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ako na sa pangalawang pagkakataon, iiwan ko na naman siya.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro