Chapter 61
"See, girls? I'm not alone," nakangising sabi ni Calder sabay lingon sa lalaking bagong dating. "Kasama ko kuya ko."
"Nasaan ang mga tauhan ko?!" gigil na sigaw ni Valentina.
"Ayun, may mga gripo na," iiling-iling na sagot ni Calder sa kanya.
"I don't believe you!"
"Nakasilencer kaya di mo narinig." Nilapitan ni Calder si Jackson at inalis ang silencer sa baril nito.
Natulala ako nang marealized ang nangyayari. They were outside. At ang mga tauhan ni Valentina, pinatay nila. They killed just to save me!
"So anong plano natin, Kuys?"
Sa klase ng kalamigan ng mga mata ni Jackson ngayon, alam kong nasa panganib sina Valentina at Sacha. Ayoko. Ayokong marumihan na naman ang kamay niya ng dahil sa akin.
"Jackson..." kahit nanghihina ay pilit kong tawag sa kanya.
Hindi ako nahirapang kunin ang atensyon niya dahil sa akin din siya nakatingin. Tuwid na nakatingin. Iyong parang wala na naman siyang nakikitang iba sa paligid niya kundi ako. And for the first time, I was glad because of it. At least he won't be able to hurt Valentina and Sacha.
"Anak ng tipaklong! Nasa zero zone na naman!" Naiiling na palatak ni Calder.
Si Valentina ay halos magkulay papel na sa putla samantalang si Sacha ay nanginginig habang tumutulo ang luha.
"Fran, sinaktan ka ba ng dalawang to?!" tanong sa akin ni Calder habang inginunguso sina Valentina.
Mabilis akong umiling pero ang mga mata ko ay nakay Jackson pa rin. Ayokong bumitiw.
"Good girls naman pala."
Lumapit sa akin si Jackson at kinalagan niya ako mula sa pagkakatali.
"Stop right there!" sigaw ni Valentina. May hawak ng baril ang babae at nakatutok ito ngayon sa amin ni Jackson.
"No, Sacha!" Bigla akong nahintatakutan, not for myself but for her and her sister.
"Ate!" takot na tawag naman ni Sacha sa kapatid.
"Sacha, leave this place now!" utos ni Valentina. "I don't want you to be involved here! You're not part of this, okay? So please, leave now!"
"No, Ate... Please ibaba mo 'yang bari-"
"I can't afford to lose!"
"Ate, it's over! Wala na ang mga tauhan mo at nandito na sina Kuya JC!"
"Shut up, Sach! Oo wala na ang mga tauhan ko! Oo nabuko na ako!" Galit na tumitig sa akin si Valentina. "At alam ko na wala na rin sa akin si Jackson ngayon kaya wala na rin namang mawawala sa akin kung aatras man ako o hindi!" Itinutok ni Valentina ang baril sa akin.
"Hoy maiputok mo 'yan!" sigaw ni Calder.
Tila hibang na tumawa ang babae. "Magsama-sama na tayo, okay?"
"Ate, please... No, please..." Nanginginig na si Sacha sa takot.
"Sacha, if you don't leave this place, I'm gonna shoot you!"
Napaatras si Sacha.
"Leave now, Sacha!" hiyaw ni Valentina sabay diin sa pagkakahawak ng baril.
Sa takot naman ni Sacha ay nanakbo na ito palabas. At ilang saglit lang ay nakarinig na kami ng papaalis na sasakyan.
Nakangising ibinalik ni Valentina ang tingin niya sa akin. "You ruined my life, Frantiska. You ruined me!" then she pulled the trigger.
"Shit!" singhal ni Calder ng paputukin ni Valentina ang baril.
Sobrang bilis ng pangyayari. Napaiyak na lang ako nang makarinig ng putok ng baril. Walang masakit sa akin dahil sa pader pinatama ni Valentina ang bala. Pero ang kabog ng dibdib ko ay masahol pa sa taong nag-aagaw-buhay na. Natatakot ako ngayon, pero hindi para sa akin kundi para kay Valentina.
Jackson blinked. I am not sure if he was now back to his senses or he just noticed Valetina's presence in the room. Napatitig siya sa pader na nasa likuran ko kung saan nakabaon ang pinaputok na bala ng baril ni Valentina. Umuusok pa iyon ngayon. Sukat ay nagsalubong agad ang mga kilay niya.
"No..." My eyes widened when he stood up.
Nang lingunin ni Jackson si Valentina ay umaapoy na sa lamig ang mga mata niya. Ito... ito ang kinakatakot ko.
"Why did you do that?" mahina, marahan, pero may diin ang boses ni Jackson.
Si Valentina ay tila biglang natauhan. Namumutla na ngayon ang babae habang marahang napapaatras. "No, Jackson... This is just a misunderstanding... Please... Please hear me out first... Please..."
Marahang itinaas ni Jackson ang hawak niyang baril at itinutok sa ulo ni Valentina.
"Jackson, wag!" sigaw ko pero ni hindi niya ako nilingon.
Napahagulhol na si Valentina. "You know how much I love you, right? You know how long I've waited for you! You know I gave you everything! I supported you all the way!"
Pero walang tinag si Jackson sa paglapit sa kanya habang nakataas ang kamay na may hawak ng .45 caliber.
Tinakbo ko si Calder na hanggang ngayon ay nakanganga pa rin. "Stop him! Stop your brother!" sigaw ko sa kanya.
"Fuck..." anas ni Calder na matapos mahimasmasan ay tila biglang namroblema.
"Please stop him, Calder!"
Naiiling na nilapitan ni Calder si Jackson. "Tama na 'yan."
Naluluhang tumingin sa akin si Valentina. "This is your fault... you ruined me. You ruined Jackson... You ruined everything!"
"Val, tahimik na!" saway ni Calder sa babae. "Tumakbo ka pag count ko ng tatlo, all right? At sa pagtakbo mo, wag ka nang lilingon!" Biglang hinila ni Calder ang braso ni Jackson. "Isa! Tatlo agad! Takbo!"
"Die," mahinang sabi ni Jackson kasabay ng pagkalabit sa gatilyo.
Nagtitili si Valentina dahil sunod-sunod na putok ang pinakawalan ni Jackson. Nanakbo na sa labas ang babae. Naiwang nagbubuno naman ang magkapatid.
"Tama na sabi hoy!" nagsisisigaw si Calder. Pilit niyang inaagaw ang hawak na baril ni Jackson na ang puntirya ay ang lumabas na si Valentina.
Sunod-sunod ang putok ng baril. Walang control. Blangko ang mga mata ni Jackson at wala siyang pakialam sa paligid niya. Kahit ako ay pwedeng matamaan ng mga lumilipad na bala na kung saan-saan na tumatama. Halos mabingi na rin ako sa mga putok. Nakasiksik na lang ako sa isang sulok sa takot.
"Putangina!" hiyaw ni Calder.
"Calder?" Nanlaki ang mga mata ko nang makitang duguan ang braso at pantalon niya.
Napaluhod ang lalaki sa sahig. Samantalang walang tinag si Jackson. Dire-diretso siya palabas ng pinto habang tuloy siya sa pagpapaputok ng baril. Tumatama ang nakakangilong mga bala sa pader, sa kisame, sa sahig, at sa mga poste. Kung hindi ko pa narinig ang pagsagitsit ng paalis na sasakyan ay hindi pa ako makakahinga nang maluwag. At least nakaalis na si Valentina.
Nag-aalalang tinakbo ko si Calder na ngayon ay halos mamilipit sa sahig. "Calder! Kailangan kang dalhin sa ospital!"
Nakangiwi na pilit siyang tumayo. "Hita at braso lang. Malayo sa bituka 'to."
Napaiyak na ako. "Baliw talaga kayong magkapatid!"
Nakangising tiningnan niya ako. "Wag ako ang alalahanin mo. Mas malaki ang problema natin, kung paano natin papakalmahin iyong nagwawalang tigre sa labas."
Sukat ay muling bumalik ang takot ko. Wala na akong naririnig na putok ngayon. Nasaan na si Jackson? Ano nang nangyari sa kanya?
"Let's go..." Iika-ikang nauna nang lumabas ng pinto si Calder. Inilabas niya ulit ang baril niya.
"Calder, anong nangyayari kay Jackson?" alalang tanong ko.
"Ganun iyon. Sanay na ako don. Ako tagaawat non kahit noon pa kapag tinotoyo siya."
Nakagat ko ang ibaba kong labi. Sa nangyayari kay Jackson, possible talaga na makasakit or worse ay makapatay siya ng tao.
Bumalik sa alaala ko ang nangyari mahigit tatlong taon na ang nagdaan. Noong muntik na akong kidnappin nina King at ng mga barkada ng walanghiyang iyon sa parking lot ng DEMU. Dumating noon si Jackson at pinagbaba-baril sila. Nang time na iyon ko unang nakitang nagblangko ang emosyon sa mga mata ni Jackson.
Napahinto ako sa paglalakad nang biglang huminto rin si Calder. Napadiretso ako ng tingin sa gate. Nakatayo pala kasi roon si Jackson ngayon. Nasa kaliwang kamay niya pa rin ang baril, but his eyes were calm now.
Okay na ako. Kakampante na rin sana ako since wala na si Valentina, pero may dalawang duguang lalaki sa bakuran ng bungalow na ito. If I'm not mistaken, kasama ang mga ito sa mga tauhang tinutukoy ni Valentina kanina. Hindi ko alam kung buhay pa ang mga ito, pero duguan sila na malamang na tama ng bala.
Isang itim na Pajero ang huminto sa tapat ng gate at mula roon ay bumaba ang dalawang uniformed guards, kasunod ng mga ito si Vice. Kunot ang noo ng matandang lalaki ng lumapit at pumasok sa loob ng gate.
"I called him," boses ni Calder mula sa likod ko.
Nilingon ko siya.
Nginisihan niya ako. "Wala namang ibang may kakayahang luminis ng kalat ng hubby mo kundi siya."
"What happened here?!" Dumadagundong ang boses ni Vice. Nakay Calder ang nanlilisik at nagtatanong niyang mga mata.
"Obvious ba?" Nakapamulsang lumapit si Calder sa kanya.
Nagsimutlang mamutla si Vice.
"Don't worry, anim 'yang mga yan kanina. Malamang nabuhay pa iyong iba kaya nakaalis pa kasama ng amo nila, pero itong dalawa..." Tinapunan ni Calder ng tingin ang dalawang nakahandusay sa lupa. "I doubt."
Pinagpawisan ako. Si Jackson ang bumaril sa mga ito. Pinatay niya ang mga ito!
"It was self defense, right?" Lumikot ang mga mata ni Vice.
"You can say that. Kasi kung hindi niya naman pinaulanan ng bala 'yang mga 'yan kanina using his Cabot Gran Torino SS .45 gun with silencer e baka kami ang nakabulagta diyan ngayon."
Tumango-tango ang matandang lalaki. "Walang pwedeng makaalam nito, Calder. Do you understand? Linisin mo ito."
"Paano kung iyong amo nila ang magsalita? Baliktarin kami?"
"Then akuin mo! Sabihin mo ikaw ang namaril!"
Calder just nodded his head.
"Jackson... Oh, my son!" Sunod na nilapitan ni Vice si Jackson. With his convulsing shoulders and shaking arms, he hugged his son. Tulala pa rin si Jackson pero kalmado pa rin siya. Ni wala siyang pakialam kahit humagulhol na si Vice habang yakap-yakap siya.
Oo at maraming kasalanan si Vice. Noon at ngayon, marami siyang kasalanan. Pero hindi maipagkakaila ang pagmamahal niya kay Jackson. Now I understand him kung bakit ganoon na lang ang pagtutol niya sa akin for Jackson, dahil wala naman siyang ibang hangad kundi ang mapayapa, maayos, at perpektong buhay para sa anak niya.
"He needs help..." I said with a very low voice.
Tumingin sa akin si Vice.
"I'm sorry for butting in... but... I care for Jackson. I really care for him." My eyes started to water again. "And Jackson needs help, Vice. A professional help..."
Bumalasik ang luhaang mga mata ng matanda. "What in the hell you're saying?!"
"She's right," biglang sabi ni Calder. Nasa likuran ko na pala siya. "Nakakapagod na maging tagaawat at tagalinis ng kalat ng anak mo. I've been doing that for how many years."
Napayuko si Vice at napakalas ng yakap sa wala pa ring katinag-tinag na si Jackson.
"Nakokonsensiya ka di ba? Nakokonsensiya ka dahil ikaw ang dahilan kung bakit ganyan 'yan! Ikaw ang dahilan kung bakit may toyo 'yan! Wag na natin ungkatin kung kailan at paano nagsimula, pero aminin na lang natin na tama si Fran. Kailangan ni Jackson ng tulong. Tanggapin mo na, hindi perpekto ang anak mo."
"Stop..." Ang mga kamao ng matanda ay tikom.
"No I'm not gonna stop, old man." Mapait na ngumiti si Calder. "Alam mo sa sarili mo na hindi siya okay. Mula nang bata pa 'yan, pilit mo nang iniiwasan ang totoo kahit pa alam mo sa sarili mo na may mali sa kanya. Kinakasabwat mo ang tiyahin ko na mayordoma ng mansiyon para alamin kung sino-sino ang mga nakakapansin na may tililing ang anak mo, at sinisesante mo ang mga ito agad-agad! Iyong iba, binabayaran mo ng malaking halaga para magsitahimik sila! At si Jackson? Imbes na ipatingin mo siya sa espesyalista, anong ginawa mo? Ipinadala mo sa Amerika! Hinayaan mo siyang mabuhay mag-isa!"
Bagsak ang balikat ni umiling si Vice. "Ginawa ko lang ang alam kong tama..."
"Gago ka ba? Walang tama sa lahat ng ginawa mo! Matagal ko nang gustong isumbat sa 'yo kung bakit hinayaan mong lumala nang ganito ang kapatid ko!" Pulang-pula ang mukhang sigaw ni Calder.
I put my face in my hands and cried silently. I could't bear to look either of them in the eye. Bawat bitaw ng salita ni Calder kay Vice ay mas lumalalim ang galit at panunumbat sa mga mata niya, habang si Vice naman ay unti-unting nawawasak ang malaking pader na iniharang niya sa kanyang sarili.
"Alam mo bang nasusuka ako sa 'yo sa tuwing inuutusan mo ako noon na siguraduhing walang makakaalam sa pagpunta-punta ni Jackson sa rest house sa Rizal? Kasi alam mong nagha-hallucinate ang anak mo na naabutan niya pang buhay si Donya Jacqueline at nakakasama niya pa roon! Alam mong hallucination lang ng anak mo na naabutan niya pang buhay ang mama niya! Alam mong naghihirap iyong anak mo, pero binabalewala mo! Gusto mo kasing paniwalain ang sarili mo na walang mali sa mga nangyayari!"
Hindi na nakapagsalita pa si Vice. Tahimik na umaalog na lang ang balikat ng matanda habang nakayuko.
"Kung talagang mahal mo ang anak mo, ito na lang iyong paraan para tulungan siya!"
Nagpunas ako ng luha at pilit na pinatatag ang aking sarili. Kailangan ni Jackson ng tulong at magsisikap akong makamtan niya ang tulong na iyon.
Kahit kabado at nanghihina ay pilit kong inihakbang ang mga paa ko palapit kay Vice. "Please, Vice... Iyon ang pinakahigit na kailangan niya kung gusto niyong mapaayos ang buhay niya. Hayaan niyong magamot si Jackson. Tulungan niyo siyang maayos ang buhay niya sa tamang paraan."
Marahang tumango ang matandang lalaki at tumalikod. May kinuha siyang phone sa loob ng tux na suot, at mayamaya ay may kausap na. Based sa naririnig kong pag-sasalita niya ay private doctor ang kausap niya. Matapos makipagusap ay humarap siya sa akin at mahinahon na nagsalita. "You need to leave my son, you know that?"
Hindi ako nakapagsalita. I swallowed the lump in my throat before answering him. "K-kaya ko ho..."
"Good. Dahil iyon ang mangyayari. Hindi ka na niya pwedeng makita pa."
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro