Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

I NEED TO HAVE A CRUSH!


Having a crush was like living in a new world. Experiencing a new kind of feeling. Doon papasok ang thrill, excitement, and also fear. Mga pakiramdam na normal na nararanasan ng karamihan sa katulad kong teenager.

Marami akong gustong maranasan, at puwede rin ang isa sa mga iyon. Sa tingin ko, makakatulong iyon sa akin as distraction. 


Pano mo ilalayo ang isip mo sa isang bagay na ayaw at gusto mong iwasang isipin? Simple. Just think of other things.


Ginugulo na naman kasi ng itsura ni Uncle Jackson ang isip ko habang kinukulot niya ang aking buhok kanina. Kung paano siya pagpawisan, paano magsalubong ang kilay niya at paano umigting ang kanyang panga at paano gumalaw ang mahahaba niyang daliri habang hawak ang iron curler. Parang sirang plaka na nagpi-play iyon nang paulit-ulit sa alaala ko.


Kung iyon lang sana ang laman ng isip ko, okay lang. I can deal with his cuteness kahit sa sobrang guwapo niya at seryoso, hindi bagay ang salitang cute lang sa kanya. Pero hindi lang naman kasi iyon ang bumabagabag sa akin. May iba pa.


May iba pa na hindi ko lubusang maunawaan. May naaalala ako na hindi buo, dahilan para ako mahirapan lalo at maguluhan. At ayaw ko nang ganitong pakiramdam. 


Napanguso ako habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Bihis na ako. Hindi na ako naka-bathrobe lang, pero mainit pa rin ang magkabila kong pisngi dahil sa nangyari kanina. Iyong nangyari kaya natigil siya sa pagkukulot sa buhok ko.


Pag pipikit ako, naaalala ko ang mukha ni Uncle Jackson nong nanlalaki ang mga mata niya at nakanganga siya sa dibdib ko. Pati ang warak na iron curler sa sahig ay naiisip ko.


Paano ko kakalimutan iyon? Paano ako lalabas at haharap kay Uncle Jackson kung hindi ako mapakali at naiilang ako?


Wala lang naman iyon. Wala namang malisya iyon. Nakakahiya lang ako lalo kung kikilos ako na parang meron.


Right. Gusto ko nang magka-crush para lumimot. Ayokong dalhin ito nang matagal.


Pag may crush ka na, kahit malungkot ka, iisipin mo lang ang crush mo, sasaya ka na. At makakalimot ka. Normal lang iyon lalo sa mga kabataang kaedad ko. So, I think it's not bad to think about having a crush. Para naman mabaling sa iba ang isip ko.


Nabanggit ni Ate Minda na sa isang school kung saan maraming estudyante, mga lalaki, mga babae, hindi maiiwasan ang crushes. Which is normal. So mararanasan ko rin iyon. Either ako ang magkakagusto o ako ang magugustuhan.


Isang katok sa pinto ang nagpapitlag sa akin. "Doll."


Nakagat ko ang labi ko ng mapatingin ako sa wall clock. Thirty minutes na akong nag-aayos, masyado kong inenjoy ang pagpapahintay. "Coming!" Dinampot ko ang leather sling bag na ipinatong ko kanina sa kama saka ako muling sumulyap sa salamin.


Polo dress na kulay baby pink at sandals na ganoon din ang kulay. Ang buhok ko na kinulot ang dulo ay maganda at malinis tingnan, lalo na at nagsuot ako ng simpleng headband. Wala akong suot na alahas maliban sa silver at manipis na strap kong relo. Sa mukha naman ay lip balm lang at pulbo.


"Sorry, natagalan."


"Let's go baka gabihin tayo." Nauna na siyang bumaba ng hagdan, ni hindi niya na ako tiningnan.


Sana nakalimutan niya na iyong kanina. Okay na iyong ako na lang ang magdusa at mailang basta wag na siya.


"Faster, doll."


He was calling me "doll". Walang malisya iyon dahil wholesome naman ang mga manika. It was like seeing me as a little girl. This time, gusto kong ipagpasalamat iyon kaysa magmaktol na isang paslit pa rin ako sa paningin niya hanggang ngayon.


Sa lawn ay naghihintay na ang dalawang SUV. Sa pangalawa kami sumakay ni Uncle Jackson. Magkatabi kami sa loob at sa unahan ay isang driver at ang bodyguard niyang si Tarek na as usual ay walang kangiti-ngiti.


Sa dami ng bodyguards dito sa mansiyon ay si Tarek lang hanggang ngayon ang kilala ko since siya ang palaging kasama ni Uncle Jackson. Hindi ko na napagkikita iyong batang bodyguard na nakasama namin sa chopper papunta ng Manila nong gabing umalis kami sa Davao.


Nasan na kaya ang isang iyon? That Calder guy. Dito rin kaya siya naka-assign?


Pero hindi ko siya nakikita tuwing nagmamasid ako sa paligid kapag nasa terrace ako. Sana makita ko ulit siya. Mukhang sa lahat kasi ay siya lang ang marunong ngumiti.


Baka naman hindi na siya bodyguard? Baka nagpalit na siya ng trabaho? Baka narealize niya na mas babagay siyang model kaysa bodyguard? Napahagikhik ako sa naisip ko.


Mabuti na lang at malapit lang ang mall kaya hindi ako masyadong napraning sa sasakyan habang bumabyahe kami. Tahimik lang din si Uncle Jackson. Sa mall ay tatlo lang kaming pumasok kasama si Tarek na nakasunod lang sa amin kahit saan kami pumunta.


"Do you have a list of what you're planning to buy?"


"Kaunti lang naman ang bibilhin ko kaya hindi na ako naglista." Nagpasalamat ako at kaswal lang ang pagkausap sa akin ni Uncle Jackson.


Sa entrada palang ng mall ay agaw-pansin na kami. Napakatangkad niya, napakaguwapo at kahit malabo ang mata, imposibleng hindi mapansin ang isang tulad niya. 


Siguro iyong iba ay nakikilala siya since palaging laman ng news at diyaryo si Vice at siya naman ay madalas sa mga magazines as one of the most sought-after bachelors in town.


Sa isang boutique lang kami ng damit nagpunta. Naawa na ako sa kanila ni Tarek na halatang out of place sa boutique ng damit ng mga babae. At naaawa ako kay Uncle Jackson na halos hindi na tantanan ng tingin ng mga naroon.


Bakit ba ako naaawa sa kanya? Parang wala lang naman sa kanya ang lahat ng atensyon. Parang sanay na siya o mas madaling sabihing wala siyang pakialam.


Kahit na, binilisan ko pa rin ang pagpili ng mga damit para makaalis na kami. Kung ano lang iyong nandon, iyon lang ang mga pinagpilian ko. Kaunting pares at ilang dress lang ang binili ko. Ni hindi ko na isinukat, tinantiya ko na lang kung kakasya sa katawan ko. Sa sapatos naman ay ganoon na lang din ang ginawa ko.


"Next week you'll have your own personal shopper," sabi niya pagkuwan.


Nalulula akong tumango. Pero mas mabuti na iyon kaysa aalis ako para mag-shopping na kasama si Uncle Jackson. Iyong personal shopper, pwede ko namang kausapin na wag akong dalhan ng masyadong mahal at magagarang damit.


Sa National Book Store na ang huling pupuntahan namin para sa school supplies. Kagaya sa boutique ay mabilis lang din ang paghahanap ko ng gamit sa bookstore. Halos iyong una kong makita ang agad kong dinadampot. Basta hindi gaanong mahal, dinadampot ko na at nilalagay sa cart. Pagkabayad, alis.


Akala ko uuwi na kami paglabas namin ng magsabi siya na dadaan pa kami sa department store.


Tumikwas ang isang kilay ko. "May bibilhin ka?"


"I'll buy you a new iron curler," sagot niya na hindi sa akin tumitingin.


Nauna na siya papasok kaya no choice na kami ni Tarek kundi ang sumunod. Sa may mga stand ng mga pang-ayos ng buhok kami nakarating. Bumili siya ng dalawang iron curler, parehong mamahalin para tiyak daw ang kalidad. Iyong isa raw ay pamalit sa nasirang pahiram ni Ate Minda sa akin.


Pauwi ay wala ni isa ang umiimik. Nang magyayang kumain sa isang resto si Uncle Jackson ay tumango na lang ako. Hindi kasama si Tarek kaya kahit ayaw ko ay naiilang na naman ako. Katulad sa sasakyan ay wala kaming imikan habang kumakain. Feeling ko tuloy hindi ako natunawan sa tensyon.


"Ipinapatawag ka ni Sir Jackson," bungad sa akin ni Ate Minda nang pagbuksan ko siya ng pinto. Kakapalit ko lang ng damit ng katukin niya ako.


"Sige, susunod na ako."


"Sige. Oy, thanks pala ulit sa pangkulot!" Ngising-ngisi siya. Kanina pa pagdating ko inabot sa kanya ang kahon ng bagong iron curler. Parang natuwa pa nga siya na nasira iyong luma niya, at masaya siya sa kapalit niyon.


"Welcome, Ate. Thank you rin at pasensiya na ulit."


"Sus. Mas like ko iyong new ko! Orig pa! Tagwalong libo!" Hindi ko na kasi naalis iyong tag price pagkabigay ko sa kanya.


Paglabas niya ay hinanap ko agad ang suklay para ayusin ang nagulo kong buhok. Bakit kaya ako pinapatawag?


Siguro dahil may sasabihin siya? Enrolled na ako last week, at bukas ay papasok na ako, kaya baka may ibibilin siya? First time ko na makakahalubilo sa mga kaedad ko, baka ibilin niya sa akin na bawal akong magka-crush?


Napailing ako sa naisip ko. Kahit pwede niya nga talagang sabihin iyon sa akin. Over protective siya gaya ng sinasabi ni Ate Minda. Posible na pagbawalan niya nga ako sa ganoong antas. Pero kung sakali ba ay malalaman niya kung susuway ako?


At saka, crush lang naman. Hindi naman napipigilan ang simpleng paghanda lang. May masama ba roon? Normal lang naman iyon sa mga kabataan, lalo pa sa edad ko ngayon. 


Ang tagal kong nakakulong. Para akong manika na nasa isang closet lang, at pinkaiingatan. Ni magkaroon ng kaibigang kaedad ay hindi ko pa nararanasan. Sana naman sa pagkakataong ito na hinayaan niya na akong makapasok sa university, ay 'wag naman niya akong gaanong paghigpitan.


Bumaba na ako sa sala at nadatnan ko si Uncle Jackson doon na nag-iisa. Nakapamulsa siya sa suot na denim at parang malalim ang iniisip. Ni hindi niya nga ako agad napansin.


"Uncle, pinapatawag niyo raw ako?" untag ko sa pananahimik niya habang ang isip ko ay abala sa aking magiging crush.


Saglit siyang tumingin sa akin bago muling magblangko ang kanyang paningin. "I can't go with you tomorrow."


Mula sa pinto ay pumasok ang isang matangkad na lalaki na naka all white. White pants, white shirt and white shoes. Maamo ang mukha nito bagaman walang kangiti-ngiti. Kung hindi lang sa gun holster na walang laman na nasa tagiliran ay mapagkakamalan mo na itong anghel.


"Tomorrow is your first day," ani Uncle Jackson at lumapit sa lalaking bagong dating. "He'll be the one to accompany you tomorrow and to the following days."


Tumingin sa akin ang lalaki at bahagyang tumango. Seryoso siya ngunit may kakaibang kislap ang kanyang mga mata. "Calder Raegan Knight at your service, Señorita."


So it's him. My new bodyguard.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro