Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 59

"KUNG KAYA LANG KITANG DALHIN, KUNG PWEDE LANG MAMATAY KA NA RIN!"


Masakit ang mga sinabi ni Mama sa akin pero naiintindihan ko siya. Siguro nasabi niya lang sa akin iyong masasamang salitang iyon kasi nag-aalala siya na wala na akong kasama kapag wala na siya. Malala na kasi ang sakit ni Mama at may taning na raw siya sabi ng doktor, hindi na siya magtatagal. Ang totoo, kahit ako e nag-aalala para sa sarili ko. Kasi tama si Mama, paano na nga ba ako pag nawala na siya? Wala na kaming pera, wala na rin akong kamag-anak na iba... saan ako mapupunta?


Natigilan ako nang maalala na may step-father ako, na may asawa si Mama. Asawang huli kong nakita ay noong kasal pa nila. Ang lalaking iyon ay bigla na lamang naglaho right after their civil wedding. Batang-bata pa ako noon. Hindi na siya muling tumungtong rito sa mansiyon at halos hindi ko na nga matandaan ang kanyang mukha dahil palagi siyang wala. Basta ang alam ko lang, bata pa siya, at masungit siya.


Ano kayang nasa isip ng lalaking iyon? Bakit hindi man lang siya nagpapakita?


Malungkot na lumabas ako ng kuwarto. Pupuntahan ko na lang ulit si Mama. Sisikapin ko na pasayahin siya kahit pa parati siyang galit sa akin. Sisikapin ko pa rin na iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya kahit pa ipagtabuyan niya ulit ako. Nasa second floor ang kuwarto ni Mama, at bilang ang kuwarto ko ay nasa third floor ng mansiyon kaya kailangan ko pang bumaba ng hagdan. Kumunot ang noo ko nang makitang maraming tao sa second floor ng bahay. Pati ang mga bodyguards na naka all black suit ay naroon din. At mayroon ding mga pulis.


"Ano pong nangyayari?" tanong ko sa malaking lalaki na nakatayo sa paanan ng hagdan.


Nagulat ako ng lumingon ito sa akin. Seryoso ang mukha niya at nakakatakot ang laki ng katawan kahit na nababalot siya ng itim na jacket. May sukbit siyang baril sa tagiliran. "Miss Fran, bumalik ka muna sa kuwarto mo."


Napalunok ako. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Tarek. Siya ang personal bodyguard ng asawa ni Mama. Kaya isa lang ang ibig sabihin kung bakit siya naririto, malamang na narito rin ang kanyang amo!


Naririto ang step-father ko!


Nakita ako ni Manang Nora, ang tagapag-alaga ko rito sa Davao. Agad akong nilapitan ng matanda. "Bumalik ka na muna sa kuwarto mo, Fran. Sige na."


"Pero bakit po maraming tao rito? At bakit nandito si Tarek?"


Napansin ako ang pagka-aligaga ni Manang Nora kaya kinutuban ako ng hindi maganda. Dumagdag pa sa kaba ko ang dalawang nakaputing lalaki na galing sa pinto ng kuwarto ni Mama. Kung hindi ako nagkakamali ay doktor ang dalawang lalaki.


"Manang, nasan si Mama? Anong nangyari sa kanya?!"


Nagsimulang manubig ang mga mata ni Manang Nora. "Fran, hija, sige na. Doon ka na muna sa kuwarto mo. Tatawagin na lang kita kapag—"


"Ayoko, Manang!" Itinulak ko siya at nanakbo papunta sa kuwarto ni Mama. Sa pagkabigla ng mga kasambahay na naroon ay hindi na nila ako napigilan. Nakapasok ako sa loob ng kuwarto ni Mama.


Natulala ako sa pagkahindik ng makita ko kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Nasa sahig si Mama habang naliligo siya sa kanyang sariling dugo, at sa kaliwang kamay niya ay naroon ang isang baril. At may mga pulis na tumitingin sa kanya sa loob.


Ang dilat na mga mata ni Mama ay nakabaling sa gawi ko. Duguan siya kaya alam kong wala na siya, at ang tanawin na nakikita ko ay binabasag ang katauhan ko.


Napadilat ako bigla. "Mama!"


Bangungot!


Nagbalik na naman sa akin ang pagpapakamatay ni Mama. Nagpakamatay siya. Hindi siya pinatay at—


Sinubukan kong kumilos pero hindi ako makagalaw. Kaya pala, nakatali ang mga aking mga kamay at paa sa upuang nasa likuran ko. Nasaan ako? Bakit ako nakatali? Inilingap ko ang aking paningin sa malawak at bakanteng kuwarto na kinaroroonan ko. Nag-iisa lang ang pinto nito at nasa bandang harapan ko iyon.


Natigilan ako nang maalala ang nangyari. Dumating si Valentina at walang alam si Calder na kinidnap ako! "Calder!"


Nagsisisigaw ako. Siguradong mahahanap ako ni Calder. Ililigtas niya ako.


"Tulong! Tulong! Calder!"


Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Valentina Soza Hynarez. Nakangiti siya sa akin.


"Hi, sweet Fran. So glad that you're awake now." Malamyos ang boses niya. She's wearing a red Prada dress and a red pair of stilettos. She's also wearing a red lipstick.


"What is this, Val?" gigil na sita ko sa kanya.


"Ito? Uhm, nothing. Wala na kasi akong maisip na paraan para mapigilan ka sa kalandian mo." Ang mga mata niya ay biglang tumalim.


Sinubukan kong kumalma. "Hindi mo ba alam na sa ginagawa mong ito ay pwede kang makulong?"


"Bago ko pa gawin 'to, inisip ko na lahat ng pwedeng mangyari." Ngumiti siya muli. "Katulad ng mawawala ka na sa landas ko at masosolo ko na si Jackson."


Pagak akong tumawa. "Papatayin mo talaga ako?"


Malungkot siyang ngumiti sa akin. "Minsan ay kailangan talagang magsakripisyo, Fran. Kung iyon na lang talaga ang paraan para talagang masigurado ko na hindi ka na hahadlang sa akin, bakit hindi ko gagawin?" Inilabas niya ang baril mula sa bitbit na hand bag.


Ang mga mata ni Valentina ay puno ng galit. Kinimkim na galit. Pero kung papatayin niya talaga ako, bakit hindi pa kanina? Bakit hindi pa kanina noong kidnapin niya ako? Bakit kailangan niya pang mag-aksaya ng panahon na itali at ikulong ako rito?


"Wala naman talaga akong balak kidnapin ka e. Ang kaso, tinangay ka ng pakialamerong bodyguard ni Jackson. Sinundan ko kayo, at habang tumatagal na magkasama kayo, nakaisip ako ng idea na tingin ko e magiging successful."


Napailing siya.


"Hindi mapakali si Jackson kakahanap sa 'yo, you know that? Araw-araw may sinasapak siyang tauhan niya kasi hindi ka pa makita-kita. Wala siyang pakialam kahit pag-usapan siya ng mga tao, nagpa-announce pa rin siya TV, radio and newspapers para ipahanap ka. See? Sinusugal niya ang sarili niyang pangalan just for you!" Pinanlisikan niya ako ng mata.


Nanahimik ako. I could imagine him beating all his guards. Ang daming nadadamay dahil sa akin...


"Sinisira niya ang pangalan niya para lang sa 'yo! Pangalan na ako ang katulong niyang bumuo! Ni hindi niya na ako inisip! Hindi niya inisip na halos igapang ko siya sa promotion niya last election! I used all my connections and resources to promote him last election! And even today, halos ipagtanggol ko siya sa lahat ng pumupuna sa kanya!"


"Valentina, please..."


"Please what?!" singhal niya. Her composure was gone.


"Let me go... Ayusin natin 'to... Maaayos pa naman ito..." malumanay kong sabi. And I am serious. Handa akong ayusin ito...


Alam ko na matindi ang galit niya sa akin, pero alam ko rin na matino siyang babae. Kung may mali man siya, iyon ay nagmahal lang siya ng lalaking hindi siya ang minahal sa huli.


"Kung ako ang makakasira kay Jackson, pwede naman akong lumayo. Lalayo na lang ako—"


"Tanga ka ba? E di ba nga lumayo ka na? Pero anong ginawa niya? Hinahanap ka niya! At hindi iyon titigil hanggat hindi ka nakikita! Kahit itaob niya ang buong Pilipinas, mahanap ka lang, gagawin niya!"


"So what are you going to do now?!"


Tumigas ang mukha niya. "Kill you."


Umiling ako. "And you think pag napatay mo ako okay na? Sa 'yo na siya?"


Siya naman ang nanahimik.


"Valentina, maganda ka. Mayaman ka at matalino. Wag mong sirain ang sarili mo sa ganitong paraan!"


"Shut up!" Frustrated siyang nagpalakad-lakad sa harapan ko. Dinuro niya ako. "You have no rights na pangaralan ako. Baka nakakalimutan mo? I am older than you, kid!"


Para siyang nanghihinang napahawak sa pader ng kuwarto. Bagsak ang mga balikat niya habang nakatingin sa akin.


"Like what the fuck, right? Saan ako nagkulang? Halos ako iyong palagi niyang kasama. Ako iyong palaging nandiyan. Ako iyong palaging available kapag nangangailangan siya. Iniintindi ko siya, sinusuportahan, at higit sa lahat, minamahal ko siya nang sobra-sobra. Pero sa huli, hindi pala sa akin ang bagsak niya? Sa iba pa rin pala!"


Nagulat ako nang pumatak ang mga luha ni Valentina. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kadurog.


"I've waited for him. Inubos ko ang buong buhay ko sa paghihintay sa kanya. Ibinigay ko lahat sa kanya kahit para sa sarili ko, halos wala nang natira. Naghihintay ako e... Umaasa ako e... Pero sa iba lang pala siya mapupunta."


"Valentina, I'm sorry..."


"Sorry for what? For ruining my life?" Matabang siyang tumawa habang pinupunasan ang mga luha niya. "I just want a happy ending with him. I wanna see myself growing old with him. Why do you have to ruin everything?" Tiningnan niya ako. "Why?"


Hindi ako makapagsalita. Ramdam ko ang sakit sa boses niya. Isa siyang matatag at matapang na babae, pero ngayon, durog na durog siya.


"We are so compatible, you know? We're both in politics, both serious type, both rich... Ako iyong bagay sa kanya kasi sa lahat, ako lang ang nakakaintindi kung bakit cold siya. Ako lang iyong nakakatagal sa mga oras na hindi siya magsasalita. Ako lang iyong mamahalin pa rin siya sa kabila ng mga flaws niya. Ako lang, Fran..."


Bigla akong nag-angat ng mukha. "I'm sorry pero hindi ako sasang-ayon sa 'yo sa bagay na yan..."


Nandilat ang mga mata niya sa akin.


"Val, oo cold siyang tao. Oo mahirap siyang intindihin. Oo marami siyang flaws... pero katulad mo, kaya ko pa rin siyang mahalin. Kaya ko ring tiisin ang mga oras na mahirap siyang intindihin. Kaya ko ring sakyan ang pagiging seryoso niya. At kaya ko ring makinig kahit pa usapang pulitika, business, o kahit pa anong seryosong bagay." Sinalubong ko ang mga mata niya. "Kasi ang totoo, lahat ng kamalian ng isang tao, nagiging tama kapag minahal mo na siya. At oo... mahal ko si Jackson kung ano man at sino man siya."


"How dare you... How dare you love the man I love!" puno ng hinanakit ang boses na sumbat niya sa akin.


"I'm sorry but I am not sorry." Nginitian ko siya. "I am not sorry for loving him, Val."


Umiling-iling siya. "I've wasted my life loving him..."


"It's not his fault if you thing you've wasted your time by loving him. Hindi ka niya inutusang mahalin mo siya. Kusa mo siyang minahal. Kusa mong pinaasa ang sarili mo na may happy ending kayong dalawa. But it's not yet too late para umatras at mahalin mo naman ngayon ang sarili mo."


Napayuko siya.


"Hindi mo dapat isumbat sa taong mahal mo kung bakit siya ang mahal mo o kung bakit mo siya mahal. Karapatan ng lahat ng taong magmahal, at karapatan din ng lahat ng tao na tumanggi sa pagmamahal. Katulad ng hindi mo kasalanan minahal mo siya, at hindi rin niya kasalanan kung bakit hindi ka niya mahal."


Nagpunas siya ng luha at tinungo ang pinto.


"Val, believe me, hindi kita isusumbong. Pakawalan mo na ako at kalimutan na natin ito. Please, wag mong sirain ang buhay mo."


"Fran..." Marahan siyang nagsalita. "I can't back out, Fran. Puso ni Jackson ang gusto kong anihin, hindi ang galit niya."


"Don't worry I'll talk to him—"


"No need for you to do that." Nilingon niya ako at mapait siyang ngumiti sa akin.


"Ha?"


"Kaya nga pala ako pumunta rito is because I wanna inform you na nahuli na ng mga tauhan ni Jackson si Calder. At malamang sa mga oras na ito, pinapasuka niya na ng dugo ang lalaking iyon para lang ituro kung nasaan ka. And since wala naman talagang alam si Calder kung nasaan ka at sino ang kumuha sa 'yo, ang langit na lang ang makakapagsabi kung bubuhayin pa siya ni Jackson o hindi na."


Napatulala ako sa sinabi niya. "No..."


"Di ba sinasabi mo na kilalang-kilala mo na si Jackson, siguro naman may idea ka na kung bakit hindi na ako pwedeng umatras pa. Siguro naman malinaw sa 'yo kung anong ugali meron ang lalaking pareho nating mahal. "


Isa-isang pumatak ang mga luha ko.


"Alam mong wala siyang sasantuhin kapag galit siya. At alam na alam mo, that man has no remorse."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro