Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 57

"MASAKIT NA."


It's already ten in the morning. Kanina pa nagriring ang phone ni Jackson sa bedside table at kanina pa rin kami kinakatok ni Ate Minda pero parang wala siyang balak kumilos.


"Jackson... may sugat na yata ako..."


Lumingon siya sa akin. Magkatabi kami sa ibabaw ng kama sa mga oras na ito.


"Alisin mo na please?"


Bumangon siya at ichineck ang pulso ko. Namumula na iyon at halos magsugat na dahil sa bawat paghila ko ng kamay ko ay lalong humihigpit ang pagkakaposas sa akin. Nakikiskis ang balat ko lalo sa bakal.


Kinuha niya ang susi sa loob ng bulsa ng kanyang jeans. Nang maalis ang pagkakaposas namin ay tumayo siya. Pagbalik ay may dala na siyang medicine box. Tahimik niyang nilagyan ng Betadine ang maliit na galos sa pulso ko at saka tinakpan ng band aid.


"Hindi ka ba pupunta sa munisipyo ngayon?" mahinang tanong ko sa kanya.


"Magre-resign na ako," he quietly said.


"No!" Napahawak ako sa braso niya. "Hindi pwede. Kailangan ka ngayon ng mga tao. May krisis ngayon at kailangan ng Quezon City ang mayor nila."


Tumango siya. "I'll be back before six."


Napalunok ako. "H-hihintayin kita..."


Tumitig siya sa mga mata ko. "I believe you."


"I love you..." Inabot ko ang mga labi niya para halikan siya nang magaan.


Pero ang magaan na iyon ay biglang dumiin at lumalim nang hindi niya ako pakawalan. He kissed me like there's no tomorrow. Like he was aiming to eat me.


Inilapat ko ang aking mga palad sa dibdib niya para marahan siyang itulak. "S-sige na... You should go. Kailangan ka ng mga tao..."


He let out a sigh. "All right."


Tahimik siyang tumayo at pumunta sa banyo. Paglabas niya ay nakatuwalya na lang siya at tumutulo ang basa niyang buhok patungo sa kanyang balikat at dibdib.


Tumayo ako para tuluyan siyang maghanap ng damit. Kulay puting polo at dark jeans ang pinili ko para sa kanya. Ako na rin ang nagtupi ng bawat siko niyon. And the whole time, Jackson was just staring at me.


"Ingat ka..."


Nagulat ako nang bigla niya akong kabigin at yakapin. "You'd still be here when I get back, right?"


"Mmn..." I nodded.


He pulled me closer, his lips on my ears. "I love you."


Nakalabas na ng kuwarto si Jackson pero nakatulala pa rin ako sa tapat ng closet. Nangingilid ang mga luha ko kapag naiisip ko ang reaction niya mamaya paguwi niya na wala na ako.


Masyado ng magulo. Gusto kong mag-isip. Gusto kong pag-isipan ang lahat. Hindi normal si Jackson. Walang normal sa nangyayari. He needs help. Pero paano ko siya tutulungan kung ayaw niyang tanggapin na kailangan niya ng tulong?


Pumasok ako sa banyo at naligo. Kailangan kong umalis, pero kailangan ko ng timing para makapuslit mula sa mga guards sa labas. Gusto ko rin munang umiwas sa mga katulong sa ibaba, lalo kina Ate Minda at Mrs. Cruz.


Hapon na ng makarating ako sa Don Eusebio Mariano University. Sa tagal ng pagpaplano ko kung paano pupuslit sa mansiyon ay inabot na ako ng hapon. Hindi ko alam kung bakit dito ako napadpad, siguro dahil wala naman akong ibang pwedeng puntahan kung hindi dito lang. Mabuti na lang talaga at wala na masyadong estudyante nang pumasok ako sa loob.


"Is she the girl?" I heard someone say.


Pilit kong itinutuwid ang leeg ko dahil ayaw kong lumingon. Akala ko kung kaunti na ang estudyante ay hindi ko na mararanasan ang ganito, but I was wrong. Hindi pa rin ako nakaligtas sa mapanuring mga mata ng mga natitirang estudyante. And even professors.


"See it on your newsfeed. It was her."


Nagmanhid-manhiran ako sa titig ng nadaanan kong dalawang professor na nakatayo sa gilid ng hagdan. Kahit nakatalikod na ako sa kanila ay ramdam ko pa rin ang mainit nilang mga mata.


"She's pretty though," mahinang boses naman sa likod ko. Mga estuyanteng papalabas ng HRM building.


"But she's too young."


"Yeah, pero bata pa rin naman si Mayor, right?"


"Yes. But hello? Nagsasama na sila sa isang bubong. Supposedly guardian niya si Mayor, 'tapos sila pala? Kailan pa? Baka hindi pa siya nagkakaregla, sila na? Can you imagine?"


"Yikes!"


Kasunod ay papahina at papawalang hagikhikan.


Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad papunta sa building kung saan nandoon ang library. Sana lang ay nandoon pa rin sina Hilda. Wala naman kasi akong ibang malalapitan maliban sa kanila.


Nang tingnan ko ang aking relo ay mag-si-six pm na pala. Siguro naman ay hindi ako tatanggihan ng kahit sino sa kanila kung makikiusap ako na doon muna ako ngayong gabi. I need time to think things over.


Mabuti na lang at nang nasa likod na ako ng campus ay wala na talagang gaanong tao. Sarado na rin ang dalawang building na nadaanan ko. Nasa papasok na ako sa hallway papunta sa main door ng library nang makita kong walang ilaw sa loob. Mukhang wala nang tao. But why? Ang aga naman yata?


"Miss, maglibrary ka?" May kumalabit sa akin.


Isang petite na babaeng estudyante ang aking nalingunan. Ngumiti siya.


"Wala ngayon. May meeting ang mga staff. Mag-library nga rin sana ako e."


"Ganoon ba?" Bumagsak ang balikat ko. Kaya pala wala na ring katao-tao sa papunta rito.


Nauna nang umalis ang estudyante pero nakatitig pa rin ako sa bintana ng madilim na library. Nakakapanlumo lang dahil ang ibig sabihin nito ay nakauwi na rin ang mga kaibigan ko. Paalis na sana ako nang may marinig akong tawanan sa likod ng library building.


"Kung ako ang tatanungin, ayoko naman na talagang mag-back to school. Hello? I can launch a fashion business if I want to. With my Instagram followers and my sister's connection, I am pretty sure my business will succeed in no time."


"Iba talaga kapag social media influencer, noh? Tapos iyong Ate Valentina mo pa, sikat din."


Natigilan ako. I can't be wrong. The last voice was Olly's.


"So sure it'll be successful talaga, Sacha! Pero sino mag-aalaga sa baby mo?"


"Excuse me? Dami kaya nilang nanny!"


"Baka nakakalimutan mo, mayaman sila. So bat itatanong mo pa 'yan? So stupid, huh?!"


Hyra and Jaeda. Sila nga. Kitang-kita ko silang apat ngayon mula rito sa kinatatayuan ko. Nacurious ako na may tao pa pala rito gayung mamaya lang ay magsasara na ang gate ng DEMU. Nandoon silang apat sa mahabang bench. Ang gitna ng bench ay maliit na round table kung saan nandoon ang mga gamit nila at isang bote ng nangangalahati ng Henessy.


Si Jaeda lang ang nakatayo habang naghihipak sa hawak na kulay pink na vape, si Hyra naman ay nakataas ang mga paa pa-Indian sit habang nagtitipa sa hawak na iPhone, si Olly naman ay nakatingin lang kay Sacha na abala naman sa pagtitig sa kawalan. Tila nangangarap ang babae.


"So ano nagawa mo na ba?" biglang nagsalita si Sacha at nilingon si Olly.


"Hmn, yup! Madali lang naman i-hack kasi alam ko iyong recovery pass. Hindi ko na lang siya nilogout after ko ichanged pass, para di niya alam na nahack nga. Tanga naman iyon, so malamang di niya rin nahalata."


Naikuyom ko ang aking mga kamay.


Nakangising umiling-iling si Sacha. "Dumb girl."


"'Sabi mo pa! Kaya nga nakapagtataka bakit nagustuhan iyon ni Mayor e. Maganda lang naman, pero sabaw ang utak."


Sa mga narinig ko, napatunayan ko lang na hindi ako nagkamali na putulin ang ano mang pagkakaibigan na meron kami. Mula pa noon, hindi naman niya talaga ako itinuring na kaibigan. Masyado lang akong nagpabulag sa mga pinapakita niya, pero ang totoo, umpisa palang, hindi ko na talaga siya kaibigan.


"Inosente. Inosente kuno, but malandi. Deadly combination, sis."


"Pati nga si King di ba nilandi nun?"


Naningkit ang mga mata ni Sacha. "That bitch! Nahuli ko pa si King na chini-check ang FB niya kahapon. Malamang nagpakita iyon ng motibo kaya natukso na naman si King."


"Yes, Sis!" Sang-ayon ni Olly. "So kailan pala iyong gimik niyo? Sasama niyo ba talaga ako?"


Sina Jaeda at Hyra ay bigla na lang naghagikhikan. "Sa Italy, Sis, ang gimik namin. Are you sure you can come?"


Natigilan si Olly. "Italy? Ang layo naman!"


"'La kang visa, ghorl?"


"M-meron..." Umilap ang mga mata ni Olly. "Problem lang is baka hindi ako payagan ng uhm... nina Mommy..."


"Bummer!" nakatawang nakipag-apir si Sacha kina Jaeda at Hyra.


"Sayang, Olly. We're going to Riviera Romagnola pa naman."


Ngiting-ngiti si Sacha. "Yeah. We're going to experience a luxury-loaded nightlife there. We'll party 'till we drop!"


"Uhm, s-sige gagawan ko ng paraan para makasama ko—" Nahinto sa pagsasalita si Olly nang mapagawi ng tingin sa akin. "Fran!"


Pati sila Sacha ay napatingin na rin sa akin. "What the hell?!"


Humakbang ako palapit sa kanila. "Masaya ba kayo sa ginawa niyo? Na ipahiya ako? Si Jackson? Anong napala niyo?" puno ng hinanakit ang mga mata ko na kay Olly lang nakadiretso.


"Fran, I'm so sorry..."


"No. Don't say sorry to me, Olly. Ang totoo niyan, I should be grateful to you." Nginitian ko siya. "Because of you, hindi na ako tanga. Because of you, hindi na ako basta-basta magtitiwala sa iba. You're a great lesson to me."


Biglang tumalim ang mga mata niya. "Kasalanan mo naman kaya kita trinaidor, Fran. Masyado ka kasing feeling. Gusto mo ikaw lang palagi ang maganda, mabait, matalino et cetera. Masyado mo kasing in-enjoy ang spotlight e. Papansin ka. Walang kaibigan talaga ang magtatagal sa 'yo—"


"You're wrong, Olly!" sikmat ko. "Nakikita mo ba ang mga kaibigan ko ngayon? They are far better from you. Hindi lahat katulad mo. Hindi lahat user at insecure."


"Yabang mo talagang magsalita, 'noh?" mapait na wika ni Olly. Nangingilid ang luha sa mga mata niya. "Itinuring kitang kaibigan, Fran. Totoo iyon. Kaso wala kang kwenta! At maniwala ka, ginagamit ka lang ng mga kaibigan mo ngayon—"


"Who are you to say that? At wala akong pakialam kahit gamitin pa nila ako. Kahit bigyan ko sila ng tagsa-sampung milyon, okay lang. Kahit nga ilibre ko pa sila ng one month sa Italy, okay lang, Olly. Kasi alam mo? Deserve nila iyon. Pero ikaw? Kahit fishball, hinding-hindi ka makakatikim sa akin!"


"I hate you! I so hate you!" Gigil niyang singhal sa akin. "Pero nakaganti na ako! Nasira ko na kayo ni Mayor JC!"


"Iyon ang akala mo." Nginisihan ko siya.


Kahit sina Sacha ay biglang napaabante sa aking sinabi.


"Hindi mo ba alam na sa ginawa mong paglalantad sa amin ay binigyan mo lang kami ng lakas ng loob para hindi na magtago? Dahil sa ginawa mo, binigyan mo kami ng freedom na lumabas. At 'yang kumakalat na issue about us, mamamatay rin 'yan kapag nagsawa na ang mga tao. Pero ako at si Jackson? Malaya na kami!"


"You're really a bitch like your mom!" Hindi nakatiis na sabat ni Sacha.


"'Wag mong idamay ang mama ko!"


"Idadamay ko kahit sino!" Dinuro ako ni Sacha. "Walanghiya ka talaga, Frantiska! Matapos sa nanay mo, ikaw naman ang aagaw kay Kuya JC sa ate ko! Malandi ka!"


"Wala akong magagawa kung ayaw ni Jackson sa ate mo! At wala akong magagawa kung kahit pilantod na ang kalive in partner mo e hindi pa rin siya makuntento sa 'yo!"


Sukat ay inisang hakbang ako ni Sacha para hilahin ang buhok ko. Sa tindi ng inis na nararamdaman ko ay nilabanan ko siya. Halos masubsob siya sa lupa ng higitin ko ang bangs niya. Napahiyaw siya sa sakit.


Hindi ko ugali at wala sa hinagap na makikipag-away ako nang ganito, but Sacha left me with no choice. Binastos niya si Mama, binastos niya kami ni Jackson. Masyado nila akong kinakaya kasi hindi ako lumalaban sa kanila. Pero ngayon tapos na ang pagiging matiisin ko, hindi na ako papayag na tapakan ako ng kahit sino!


Nagtitili si Sacha ng iwasiwas ko siya habang hila ko ang buhok niya. "What the fuck are you guys doing?! Help me here!"


Naramdaman ko na may biglang humaltak sa akin mula sa likod. Nang lingunin ko ito ay si Hyra pala. Si Jaeda naman ay pinigilan ang mga kamay ko na may hawak sa buhok ni Sacha. Nang makabawi si Sacha ay sinampal niya ako.


"Hayup kang malandi ka! Ang tapang mo, ha? Akala mo may laban ka sa akin, ha?!" Pinagsasampal niya ako.


Itong nangyayaring ito. Nangyari na rin ito noon. Pinagtulungan din nila ako.


Bumagsak ako sa sahig ng tadyakan ako ni Jaeda sa tagiliran. "You don't mess with the queen, Bitch," aniya.


"I am the queen of this campus." Nilapitan ako ni Sacha. "And no one mess with me!"


Akma akong tatayo ng may tumadyak naman sa likod ko. Halos maubo ako dahil doon.


"Hindi matatahimik ang buhay mo habang nilalandi mo si Kuya JC. Hindi rin matatahimik si Kuya JC dahil habang nasa tabi ka niya, gugulo at gugulo lang ang buhay niya. Ikaw ang magiging malas at sisira sa kanya!"


Yumuko si Sacha sa harapan ko. Napaigik na lang ako ng bigla niyang haltakin ang suot kong dress. Bumagsak sa lupa ang dalawang butones niyon sa harapan. Kahit nanghihina ay pinilit kong makatayo nang bitiwan na ako nina Hyra at Jaeda.


"Tuturuan kita ng leksyon. Para sa pang-aagaw mo kay King sa akin, at kay Kuya JC kay Ate Val."


"Olly!" Naluluhang hinanap ko ng tingin si Olly. Nakatayo lang siya sa likuran ni Sacha.


"Don't worry, Fran, I am not turning my back on you this time," Olly said with a smile.


"Hubaran niyo iyong babaeng 'yan." Inilabas ni Sacha ang cellphone niya.


"No!" I turned to run, but Olly grabbed a handful of my hair.


"I told you, I'm not gonna turn my back on you this time." Nakangisi siya nang iharap niya ako sa kanya.


"Why are you doing this?" Pumatak na ang mga luha ko.


"You get something, you lose something."


"Olly..." Namilog ang mga mata ko nang makitang may hawak siyang gunting sa isa niyang kamay.


"Nasa'yo na lahat, Fran. Magbawas ka naman. 'Wag kang masyadong gahaman."


Akma akong sasaksakin ni Olly sa mukha ng gunting nang may matangkad na lalaking tumadyak sa kanya sa tagiliran sanhi para lumupagi siya sa lupa.


"Ahg!" Luhaang namilipit si Olly sa semento.


"The fuck?!" Si Sacha naman ay napaatras sa takot dahil palapit sa kanya ang lalaki. Nang nasa harapan niya na ito ay buong lakas siya nitong sinampal. Umikot siyang parang trumpo bago bumagsak sa semento. Duguan ang ilong at putok ang labi niya.


Naglabas ng baril ang lalaki. "Bibilang ako ng tatlo, kapag hindi kayo lumayas sa paningin ko, babarilin ko ang mga mukha niyo!"


Kahit mahilo-hilo ang dalawa ay nagpumilit silang tumayo at paika-ikang nagmamadaling tumalilis paalis. Ganoon din sina Hyra at Jaeda na saglit pa munang napatulala sa lalaki.


Nang kami na lang dalawa ay saka ako napaiyak.


"Fran, bakit ba ang tigas ng ulo mo?" mariin ngunit kababakasan ng pag-aalala ang boses niya.


Napahagulhol na ako. "Calder..."


Ni hindi niya ako tinanong kung ano ang totoong nangyari. He took my wrist and pulled me to him. "I'm not going anywhere again, Fran. Hindi na kita iiwan. You hear me?"


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro