Chapter 55
MARAHAN kong tinabig ang kamay ni Jackson. "Bakit ka nagmamadali?"
He looked away.
"Bakit ka nagmamadali? Hindi naman kita iiwan."
"Right," nang-iinsulto ang tono niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "It was not as bad as you put it!"
Tinaasan niya ako ng kilay. Sa lagay, mukhang iba ang intindi niya.
"You listen, okay?" I cleared my throat as I tried to calm myself down. "This was what happened, Calder only went to the university because he received a message that could destroy you—"
"I'm not interested." Tumalikod siya.
"Jackson!" Gigil na hinabol ko siya bago pa siya makalabas ng pinto. Hinila ko siya manggas ng suot niyang polo. "Galit ka? Galit ka?! Sabihin mo sa akin kung galit ka!"
Nakatingin lang siya sa pinto at walang imik habang hinahaltak ko ang manggas niya.
Hinampas ko siya braso. "Ikaw lang ang may karapatang magalit dito?! Ako, wala?!"
Here we go again. Hindi na naman siya nagsasalita.
I wanted to scream. Gusto ko na talagang magwala. Kung alam lang niya na siya naman ang inaalala ko kaya kinausap ko si Calder. Nag-aalala lang naman ako sa reputasyon niya kapag kumalat iyong picture. At kahit may hinanakit ako sa kanya ay ayoko pa rin siyang mapahamak. Ayoko siyang saktan kaya nga uuwi pa rin ako sa kanya kahit anong mangyari.
Nanghihinang binitawan ko siya saka ako yumuko. I was mentally shaking my head. Ganito na naman. Sobrang naf-frustrate na ako. "H-hindi naman ako sadyang nakipagkita sa kanya..." pumiyok ang boses ko.
I could feel his eyes on me.
"Wala naman akong masamang ginagawa..."
Bigla niya akong hinila sa kamay at saka ikinulong sa matitigas niyang bisig.
Sumubsob ako sa dibdib niya. "Bakit parang ako iyong masama? Ni hindi mo man lang inalam muna kung bakit kami nag-uusap!" Napahagulhol na ako.
Masuyo niyang hinagod ang likod ko. "Tahan na..." he softly said, kissing my forehead.
Parang tanga naman akong sumunod at huminto sa paghikbi. Nakasubsob pa rin ako kay Jackson habang yakap-yakap niya ako. Kumakalma nang kusa ang sistema ko dahil lang sa pagkakalapit namin. Kilalang-kilala na siya ng katawan ko.
Ngayon na lang pala ulit ko siya nayakap nang ganito. Siguro namiss siya ng katawan ko kaya nawalan na naman ng logic ang utak ko, natalo ng pangungulila ko sa init ng katawan niya.
Marahan siyang humiwalay sa akin matapos ang ilang minuto. Gusto ko pa na habulin sana siya, iyon nga lang ay nagising na ang control ko. Mabuti naman at nagising na pati ang pride ko, dahil doon gumana na ulit ang utak ko. Kasi dapat galit din ako. Dapat galit ako. Siya ang mas may kasalanan sa akin kung tutuusin pero para akong siraulo na ang rupok-rupok sa kanya.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. I forced a teardrop in my eyes because I wanna see his reaction. His jaw's tightened upon seeing my tears.
Now I know, niyakap niya ako kanina kasi umiiyak ako and he don't wanna see me crying. Pinakawalan niya naman ako ngayon dahil alam niyang tumahan na ako.
Jackson tilted my chin with his fingers. "Let's not talk about him."
"Pero may kailangan kang malaman."
Kumunot ang noo niya. "If it's about him, I'm not interested."
"Jackson, this is not about—"
"Have I told you how much I love you?" putol niya sa sinasabi ko.
Napatanga na lang ako sa kanya. Ang amo-amo ng mga mata niya na nakatitig sa mukha ko.
Sa isang iglap, tinititigan niya ako na parang isa akong santang nagmimilagro. Kung hangaan ako ng mga mata niya, parang wala nang mas gaganda pa sa akin. Tss... he really know how to play with my emotion.
Ngumiti siya. "How about we make a deal?"
"Ha?"
"I'll forget about what happened today, but in return you'll stop seeing him."
Napaawang ang mga labi ko. "Why do you have to make it sound that bad? Hindi nga ako nakikipagkita sa kanya! Bigla lang siyang pumunta sa university! Stop acting na parang ang lala ng naabutan mo kanina! We were just talking! At hindi rin naman ako sasama kahit na isama niya ako!"
"I can do that," he calmly said, ignoring what I was saying to him. "I can forget everything that happened today."
I let out a frustrated sigh. "You know what? I really can't stand you when you're being like this."
Hinaplos niya ang pisngi ko. "I can erase select memories from my head if I want to. And I will do that if you promise me that you won't see him again."
"Damn you!"
"Can you promise?"
Naiiling na hindi ko alam kung matatawa, maiinis, o maiiyak ako. Obviously, hindi niya talaga ako naririnig. He just block my voice from his system.
Biglang may kumatok sa pinto. Sunod-sunod na katok. Nagkatitigan kami ni Jackson, saka lang siya parang bumalik sa kasalukuyan. Parang iyong katok iyong umalis sa kung ano mang pangb-block ng utak niya sa ingay sa paligid.
Akala ko hihinto na iyong katok ang kaso, tuloy-tuloy pa rin. Hindi na nakaangal si Jackson ng puntahan ko ang pinto at buksan. Si Ate Minda ang nasa labas. Hindi na nagulat ang babae ng makita siya sa kuwarto ko.
Diretso ang tingin niya kay Jackson ng magsalita. "Nasa baba po si Vice."
Nag-aalalang nilingon ko si Jackson.
"Stay here," malumanay niyang bilin saka lumabas ng pinto.
Susunod sana ako kung hindi lang ako nabahala sa itsura ni Ate Minda. Namumutla kasi siya at parang nanginginig pa. "Ate, may problema ba?"
Maluha-luha siyang pumasok at agad na hinawakan ang mga kamay ko para pisilin. "Sorry, 'Ganda."
Oh, no...
"Sorry. Maniwala ka, hindi ko akalaing aabot sa ganito. Wala akong intensyon na ganito, maniwala ka." Pumatak ang kanyang mga luha.
Agad ko siyang binitawan saka ko hinagilap ang cell phone ni Jackson na naiwan niya sa ibabaw ng kama ko. Pumunta agad ako sa Facebook app niya at nagbrowse sa newsfeed. Nanigas agad ako nang makita ang mga comments sa official page ni Jackson. Ikino-comment ng mga netizens ang picture namin ni Jackson.
"Hindi ko alam na kakalat." Garalgal ang boses ni Ate Minda. "Wala naman akong ibang sinendan kundi ikaw. Kahit mamatay ako ngayon, ikaw lang talaga ang sinendan ko at binura ko na rin iyong sarili kong kopya ng picture."
Ibinulsa ko ang phone ni Jackson at muli siyang hinarap. "I believe you, Ate."
Alam ko naman na hindi niya talaga sinadya na magkaganito. At may mas responsableng tao sa nangyayaring pagkalat ng picture na iyon kaysa kay Ate Minda. Tao na may itinatagong galit.
Sa nakita kong mga malalaswang comments, na karamihan ay ginawa ng memes ang picture namin ni Jackson, ay natiyak ko na iyon ang plano ng kung sino mang may gawa nito. Siguro kung sumama rin ako kay Calder ay gagawin niya pa rin ito.
"Ate Minda, wag mo na lang sabihin kahit kanino na ikaw ang kumuha ng picture. Ako nang bahalang magpaliwanag kay Jackson."
Nagpunas siya ng luha. "Pero galit na galit si Vice. Baka sapakin na naman niya si Sir Jackson."
Lumabas ako ng kwarto para sundan si Jackson. Nasa likuran ko lang naman si Ate Minda. Pababa na kami sa huling baitang ng hagdan nang harangin kami ng mayordoma na si Mrs. Cruz.
Masama ang tingin ng babae sa akin. Mukhang alam na rin niya ang sadya ni Vice. Nakayukong nilampasan ko siya, pero humabol siya at marahas at mariin akong pinigilan sa braso.
"Tingnan mo ang kalokohan mo," malamig na sabi niya sabay baling sa matandang lalaki na kaharap ni Jackson sa gitna ng malawak na sala.
"Sinasabi ko na nga ba na simula pa lang, salot na 'yang babaeng 'yan dito!" nag-e-echo ang boses ni Vice Salvo Cole III.
Gustuhin ko mang kumawala sa hawak ni Mrs. Cruz ay mariin ang kuko niya na nakabaon sa braso ko. Nasa tabi namin si Ate Minda na para namang maiihi sa kaba.
Sa gitna ng sala nakatayo ang mag-ama. Tahimik lang na si Jackson habang pulang-pula si Vice habang dinuduro siya ng baston. May ilang katulong rin na nakasilip mula sa pinto na papunta sa dining area.
"At gagawa lang kayo ng kalokohan, hindi pa kayo nag-ingat! Ano ngayon ang kinalabasan? Pinagpi-fiestahan ka sa social media! That you're a cradle-snatcher! Ang malala, sinasabi nila na tatahi-tahimik ka pero nasa loob ang kulo mo! Na bantay-salakay ka! Na pervert ka! Na nagpalaki ka ng momolestyahin sa sarili mong teritoryo! Sobrang kasiraan!"
Kalmante lang si Jackson na nakikinig at naghihintay na matapos sa speech ang ama. Ang mga nakikinig naman sa paligid ay halata ang shocked sa mga mukha. Napatingin pa ang mga ito sa gawi ko. Malamang talaga na magulat ang lahat sa narinig nila mula kay Vice. Tanging ako lang, si Mrs. Cruz at si Ate Minda ang hindi nagulat.
"Mabuti sana kung 'yang babaeng 'yan ang napasama, ang kaso ikaw ang napasama! Nasira ang pangalan mo! Ang credibility mo sa mga tao!"
Lalong dumiin ang kuko ni Mrs. Cruz sa balat ko ngunit hindi ko na iyon ininda. Mas masakit ang kahihiyan na nakaatang kay Jackson ngayon dahil sa akin.
"Bakit hindi mo na lang kasi hayaang mapunta kay Calder 'yan!"
Doon nagbago ang mukha ni Jackson. "What did you say?"
Natahimik ang matandang lalaki at bahagyang napaatras.
"What did you say?!" ulit ni Jackson sa mas tila kulog na boses. Ang kaninang kalmadong aura niya ay ngayo'y napalitan ng galit na kasing tigas at lamig ng yelo.
Nakabawi si Vice at muling matapang na dinuro ng baston ang anak. "Stop this, Jackson. Hindi na tama itong nangyayari. Pakawalan mo na si Fran at magsimula ka ng panibago, ayusin mo na ang sarili mo—"
Nagbabaga ang mga mata ni Jackson nang bigla niyang kwelyuhan si Vice. Tumalsik ang hawak na baston ng matandang lalaki sa marmol na sahig. "Say that again!"
"P-pabayaan mo na siya kay Calder..!"
"And why?" Inalog niya ang namumutlang matanda. "Why the fuck would fucking I do that?!"
"Para sa ikabubuti—" Hindi na natapos ni Vice ang sinasabi dahil bigla na lang siyang ibinagsak ni Jackson sa sahig. Kandaubo ang matanda.
"Listen to me very carefully, hindi ko ibibigay si Fran."
"Jackson..." nanunubig ang mga matang anas ko.
"Hindi ko ibibigay si Fran sa bastardo mo."
Humakbang siya palapit sa nakalugmok na matanda sa sahig.
"Hindi ko ibibigay si Fran kahit kanino. Hindi ko ipapamigay ang asawa ko!"
Nanlalaki ang mga mata ni Vice na napatingala kay Jackson. Maging sina Ate Minda, Mrs. Cruz at ibang mga katulong na nasa gilid ay laglag ang mga panga.
Ngunit higit ang pagkagulat sa reaksyon ni Calder na kapapasok lang sa pinto.
Lumingon si Jackson sa bagong dating. Nakangisi ang mapulang mga labi at nagbabaga sa lamig ang kanyang mga mata ng magsalita siya. "Sa. Akin. Lang. Ang. Asawa. Ko."
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro