Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48

ANG DAMI KONG TEXT, wala man lang reply. Kainis. 'Tapos noong umuwi siya kagabi, dinaan niya lang ako sa kalabit. Hay, kapag talaga love mo, mabilis kang mapapaamo. Kahit gusto ko pang magtampo, makita ko lang siyang nakatitig sa akin, nauubos na agad ang lakas ko.


Pagkagising ko naman ngayong umaga, wala na si Jackson. Pagod ako magdamag kaya hindi ko na siya namalayang umalis kanina.


Nagmadali na rin akong maligo at mag-ayos para maaga akong makarating sa school. Gusto ko pa kasi sanang mag-library bago pumasok sa first class. Pagbaba ko ng hagdan ay napansin ko agad si Mrs. Cruz sa tapat ng landline sa sala. Pabulong ang boses ng may edad na mayordoma habang gigil na hawak ang telepono.


Out of curiosity ay nilapitan ko siya para pakinggan.


"Nora? Sinong Nora? Sa Davao? Ayaw ni Sir Jackson na tumatanggap ng tawag galing diyan—"


Agad kong inagaw kay Mrs. Cruz ang telepono. Gulat siyang napalingon sa akin. "Punyeta!"


"Sorry, Mrs. Cruz," mabilis na hingi ko ng pasensiya. Nabigla lang naman kasi talaga ako kaya naagaw ko iyong phone. Mukha kasing pagbababaan niya na si Mang Nora. "Kilala ko po ang caller. Siya po ang nag-alaga sa akin sa Davao noon," paliwanag ko sa kanya.


"Ano ngayon?" Kumunot ang noo ni Mrs. Cruz. "Ayaw ni Sir Jackson na basta-basta tumatanggap ng tawag kahit kanino. Lalo sa Davao dahil—"


Kumunot din ang noo ko. "At bakit naman po bawal tumanggap ng tawag from Davao?"


Hindi ako naniniwala na ipinagbabawal ni Jackson ang pagtanggap ng tawag from Davao. Alam naman ng asawa ko kung gaano kahalaga sa akin si Manang Nora at ang mga kawaksi sa mansion na tinirahan ko sa Davao kaya bakit niya pagbabawalan na makausap ako ng mga ito?! Hindi ko maintindihan.


Hindi naman na nagsalita si Mrs. Cruz sa halip ay inirapan ako saka tinalikuran.


Nang wala na si Mrs. Cruz ay agad kong sinagot si Manang Nora. Sobrang miss ko na siya. Mula nang itapon ni Jackson ang SIM ko sa dati kong CP ay wala na akong contact kay Manang Nora. Hindi ko na tuloy siya makumusta.


"Fran!" sabik na tawag sa akin ng matandang katiwala sa mansion sa Davao.


"Hello po, Manang!"


"Diyos mio! Ang hirap niyong contact-in diyan! Palagi akong pinagbababaan ng tawag ng mga katulong diyan! Tapos iyong bigay mong CP number, itinitext ko, hindi ka naman nagre-reply! Para saan pa't pinadalhan mo ako ng cell phone noong nakaraang buwan kung hindi rin pala kita ma-contact! Hay naku, kung maalam lang sana ako sa social media ay doon na kita hahagilapin, ang kaso ay hindi ko talaga matutunan 'yang fesbuk na 'yan!"


"Sorry na, Manang... Hayaan niyo, sasabihin ko ang mga tao rito na kapag kayo ang tatawag, sabihin agad sa akin."


"E bakit ba pati ang telepono mo sa kuwarto ay hindi na rin macontact?"


"Sira po. Hindi ko po alam bakit nasira e. Pero ipapaayos daw po iyon, hindi pa nga lang dumarating iyong mag-aayos." Naiinis na rin ako dahil walang dumarating na tagaayos ng telepono kahit ilang beses ko ng ipaalala sa mga tauhan dito sa bahay ang tungkol doon.


"E kumusta ka na ba diyan, hija?"


"Okay lang po. Pero nagtatampo po ako sa inyo kasi hindi kayo pumunta noong debut ko. Hinintay ko pa naman po kayo."


"Sus itong batang ito. Sorry na, ha? Alam mo namang sinusumpong na akong madalas ng rayuma ko. Saka takot nga ako sa airplane, pasasakayin mo pa ako sa helicopter. Hayaan mo ha, babawi na lang ako kapag nakauwi ka rito. Ipagluluto kita ng sinangdayan!"


Napangiti ako. "Promise mo 'yan, Manang, ah?" Tubong Samar si Manang Nora at specialty niya ang sinangdayan, klase ng tinapay na may saging at kamote. Palagi niya akong ipinagluluto ng ganoon noon, at namimiss ko na nga iyon ngayon.


"Oo naman! Ikaw pa ba? E baby pa rin kita kahit dalaga ka na."


"Sana nga, Manang, makauwi ako diyan. Kahit dalaw lang. Minsan ta-try kong yayain si J—Uncle Jackson."


"Ay oo nga pala, hija. Kaya ako napatawag kasi may itatanong ako sa 'yo!"


"Ano po iyon?"


"Natanggap mo na ba iyong mga papeles na ipinadala ko? Ano? Nasurpresa ka ba?" Mataginting at ramdam ang pagkasabik sa boses ng matanda.


"Ano pong papeles?" Wala naman kasi akong natatanggap na papeles.


"Kay Sir Jackson ko ipinangalan. Itanong mo na lang, hija!"


"Ano po ba iyon? About what po?!"


Napahingal si Manang Nora. "Ay, hija! Mahal na mahal ka talaga ng lolo mo! Kahit ako ay nasurpresa noong malaman ko ang tungkol sa mga papeles na 'yan!"


"Po?"


"Hay, oo na sige, sasabihin ko na! Birthday gift sa 'yo 'yan ng lolo mo para sa debut mo. Kahit wala na siya, sinigurado pa rin niya na mapapabuti ang lagay mo. Natatandaan mo ba iyong lupain niyo sa Tagaytay? Iyong rest house na gustong ibenta ng mama mo, pero hindi niya naibenta kasi akala niya hindi na iyon sa inyo?"


Napigil ko ang aking paghinga. Dumadagundong ang dibdib ko sa excitement. Ang lupang sinasabi ni Manang Nora ay ang lupang binili ni Lolo noong 5th birthday ko. Dinala kasi nila ako sa Tagaytay noon at gustong-gusto ko roon, kaya naisipan ni Lolo na bumili ng lupa roon at ipagawang malaking rest house. Pero ang alam ko ay kasama iyon sa mga properties ng mga Justimbaste na naibenta na mula nang malugi ang aming kompanya.


"Hija, hindi siya totoong ibinenta ng lolo mo. Ang totoo niyan, itinago niya lang iyon para hindi mapakialaman ng mama mo. Para sa 'yo talaga ang property na iyon."


Napaawang ang bibig ko.


"Well maintained hanggang ngayon. Kasama sa papeles na ipinadala ko diyan ang litraro. Diyos ko! Napakaganda! Ang sabi pa ni Attorney, nasa twenty-million daw ang halaga ng property ngayon. Ginawa lang transient house ang kalahati para kumita. Ang lahat ng kinita ay nahati sa pangmaintain ng lugar, sa caretaker, at sa bangko."


"Bangko po?"


"Oo. May pera ka sa bangko maliban pa sa trust fund mo, hija."


Ako may trust fund?!


"Alam ko nabibigla ka, Fran. Kahit ako ay nagulat nang dumating ang abogado dito ng lolo mo. Kabilin-bilinan pala sa kanya na hindi pwedeng malaman ng mama mo na may trust fund ka. Doon ibinuhos ng lolo mo ang lahat ng natitirang pera para masecure ang kinabukasan mo. At ngayong nineteen ka na, pwede mo na iyong makuha."


Nagsimulang magluha ang mga mata ko. Alam ko kung bakit ginawa ito ni Lolo. Kung nalaman kasi ni Mama noon na may pera pa kami ay malamang hindi siya titigil hanggat hindi iyon nasisimot.


Hanggang sa huling sandali ng buhay ni Lolo ay inalala niya ang kinabukasan ko...


"Hija, nandiyan ka pa ba? Bat di ka na nagsasalita? Nasabi ko na ba sa 'yo na nasa thirty million ang nakalagay sa trust fund mo? Plus pa ang kinita ng pagpapa-transient sa kalahati ng rest house."


Napasinghot ako sabay punas ng tumulo kong luha.


"Imbes na gamitin ang perang iyon para sumugal at maisalba ang kompanya niyo noon, mas pinili pa rin ng lolo mo na i-secure ang iyong kinabukasan. Mayaman ka pa rin, Hija. May pera ka pa rin."


"Salamat sa pagsabi, Manang... Sa ngayon po mas gusto kong makita ang rest house, iyon na lang po kasi ang alaala na iniwan ni Lolo at Lola sa akin."


"Sige, puntahan mo kahit kailan. Itanong mo kay Sir Jackson kung nasaan na ang papeles para mapirmahan mo na rin at magawa mo na ang gusto mong gawin sa trust fund mo."


Napaisip ako. Kasi kung makapagsalita si Vice sa akin ay para akong daga na nakikitira lang dito sa mansiyon. I wonder kung alam niyang may pera ako. "Manang, alam po ba nina Vice ang tungkol sa trust fund ko at sa rest house?"


"Aba'y hindi ko alam kay Vice. Pero sigurado ako na noon pa lang ay alam na ni Sir Jackson ang tungkol dito. Sabi kasi ng abogado ng lolo mo ay kasama si Sir Jackson noong nagkapirmahan tungkol sa trust fund. Siguro inutusan din ng lolo mo si Sir Jackson na wag munang sabihin ang tungkol doon kahit kanino."


Napatango ako kahit medyo napapatanong pa rin sa isip. Pati ba sa akin ay kailangang itago ni Jackson ang tungkol sa trust fund at rest house?


Matagal na akong nasa legal na edad, bakit hindi pa iyon nababanggit man lang sa akin ni Jackson?


"Manang, kailan niyo po pala ipinadala ang papeles?"


"Aba e magda-dalawang linggo na. Ipina-LBC ko!"


Kung two weeks nang nai-send ang papeles, dapat nandito na iyon ngayon. Natanggap na nga siguro ni Jackson. Hay, siguro dahil sa sobrang pagka-busy sa munisipyo at sa sariling kompanya ay nakalimutan na niyang ipaalam sa akin. Anyway, tatanungin ko na lang siya paguwi niya mamaya.


...


PAGKABABA sa kotse ay nagpaalam na ako kay Kuya Tarek. Siya na kasi ulit ang tagahatid at tagasundo ko ngayon. Dumiretso na ako sa gate ng DEMU ngunit hindi agad pumasok. Hinintay ko pang dumating sina Hilda.


Nakayuko ako habang nagta-type sa hawak na phone nang biglang may aninong humarang sa aking harapan. Natakpan ng kung sino ang sikat ng araw.


Isang pares ng itim na Balenciaga sports casual shoes ang nasa harapan ko. Gulat na napatingala ako sa may ari nito.


"Fran, you need to know something."


"Calder?"


Hinuli niya ang pulso ko at hinila ako papunta sa nakaparadang tinted Lexus SUV na kulay puti sa tapat ng kalsada.


Nasa passenger seat na ako nang matauhan. "Why are you here?" Nilingon ko siya na nakaupo na sa driver seat. "Calder, mainit ka kay Jackson. Hindi niya pwedeng malaman na pinuntahan mo ako."


Tumingin siya sa akin. "Pinagbabawalan ka niya? Kaya pinalitan niya na naman ang number mo?"


"Calder, please..."


"Please what?" Tumaas ang sulok ng bibig niya. "I am not afraid of him, Fran."


"Ayoko lang ng gulo. Ano ba kasing kailangan mo?"


"Gulo na ba ang dala ko ngayon?" Lumamlam ang mga mata niya.


Hindi ako nakapagsalita. Naaawa ako sa kanya pero hindi ko naman siya pwedeng hayaan na makipagkita sa akin anytime. Ayoko na magsinungaling kay Jackson. Mas importante siya sa akin kaysa kay Calder dahil asawa ko siya.


"I'm sorry..." Hinawakan ko ang kamay niya. "Calder, I'm sorry."


"You're saying sorry for what?" matabang na tanong niya.


Nabitawan ko bigla ang kamay niya. Para saan nga ba ang pagso-sorry ko?


Tumingin siya sa labas ng sasakyan. "I know what's happening between the two of you, Fran. I am not a fool."


"Calder..."


"Hindi naman kita masisisi kasi siya iyong nandiyan e. Siya iyong nasa tabi mo noong bigla akong nawala. Kasalanan ko iyon."


"'Wag mo sanang sasabihin kahit kanino..."


"Bakit kailangan ka niyang itago kung mahal ka niya?"


"You know the answer. Public figure siya. Nasa public service. Ano ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila?" balik ko sa kanya.


"Mas importante ba ang sasabihin ng mga tao kaysa sa 'yo?" Kitang-kita ko ang pagtatagis ng mga ngipin niya.


"Complicated pa, pero sasabihin naman namin—"


"You know what?" May tunog na umismid siya. "Tama lang na wag niyong sabihin. Mas okay na iyong walang may alam. Para ano man ang mangyari, wala ring may alam."


Napayuko ako. Hindi ko alam kung hanggang saan ang alam niya tungkol sa amin ni Jackson, pero ayoko na ring magtanong. Weird pero ayokong pag-usapan namin ni Calder ang tungkol doon.


"Do you love him?"


Marahan akong tumango.


Napa-tsk siya at napailing. "Mahihirapan na pala talaga ako."


"Calder, saan ka na ngayon nakatira? Saan ka na nagta-trabaho?" Doon ako napatingin sa suot niyang relo. Alam ko kung anong brand iyon, luxury brand. Saka ko lang narealized ang brand ng sapatos na suot niya kanina pati na rin kung anong sasakyan itong sinasakyan namin.


Nang ibalik ko ang paningin kay Calder ay seryoso pa rin siya.


Siya pa rin naman iyong dating Calder na kilala ko pero may kung anong nagbago, may nadagdag. Bakit ba hindi ko agad napansin na umpisa palang noong bumalik siya ay puro luxury items na ang gamit niya?


Mula sa suot na relo, polo, at sapatos. May sarili siyang sasakyan sa garahe sa mansiyon nang bumalik siya noon. Hindi ko pinansin ang brand pero alam kong luxury car iyon. Saka itong gamit niya, ibang sasakyan pa ito at mahal din.


Alam ko naman na may ipon siya dahil malaki ang salary niya kay Jackson, pero never ko siyang nakitang may luxury items noon. O baka naman dahil patay na ang mother niya kaya solo niya na ang kanyang pera. Wala na siyang ipinapagamot kaya nabibili niya na ang gusto. At siguro rin ay way niya ng pag-momove on at pag-aliw sa sarili ang pagbili ng mga mamahalin.


Mula sa loob ng sasakyan ay dinig namin ang pagtunog ng bell ng DEMU. "Seven na, magstart na ang first class ko."


"Give me your new number, Fran."


Humigpit ang hawak ko sa phone ko. Hindi ako makasagot.


"Di ba may sasabihin ako sa 'yo? Paano ko sasabihin kung hindi ko alam kung paano ka kakatagpuin. I will text you when and where."


"Bakit hindi mo pa sabihin ngayon!" naiinis na tanong ko.


"Gusto mo bang masira ang araw mo?" Ngumisi siya. "Hindi lang pala araw mo ang masisira kapag nalaman mo ang sasabihin ko, Fran."


"Kung ganoon ay hindi ako interesado sa kung ano man 'yan."


Tumiin ang titig niya sa akin. "So you rather believe in lies than knowing the truth?I didn't know that you're a coward, Fran."


"Sabihin mo sa akin ngayon ang sasabihin mo." Sinalubong ko ang titig niya. "Para malaman mo kung duwag talaga ako."


Pinisil niya ang baba ko. "I'll tell tonight."


"Bahala ka sa buhay mo." I tried na iopen ang pinto sa tabi ko pero nakalock iyon.


Kinalabit niya ako. "You don't have to save my number, I just wanna have yours. Please?"


"Calder, wala ka na sa mansiyon. Mukhang okay ka na rin naman, hindi ka naman mukhang naghihirap kahit wala ka ng work kay Jackson ngayon." Hindi ko siya matingnan sa mga mata. "Siguro okay na rin na wala tayong contact sa isat-isa—" Bigla niyang kinuha sa aking kamay ang phone ko. "Calder!"


"Security code. Hmn..." Isang hula lang, mabilis niyang naopen ang phone. "Next time, choose a harder code." Nakangiting ibinalik niya sa akin ang phone matapos kabisaduhin ang number ko sa contacts.


Napangiwi ako. Birthday ko lang kasi iyong security code ko.


Kinuha niya ang phone niya at isinave doon ang number ko. Kumindat siya saka tumunog ang lock ng pinto sa tabi ko. "Good luck sa class."


Nakasimangot na bumaba na ako ng kotse niya. Patakbo akong bumalik sa gate ng DEMU nang magbeep ang phone ko. It's from him, kahit hindi ko itanong.


+63932675888
You don't have to save my number.


Binura ko agad ang message. Hindi ko na masyadong inintindi iyong gustong sabihin ni Calder, sabihin na lang niya kung kailan niya trip. Mas inaalala ko kasi ngayon iyong ipi-LBC na papeles ni Manang Nora kay Jackson. Buong araw ko iyong inisip hanggang sa makauwi ako ng hapon.


...


I TEXTED Jackson na sa kuwarto ko siya dumiretso dahil may itatanong ako.


Saktong 10pm nang makauwi siya. Siguro busy na naman from work. Pagkarating ay sa kuwarto ko siya tumuloy. Naupo siya agad sa gilid ng kama.


Nilapitan ko siya at hinawakan sa ulo. "May nareceive ka bang papeles from Davao?"


Salubong ang mga kilay na tiningala niya ako.


"Tumawag kasi si Manang Nora kanina—"


"Wala."


"Ha? Pero sabi niya may ipinadala siyang papeles?"


Hinuli niya ang kamay ko at dinala sa mga labi niya. "Walang dumating."


"Two weeks na kaya dapat nareceived mo na iyon. Sigurado ka bang wala? Hindi kaya naligaw? Pwede naman siguro nating mafollow up or ma-tract sa LBC kung anong nangyari sa—" Natigilan ako nang makitang nakapikit siya habang hinahalikan ang palad ko.


"I'm tired and I wanna rest now, wife."


"S-sige..."


Dumilat siya ang malamlam niyang mga mata. "Tabi tayo."


"Okay..." sagot ko kahit pa hindi ako mapalagay. Siguro bukas ko na lang siya kukulitin about sa papeles.


Tumayo siya at niyakap ako sa bewang. Hihiga na sana kami nang mapatingin siya sa phone na hawak-hawak ko.


"Give me your phone."


"Ha?"


"Give me your phone."


Kahit nagtataka ay inabot ko sa kanya ang phone ko.


"Sinong pinagbigyan mo ng number mo?"


"Si Ate Minda, ang mga kaibigan ko sa school na sina Hilda, Elvy and Bea. Iyon lang."


"Are you sure?" Ang malamlan niyang mga mata ay parang biglang nagkatalim.


"Oo. Ay, si Manang Nora pala binigyan ko rin. Hindi pa kasi ayos iyong landline ko rito sa kuwarto at hindi niya ako macontact."


Tumayo siya at inilapag sa dresser ang phone. "Do you want to study abroad?"


"Ha?" Bat bigla naman niyang naopen iyon?


Biglang nagbeep ang phone na nasa dresser. Namilog ang mga mata ko nang biglang may naalala, pero bago ko pa makuha ang phone ay nauna na si Jackson na damputin iyon.


Nakataas ang isang kilay na chineck niya ang phone. Kinabahan na agad ako nang mag-iba ang timpla ng mukha niya pagkabasa sa text message na dumating.


Tinungo ang pinto. "Stay here."


"S-saan ka pupunta?" nauutal na tanong ko.


"He's outside the gate," he calmly said.


Napalunok ako. Kahit hindi niya sabihin kung sino ang nagtext ay alam ko na agad kung sino iyon— it's Calder.


"I can explain..."


Blangko ang emosyon na tumingin siya sa akin. "No you don't have to. Let him explain himself." Pagkasabi'y binitawan niya ang phone ko sa katabing trashcan at saka siya lumabas ng pinto.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro