Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

"BAKIT KAILANGAN NITO?" Bakit kailangang may contract? Iniisip niya ba na bigla na lang akong aalis at iiwan siya? Sa tingin niya ba kaya ko iyon?


Kumunot ang kanyang noo. "Is there a problem?"


"Wala naman."


"Good." Ngumiti ang mapula niyang mga labi. "Then sign it."


Kapag ganitong nakangiti siya, iyong simpleng ngiti lang pero makikita mo sa mga mata niya na happy siya ay parang ang hirap niyang tanggihan. Minsan lang kasi ngumiti ang lalaking ito, kaya every time na ngingiti siya ay nagsisirko talaga ang puso ko.


One of my weaknesses when it comes to this man that I could never overcome, his million dollar smile...


"Wait. I'll get you a pen."


"S-sandali!" Naibagsak ko sa center table ang contract.


His lips fell open. Jackson looked offended.


"S-sandali lang..."


Naupo siya sa tabi ko at malamlam ang mga mata na napatitig doon. "You don't want to sign it? Do you?" mahinang sabi niya.


"H-hindi sa ganun." Nagpapanic na ako sa nakikitang emosyon ng mga mata niya. "I was just asking you kung bakit need pa nito? Don't you trust me—"


"I do." Tumingin siya sa akin. Seryoso.


"Kaya bakit may ganito pa?" nananantiyang tanong ko.


"It's stupid, right?"


I bit my lower lip.


"Forget about it," he breathed out. He was about to leave when I stopped him by holding his hand. Nakataas ang isang kilay niya ng lingunin niya ako.


"Nasaan ang ballpen?" nakangiting tanong ko.


Tumaas ang sulok ng bibig niya.


"Ballpen, sabi ko..."


"You don't have to do it if you really don't want to."


Umiling ako. Mas ayoko siyang saktan sa pagtanggi na pirmahan ang contract niya. "Gusto ko. Sige akin na iyong ballpen..."


"I don't want to force you into doing things that you don't like."


"Jackson, isa!"


"But..."


"Dalawa!" Pinanlakihan ko siya ng mata.


"Fine." Tumalikod siya at pagbalik niya at may bitbit na siyang black sign pen. "Here."


Inabot ko iyon at agad na nag-sign sa contract. Hindi ko na gaanong binasa ang ibang nakasulat sa papeles dahil may tiwala naman ako kay Jackson. Mostly lang rin naman ng mga nakalagay rito ay iyong bawal ko siyang iwan.


Nakakainis lang kasi nagworry pa ako ng mabasa ko ito kanina, samantalang kung tutuusin ay dapat pa nga akong kiligin. This is a love contract for god's sake! Gustong makasigurado ng asawa ko na kanya lang ako for the rest of our lives and that is the sweetest!


Nang ibalik ko ang contract kay Jackson ay nakangiti na siya. Simpleng ngiti lang but I could see in his eyes how happy he was after I've signed the contract.


Itinago niya ang white envelope saka bumalik sa tabi ko. Inakbayan niya ako at hinalikan sa pisngi. "Are you hungry? What do you want to eat?"


Umiling ako. "Kakakain ko lang. Ikaw?"


"I've had nothing since breakfast except a cup of coffee, and I'm famished."


"Wait. Bababa ako sa kusina, ipaghahanda kita. Dadalhin ko na lang rito after."


"Let's just order. Marami pang gising na katulong sa baba, and I still want to be beside you." Hinigpitan niya ang akbay sa akin.


"Oh-kay!" Inilabas ko ang cell phone ko saka ako um-order online.


While waiting for the delivery ay inabala muna namin ang isat-isa sa isat-isa. Nang 3 mins na lang at arriving na ang delivery, saka lang ako humiwalay kay Jackson. Humabol pa siya ng isa pang halik.


"Nakakahiyang kunin iyong delivery. Namamaga yata nguso ko."


Natawa siya. "Silly."


Hinawakan ko ang labi ko. "Magsorry ka rito."


"Later para isang sorry na lang." Nakangiti siyang tumayo. "Ako na kukuha ng deliver. Stay here."


"Yes, Mayor!"


Sinundan ko siya ng tingin habang papunta siya sa pinto ng study room. Nakatuck-in ang kulay light blue na polong suot niya kaya kitang-kita ang upper part ng kanyang jeans. Pabaston type but hindi sobrang fitted, bagay na bagay sa body structure niya ang kahit anong isuot dahil nga long legged, at sexy butt. Napabungisngis ako sa naiisip.


Ang hirap talagang hindi maisip ang butt niya kasi kapag ganitong nakatalikod siya at naglalakad ay hindi talaga pwedeng hindi mo iyon ma-appreciate. He's blessed with a very fine ass. Nang makalabas na si Jackson sa pinto ay ngingiti-ngiti pa rin ako.


Nagmental note ako na kapag nag-shower kami nang sabay ay kukurutin ko iyon.


...


Two Facebook notifications after class. Una, friend request ni Calder. Napansin na yata niya na unfriended na siya sa account ko. Hindi ko naman siya in-unfriend, si Jackson ang nang-unfriend sa lahat ng guys sa account mula nang malaman niya kung paano mang-unfriend.


Second notif, comment sa isa kong woke-up-like-this selfie na ipinost ko kanina bago ako pumasok sa school. Nakapajama ako sa selfie ko, magulo ang buhok dahil nga bagong gising. Ang comment ay from Olly. It read:


"I miss you, BFF. Let's chat when you have time." Followed by crying and a heart emoticon.


Ibinalik ko ang phone ko sa bag saka lumabas na ng gate. Ka-text ko na si Jackson bago pa ako lumabas ng library. Siya ang sumundo sa akin after class.


Nasa labas na raw siya nakapark at nakita ko agad ang brandnew maroon Bugatti Chiron Sport na gamit niya na first time ko lang nakita sa personal. Katabi niya ako sa kama ng orderin niya ang sasakyan na ito. Ang balak niya yata, tuwing susunduin ako at ihahatid sa university ay bagong sasakyan ang gagamitin niya. He said, gusto niyang makaiwas sa intriga. Alam na nga yata ng mga tao ang lahat ng sasakyan niya kaya naisipan niyang bumili na lang nang bumili ng bago.


I know he can afford luxury cars, pero wala akong balak kunsintihin siya sa pagwawaldas niyang ito. Lalo pa kapag matatapos niyang gamitin ang kotse ay balak niyang ibenta at diretso donate ang napagbentahan. Okay lang rin naman mag-donate, hindi lang kailangan na ganoon kalaki at ganoon kamayat-maya.


Pumasok ako sa passenger seat. I made sure na sarado agad ang pinto sa tabi ko pagkapasok ko. Humalik agad ako sa pisngi niya. "Hi!"


Ikinabit ko ang seatbelt at pinanood siya sa pagmamaneho. Astig talaga itong taong 'to. Iyong iba di ba naiilang kapag tinititigan, siya wala lang. Seryoso pa rin.


"Ah, saan pala tayo pupunta? Diretso uwi na ba?" Maaga kasi ang uwi ko today. Wala kaming usapan na kakain sa restaurant dahil umiiwas pa nga kami sa intriga. Saka busog kami pareho. Sabi niya sa text kanina, kumain na siya. Busog din ako kasi late na akong nakapaglunch kanina.


Kung diretso uwi, okay lang rin. Actually, mas ok. Sa labas kasi hindi ko siya mayakap, at least sa bahay, mayayakap ko siya. Ngayon pa nga lang kung hindi lang siya nagda-drive e yayakapin ko siya. Kahit nakita ko pa siya kaninang umaga, namimiss ko na agad siya. Lalo na kasi parang habang tumatagal mas gumuguwapo at bumabango 'tong lalaking ito. Ano kayang sekreto?


Sumandal ako sa sandalan ng passenger's seat saka siya pinagmasdan. Gustong-gusto ko talagang naka-sideview siya e, ang tangos kasi ng ilong at ang haba ng lashes. Saka ewan ko ba, nase-sexy-han ako sa Adam's apple ni Jackson. Lahat naman sa kanya sexy. Kahit nga iyong isang pirasong butil ng pawis niya sa leeg, sexy.


Tumaas ang isang kamay niya papunta sa akin. Hindi ako nakailag ng bigla niya pisilin ang ilong ko.


Nakasimangot na hinampas ko siya sa braso. "Ano ba?!"


Nakangiti na siya habang nagda-drive. Napangiti na rin tuloy ako. At hindi niya ako napigilan dahil hanggang makarating kami sa pupuntahan namin ay nakatitig lang ako sa kanya.


"We're here." Sa isang parking lot kami huminto.


Mataas na building ito sa Mandaluyong. Foresteir Tower ang nabasa ko sa labas. Hindi ko alam kung company ba ito o condo, pero napakaraming guwardiya sa labas. Mukhang bigating building ito.


Pinagbuksan ako ni Jackson ng pinto at inalalayan papunta sa loob. I was expecting na up button ang pipindutin niya sa elevator pero hindi. Jackson pushed the basement button. Saka ko lang rin napansin na private elevator ang sinakyan namin.


"Saan ba tayo pupunta?"


Hindi niya man lang ako sinasagot. Basta nakahawak lang siya nang mahigpit sa isang kamay ko.


Natatakot na ako kasi nagpatay-sindi iyong ilaw sa elevator, 'tapos nang huling magkailaw, kulay red na iyong ilaw. Masakit sa mata ang pulang liwanag. Para pating may mga laser-beam sa paligid na neon colors. Nang tingalain ko sa tabi ko si Jackson ay napatanga ako sa kanya.


Dahil sa red lights kasi ay luminaw ang detalye ng kanyang balat, partikular sa may bandang gilid ng leeg, papunta sa batok. Saka ko lang napansin na parang may music note tattoo siya sa parteng iyon. Maliit lang, but I'm sure that it's a music note. Parang quarter note sa unang tingin pero hindi, because it's a sixteenth note.


Hindi ako nakuntento at inabot ko iyon. "You really have a tattoo..."


Lumingon siya sa akin. "Yes.


"Hindi mo sinabi sa akin..." Parang gusto ko biglang magtampo.


Nakita ko na ang lahat sa kanya, pero hindi ko alam na may nakamarkang hindi nakikitang tattoo sa balat niya.


"I'm sorry if I didn't tell you sooner."


"Bakit ngayon ko lang nakita 'yan?"


"Because this is the right time for you to see this."


"Paano mo naitago iyan?"


"Because I'm in a public service. It's a million dollar invisible ink." Nakangiti ang mga labi niya.


So red light lang ang makakapagpalabas ng tattoo niya... Habang nakatingin ako sa notang nasa leeg niya ay parang unti-unting nag-iiba ang tingin ko kay Jackson. He used to be a formal guy in my eyes, pero ngayon, biglang naging semi rugged even with his formal polo. Mas lalong lumakas ang dating niya. He's stunning and heart-stoppingly gorgeous.


Tulala pa rin ako nang bumukas na ang elevator. "Let's go." Nangingiti siya nang hilahin ako papasok sa loob.


Napakatahimik ng paligid. Dim ang ilaw sa napakalawak na basement. Ang unang nakita ko ay mga billiard tables na parang gawa sa salamin. Dumiretso kami sa isa sa mga pinto na naroon. Sumalubong sa amin ang mahabang table kung saan ang dulo ay mini bar na puno ng mga imported at mamahaling alak.


May nakasalubong kaming magandang babae, morena. Nakangiti sa amin sa paraang parang pangiwi na. Nang mapatingin ako sa leeg ng babae ay nakita kong namumula ang balat niya sa parteng iyon. Naglugay siya ng buhok at naupo sa may leather sofa sa tabi.


Mayamaya ay isang lalaking may berdeng mga mata ang lumabas sa pintong pupuntahan namin ni Jackson. The man looked familiar. Di yata siya iyong isa sa mga lalaking dumalaw noon kay Jackson? Kaibigan ni Jackson, ka-frat, sa pagkakaalala ko sa kwento ni Ate Minda. Tumango lang ang lalaki sa amin saka sinundan sa sofa ang morenang babae.


"Sino sila?" baling ko kay Jackson na may tinitingnan sa hawak ng phone.


"Batalier, a business partner and his wife."


Business partner? Ang sabi ni Ate Minda, hindi lang business partner ang mga lalaking dumalaw sa kanya noon kundi mga ka-frat. Saka ko naalala na kabilang si Jackson sa isang elite underground fraternity.


Tinapunan ko ulit ng tingin ang mag-asawa sa sofa. Nagyakap ang mga ito at parang humihingi ng sorry ang lalaki sa babae. Humihikbi ang babae habang hinahampas sa balikat ang asawa, pero iyong hampas na hindi naman galit kundi parang pabebe lang. Hinawi niya ang buhok at tiningnan naman iyon ng lalaki. Saka ko lang rin natitigan na ang namumula sa balat niya ay bagong gawang tattoo—a barcode tattoo!


"Let's go. The room is empty now." Hinila na ako ni Jackson.


Doon kami pumasok sa kuwarto nilabasan ng mag-asawa kanina. Dim din ang ilaw sa loob at may lazyboy chair sa gitna. Inutusan ako ni Jackson na maupo roon. Sumunod ako at hinintay ang susunod na mangyayari.


Mayamaya ay lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "I love you."


"What are we going to do here?" kabadong tanong ko sa kanya.


He lifted my chin as he looked straight into my eyes. "Do you like my tattoo?"


Marahan akong tumango.


Ngumiti siya sa akin. "Good. We're here because you're going to have yours tonight."


Napaawang ang mga labi ko. "You're kidding..."


"No. I'm serious, wife." Parang sa isang iglap, nag-iba ang kislap ng mga mata niya. May pinindot siya sa likod ng lazy boy chair sanhi para mapahiga ako.


Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nagsusuot na siya ng guantes sa mga kamay niya. "J-Jackson..."


"Don't worry, wife. I'll be the one to mark you and I will be very gentle."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro