Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

NAKATAYO si Calder sa kitchen island at may hawak na umuusok na tasa ng kape. Tahimik siya na parang malalim ang iniisip. Ni hindi niya napansin na pumasok ako. Wala sa loob na pinagmasdan ko siya.


Nagsisikip pa rin ang dibdib ko kapag naaalala ko iyong mga gabing umiiyak ako dahil bigla siyang umalis nang walang maayos na paliwanag. Gustong-gusto kong malaman kung bakit bigla niya akong iniwan sa ere after niyang iparamdam sa akin na kakampi ko siya at parati siyang nandiyan kapag kailangan ko.


Unfortunately wala akong nakuhang kahit isang explanation kung bakit kailangan niyang biglang mawala. I was hurt. I felt betrayed. I was fuming mad that time and I even blamed Jackson for that.


Hindi ako matahimik kakaisip kay Calder kung kumusta na siya?  Nasaan na siya? I had waited for him to come back. Hanggang sa napagod na ako sa paghihintay. I had been busy with my studies after that.


I must admit, isa sa mga dahilan ng pagkapagod ko ay iyong isang araw na nagising ako, umiikot na iyong mundo ko kay Jackson.


Naramdaman yata ni Calder na may nakatingin kaya napaangat ang mga mata niya papunta sa akin. "Hey..."


Maliit akong ngumiti. "I'm looking for Ate Minda."


"Lumabas lang saglit. Kausap yata si Tarek sa garahe."


"Ah, okay..."


"Mukhang close na close kayo." Ipinaghila niya ako ng stool na upuan.


"Thanks." Naupo ako. "Nasanay na kasi ako na kakwentuhan siya lalo kapag maaga akong umuuwi from university."


"I see."


Dead air.


Wrong move yata na pumunta ako rito. Para akong nalulunod sa pagkailang at ramdam ko na naiilang rin si Calder. Unavailable ang confidence at naughty button niya ngayon. Mukhang katulad ko ay wala siyang maisip sabihin.


Mayamaya ay naupo siya sa tabi ko. "Coffee?" alok niya.


"No, thank you."


Mahina siyang tumawa. "Ang awkward grabe, mare!"


Napahimas siya sa batok habang nakatingin sa akin. Ayun, activated na ang ulit ang button. At ako naman, naghihintay sa sasabihin niya. Ang kaso biglang lumitaw mula sa backdoor si Ate Minda.


"Ganda!" Mugto ang mga mata ng babae. "Mabuti nandito ka! I'm sow glad!"


"Ate, may problema ka ba?" Nilapitan ko siya at inalalayang maupo sa stool.


Matalim na tiningnan ni Ate Minda si Calder. "Manhid lang?"


Inosenteng napa "Huh?" naman si Calder.


"Mage-gurlstalk kami ni Ganda, obvious ba?"


Naiiling na nangiti na lang si Calder. "All right, girls."


Iwinasiwas ni Ate Minda ang kamay. "Chupi! May balak ka pa yatang dumiga rito, ah! Choo!"


"You're so bad to me, Luzviminda, huh. Dati lang crush mo ko e!"


Pinandilatan siya ni Ate Minda. "Dati iyon, noong hindi ka pa umaalis! Aalis-alis ka kasi, mabuti nga sa 'yo!"


"Ate..." saway ko sa babae.


Nag-init ang mukha ko ng makitang nakangiti sa akin si Calder. Bago lumabas ng kusina ay tumingin pa siya ulit sa akin. Kung hindi pa ako tinapik ni Ate Minda ay hindi ko pa marerealize na wala na pala sa pinto ang lalaki.


"A-ano nga ba iyong kwento mo, Ate?" Kandautal ako.


Sukat ay biglang humagulhol si Ate Minda. "Hindi na ako mahal ni Tarek!!!"


Nagtuloy sa pagku-kuwento si Ate Minda tungkol sa biglaang coldness daw ni Kuya Tarek sa kanya. May hinala raw siya na may kinalolokohan ng ibang babae si Kuya Tarek dahil bigla-bigla na lang raw itong nawalan ng oras sa kanya.


"Ate, baka naman busy lang..."


"Walang busy-busy pagdating sa taong mahalaga sa 'yo. Kahit gaano kaimportante ang ginagawa mo, titigil at titigil ka makapagbigay lang ng time. Hahanap at hahanap ka ng paraan, hindi dahilan! Kahit nga paghinga, ititigil mo kung kinakailangan!"


Napabuntong-hininga ako. Wala akong choice kundi pakinggan ang rant ni Ate Minda. Kailangan niya ng kausap para gumaan ang loob niya, and I will give it to her.


Hinawakan ko siya sa kamay. "Sige, Ate Minda, makikinig ako."


At doon na nga nagsimula ang three-hours story telling niya tungkol sa LQ nila ni Kuya Tarek.


Natigil lang kami sa pag-uusap nang pumasok na sa kusina si Mrs. Cruz para magluto ng hapunan. As usual, mula ng bumalik from one month leave ang babae ay naka-all black pa rin siya. Naisip na namin ni Ate Minda na baka namatayan si Mrs. Cruz pero natatakot naman kaming i-approach siya ng kahit i-condolence man lang dahil parang palaging manininghal ang itsura.


Paglabas ko ng kusina pagkatapos naming mag-usap ni Ate Minda ay nagulat ako nang makitang nakatayo sa sala si Valentina.


What the hell is she doing here? Ang tagal na niyang hindi nagagawi rito, bakit nandito siya ngayon? Anong meron?!


Nang makita ako ay lumagutok agad ang heels niya dahil nilapitan niya ako. Black fitted mini dress na pinatungan ng maong jacket ang suot niya. Maiksi ang laylayan ng jacket kaya kita pa rin ang lapad ng hips niya. Kita rin ang cleavage na inipit sa suot na push up bra sa loob ng damit. Kahit nasa thirties na, mukha pa rin siyang nasa mid twenties. And I must admit, the woman's still a knock out.


"The baby girl is home!" malambing ang boses na sabi niya. At maamo ang mga mata na ang gilid ay itim na itim dahil sa mascara.


I tried my best to be civil. "Wala pa si Jackson."


Her left brow curved up. Saka ko naalala na nag-first name basis ako kay Jackson. I didn't call him uncle.


Ngumiti si Valentina nang makabawi. Ngiting matamis na kung hindi mo siya kilala ay hindi mo iisipin ang mga kaya niyang gawin.


"If you'll excuse me, I have something to do in my room."


Natatawang pinabalik niya ako sa kanyang tabi. "Come on! Gusto ko lang maka-kwentuhan ka. Look at you, dalagang-dalaga ka na talaga." She giggled. "And so very pretty!"


Kung makapagsalita siya ay parang hindi siya um-attend sa debut ko. Samantalang nandoon siya at halos patayin ako sa tingin habang isinasayaw ako ni Jackson.


"I'm sorry, Val, pero I can't entertain you. May gagawin pa nga ako sa room ko."


Not to be rude, but we have nothing to talk about. As far as I remember, our last conversation years ago was not good. Hindi rin maganda ang naging huling engkwentro namin ng kapatid niya.


Naalala ko pa tuloy ang sister niyang si Sacha na ex-best friend nina Olly, Hyra, and Jaeda. Ang memories ko lang sa kanila ay kapahamakan para sa akin. Especially si Sacha mismo na sa pagkakaalam ko ay kinakasama pa rin si King Latorre, the guy who tried to abduct and rape me.


"Come on, Fran. Gusto lang talaga kitang kumustahin and nothing more."


Hindi ako nagsalita.


"I know you hate me. I've been a bitch to you at nagsisisi na ako. Kahit nga noong nalaman ko na inaway ka ng sister ko and her friends ay pinagalitan ko talaga sila. Alam mo namang para na kitang anak, di ba?"


Anak? My ass! Kulang sampung taon lang ang tanda niya sa akin!


Kinuha niya ang palad ko. "Forgive me, please?"


Tiningnan ko siya at kahit napakaamo ng mukha niya ay wala akong makapang kahit na kaunting sincerity.


"Even Sacha, gusto na rin makipag-ayos sa 'yo. She's sorry sa nagawa ni King sa 'yo."


"You know what happened between me and King?"


"Yes. Sacha told me. Hindi niya itinago sa akin na pinagtangkaan ka pala ng gagong King na iyon. Alam ko rin na si Jackson ang may gawa kung bakit pipilay-pilay si King. Binaril niya sa magkabilang tuhod noong iniligtas ka niya, right?"


Nang hindi ako mag-react ay nagpatuloy si Valentina.


"I'm sorry too if nagalit sa 'yo si Sacha. Normal reaction lang iyon dahil nagselos siya sa 'yo. Ang alam niya kasi, inakit mo raw si King. Supposedly kasi, magkakabalikan na sila noon, but you entered the picture."


I gritted my teeth. Malamang dagdag-bawas na ang kwento ni King kay Sacha kaya galit na galit si Sacha sa akin.


"Hindi ko sila kinukunsinte, Fran. Believe me, hindi ako boto kay King for Sacha, but I had no choice dahil nga nabuntis na ang sister ko. King is a rich guy, he's his parents' only heir. Kahit napilay at nakick out pa siya sa school, still he can provide for my sister. And besides, my sister still loves the guy. Kahit tumutol pa ako, wala ring mangyayari. So I want to say sorry to you dahil pinapabayaan kong nasa poder namin ang lalaking nambastos at nagbalak nang masama sa 'yo. Please understand my reason, and I hope you take time to explain my side to Jackson. I am pretty sure your uncle will listen to you."


Pansin na pansin ko ang pagdidiin niya sa word na uncle.


"Please Fran, help me. Pagod na ako sa kakaiwas niya e. Gusto ko nang bumalik kami sa dati ni Jackson. I miss him so bad, you know."


"Iniisip mo na si King ang reason kaya ka niya iniiwasan?"


Tumango si Valentina. "I have a strong feeling that yes, it's the reason. Mula nang mangyari iyon, at nalaman niyang tumulong ako sa pagprotekta kay King ay nag-iba na siya. He even asked me kung may kinalaman ako sa pakikialam ng ninong kong governor sa kaso ni King na isinampa niya. I explained to him na hindi ko naman kasi pwedeng pabayaan si King because my sister was already pregnant that time. At si King ang ama."


Kaya pala hindi tuluyang nakulong si King. Napabuntong-hininga ako.


"You know Jackson hates King to bits after what happened. Gusto na nga niyang patayin. Noong nalaman niyang buntis si Sacha with King, doon lang siya kumalma. Pero sa akin naman nabaling ang galit niya. Mula noon, nag-iba na si Jackson sa akin. Umiwas na siya sa akin." Lumungkot ang mga mata ni Valentina.


There's another reason why he's avoiding you. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ngunit nagtiis ako.


"I want you to know that I am sincere, Fran. Sana mapatawad mo ako dahil ang kapatawaran mo, kapatawaran din ni Jackson. You are so important to him kaya wala akong magawa kundi dumaan sa 'yo if I want his forgiveness. Ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito. Ikaw ang main reason kung tutuusin kung bakit nawala sa akin ang lalaking mahal ko."


Kumuyom ang kabilang kamao ko dahil sa sinabi niya.


"You see, inaayos ko na ang lahat. Nagpapakababa ako dahil ayokong ma-hassle. Sa tingin ko naman, hindi pa huli para magkasundo tayong dalawa, Fran. Mahalaga ka kay Jackson kaya mahalaga ka rin sa akin."


Napatitig ako sa desperado niyang mga mata.


"I want him back, Fran. This time, I want him for good. I'm not letting him go again. Tama na ang mga nasayang na oras na pinabayaan ko siya. Tama na ang mga sandaling hinayaan ko siyang walang pakialam sa akin. I am ready now to fight for him. For the man I love."


Tumayo na ako. "I understand. Babalik na ako sa kuwarto ko."


I had enough. Kahit pinigilan niya ulit ako ay iwinasiwas ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tuloy-tuloy ako sa hagdan dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya kung kakausapin ko pa siya. I don't want to lose my temper. Hindi pa panahon para malaman ng lahat kung ano na ako sa buhay ngayon ni Jackson.


Pero nananalig ako na darating rin ang tamang panahon para sa akin. Para masampal ko sa mukha ni Valentina na wala na siyang hahabulin pa sa asawa ko!


Narinig ko pa ang sigaw ni Valentina sa ibaba. "Help me with Jackson, okay, baby girl?! I'm leaving. Bye!"


Sa inis ko ay natadyakan ko ang hamba ng pinto ng study room. "I'd rather die than to help you get my man!" gigil na sigaw ko na alam kong hindi na niya maririnig dahil nakalabas na siya ng pinto. Nagma-martsang bumalik na ako sa kuwarto ko.


Sa tindi ng inis ko ay hindi ko na napansin na nasa hagdan lang si Calder at nakatingin sa akin.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro