Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

NAPATIGIL ako nang makitang nakatayo si Calder sa ibaba ng hagdan. Nakapamulsa siya at nakasandal sa handrail na parang may hinihintay. Mayamaya ay napatingala siya nang maramdaman ako. Agad gumuhit ang ngiti sa mga labi niya nang makita akong pababa.


"Bakit ka nandiyan?"


Nagkibit siya ng balikat. "Nagmeryenda ka na?"


Umiling ako.


"Good. Hindi pa rin ako e. Sabay tayo?"


"Uhm, wala akong gana e. Magtitimpla lang talaga ako ng gatas sa kusina 'tapos babalik na ako sa kuwarto ko."


"Masama ba ang pakiramdam mo?" Bigla niyang sinalat ang leeg ko.


Pasimple akong napaurong. Nakakabigla kasi nang bigla niya akong abutin. Parang napaso ako nang dumikit ang likod ng palad niya sa akin.


"Hindi ka pumasok today. Hindi ka naman pala-absent kaya naisip ko na may sakit ka."


"W-wala akong sakit." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Ang totoo ay tinamad akong pumasok dahil pagod ako sa magdamag.


"This is so unlike you."


"Marami nang nagbago mula nang umalis ka."


Hindi na siya nakapagsalita. A faint smile playing on his lips.


Wala naman akong imini-mean sa sinabi ko. Totoo lang naman na marami na ang nagbago since umalis siya years ago. Kung may iba man siyang iniisip sa sinabi ko, bahala siya. Wala ako sa mood mag-explain ngayon at humingi ng pasensiya.


Gusto ko lang talagang magtimpla ng gatas at bumalik sa kuwarto ko para mahiga ulit. Nagbabasa-basa ako ng mga lesson sa iba't ibang subject just in case magkaroon ng surprise quiz. Gusto ko lang na palagi akong handa. Napakalaking bagay sa akin ang grades ko.


"Ah, Fran!" Nakahabol sa akin si Calder. "Are you sure you're okay? Parang hirap kang lumakad."


Nag-init ang pisngi ko at pasimple siyang inirapan. "Okay nga sabi ako."


"Galit ka ba?"


"Magagalit palang."


"Ha?"


Huminto ako at nilingon si Calder. "Gusto kong uminom ng gatas, iyon lang, please?"


"Okay." Ngumiti siya.


Kung dati ay nanghihina ako sa ngiti niya, ngayon naman ay nalilito. Cute pa rin namang ngumiti si Calder, ang kaso, mas cute na talaga si Jackson sa paningin ko. Kahit nga nakasimangot ang isang iyon ay naku-cute-an pa rin ako. Lalo na kapag humihingal iyon at nakakagat-labi, hay ang cute-cute.


Pumasok si Ate Minda. Noon niya napansin na nasa likod ko si Calder.


"Hi, Minds." Nginitian siya ng lalaki.


Tumingin sa akin si Ate Minda. "Ano 'yan? Comeback?"


Pasimple ko siyang pinandilatan. "Ah, oo nga pala magtitimpla po ako ng gatas e." Umalis ako sa upuan at pumunta sa lalagyanan ng mga garapon.


"Kumusta? Hindi pa tayo nagkakakumustahan," narinig kong sabi ni Calder kay Ate Minda.


"Oo nga e. Bigla ka naman kasing naglaho na parang bula. Ayan, Team Mayor na ako—"


"Ate!" Bigla akong napasigaw. "Wala na palang asukal?!"


Ibinaba ni Ate Minda ang phone sa counter table. "Hala meron pa, ah?" Lumapit siya sa akin at nakihanap. "Oh, ito o! Anong tawag mo rito? Di ba asukal ito?"


"S-sige, 'Te." Kinuha ko iyon kahit ang totoo ay alam ko namang may asukal talaga. "Baka gusto mo ring magtimpla."


"Naku, baka antukin ako. Maglilinis pa ako ng patio mamaya."


"Di ko po yata nakikita si Mrs. Cruz?" Last month ko pa napapansin na palaging wala si Mrs. Cruz. Akala ko nagkakasalisi lang kami ng masungit na mayordoma, pero mukhang wala talaga siya sa mansiyon.


Umismid si Ate Minda. "Naka one-month leave. Baka pabalik na rin iyon isa sa mga days na ito."


"Bakit kaya?" Nilingon ko si Calder na seryosong nakatingin sa akin. "Gusto mo ba ng gatas?"


"Okay lang ako."


Nang makapagtimpla na ako ay bumalik ako sa bar stool. Mamaya na lang ako aakyat sa kuwarto ko. Gusto ko munang damayan si Ate Minda sa mga hinanaing niya sa binabasa niya. Mukha kasing hindi pa siya nakakapag-move on.


Nagtipa-tipa sa hawak na cell phone ulit si Ate Minda. "Nakisabay pa ito!" Nalukot na naman ang mukha. "Pati pagbabasa ko, pinagseselosan! Masyadong mapaghinala! Akala, may iba akong ka-text kapag nangingiti ako sa phone ko."


Nakangiti pa rin ako. Natutuwa ako sa lovelife nina Ate Minda at Kuya Tarek. Hindi ko talaga akalain noong una na pu-puwede silang dalawa. Love is so amazing talaga.


Nabura lang ang ngiti sa mga labi ko nang mapansing nakatitig sa akin si Calder.


"So si Tarek pala, Ate Minds? Kayo na pala? Nice, ah." Nakangiti si Calder pero may kung ano sa mga mata niya na parang taliwas sa ipinapakita niyang ngiti.


Dumi-quatro si Ate Minda. "Oo. Dami mo talagang na-miss na ganap dito!"


"Oo nga e. Kaya nga nandito ako ngayon, babawiin ko iyong mga namissed ko." Sabay tingin niya sa akin.


Nagbeep ang phone ni Ate Minda. Nagpa-panic na tumayo ito at nagpaalam na may parating pala itong Shopee delivery. Naiwan kaming dalawa ni Calder sa kusina.


"Sigurado ka bang ayaw mo ng gatas? O kape kaya?" pagbubukas ko ng usapan dahil nakakailang ang katahimikan.


"Ayoko ng kape, baka kabahan ako e." Ngumisi siya at sumandal sa mesa. Nakatingin pa rin sa akin ang mga mata niya na hindi ko magawang salubungin dahil may kung ano akong nakikita roon na hindi ko matanggap.


Pinilit kong maubos ang isang basong gatas kahit pa parang masuka-suka na ako. Bigla na lang kasing nawalan ng kakayahan ang lalamunan kong lumunok. Nate-tensiyon ako.


"Hatid kita bukas sa school."


"Aabsent ulit ako bukas."


"Wow. Batas."


"Wala naman kasing masyadong ginagawa ngayon sa school."


"Kain na lang tayo sa labas. Fishball gusto mo?"


Tumayo na ako at basta hinayaan ang baso na may laman pang kalahating gatas. Ayoko sanang magsayang, hindi ko ugaling magsayang pero hindi ko na talaga mauubos iyon. Hindi ko kaya at ayokong pilitin ang sarili ko na i-try.


"Fran, what do you think? Or samahan na natin ng kikiam at squidballs, alam ko namang bitin ka sa fishball lang."


Tiningnan ko si Calder at simpleng nginitian. "Nakakaantok iyong gatas. Balik na ako sa kuwarto ko, ha?"


Napasuklay siya sa kanyang buhok gamit ang mahahaba niyang daliri. "Di ba sabi ko babawi ako. Magkano ba gusto mo? Kung gusto mo, iyong buong cart bilhin ko—"


"Ayoko." Hindi ko na napigilan ang bibig ko.


"Fran..."


"Hindi na ako kumakain ng fishball ngayon, Calder."


"Okay, di iba na lang?"


"Ayoko na ring kinakausap mo ako nang ganito." Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Ayokong makasakit ng damdamin, pero minsan kailangan talaga ng diretsong salita. Makasakit man o hindi.


"And why? Namiss kitang kulitin."


"Bat di na lang sa iba?"


"No, Fran." Malungkot siyang umiling. "I only want this with you."


Tipid ko siyang nginitian saka tumalikod na ako.


...

"BAKIT NGAYON KA LANG?"


Nahinto sa pagbubukas ng closet si Jackson at napatingin sa kama kung saan nakaupo ako. Isang lampshade lang ang bukas kaya siguro hindi niya napansin na kanina pa ako dito sa kuwarto niya.


"Alas-onse na, uwi ba 'yan ng matinong asawa?"


Kahit katiting ang liwanag ay kitang-kita ko ang pagngiti ng mga labi niya, na kahit dim light ay kapansin-pansing mamula-mula.


"So?" Tumayo ako at namewang. "Saan ka galing? Bukas pa ba ang munisipyo ng ganitong oras? Wala ka ring kasamang driver and bodyguards, kaya saan ka galing?"


Hininto niya ang plano sanang pagbibihis. Humakbang siya palapit sa akin. "Kumain ka na?'


"Bakit ako kakain? Masama ang loob ko sa 'yo." Pero ang totoo, kumain na ako.


"May inasikaso ako." Mahinahon ang boses niya na medyo malambing. Nakakainis!


"At ano naman iyon?"


"New project."


"Hmn? Ano?" Kinakapos ng paghingang tanong ko. Paano kasi ay nakapulupot na sa bewang ko ang matigas niyang mga braso. Saka naaamoy ko siya, ang bango-bango.


"Magpapatayo kasi ako ng mga free funeral room chapels para sa burol ng mga walang pambayad. Saka nakipag-negotiate din ako sa ilang morgue for free funeral services."


Ang mainit na palad ni Jackson ay nasa ilalim na ngayon ng suot kong blouse. Humahaplos-haplos sa tiyan ko at tagiliran.


"Para iyong mga kapos nating kababayan na namatayan, wala nang po-problemahin. Iiyak na lang sila."


"Ah... That's so nice of you." Tinabig ko ang kamay niya. "Tara muna sa kusina? Hindi ka pa nakain malamang." Hindi na siya nakatanggi nang hilahin ko na siya.


Masyado siyang ngumudngod na naman sa trabaho ngayong araw. Ang sama kong asawa kung di ko man lang siya pakakainin bago patulugin. Pagdating sa kusina ay ipinaghain ko na siya.


Ako ang nag-init ng ulam, nagsandok sa plato niya ng kanin. Ako rin ang naghanda pati ng baso at tubig. Since tulog na si Ate Minda at ang ibang kasambahay ay malayang kong napagsilbihan si Jackson sa kusina. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya sa puso ko dahil sa pinagsisilbihan sa hapag ang asawa ko.


Tahimik lang naman si Jackson. May naglalarong ngiti sa mga labi niya habang nakamasid sa pagkilos ko.


Nang makatapos ay naupo ako sa katapat ng upuan niya. "Kain na."


Magana naman siyang kumain. Nang makatapos ay talagang hinugasan ko ang isang pirasong plato at basong ginamit niya. Pati mga kubyertos aty hinugasan ko. Pagkatapos ay niyaya ko na siya sa itatas. Nakaakbay siya sa akin nang papunta kami sa hagdan ng mansiyon.


Iba pala talaga kapag solo, malaya kaming nakakakilos. Ang sarap sa pakiramdam.


Nagyaya muna siya sa balcony para magpababa ng kinain. Since wala naman ng gising maliban sa mga guwardiya sa baba ay malaya pa rin kaming magngitian.


Magkaharap kami habang nakatayo sa tabi ng railing ng balcony. Kinumusta niya ang araw ko, kinumusta ko rin ang kanya. Nagpalipas kami ng oras sa ilalim ng liwanag ng buwan.


Nahuli ko ang pagtalim ng mga mata ni Jackson nang mapatingin siya sa ibaba. Nang tingnan ko ang tinitingnan niya ay wala naman doong tao.


"Jackson..." tawag ko pagkuwan. "Thank you kasi kahit pagod ka from work, naglaan ka pa rin ng time para i-spend sa akin."


"May kapalit iyon."


Napalunok ako. Lumapit ako sa kanya at tiningala siya. "Tara?"


Walang salitang hinuli ni Jackson ang pulso ko. Bago kami umalis ay nakita ko pang sumulyap ulit siya sa ibaba ng terrace. Nakangisi siya nang hilahin ako papasok sa loob ng mansiyon.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro