Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

HE GOT REALLY TIRED.


He was still asleep when I woke up. Nagising ako na hindi nilalamig dahil nasa loob ako ng yakap ni Jackson. Nakasubsob ako sa mabangong leeg niya.


Nang tingalain ko siya ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kung gaano siya kaperpekto. Kahit siguro kami na lang ang matirang tao sa mundo, hindi ako magsasawa na siya lang ang makikita at makakasama ko.


"Love the morning view?" Napapitlag ako nang bigla siyang nagsalita.


Nakapikit pa rin siya pero nakangiti na ang mapulang mga labi.


"K-kanina ka pa ba gising?" Nahila ko ang kumot papunta sa aking dibdib. Maliwanag na kasi kaya kitang-kita na ang paligid. Bold pa rin kasi kami sa ilalim ng kumot.


Dumilat ang isang mata niya. "Ngayon lang. Naramdaman ko kasing may nakatitig sa akin. Parang crush ako."


I felt the blush creep onto my cheeks. 


Bigla akong kinabig ng braso niya palapit kaya nabitawan ko ang pagkakahawak ko sa kumot. Napadikit ako sa kanya at ganoon kabilis, parang uminit ang umaga.


"Kung hindi lang ako mayor at CEO ng isang kompanya, I'd rather stay in bed with you."


Napalabi ako. "Eh kaso hindi ka ordinaryong tao lang. You have a lot of responsibilities kaya hindi pwedeng humilata lang maghapon."


"Yeah, right," paungol na sagot niya saka sumubsob sa leeg ko.


"Your stubble..." angal ko. Nakakakiliti kasi.


"Shhh..." Lalo lang siyang sumubsob, this time ay pababa na hanggang sa dibdib ko.


"Jackson!" Napatili ako lalo ng maramdaman ko ang palad niya sa pagitan ng aking mga hita.


Natatawang nagpatuloy siya hanggang sa maabot niya ang tunay na pakay. Napapikit na lang ako at napakapit sa braso niya. He slowly and teasingly slipped his finger inside me.


"You are still so tight..."


"Oh, Jackson!" I gasped, then bit my lower lip.


Ang bilis niyang nakapasok. His finger thrusted inside and out until I wasn't sure how much longer I could stand it. Sa huli ay nanghihinang napayakap ako sa kanya.


"You're a very naughty boy," humihingal na sabi ko.


"And you're a very naughty girl." His voice was on a teasing tone. Umangat siya at sinalubong ang mapungay kong mga mata. "Good morning, wife."


"I'm tired..." nakangiting sagot ko sa kanya. Ang aga-aga, ubos agad ang lakas ko dahil sa ginawa niya.


He carried me in his arms to the bathroom and we took a shower together. I had no idea how he survived when he was so aroused the entire time. He just made me go out first after he rinsed me.


Nagkiss muna kami bago ako lumipat sa kuwarto ko para magbihis. Siya na rin ang maghahatid sa akin sa university kahit pa nasa garahe nun si Calder at naghihintay yata sa akin.


Nakasunod ng tingin sa amin si Calder nang magtungo kami sa nakaparadang Jaguar. Nasa loob na ako ng sasakyan at paikot si Jackson papunta sa driver seat ay nakatingin pa rin si Calder sa akin na parang nakikita niya pa ako sa kabila ng tinted na windshield.


Hindi niya kasalanang mawala ang mama niya. Nakikisimpatya ako sa kanya kasi alam ko kung paano maiwan. Kung paano maulila sa ina. Pero hindi ko pa rin talaga lubos maintindihan kung bakit kailangan niyang umalis nang hindi sinasabi ang dahilan. Kung bakit kailangan niyang maglaho at hindi magparamdam. Naalala ko tuloy iyong mga panahon na nag-alala ako sa kanya at nasisi ko pa si Jackson.


Pagsakay ni Jackson sa tabi ko ay binawi ko na ang aking mga mata kay Calder. Bago niya ini-start ang sasakyan ay napansin ko na tinapunan niya ng malamig na tingin si Calder na nakatayo pa rin sa labas.


Medyo late kami at naabutan na ng traffic ngayon. Sa intersection ay kandabuhol ang mga sasakyan dahil walang traffic enforcer. Nakakarinig na rin kami ng busina mula sa ilang motorista. Itinabi niya ang sasakyan sa tapat ng saradong shop. Tahimik na bumaba si Jackson bago ko pa siya mahabol.


Nagulat ako nang pumunta siya sa gitna. Pumuwesto siya sa intersection at nagtraffic. Biglang gumanda ang takbo ng mga sasakyan dahil siguro natakot din ang ibang pasaway na mismong mayor na nila ang gumagawa ng paraan para hindi sila magkarambola.


Pero mukhang gusto nang magsibaba ng mga pasahero para makapagpa-picture sa guwapong taga-traffic!


May ilang pasahero sa jeep ang naglabas ng mga phones nila para kunan ng pictures or videos si Jackson. Ang iba na kahit nasa private vehicles ay napapasilip sa bintana.


Parang gusto ko na rin tuloy bumaba para tabihan si Jackson. Mainit kasi. Papayungan ko lang sana siya habang nagta-traffic. Saka syempre, para tubuan naman ng hiya ang mga nagnanasa!


Mabuti na lang at mayamaya lang ay may dumating ng enforcer. Kinausap ito saglit ni Jackson bago bumalik sa sasakyan namin. Nang pumasok siya sa driver seat ay basa siya ng pawis. Kahit ang polo niya ay basa ang likod. Pero mabango pa rin siya.


"May extra shirt ka? Baka matuyuan ka."


"Wala akong dala." Hinubad niya ang suot na polo at ibinato iyon sa backseat. Ini-start niya ang makina saka nagdrive.


Yup. Nagdrive siya while topless!


Naiiling na nangingiti na lang ako sa passenger seat. See? My husband is a baddass mayor of the town!


Pagkarating sa university ay nilingon ko siya. Nakasimangot ako. "Pupunta ka sa munisipyo nang ganyan? Baka naman magahasa ka sa gate pa lang."


He chuckled. "Akong susundo sa 'yo mamaya."


"Sige." Ang rupok ko dun!


Sumeryoso siya. "Bawal kang sumama kahit kanino."


"Yes, Mayor."


Lumapit siya at naintindihan ko kung bakit. He was aiming for my lips. Sinalubong ko siya at ilang segundo rin kaming nagsalo sa isang mainit na halik. When the kiss stopped, I was almost breathless.


"Jackson..." humihingal na sambit ko. "Hindi ka ba talaga nagsisisi na pinakasalan mo ako?"


"Never."


"I could ruin you..."


"It's okay. Ruin me anytime, Ma'am."


"I'm being serious here..." 


Sumubsob siya sa leeg ko. "When I fell in for you, I already gave you the power to destroy me."


But I don't want to do that. Hinaplos ko ang ulo niya. Dahil mas gusto ko siyang buuhin kaysa wasakin.


I am grateful na wala siyang pakialam sa kabila ng pwedeng mangyari sa kanya kapag nalaman ng lahat na pinakasalan niya ako. He just made me feel so important. Wala akong gustong gawin kundi ang tumbasan iyon sa kahit sa anong paraan.


"I'll be faithful to you..." bigla ko na lang nasabi.


Ngumiti siya. "You better be."


...



VICE SALVO COLE III's


"Vice, you have a visitor." Sumilip sa pinto ng study room ang isa sa mga tauhan ko.


"Let him in."


Kagagaling ko lang sa palasyo at pagod ako sa meeting. Pero wala akong pwedeng tanggihang bisita kahit pa gaano ako kapagod. Papalapit na naman ang eleksyon, hindi ako pwedeng mabahiran ng kahit anong issue because I am going to run for presidency. Kaya nga playing hero ako sa mga mahihirap na Filipino ngayon. At malamang importanteng bisita ito para basta na lang makapasok sa pamamahay ko.


Inayos ko ang suot kong americana suit saka naghintay sa pagbukas ulit ng pinto. Nang bumukas iyon ay pumasok ang isang matangkad at guwapong lalaki. He was wearing a black shirt and a pair of dark jeans. Nakasuot ng itim din na cap.


"And what can I do for you, young man?"


My brows were knitted in a small frown. I wasn't expecting him. Ano na naman kaya ang problema?


Namulsa ito sa suot na jeans. "Mukhang hindi na ako welcome sa mansion," he casually said.


"Oh, really? And why is that so?"


Tumayo ako at inalis na ang maskarang maka-diyos, makabayan at makamamamayan. Hindi ko kailangang magpanggap sa harap ng taong ito.


"This must be a misunderstanding between you and Jackson. You've been gone for years, baka akala niya hindi ka na talaga babalik," mahinahon kong sabi.


His expression hardened. "Hindi ako nawala nang basta na lang. You know about my mom. At alam din naman siguro iyon ng anak mo."


"Oh, I've heard about that. My condolences to your mom."


"So pwede ba ako rito sa 'yo? Wala na akong trabaho kapag sibakin na ako ng anak mo."


Napangiwi ako. "I don't think he will do that to you if you just explain the real reason why you left."


Narinig ko ang pag-Tsk niya. Wala talagang modo.


"Come on, young man, chill. He won't fire you."


"How can you be so sure? Hindi ka ba aware kung gaano kagalit sa akin iyon dahil kay Frantiska?"


Hindi ako nakasagot. I remembered the fire in my son's eyes when he saw Frantiska with this man back then.


"My mom is gone." Tumingin sa labas ng glass window si Calder. "I can't afford to lose my job too, Vice."


Tumikhim ako. "As if you need your job."


"Of course I do. I need something to make me occupied."


I let out a sigh. "Okay then, start a business. You can do that with all the money that you have."


"You really don't get my point?" Nagulat ako nang biglang ngumisi ang lalaki. "Or you're just acting dumb here?"


Pasimpleng nag-iwas ako ng tingin. "You know you can't work here. Kompleto na ang mga tauhan ko."


"So paano ako kapag pinalayas ako ng anak mo?"


"E di lumayas ka. Mag abroad ka. Libutin mo ang mundo kung ayaw mong magnegosyo."


Umiling-iling si Calder. "You really don't get it. Do you?"


"Sabihin mo lang kung anong kailangan mo nang magtigil ka na. Karagdagang pera ba?" Nayamot na ako.


"Hindi."


"Then what? Sabihin mo na lang nang matapos na ang walang kwentang usapang 'to! Sabihin mo kahit ano and I will do everything in my power to give it to you."


"Really, huh?"


"Yes. So tell me, what the hell do you want?!"


"I want Fran."


Napatigagal ako sa sinabi niya.


"Give her to me and I will not bother you anymore."

 

JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro