Chapter 31
GUSTO NIYA AKO. Tumingin ako sa nakabukas na bintana. Maaga akong nagising para isipin siya. He opened his life to me. Dinala niya ako sa Antipolo, ikinuwento niya sa akin ang tungkol sa mommy niya at nagpalipas kami ng magdamag at maghapon na kami lang dalawa—sa iisang sofa.
Ramdam ko ang pagapang ng init sa aking magkabilang pisngi. Kahit hindi ko maamin sa aking sarili ay ina-anticipate ko na ito kasi parang gusto ko rin— "Mali 'to..."
This was a big deal. It was not new to me if someone confessed their feelings to me because it already happened several times in the university, but Jackson was a different story. Kahit sabihin pang napakabata niya pa, kahit napilitan lang siya sa kasunduan na pakasalan si Mama, hindi pa rin iyon dahilan para makatakas kami sa panghuhusga.
Hindi rin ako babagay sa isang nakakalulang tao na tulad niya, hindi lang dahil mayor siya ng isang city, dahil bukod pa roon ay matalino siya, maraming achievements, at kilala. Ano ako kumpara sa kanya? Wala pa akong napapatunayan sa mundo.
Kahit gaano pa ako kaganda e palamunin pa rin ako.
Unlike his ex, Valentina Sozia Hynarez. Isang babaeng maipagmalalaki. Malamang na bukod kay Val, may iba pang babae na mas deserving sa kanya kaysa sa akin.
Jackson used to think of me as a child. Bakit ba kailangang mag-iba? At bakit din pati ang nararamdaman ko sa kanya ay nagbago na? Isang taon lang ang nagdaan, pero nagkaganito na. Ano ba ang nangyari sa aming dalawa?
Napapikit ako nang mariin. "No. Hindi pwede!" Binatukan ko ang aking sarili. "Mali nga 'to! Gulo 'to!"
10:30 a.m. nang bumaba ako kinabukasan. Nalaman ko kay Ate Minda na nasa mansiyon pa rin si Jackson. And he was looking for me.
"Hindi siya pumunta sa munisipyo?"
"Kakauwi lang niya. Ayun nagsu-swimming, stressed siguro."
Hindi na ako nagtanong sa mood ni Jackson. Pumunta na ako sa pool area. Minsan lang naman kasi siya magswimming at iyon ay kapag hindi maganda ang mood niya. Huli ko na ang ganoong gawain niya. Madalas kapag mag problema sa kompanya niya o sa munisipyo, saka lang siya naglulublob. Pang alis siguro ang tubig ng init ng ulo. Kapag good mood naman siya ay sa gym siya ng mansiyon naglalagi. Ano kayang problema niya ngayon? Badtrip ba siya dahil hindi ako nakasagot sa mga sinabi niya kagabi?
Saktong paglabas ko ng mansiyon ay ang pagtalon niya sa pool. Tumalamsik ang tubig kasabay ng paglubog niya. Sa kinatatayuan ko ay nasisinag ko siya sa ilalim na lumalangoy papunta sa kabilang bahagi ng pool. Itim na plain trunks lang ang kanyang suot at mahahaba ang mga hita at binti niya. Magaling talaga siyang sumisid kahit noon pa.
"Tawag mo raw ako," agaw ko sa atensyon niya nang umahon na siya sa kabilang part ng pool.
Hindi siya tumingin sa akin. Pagkaalis sa pool ay tinungo niya ang puting tuwalya na nasa open cabana. Ang tuwalya ay hindi niya ginamit para sa basa at hubad niyang katawan kundi pangkuskos lang sa tumutulong tubig mula sa kanyang buhok. Nakatingin lang ako hanggang matapos siyang magpunas. Parang ginulo niya lang ang buhok niya gamit ang tuwalya, saka niya iyon isinampay sa kanyang balikat.
Palagi ko naman siyang nakikitang nags-swimming pero hindi ako lumalapit. Ngayon lang kasi pinatawag niya ako. At ngayon ko lang nabistahan ang katawan niya. Matangkad, matipuno, malapad ang mukhang kay tigas na dibdib, light brown ang nipples, walo ang abs at may manipis na balahibo sa ibaba ng pusod niya. Hanggang doon lang ang tiningnan ko.
He raised me an eyebrow.
"Did you sleep well?" he casually asked me. Kinuha niya ang kanyang phone sa ibabaw ng mesa, patalikod siya sa akin nang gawin niya iyon kaya hindi ko naiwasan mapatingin sa kanyang pang-upo.
Mas matambok ang pwet niya ngayon dahil manipis na trunks lang ang kanyang suot. Napailing agad ako at pilit itinaas ang tingin ko sa kalevel ng ulo niya.
"Ngayon ka lang ba nagising?" tanong niya ulit. May chineck lang siya sa phone at ibinaba niya rin iyon agad para harapin ulit ako.
"Oo," sagot ko sa pilit na pinakalmang boses. Nagpapanic kasi ako. Gaano ba kami katagal mag-uusap na ganito lang ang suot niya?
"Good. Do you want anything?"
"Ha?"
"Anong gusto mo?"
Siya ang nagpapunta sa akin dito tapos ako ang tatanungin niya nang ganito?
"I mean do you want me to give you gifts?" Napaka-cassual pa rin ng tono niya.
"Gifts? Wala namang okasyon."
"Kailangan ba ng okasyon?" Napahimas siya sa baba niya. "I am asking you if you want flowers, chocolates, balloons..."
"Hep!" awat ko sa kanya nang magets ko na siya. "At bakit bibigyan mo ako ng mga iyon?"
"I already told you why."
"Yup. You like me." Napabuga ako ng hangin. "Pero bakit mo gagawin iyon? Hindi mo ba naiintidihan? Kapag binigyan mo ako ng alin man sa sinabi mo, meaning liligawan mo na ako—"
"So?" Namewang siya. Nagmukha tuloy siyang model na nakapose sa harapan ko. Pero sana lang takpan niya iyong harapan niyang nakaka-distract.
"So you'll gonna court me?"
Ang kapal kong pangunahan siya, pero dapat lang namang klaruhin ang intensyon niya. Dahil hindi mo pwedeng sabihin sa isang tao na gusto mo siya. Kapag sinabi mo iyon, dapat may gawin ka. Kailangang kumilos ka para hindi manatiling salita lang ang lahat. Dapat gawin mong official kung totoong seryoso ka.
"Ayaw mo bang manligaw?"
"It's okay. I mean sure." Salubong ang makakapal niyang kilay. Inalis niya ang tuwalya sa balikat at itinapis sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Mabuti naman. Napansin niya yatang ang awkward makipagusap sa kanya dahil sa kanyang ayos.
"Parang pinipilit lang kita, ah!"
"Courting you is fine with me." Nagkibit siya ng balikat. "In fact, even if you ask me to court you for the rest of your life, I'll do it."
Napanganga ako. Okay na sana. Kikiligin na pati ang bato sa sinabi niya kung sinabi niya lang sana iyon nang ibang tono. Iyong tonong hindi parang nag-uutos lang na naman na ipagtimpla ko siya ng kape.
"Okay. Liligawan mo ako dahil gusto mo ako, right?" nagtitimping tanong ko. "Pero bakit ganyan ka? Ang cold mo. Ganyan ba kapag nagkakagusto ka?"
Kumunot ang noo niya. "Sorry. I'll try to express my feelings more."
Sige na nga.
"Bibigyan kita ng bulaklak, chocolates, balloons araw-araw, I will text and call you on your phone from time to time, ihahatid at susunduin kita sa school, and will have dinner kapag maluwag ang time ko."
"Hindi naman kailangan ang lahat ng iyan sa panliligaw—"
"But I want to do those things." Lumamlam ang mga mata niya. "Just bear with me for now. I'll improve in time."
"Jackson..."
Dinampot niya na ang phone sa mesa.
"Bakit ako?"
Napatigil siya. "Any idea?"
Lumabi ako. Ano nga ba? "Hmn... Kasi maganda ako?"
Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti. "No arguments here," sabi niya saka ako iniwanan sa pool area.
...
"I'LL TRY TO EXPRESS MY FEELINGS MORE." Paulit-ulit sa tainga ko iyng huling mga salita niya. Sabi niya gusto niya ako, pero ang cold niyang tao. Nacu-curious ako kung paano niya i-e-express iyong feelings niya, at the same time kinakabahan ako. Gulo ito e. Maraming dahilan para kabahan at matakot. Isa sa maraming dahilan ay si Vice President Salvo Cole III.
"Ganda!!!"
Walang katok-katok, pumasok agad sa kuwarto ko si Ate Minda. Hindi ako sa kanya nagulat kundi sa bitbit niyang one dozen of white roses. Meron din siyang hawak na heart-shaped chocolate box. Dire-diretso siya sa akin. Ang lakas-lakas ng kalabog ng dibdib ko.
Agad kong tinanggap ang mga inaabot niya. "S-saan galing, 'Te?" maang-maangan ko.
"Kanino pa ba? Sa tingin mo ba kung sa ibang tao galing iyan e makakapasok ang mga 'yan dito sa mansiyon?" Ngiting-ngiti siya. "Lumabas na sa lungga ang manok ko! Handa nang ipangalandakan sa mundo ang pag-ibig niya sa 'yo!"
Namutla ako agad. "Nakita ba 'to ni Mrs. Cruz?!"
"Malay ko sa majondang bitter na iyon. Basta inabot sa akin iyan ni Tarek kanina, akala ko nga para sa akin, ang kaso inunahan niya na agad ako bago pa ako maiyak sa tuwa, sinabi niya na kay Mayor galing 'yan. Para raw sa 'yo 'yan." Lumabi siya. "Ganda mo talaga, 'Day! Malapit-lapit ka ng maging first lady ng QC!"
Sana lang hindi ito nakita ni Mrs. Cruz. Ang kaso, ang sabi ni Jackson ay araw-araw niya akong bibigyan ng ganito, kaya hindi imposibleng isa sa mga ibibigay niya ay makita ni Mrs. Cruz. Pero bakit nga ba ako natatakot kay Mrs. Cruz? May dapat ba akong ikatakot sa kanya?
Wala naman akong ginagawang masama... o wala nga ba talaga?
"Paano kaya pag malaman ito ni Vice?" narinig kong tanong ni Ate Minda.
Napatitig ako sa mga bulaklak na nasa kandungan ko. Tinotoo niya talaga na bibigyan ako ng bulaklak at chocolates. E iyong balloons kaya nasaan? Baka nakalimutan o walang nabilhan. Pero siya nga kaya ang bumili ng mga ito o inutos niya lang kung kanino?
Siniko niya ako. "Sa tingin mo, Ganda? Ipaglalaban ka naman siguro ni Sir, ano?"
"H-hindi ko alam..."
Hindi ko naman kasi talaga alam kung gaano kalalim itong nararamdaman sa akin ng mayor ng bayan.
"Ah, basta, Ganda, nananalig ako na ipaglalaban ka ni Sir Jackson. Mula nang dalhin ka niya rito sa Quezon City e sa 'yo na umikot ang mundo niyon! Lalo na noong ngayong taon, dahil ngayon niya lang napagtanto na iba na ang feelings niya para sa 'yo! Nakita ko rin kung paano siya umiwas, pero tingnan mo, hindi naman siya nagtagumpay!"
Kapareho ko si Ate Minda. Napansin din pala niya na may nagbago na ngayong taon kay Jackson. Napansin ko rin maski ang pagkagulat niya sa sariling nararamdaman, at maging ang pagtatangka niyang umiwas sa akin. Pero katulad ko, pareho lang kaming bigo.
Nang umalis si Ate Minda ay nakatitig lang ako sa mga bigay ni Jackson. Sana nga ipaglaban niya ako at 'wag iwan sa ere nang nag-iisa. Nakakatiis pa ako sa pananahimik pero binulabog niya ako. Siya ang nanguna. Siya ang nagsimula ng lahat ng ito.
Hapon nang makareceive ako ng call from Hilda regarding our upcoming tour sa isa naming subject. Hindi naman compulsory pero malaki ang maitutulong for additional points sa grades this sem. Saka educational iyong tour na isa sa mga benefits maliban sa gala and bonding na rin with other students. Hindi ako ron sa bonding nae-excite kundi sa experience. Never pa kasi akong nakasali sa mga activities na kinakailangang lumabas ng school e. And noong bata ako ay hindi rin naman ako nakakapag-fieldtrip dahil home schooling ako.
"Hindi ka naglalalabas pag walang pasok. Mas gusto mo ring magkulong sa bahay, ah."
"Oo, Hilda. Peaceful dito e." Saka nandito sa bahay ang lahat ng kailangan ko.
"Hmn, oo naman. Mukhang masayang housemate si Babe Mayor!" Humagikhik siya.
Napangiti ako. Walang alam sila Hilda sa past ko. Ang alam lang nila ay nakikitira ako kina Jackson pero hindi kami magkaano-ano at kinikilig na sila sa thought na iyon. Kahit tinutukso ako nila Hilda ay hindi ako nao-offend sa kanila. Iba ang biro nila na talagang biro lang kaysa sa mga biro ni Olly noon na may laman.
"Fran, kapag sumama lang siguro kayo nina Bea sa tour, saka lang rin ako sasama. Hindi naman kasi compulsory iyon though gusto kong sumama dahil sa extra points, inaalala ko nga lang talaga na wala naman akong ibang friends maliban sa inyo. Baka kako langawin ako sa tour."
"I'll try magpaalam, Hilda. Sabihan agad kita." Lumabas ako ng kuwarto para puntahan si Jackson.
Payagan kaya ako niyon? Siguro naman, oo. Syempre, hindi siya hihindi dahil ganoon naman talaga kapag gusto mo ang isang tao, hindi ka makakahindi. Tiyak papayagan niya agad ako.
Sinadya ko siya sa study room. Pagkakatok ay pumasok na ako. "Hi."
Mula sa binabasang papeles ay umangat patungo sa akin ang kanyang paningin. Nasa gitna ng straight bridge ng matangos na ilong niya ang suot na eyeglasses. "Did you like the flowers?"
Nakangiti akong tumango. "Thank you pala."
"Good. I'll buy you again tomorrow," sabi niya saka bumalik sa binabasa.
Hindi ako umalis sa pagkakatayo.
Muli siyang tumingin sa akin. "Yes?"
"May sasabihin kasi ako kaya ako nandito. May tour kasi sa sa isang subject, magpapaalam sana ako. Not compulsory but may extra points sa grades. Two days lang naman and near Manila lang ang pupuntahan. It's an educational tour."
Tumaas ang isang kilay niya.
Naka-crossed fingers ako sa likod ko. "So okay lang ba na sumama ako? Two days lang naman."
Dumi-quatro siya habang itinatapik ang hintuturo sa ibabaw ng table. "How about... no?"
"Akala ko ba gusto mo ako!" pabulong na maktol ko.
"Two days, Fran. Nilalang mo iyon?"
Sumimangot ako.
"I can't see you for two days, and you think it's okay?"
Nabura ang pagkagusot ng aking mukha at napatingin ako sa kanya.
"But the decision is still up to you, Fran. Ayokong isipin mong hinihigpitan kita."
"You mean?" Nagningning ang mga mata ko.
"I mean, the decision is yours, Fran."
He's letting me decide now? Parang may mga nag-awitang anghel sa paligid.
"You're old enough to decide for your own, hindi na kita pangungunahan. Kung gusto mong umalis, fine. Maiksi lang talaga siguro sa 'yo ang dalawang araw na wala ako. I hope you enjoy the tour."
Bumagsak ang balikat ko. "Hindi naman sa ganun..."
"I told you, kung ako ang tatanungin, hindi kita pinapayagan. But, the final decision is yours, big girl."
No, hindi niya ako hinahayaang magdesisyon, kundi kinokonsensiya niya ako! At nakokonsensiya naman ako lalo ngayong ang lamlam ng mga mata niyang nakatingin sa akin. Sa huli ay wala akong nagawa kundi sumuko. "S-sige na... H-hindi na ako sasama sa tour..."
Gumuhit ang ngiti ng tagumpay sa mapula niyang mga labi. "Good girl. And because you chose to be with me, let me tour you instead." Napaangat ang mukha ko nang tumayo siya at lumapit sa akin.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro